Share

Chapter 5

CHRISTINE

Na sa katawan ni Kent ako ulit!

P-pero bakit? Anong nangyari? Kanina lang ay tandang tanda kong nakabalik na ako sa katawan ko!

"Anong nangyayari?" Sabi ko ng pasigaw kay Kent na ngayo'y nasa katawan ko.

Kahit siya ay nababalisa rin sa nangyayari. Pinaglalaruan ba kami ngayon tadhana or any sort of witchcraft? Bakit ito nangyayari sa amin?

Dahan dahan siyang humakbang papunta sa akin ngunit bago paman siya makalapit ng tuluyan ay muli kong naramdaman ang pag-iba ng aking pananaw. Tinignan ko ang aking sarili at nakita kong nakabalik ulit ako sa aking katawan. Ano itong nangyayari?

De bale, baka nagka malfunction lang siguro yung mahika na nararanasan namin ngayon.

"Mukhang nagka malfunction lang siguro. Sige mauna na ako," sabi ko at naglakad na papalayo. Ngunit sa di inaasahan, muling nag iba ang aking pananaw at muli akong bumalik sa katawan niya.

Nakakainis na ha! Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at inisip ng mabuti ang mga nangyayari ngyon. Sa tuwing lumalayo ako sa kaniya, napupunta ako sa katawan niya. Ngunit sa tuwing magkalapit kami, nagiging normal ang lahat.

Natigilan ako ng biglang magsalita si Kent. "Sa tuwing lumalayo ka, napupunta ako sa katawan mo. Pero sa tuwing magkalapit tayo, nakakabalik tayo sa sarili nating mga katawan". Pagpapaliwanag niya.

Tama! Yun din ang iniisip niya! Tatanungin ko pa sana siya ngunit nagpatuloy pa siya sa pagsasalita.

"I think I have a solution for this," sabi niya kaya lumiwanag ang aking mga mata.

"Ano yun?" sabi ko naman pero lumapit lang siya sa akin dahilan para makabalik ako sa katawan ko. Patuloy pa siya sa pag lapit sa akin ngunit wala pa rin siyang sinasabi.

"Ano nga yun?" pag-uulit ko.

Hindi pa rin siya nagsasalita at sa halip ay tinitigan niya lang ako kaya umiwas na ako ng tingin. Napaka manyakis niya talaga! Sasabihan ko na sana siya ng manyak pero sa wakas, nagsalita na rin siya.

"Mukhang mas kailangan nating pahabain yung halik," sabi niya.

Hayop! Ang bastos talaga! Akmang sasampalin ko na sa siya pero may bigla kaming nakarinig ng ingay mula sa di kalayuan. Bigla na lamang bumukas yung double-door na entrance papunta dito sa rooftop.

Imposible namang bumukas iyon nang dahil sa hangin sapagkat may spring naman ito kaya't kusa talaga itong magsasara. Ngunit kabaliktaran ito sa aming nakikita ngayon. Kusa itong bumukas at ngayo'y hindi na sumasara na tila ba tinatawag kami nito upang pumasok.

Nalaman ko nalang na dinadala na pala ako ng mga paa ko papasok sa pintuan. Sumunod naman sa akin si Kent dahilan upang manatili ako sa aking katawan.

Ewan ko pero nabighani nalang ako ng makita kong parang nagbago talaga ang ambience ng function hall pati ang mga muwebles sa loob. Ang dating modernong design nito ay napalitan ng antigong accent. Kung dati ay nagiisang wooden door lang ang double-door patungo sa rooftop at ang iba'y sliding glass doors na, ngayon ay puro na wooden ang nakikita ko. Mas naging antigo pa ito kung ikukumpara kanina nung pagpasok ko.

"Anong nangyari dito? Why did the hall turned this antique?" Tanong ni Kent.

Oo nga. Ano bang nangyayari? Una, nagising ako ng na sa katawan na ni Kent. Tapos nalaman naming kailangan kaming maging magkalapit literally para makabalik sa mga katawan namin at ngayon naman, ang pagbabago ng itsura hall?

Di ko na lang siya sinagot dahil hindi ko rin namin alam yung sagot sa tanong niya. Kahit ako'y nalilito na rin sa mga nangyayari. Kahit ang mga tao na naglilinis dito kanina ay bigla na lang nawala. Kahit ang mga on-going kalat na na produce habang naglilinis ay nawala na rin. 

Bumaba na kami sa staircase na ngayo'y gawa na sa marble. Bigla na lamang akong napatigil ng makita ang isang mesang umiilaw sa gitna ng hall na may aklat na kusang bumubukas sa ibabaw nito. Para siyang yung enchanted table sa minecraft! The book was even floating at ang lakas ng glow ng mesa.

Di namin namalayan na na sa harap na pala kami ng mesa. Walang ibang bagay ngayon sa hall kundi ang mesang ito lang.

Akmang kukunin na sana ni Kent yung aklat pero pinigilan ko siya. "Wait, hindi natin alam kung anong mangyayari kapag hinawakan mo yan," sabi ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako.

"Bakit? Are you afraid na baka may mangyari sa akin?" Tanong niya.

Kainis. Kahit seryoso na 'tong mga nangyayari, nagagawa niya pa ring magbiro ng ganyan! Hays.

"Of course not! Malay ba natin, baka biglang pumutok yan o baka sumabog," pagrereason out ko.

Huli na pala ng sinabi ko yun dahil kinuha na niya ang aklat at binuklat.

"Nonsense!" Sabi niya na parang dismayado.

Teka? Sinasabi niya bang nonsense yung sinabi ko? I was just being rational! Paano kung totoo talaga? Sa dinami dami ba namang nangyari sa araw na ito, parang wala na talang imposible!

"This is really nonsense! Akala ko pa naman this is the part where we'll know the mystery kung bakit nagkakaganito tayo ngayon," sabi niya.

Oh, haha ok! Yung aklat pala yung sinasabihan niya ng nonsense. Alaka ko ako e.

"Bakit? Ano bang nakita mo?" tanong ko.

Iniharap niya sakin yung aklat only to find out that it's blank. Hays, oo nga naman, nakakadismaya talaga.

"Wala na talagang ibang nakasulat?" tanong ko.

Sinuri niya pa ang aklat at nakita kong parang nag iba yung emotion niya.

"Oh wait, may book title," sabi niya.

"Ano yun?" Tanong ko naman na parang nacurious kung ano yung title ng aklat. Meron ba kasi nun? May title tapos walang laman? Sinong author?

"It's entitled 11:11," sabi niya kaya napa kunot yung noo ko. Saan ko nga ba ulit narinig yun? Ah, yun yung biggest one-day sale ng shopee at lazada!

"Take a look at this," sabi ni Kent na akmang ibibigay na sana sakin ang aklat ngunit nagulat na lamang kaming dalawa ng bigla itong lumiwanag at kusang nagpapage turn yung mga pahina kaya agad itong binitawan ni Kent at isinuli sa mesa.

"Anong nagyayari?" Tanong ko pero inilagay niya lang yung index finger niya sa labi niya na parang gusto niya ako patahimikin at binigyan pa ako ng pagmasdan-mo-nalang-kasi-look.

Sabay naming pinagmasdan yung aklat na ngayo'y bumubukas sa unang pahina.

Gulat na gulat lang kami ngayong nakatutok sa aklat pero mas nagulat pa kami ng may unti unting nasusulat sa unang pahina.

Pinagbigyan ng tadhana ang kanilang hiling subalit suliranin ang tingin nila sa pabor na kanilang nakamit.

Ano ang gustong iparating ng aklat na ito? At sinong tinutukoy niya? Nonsense nga talaga! Tatalikod na sana ako ngunit hinila ako ni Kent at sinenyasang may nadagdag pa. Tinutukan ko muli ang aklat at pinagmasdan ang mga karagdagang salita na nabubuo.

"Unang araw"

Patuloy lang ako sa pagmamasid ngunit biglang lumaki ang aking mga mata at lumakas ang tibok ng aking puso nang makita kong may sketch na unti unting nabubuo sa unang pahina.

Nang nabuo na ang larawan, sabay kami ni Kent na napalundag sa gulat.

"I-ito yung scene nung hinalikan kita kanina," sabi niya na ngayo'y halatang kinakabahan. Ipinikit ko na lang ang aking mata subalit nagpatuloy pa siya sa pagsasalita. "Ibig sabihin, tayo yung tinutukoy ng---" Hindi niya na tapos ang sinabi niya sapagkat sinigawan ko na siya.

"Hindi Mr. Cruz, Hindi! This bullsh*t is completely insane!" saad ko nalang.

Pilit ko mang itinatanggi pero ganon din ang naiisip ko. Kami nga ang tinutukoy ng aklat. Pero bakit? Anong ibig sabihin niyang pabor at hiling?

"Huwag kang mag-aalala. Maibabalik rin natin ang dati," sabi ni Kent.

"Pero paano?" tanong ko naman.

"Yan ay hindi pa natin alam sa ngayon pero I'm sure malalaman din natin ang sagot," sabi niya sabay kuha sa aklat mula sa mesa.

Dali-dali niyang hinila ang kamay ko at sabay na kaming tumakbo papalabas sa hall. Sabi niya, kinakailangan na raw naming tumakbo bago pa may mangyari kasi kinuha niya raw ang aklat. 

Nakakailang hakbang pa lang kami  ay bigla na lang akong nadapa dahil nasagi ng paa ko ang suot kong gown. Agad namang napalingon si Kent sakin at tinulungan akong makatayo. Ramdam kong tinititigan niya ang aking mga mata habang inaalalayan ako ngunit nauna na akong lumingon sa gilid. Ngunit matapos akong lumingon, nakita kong nag-iba na lang bigla ang paligid.

"T-tingnan mo," sabi ko sa kaniya sabay turo sa paligid.

May mga tao ng naglilinis. Nawala na rin yung mesa at bumalik na sa pagiging modern yung hall. May malaking chandelier sa ceiling at naging sliding doors muli ang mga pinto.

"Sino ho sila?" tanong ng isang janitress na ngayo'y nakatingin na sa amin. "Anong ginagawa niyo rito?"

Agad namang nagpalusot si Kent na ngayo'y hawak pa rin ang mahiwagang aklat kanina.

_

Magtatanghali na at nandito kami ngayon ni Kent sa library ng St. Luiz. Sinabi ko kasi sa kaniya na pumunta muna kami dito. Naaalala ko na yung tungkol sa 11:11. May nabasa akong book dito na naglalaman ng article tungkol doon and I just want to research more about it. Nang makita ko ito, agad ko itong binasa.

"The superstition and new age philosophy 11:11 is believed that if the clock strikes at the said time, either AM or PM, your wishes will come true," basa ko ng malakas upang marinig iyon ni Kent na ngayon ay nakaupo lang sa mesa.

Napatakip naman ako sa bibig ko ng maalala ko yung nangyari kagabi. Eksaktong sabay nagtext si Mang Jose sa akin noon habang winish ko si Kent. At nung tinignan ko yung message, eksakto ring 11:11 ko siya na receive. 

Pero napaisip din ako. Kung dapat magstrike ng 11:11 yung time para matupad yung wish, bakit somehow natupad naman yung wish namin kanina kahit hindi pa 11:11? At bakit sa dinami daming tao na naniniwala sa 11:11 katulad ni Bea, bakit yung samin pa ang na grant?

"Pero nung winish natin na makabalik tayo sa katawan natin kanina, hindi pa yun 11:11 diba?" Tanong ko kay kent at nagbabakasakaling may alam siya.

"Nung nagwish tayo kanina, hindi naman natupad. Pero nung hinalikan kita, natupad na yung wish natin? Hindi kaya related ito sa kiss lalo na't naging sketch pa ito dito sa aklat," Sunod sunod niyang sabi at ipinakita pa sakin yung image.

Yeah, he has the point. At parang naniniwala din ako sa sinasabi niya but the fact na lagi niyang binubrought up yung kiss is making me mad.

"Can you please stop talking about the kiss? Fine, I agree to what you said. Just don't talk about it anymore, okay?" Sabi ko sa kaniya at tumayo nalang para tumingin tingin pa ng ibang aklat ngunit nagulat na lamang ako nang bigla akong mapunta sa katawan niya.

"Masyado kanang malayo sakin babe," sabi niya habang papalapit sa akin gamit ang katawan ko.

"Cut the bullsh*t Kent," sabi ko sa kaniya. Kanina pa kasi niya ako tinatawag na 'babe' and it's seriously annoying.

After niya na reach yung 3-meter distance, ginamit naman niya ang katawan niya para patuloy na lumapit sa akin.

Oo, tama. Na-figure out na namin ni Kent kanina na kailangan na sa 3-meter radius yung lapit namin para makabalik kami sa katawan namin. 

Napaka accurate naman ng magic na nararanasan namin ngayon. Nabigla na lang ako nang marealize ko na ang lapit lapit niya na sakin.

"B-bakit?" pautal-utal kong sabi sa kaniya. Magkalapit na kasi yung mga mukha namin sa isa't isa ngayon.

"Huwag ka kasing lalayo sa akin babe," sabi niya kaya mabilis akong napalunok ng sarili kong laway. Akala ko tapos na siya pero may dagdag pa siyang sinabi.

"Kasi kung lalayuan mo ako, mapapasakin ang katawan mo. Mapapasakin ang lahat-lahat sayo." Sabi niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status