Share

CHAPTER 02

     “You know what, I like you. . . I like you to throw in the trash bin. You look like a living trash.”

     Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. He like me to what? Is he freaking insane o sperm na hindi nabuo? Babatukan ko na sana ang kulang sa arugang sperm nang biglang humagalpak ng tawa si Rhen. Imbes tuloy na ang katabi ko ang mabatukan ko ay sa balikat niya lumanding ang palad ko.

“Aray!” d***g niya. “Sorry na, hindi ko na napigilan ang tawa ko e'. Tama naman kasi si Gemar, friend.”

     “Ang—”

     “Kaibigan mo ‘to?” sabat ni Gemar kuno. Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita bago makisawsaw.

     “Alam kong hindi halata pero childhood best friend ko si Janine,” sagot ni Rhian.

      Ramdam ko ang pagkailang niya nang sabihin niya ang katagang iyon. Nakakahiya ba talaga ang itsura ko?

      “Wala lang talaga siyang sense of fashion. Hindi ata nagmana kay tita,” dagdag pa ni Rhian.

      Hindi na rin ako nakasingit sa usapan nila na ako lang naman ang topic. Parang wala ako sa tabi nila kung umasta sila. Wala na rin naman akong nagawa kundi lantakan ang pasta na nasa harapan ko. Hindi ko talaga maintindihan ang mga taong mahilig mamintas ng kapwa. Lahat tayo ay may sariling paniniwala at desisyon sa buhay. Hindi ba ay mas mabuting i-respito na lang ito at huwag na mangialam.

      Nagmadali na lang ako sa pagkain para makaalis na rito. Medyo kumukulo lang kasi ang dugo ko sa mga naririnig ko. Naiintindihan ko si Rhian dahil wala talagang tabas ang dila niya pero hindi ko matanggap ang panlalait ng lalaking hindi naman ako kilala.

      “Mauna na ako sa inyo.”

      Akma na akong tatayo nang maramdaman ko ang malamig sa damit ko. Mabilis lang namang binangga sa akin ng Sperm ang kamay niyang may hawak na soda kaya hindi na ako nakaiwas. Parang nag-instant ligo tuloy ako ng soda sa harap ng maraming estudyante.

      “That's how I introduce myself, I'm Gemar. Sorry pero sinasadya,” ngisi niya.

      Nilapitan naman ako ni Rhian at pinunasan ng tissue ang damit ko pero tinabig ko lang ang kamay niya. As if naman ay mabubura ng tissue niya ang mantsa. Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat sa ginawa ko pero nangibabaw pa rin ang nakaguhit sa mukha niya ang pag-aalala. Ngunit, pinasawalang bahala ko lang iyon, hindi ako hihingi ng paumanhin dahil sa aming dalawa ako ang kawawa ngayon.

      “Bastos ka talaga!” Dinuro ko si Gemar sa mukha pero hindi man lang nawala ang pagkangisi niya. “Nasa College ka na pero utak mo ay pang-elementarya! Base sa ID mo'y isa kang Nursing student pero sa ugali mo'y imbes na tumulong ka sa tao ay ikaw pa ang nagpapahirap. Grow up!” singhal ko.

       Wala akong pakialam kong naagaw ko na ang atensiyon ng iba. Wala akong pakialam kung anong maging impression nila. I'm here to study not to impress their freaking eyes.

       “Are you done with your speech?” Tumindig siya ng maayos at deritsong tiningnan ako sa mata. “Wala akong pakialam sa sinasabi mo kasi I can do whatever I want.”

      “How dare you!” Isang malakas na sampal ang binigay ko pero ako pa ang nasaktan. Literal na talagang makapal ang mukha niya.

      Hinawakan ako ni Rhian. “Halika na.”

      Wala na rin akong nagawa nang hilahin ako ni Rhian palabas ng Cafeteria. Una ko palang nakita ang lalaking iyon sa parking ay kumulo na talaga ang dugo ko. Nakakarami na siya ngayong araw.

      Wala akong naging imik hanggang marating namin ang locker room. Hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala instead na sa comfort room. Shunga rin itong babaeng ito e'. Hindi niya ba napapansin na nanlalagkit na ako sa damit ko.

      “May dala ka bang extra shirt?” tanong niya.

      Concern ba siya sa akin? Well, kaibigan ko siya pero hindi ko maitatanggi na nainis ako sa kanya. Kung hindi niya sana sinabayan ang panlalait ng Sperm na iyon sana ay hindi lumaki ang ulo ng lalaking iyon.

     Umiling lang naman ako bilang tugon. Mainit pa rin ang ulo ko kaya baka masinghalan ko lang ang babaitang ito.

     “Dapat lagi kang may extra clothes sa ganitong pagkakataon.” Binuksan niya ang locker niya at may kinuhang pulang damit saka inalok sa akin. “Itong akin muna ang isuot mo. Alam kong wala kang sense of fashion pero bagay ‘to sa ‘yo. May comfort room pala d'yan sa may left side.”

      Agad kong tinanggap ang damit niya at nagtungo sa sinabi niyang comfort room. Wala na akong pakialam kung anong klaseng damit itong binigay niya dahil ang mahalaga ay makabihis na ako. Hindi ko naman kasi inaasahan na ganito ang nangyayari sa akin.

      “Mukha ka nang tao, girl,” puna ni Rhian nang makabalik ako sa pwesto niya. “Sorry pala kung lampas na sa limit ang panlalait ko. Alam mo naman na wala talagang filter ang bibig ko.”

      “It's okay.”

       Naiintindihan ko si Rhian dahil simula noong High School ay ganyan na talaga siya. Madalas lang talaga ay nakakasakit na ang mga sinasabi niya.

       “Kung curious ka kung bakit may mga damit ako sa locker ay dahil ginagamit ko for emergency. Kapag sinabi kong emergency ay tulad ng biglaang date o gala. Alam ko namang maganda ako kaya marami talagang gustong makipagdate sa ‘kin. Kapag pinagbibigyan ko sila ay ‘di na ako umuuwi sa bahay dahil baka ‘di ako payagan ni mommy kaya nagdadahilan na lang ako na may group study. Ayaw kasi ni mommy na makipag-date ako kung kani-kanino lang lalo pa ay wala pa akong College Diploma. Do you think it's too old fashion?” Pag-kwento niya kahit hindi ko naman tinatanong.

       Did I forgot to say that she's talkative too? Lahat ata ng talent niya ay nasa bunganga niya. Kawawa ang magiging boyfriend nito dahil baka mabingi sa kaingayan niya.

        “It wasn't old fashion because parents know the best. Para naman sa kinabukasan mo ang iniisip nila. H'wag kang makipag-date kung kani-kanino dahil ‘di ito karera na kailangang magmadali. Much better to preserve yourself for the right one,” paliwanag ko.

       Magkaiba kami ng sitwasyon dahil hindi naman ako pinagbabawalan ng parents ko. Sila pa nga ang nagtutulak sa akin na makipag-date pero kailangang approved sa kanila ang lalaki dahil kung hindi ay manghihimasok sila.

       Maraming nakakagusto sa akin sa province kaya alam kong maganda talaga ako. Hindi ko lang alam kung may deperensiya ba sa mata ang mga taong laitera.

       “One week na ring hindi ko pinapaunlakan ang nagyayaya sa ‘kin. Hindi dahil sinusunod ko ang parents ko kundi dahil may isang lalaki akong gusto pero malabo. Kanina kasi ay nakita kong may gusto siyang iba. Hindi pa naman ako hulog sa kanya kaya handa akong magpaubaya,” pagkwento niya.

       “Ako ang kailangan pero hindi ang mahal~~~,” pagkanta ko sa song ni Moira na paubaya. Ramdam ko ang pagiging seryoso niya pero hindi ko napigilan nang bigla kong maalala ang kantang iyon.

      Alam kong mahilig siya sa mga lalaki pero hindi ko akalain na magiging seryoso siya.

      “Hindi ako nagbibiro,” she pouted.

      ”Sino ba kasi ang tinutukoy mo para matulungan kita,” pag-uusisa ko. Curious din naman ako kung sinong lalaki ang papatulan ng babaeng ito. Tingnan ko lang kung maganda ba ang taste niya.

       “Si Gemar ang crush ko pero gusto ka niya kaya magpapaubaya na lang ako para magka-lovelife ka.”

        Literal akong napanganga sa naging sagot niya. Sa rami ng lalaking magugustuhan niya ay bakit ang Sperm na iyon pa. May panama naman ang lalaking iyon sa itsura pero hindi ko nagugustuhan ang trato niya sa akin na parang pinaglihi sa sama ng loob. At iyon? Magkakagusto sa akin? Isang malaking kalokohan.

       “I know na hindi maganda ang naging trato niya sa ‘yo pero ang paraan ng pagtingin niya sa ‘yo ay paghanga. Ngayon lang kayo nagkita pero do you believe in like at first sight?” dagdag niya pa nang hindi ako magbigay ng komento sa una.

       “No, his eyes is full of disgust,” pagkontra ko. Nababaliw na naman ba ang kaibigan ko?

       “Tanga!” Pinitik niya pa ako sa noo. “Alam ko ang tinginan ng mga lalaki dahil hindi ko na mabilang ang mga lalaking naka-date ko. Maybe, he  wasn't aware with his feelings or maybe he's trying to deny it. Kilala ko siya since first year pero wala naman akong nabalitaan na napagtripan niya. Ikaw palang ang una kaya sa tingin ko ay nakuha mo ang atensiyon niya,” paglilinaw niya. Napapakunot-noo lang naman ako sa deduction niya.

       “Hindi mo ba naubos ang pagkain mo kanina? Mukhang nalipasan ka ng gutom, girl,” pang-aasar ko. Wala na kasi sa hulog ang mga sinasabi niya. “D'yan ka na nga.”

       Nginitian ko lang si Rhian bago naunang maglakad sa kanya. Unang araw ko palang dito pero de-ni-demonyo na niya ang utak ko. Hindi na rin ako nakapag-thank you sa kanya sa pagpapahiram ng damit niya pero alam ko namang alam niyang thankful ako sa kanya. Pero, kailangan ko muna siyang iwan dahil nakakabingi na ang kadaldalan niya.

       “Nakita ko na naman ang gwapong anak ni Miss Sophia dela Cruz...” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng kapwa ko estudyante.

     Sophia dela Cruz? Quite familiar...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status