TUMIGIL siya at nagpahinga saglit nang tumapat sa SGC Building. Buo na ang desisyon niyang ibaba ang pride para sa kanyang auntie kaya wala na rin siyang pake sa magiging reaksyon ni Enrico kung makita siya. Pumasok na ulit siya sa loob at tiningnan lang siya ng guard na parang sanay na silang makita siya roon. Nagkibitbalikat na lang siya at dumiretso na sa paglalakad. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang tenth floor. Napakunot ang noo niya habang nakatingin numero ng elevator.“50th floor naman ito pero bakit nasa 10th floor lang ang office niya?” bulong niya sa sarili. Umiling na lang siya at sumandal na lang. Bakit nga ba pati iyon ay iisipin niya pa. Problema na lang ’yon ni Enrico.Pagdating sa tenth floor, nakita niya agad si Shane na nag-assisst sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago ngumiti saka lumapit. Nakaupo ito at tila abala sa pagbabasa ng mga papel.“Hi! Good morning. Nandyan ba si Sir. Saldivar?” tanong niya.Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nang makilala
Wednesday Morning.Nasa kalagitnaan ng pagre-review ng mga plano si Enrico para sa kompanya nila nang sumulpot si Dale sa kanyang opisina. “Yow, pinsan!” bati nito saka naupo sa upuang nasa tapat ng mesa niya. Dumekwatro ito at inilagay ang dalawang palad sa batok. “Ang dami mo yatang oras para magpunta rito imbes na magtrabaho,” sambit niya nang hindi nililingon ang kausap. “Nag-survey ako sa mga chixx kung ano prepare nilang pulutan o kung ano ang gusto nila kung sakaling mag-clubbing sila. Pandagdag din sa Circle Club. Natapos na ako kaya naisipan kong dumaan dito.” “Sumayaw ka sa gitna ng naka-boxer lang, tingnan natin kung hindi ka dumugin ng customers,” sambit niya nang hindi nililingon si Dale. Napaayos ng pagkakaupo si Dale at mabilis na tumitig sa kanya na abala pa rin sa pag-review. Nabigla ito sa sinabi niya, akala nito’y may kasama sila sa loob. “What the hell, Enrico! May ganyan ka rin pa lang iniisip? Akala ko puro ka lang babae--” Natigilan siya nang makuha ang sin
PASADO Alasyete na at tila nag-enjoy na siya sa panonood pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa loob niya. Gustong-gusto na niyang umuwi pero hindi niya makausap si Danny o kahit si Lorie. Malayo kasi si Danny sa kanila habang tutok na tutok naman si Lorie sa bawat race. At si Danny na ang sunod na sasalang sa race nang may tumabi sa kanya. “If I win that race, will you accept my offer?” Malamig ang boses at pamilyar sa kanya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay hindi na siya nagulat pa. “Hindi ko tatanggapin ang offer mo kahit sampung emails pa i-send mo araw-araw sa akin, at kahit manalo ka pa ng tatlong beses dito ganoon pa rin ang sagot ko,” masungit niyang sagot. Hiindi na nakasagot ang kausap niya dahil sabay na nag-ring ang cellphone nila. Mabilis niya iyong sinagot at lumayo kay Enrico dahil auntie niya ang tumawag. Nagpaalam naman siya kanina kaya nagtaka siya sa pagtawag nito. “Hello, auntie, napatawag po kayo?” tanong niya. Hindi pa man nagsasalita ang auntie niya ay
PAGPATIGIL ng sasakyan nila sa tapat ng mall, bumaba agad sila at pumasok sa loob. Pero agad siyang napatigil nang may mapansin na pamilyar na mukha sa harapan nila ni Lorie. Walang iba kundi si Nico, may kasamang iba. “Bakit ka tumigil?” Nilingon siya ni Lorie pero ang mga mata niya ay nakatingin kay Nico kaya sinundan iyon ni Lorie. “Nothing. Let’s go, Lorie,” sambit niya at hinila na ang kaibigan. Hindi na nakapagsalita si Lorie at nagpatianod na lang. “Amanda, sandali lang.” Hinawakan siya nito sa kamay. Tiningnan niya lang iyon at agad na binawi ang kamay niya nang hindi tumitingin sa mga mata nito. Hindi siya umalis ngunit hindi rin siya nagsalita.“Let me explain,” saad nito. “Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo, Nico. The moment na sinagot kita, sinabi ko na sa ’yo ng diretso na huwag mo akong lolokohin na puwedeng maka-trigger sa trauma ko. Alam mo naman ang lahat sa akin, ’di ba?” sambit niya saka tiningnan si Nico sa mga mata. Dumaan ang lungkot sa mukha nito habang nak
Chapter 7ALAS nuebe na ng maluto ang sinigang at kasabay no’n ang pagdating ni Lorie Anne. Naghahain na si Amanda habang galing sa kusina ang kanyang Auntie Nita dala ang sinigang sa mangkok.“Hi!” bati nito at malawak na ngumiti. “Sakto, maupo ka na at sumabay ka na sa amin,” sambit ng auntie niya. “Wow! Tamang-tama, gutom na ako,” sagot naman ni Lorie Anne. Naiiling na lang siya habang umuupo.“Oh, teka at ikukuha kita ng plato,” sambit ni ng kanyang auntie at pumunta sa kusina. Naiwan silang dalawa. Tumabi sa kanya si Lorie Anne at bumulong. “Kumusta pag-apply mo?” “Mamaya ko na sasabihin, kakain na rin naman,” sagot niya. Hindi na umimik ang kaibigan dahil dumating na rin ang auntie niya habang may hawak na plato. Inilapag ito sa tapat ni Lorie Anne.“Kumain na tayo.”PAGKATAPOS nila kumain, niligpit din ni Amanda at hinugasan upang makapag-usap na sila ni Lorie Anne dahil kating-kati na ang kaibigan na malaman ang sasabihin niya. Hindi niya alam pero pagdating sa kadaldalan,
NAKANGITI siyang sinalubong ang kanyang Auntie sa coffee shop nito at saka bumeso. Pinaupo siya nito at kinuhaan ng tubig at cupcake. “Thanks, Auntie,” sambit niya.“No worries, pero bakit ang bilis mo yata mag-apply? Tapos na agad?” tanong nito sa kanya. Nabilaukan siya sa kinakain niyang cupcake dahil sa tanong na iyon kaya mabilis niya kinuha ang isang basong tubig.“Oh, dahan-dahan naman. May mali ba sa tanong ko at parang nagulat ka?” Nagtatakang tanong nito. Tinapos muna niya ang pag-inom ng tubig bago umiling at ngumiti.“Wala, Auntie. Naalala lang siguro ako ni Lorie,” sagot niya. Tumango-tango ang kanyang Auntie at hindi na muling nagtanong dahil may dumating na rin na customer sa coffee shop nito. Naiwan siyang mag-isang nakaupo kaya hindi na naiwasang maalala ang eksena sa opisina kanina. Marahan din niyang pinupokpok ang ulo dahil sa kagagahan niyang ginawa. “Bakit ba kasi ako nagpakalasing ng sobra noon? Kung anu-ano tuloy ginawa ko,” saad niya at muling kumain ng cupc