It’s been days since Levi and I fought over my parents, but I was still in shocked because of his confession. Magbabakasyon na naman kami at malapit nang mag-third year. How could my Tito do that? I couldn’t accept that... my father is a fucking rapist. Just hinking of him makes me want to vomit! Hindi pa kami ulit nagkakausap nina Tita. Kalalabas lang ni Tito sa hospital base kay Ate Mel. Ilang beses akong sinubukang contact-in ni Tita pero hindi ko ito isinasagot o kaya naman ay pinapatayan ko siya. I’m not yet ready to talk to them. I don’t think I could manage to hear their voice without getting mad. Kaya ba ako pinalalayo ni Tita dahil doon? Dahil ni-rape ng tatay ko ang nanay ni Levi? Tangina, ang sagwang pakinggan. Hindi ko masikmura. Nandidiri ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa silang harapin dahil ngayong wala pa sila sa harap ko ay nandidilim na ang paningin ko. He deserves to die! At bakit ak
Tama nga ang mga sabi-sabi na simple lang ang buhay pero maraming balakid at hindi inaasahang pangyayari. ’Yong tipong, akala mo ayos na pero hindi pa pala. Akala mo maaari ka nang umusad pero marami pa pa lang malalaking bato dahilan para huminto ka at maghintay sa mabagal na proseso. Ang sabi nila ay sumabay lang tayo sa agos ng buhay ngunit paano kung hindi na maganda ang pag-agos? Paano kung tumataliwas na ito sa gusto mong mangyari? Paano kung hindi kapani-paniwala ang agos ng buhay? Sasabayan ko pa rin ba ito? Hindi ko pa ulit nakakausap si Tita. Ayoko siyang kausapin o kahit sino sa kanila. Hindi pa ako handa dahil baka kung anong magawa ko dala ng galit. "Hoy, astig! Magkaklase pa rin tayo!" Inakbayan ako ni Aaron habang tinitingnan namin ang listahan ng mga sections. Ngumiwi ako. "Si Marga?" "Sa pagkakaalam ko ay sa ilang subjects lang ulit. Si Luis, sa isang subject
Walang mapaglagyan ang saya ko habang ikinukuwento sa kaniya ang nangyari. Lalo na iyong ikinuwento sa akin ni Mama noong highschool sila. Siya naman ay nakikinig lang sa akin at paminsan-minsan ay nangingiti dahil cute ako. Mama... Ang sarap sa pakiramdam. There’s a part of me na gustong ma-meet si Tita Alyanna. I wanted to say sorry kahit na wala namang gawa iyon at kahit sinabi ng mga nasa paligid ko na wala naman akong kasalanan. Pinaghahanap na ngayon ng mga Pulis si Patricio. He doesn’t deserve my respect. Binigay ko na rink kay Levi ang na-i-record ko para hindi na sila mahirapan sa pagkalap ng ebidensya. Lalo na at ilang taon na ang nakalipas mula nang maisarado ang kasong iyon. Wala pa man ay masaya na ako para kay Levi at kay Tita Alyanna. Hustisya lang naman ang makapagpapasaya kay Levi. Iyon lang ang makakapagpanatag ng loob niya. "Oh, tama na ang kuwent
"Congratulations!" My friends and I greeted each other. We even took a photo of us together. Hinanap ng mga mata ko sina Mama at nakita sila ni Papa na masayang nakangiti habang tinatanaw kami nina Aaron. "Graduate na tayo pero palamunin pa rin ako sa bahay," biro ni Jinx. "True," Luis agreed. "Shuta, hindi pa ako ready sa med school!" sigaw ni Cristel. "Ayos lang ’yan, sabay naman tayo, eh," saad ni Denise. "Saan kayo after?" Joyce asked. "Kakain kami sa labas nina Mama, Papa, Aaron, and Marga," I answered. "Kami rin, kasama fam ko and fam ni Chase," she said. Inasar-asar naman siya ng mga kaibigan namin. Masaya akong graduate na kami pero sa kabilang banda ay nalulungkot dahil hindi ko alam kung ano na ang ganap sa akin. Bukas ay gigising na ako na hindi iniisip ang mga subjects at profs na papasukan ko. Magsisimula na akon
TRIGGER WARNING: Rape, strong language. ---- "Aren’t you going to stop, Alex?" iritadong sambit ko nang bugahan na naman ako nito ng usok mula sa vape niya. He softly chuckled. "Fine, fine. I’ll stop." I rolled my eyes and continued watching netflix. A year had passed after graduation. A lot of things happened. Naging close ako sa mga pinsan ko sa side ni Papa. At iyong si Alex ang pinakaclose ko. Iyong lalaki na nagsabi noon na anak ako sa labas. Sino ba namang mag-aakala na makaka-close ko pa ang isang ’to? Si Hailey ay hindi ko gaanong close, nakakangitian lang kapag nagkakasalubong. Napag-usapan namin ni Alex ’yong tungkol kay Hailey. He said he was just overprotective to all of his cousins back then. Sinulsulan pa nga ako na hiwalayan ko na si Levi. Pero nagbibiro lang naman siya. Si Marga? Masasabi kong hindi na kami madalas nag-aaway
TRIGGER WARNING: self-harm, strong language, victim-blaming, rape. ---- Unti-unti akong magmulat ng aking mga mata nang marinig ang iilang boses na nag-uusap. Mabigat agad ang dibdib ko nang magising. Puting kisame ang unang bumungad sa akin. Napatingin ako sa bintana ng kuwarto ko. Tinatakpan ng puting kurtina ang sinag ng araw kaya hindi gaanong nakakasilaw. Wait... Kuwarto ko? Paano ako napunta rito? Napalinga-linga ako sa paligid at totoo ngang narito ako sa kuwarto ko. Panaginip ba ang lahat? Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang tumulo ang luha ko kasabay ng pagtaas ng aking mga balahibo. Sinubukan kong tumayo pero naramdaman ko kaagad ang pananakip ng buong katawan ko. Napahagulgol ako at napayakap sa aking sarili. Pinilut kong ibalot ang sarili ko sa makapal na kumot na para bang magagawa ako nitong tanggalin ang duming nakabalot sa katawan ko.
TRIGGER WARNING ---- May naririnig akong mga boses at kung anong ingay ngunit wala akong maintindihan. Habol ang hininga ko nang biglang may humila sa akin patayo. Natapon ang iilang tubig sa tiles ng banyo dahil sa biglaang pagbangon ko. "Are you trying to drown yourself?!" galit na sigaw ni Levi sa akin. Ilang sandali ay pumungay ang mga mata nito. "Baby, please..." I’m still alive. Nilibot ko ang paningin at nakitang nasa banyo pa rin ako. Ilang oras ba akong nasa ilalim ng tubig? Bakit nabuhay pa rin ako? Napaluha ako nang pumasok sina Mama sa banyo. Lalo akong napahagulgol nang biglang napaluhod si mama sa tiles ng CR. And then realization hits me. Sobrang selfish ko na talaga. Hindi ko na naiisip ang nararamdaman ng ibang tao. Naitakip ko ang parehong palad sa bibig ko. I’m sorry, Ma. I’m sorry
"W-who are you?" I asked the guy who stopped me from jumping. My eyebrows crossed as I pushed him a bit so I could see his face. He stiffened at my question. "Really, Gwy?" Gwy? Iyon ba ang pangalan ko? Sa ilang buwan na nagdaan, ni minsan ay hindi ko nakilala ang sarili ko. Alam ko ang pangalan ko ngunit hindi ko alam kung ano bang paborito kong kulay, pagkain, suotin, o kung ano-ano pa. Ang tanging alam ko lang tungkol sa aking sarili ay ang aking pangalan. Pangalan na hindi ko naman pagmamay-ari. Nanikip ang aking dibdib nang marinig ang kaniyang tanong. Simpleng tanong lang iyon ngunit hindi ko alam kung bakit iba ang epekto sa akin. "And what do you think you’re doing, huh? You’re going to jump?" he hissed. "Ilang buwan kitang hinanap at nandito ka lang sa manila? Paano kung hindi ako dumating? Then—" Tumulo na naman ang luha niya at