Nakayuko si Luna habang tinitingnan ang paligid ng banquet hall. Sa dami ng tao, sa dami ng ingay, napailing siya. Nakakapagod, nakakasuya nakakaboring.
Habang naglalakad siya palayo, balak sanang humanap ng sulok para makaiwas muna sa mga mapanuring mata at bibig na mapanira, may isang waiter na biglang sumulpot sa harap niya.
"Miss Luna," magalang na sabi ng lalaki, "iniutos po ng aming Boss na dalhin kayo sa mas tahimik na lugar."
Napakunot-noo si Luna, bahagyang umatras at itinaas ang isang kilay. "Sino 'yang sinasabi mong Boss?"
Tumango ang waiter sa direksyong malapit kina Loisa. "Si Boss Zion po."
Lumingon si Luna.
At doon niya nakita ang lalaki nakasuot ng itim na suit, ang tindig ay parang sundalo
Sa gitna ng ilaw ng pool at pagkagulantang ng mga tao, si Luna ay halos hindi na makakilos. Ang kanyang gown ay dumikit sa katawan niyang parang ikalawang balat sumasayaw sa bawat galaw ng tubig, ipinapakita ang hubog na tila inukit ng sining.Ang dating perpektong bun sa kanyang buhok ay ngayon ay buhaghag, bumagsak sa kanyang mga pisngi at batok mapang-akit, magulo, at nakakatulala.Sa isang iglap, wala nang alinlangan si Zion. Tumalon siya sa tubig kahit hindi pa ganap na natutuyo ang kanyang sarili sa pagkalunod sa kanyang iniisip kanina. Walang inintindi kundi ang babaeng nilamon ng tubig hindi dahil sa hindi marunong lumangoy, kundi dahil sa sakit at kahihiyang nilunok niya.Hinila niya si Luna palapit, mahigpit, para bang kahit ang tubig ay hindi puwedeng agawin sa kanya ang babae.
"Kung sobrang dami mong pakialam, bakit hindi ka nalang magtinda ng pancake sa Market?" Iyon ang banat ni Luna habang dahan-dahan siyang lumalapit kay Giovanni. Hindi ito sigaw, pero bawat salita’y parang sapak sa pride ng lalaki. Napatigil ang buong paligid. Ang kanyang mga mata ay kalmado, ngunit tagos sa buto ang bawat titig parang sinisilip ang konsensiya ng lalaki sa harap niya. "Sa totoo lang, hindi ko na maintindihan ang ibig mong sabihin, Giovanni." "Sabi mo, interesado ka sa akin. Pero hindi mo tinulungan ang kaso ko. Sabi mo, wala kang interes pero panay ang lapit mo." Mabagal siyang lumakad palapit. Walang halong pangigigil, pero may puwersa sa bawat hakbang tila bang bawat yabag ay pagbayad sa lahat ng pagkalito. "Either wala kang pakialam, o lahat pinapakialaman mo. Pero ‘yang style mo ng pakialam na parang buffet pili lang ng gusto aba, nakakabaliw." Lumalim ang titig ni Luna, habang ang labi'y bahagyang nakakunot, nilalabanan ang ngiting may halong hinanakit. "
Lahat ay tila nasa ilalim ng kontrol ni Luna mula sa mga salita niyang may dalawang ibig sabihin, hanggang sa pa-cute niyang hikbi na ginagamit na sandata. "Ikaw at si Vincent ay parehong anak ng iyong ama. Dapat magtulungan kayo sa ganitong panahon, ano sa tingin mo?" ani Ysabel, sa tono na pananalita kunwari'y mapayapa pero ang dila'y parang labaha. "Oo po," sagot ni Luna, nakangiti at nakatungo na parang mabait, pero sa loob-loob niya'y Kung kakampi ko si Vincent, mamamatay ako ng wala sa oras. Walang nakuha si Ysabel ni pasaring, ni lakas, ni aliw. At dahil maraming nakatingin, hindi siya puwedeng uminit ang ulo. Kaya iniwan na lang ni Ysabel ang eksena nang may pilit na ngiti. Paglingon ni Luna, agad niyang natanaw ang isang pamilyar na pigura. Si Giovanni. Nakasandal sa haligi, isang kamay ay nasa bulsa, at ang titig diretso sa kanya. Tumaas ang isang kilay ni Luna. Tangina. Ang paborito kong tanawin. Bago pa siya makalapit, may narinig siyang tanong mula sa isang babae
Pagod na pagod na dumating si Kim, parang hinabol ng isang buong araw ng stress. Paglapit niya kay Luna, agad niyang tinapik ang palad nito, halatang inis.“Dapat sabay kayong dumating, ‘di ba?” tanong ni Vergara, nakatingin sa dalawa habang bahagyang nakakunot ang noo. May halong pagtataka at tuwa sa kanyang tinig.Tumikhim si Luna, sabay taas ng kilay. “Oo nga, dapat. Kaso may isang taong”“Okay na, shut up!” mabilis na sabat ni Kim, sabay takip sa bibig ni Luna gamit ang palad niya. Alam niyang wala na namang magandang lalabas sa bibig ng kaibigan kapag ganito ang tono nito.Napakagat-labi si Luna sa kakatawa sa ilalim ng kamay ni Kim, habang si Vergara naman ay ngumisi lang at umiling.“Mas sw
Nakayuko si Luna habang tinitingnan ang paligid ng banquet hall. Sa dami ng tao, sa dami ng ingay, napailing siya. Nakakapagod, nakakasuya nakakaboring.Habang naglalakad siya palayo, balak sanang humanap ng sulok para makaiwas muna sa mga mapanuring mata at bibig na mapanira, may isang waiter na biglang sumulpot sa harap niya."Miss Luna," magalang na sabi ng lalaki, "iniutos po ng aming Boss na dalhin kayo sa mas tahimik na lugar."Napakunot-noo si Luna, bahagyang umatras at itinaas ang isang kilay. "Sino 'yang sinasabi mong Boss?"Tumango ang waiter sa direksyong malapit kina Loisa. "Si Boss Zion po."Lumingon si Luna.At doon niya nakita ang lalaki nakasuot ng itim na suit, ang tindig ay parang sundalo
"Paano mang-akit ng lalaki?" Hindi nagalit si Luna. Sanay na siya sa ganitong klase ng tirada. Kung tutuusin, mas nakakatawa pa nga mga babaeng insecure na hindi matanggap ang totoo na siya ang tipo ng babae na kahit hindi gumalaw, lumilinya ang lalaki. Bahagyang ngumiti si Luna, isang ngiting malamig na may halong hamon. "Kung hindi ka isinilang na may magandang kapalaran, pwede mo namang paghirapan kinabukasan," aniya habang marahang iniangat ang daliri at hinaplos pababa ang baba ng babaeng nang-asar sa kanya, saka tumingin sa paligid nang may bahid ng panunuya. "Pero payo ko lang, huwag mo nang ipilit. Sayang lang effort mo." Isang iglap pak! Tinabig ng babae ang kamay ni Luna. "Anong ibig mong sabihin?" galit na tanong nito. Ngumiti si Luna, hindi nawawala ang tikas sa kanyang tindig. "Pangit na nga, kung anu-ano pang ginagawa." bulong niya na sapat lang para marinig ng buong paligid. Nagkatinginan ang mga ginang, at ilang saglit lang ay narinig ang mahihinang halakhak. H