Biglaang nagising si Victorina sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman niya ang pagsakit ng kanyang puson. Sa pagtayo niya, agad siyang tumungo sa banyo, subalit huminto siya nang biglang marinig ang mga boses sa labas. Parang bulong lamang ang mga ito, ngunit sapat na upang kumalabog ang kanyang damdamin.
Hindi niya inasahan na ang pinaguusapan ay tungkol kay Ford, ang kanyang asawa.
“Ugh. How long should we keep up this charade? Pagod na ‘kong magpanggap, tita.” Nang marinig iyon ni Victorina ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakikinig sa kung ano ang pwedeng niyang malaman sa pamilyang ito.
“We have no choice, Leila,” wika ng isang pamilyar na boses.
Si Mathilda.
“If the word gets out that he is awake, it would be the end of us,” dagdag pa nito.
Nang marinig ang mga salitang iyon, parang binagsakan si Victorina ng isang malaking bomba. Hindi niya maisip kung paano niya ito haharapin. Hindi ba't si Mathilda, na akala niya'y tulad ng isang ina, ay kasabwat pala sa pagpapanggap?
Wala silang pinagkaiba.
“H-hindi siya comatose?” bulong niya sa sarili. Ang mga salitang ito ay naglalaro sa kanyang isipan. Hindi niya maintindihan kung bakit o anong dahilan at kailangan siyang paikutin at pakainin ng mga mabulaklak na salita ni Mathilda.
Alam niyang para ito sa kanilang pamilya ngunit, anong gampanin niya sa kanilang laro at siya ang napiling taya rito? Hindi niya mawari kung bakit kailangang siya pa sa dinami-daming tao.
Handang patunayan ang kanyang mga hinala, binuksan ni Victorina ang pintuan ng may determinasyon sa kanyang mga mata. Ang kanyang dibdib ay umaatungal sa mabigat na nararamdaman, hindi alam kung kaya pang pigilan ang umaapoy na galit.
Gulat at hindi makagalaw ang reaksyon nina Mathilda, Leila, at ang matalik na kaibigan ni Ford na si Warren de Leon nang lumabas ng kwarto si Victorina na umaapaw ang galit sa mga matang nitong tila’y kayang pumatay sa isang segundo.
“Niloko niyo ‘ko! Ford is not comatose!” sigaw nito habang dahan-dahang umaagos sa kanyang mapupulang pisngi ang kanyang luha dagdag pa ang kanyang galit na halos sumabog na sa bawat letrang kanyang binibigkas.
Tumayo si Mathilda at nilapitan si Victorina at nagsabi, “My dear Khae, I-I don't know what you're talking about. His condition is severe and w-we are trying to help him.” Hinawakan ni Victorina ang kamay ni Mathilda at pabagsak ng tinanggal ang pagkakakapit nito sa kanyang braso.
Hindi siya makapaniwala na ang itinuturing niyang ikalawang ina ay niloko at pinaikot lamang siya para sa kanilang kapakinabangan.
Walang pag-aatubiling tumakbo siya pabalik sa kanyang silid at padabog na isinara ang pinto. Sorang bigat ng kanyang nararamdaman at napakasakit ng kanyang dibdib dahil sa kanyang nalaman. Hindi niya akalain na ganito ang magiging epekto ng kanyang sitwasyon sa sarili niya.
Akala niya narito lamang siya sa ilalim ng bubong ng pamilyang Buenavista upang maging isang ‘asawa’ sa isang walang malay na lalaki at ang kapalit nito'y pera para sa kanyang pamilya.
Pero hindi niya inaasahang mapapalapit na pala ang kanyang damdamin sa lalaking isang beses niya pa lamang nakilala at nakita.
Ilang linggo na ang nakalipas at nanatili pa rin si Victorina sa tabi ng kanyang asawa at hindi tinatanggal ang kanyang tingin mula rito. Binabantayan niyang maigi ang bawat galaw nito upang mapatunayan sa kanyang sarili na siya ay hindi comatose.
Gusto niyang masaksihan ito sa kanyang dalawang mata upang mawala ang kanyang hinala kahit pa ito'y itinanggi na ni Mathilda.
Isang gabi, habang mag-isa si Victorina sa tabi ni Ford, may kakaibang pakiramdam na bumalot sa kanya—ang tawag sa kanyang sikmura, isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ng na nagpapainit sa kanyang katawan.
Nang hindi niya maunawaan kung bakit, lumapit siya nang mas malapit, ang kanyang puso ay kumakabog sa kanyang dibdib habang inilapit ang kanyang mga labi.
“Please, Ford. If you can hear me, give me a sign,” pagmamakaawa niya rito.
Dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang labi sa labi ng lalaki at mapusok itong hinalikan na tila ba'y siya ay isang gutom na gutom na aso.
Laking gulat niya na lamang ang pagtugon ni Ford sa kanyang mga halik at ang paggalaw ng mainit na kamay nito na naglalakbay sa kanyang katawan.
Itinulak niya ito at siya'y napatayo dahil sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na totoo nga ang kanyang hinala. Hindi comatose si Ford. Nagpapanggap lamang siya.
Nagtagpo ang kanilang mga mata na puno ng init at sabik sa bawat isa ngunit hindi rin maitatanggi ang poot sa kanilang mga mata.
“Please, just this once.” Tila mas lalong nag-init ang pakiramdam ni Victorina nang marinig niya ang malalim at nakakabaliw na boses ng kanyang asawa na naging dahilan kung bakit hindi niya rin matanggihan ang sensasyon sa tono nito.
Buong lakas siyang hinila ni Ford na hindi nagagawa ng isang tao mayroong malalang kondisyong hinaharap—ng isang taong bilang na lamang ang araw sa mundong ibabaw.
Ang kanilang mga labi ay magkatagpo sa isang matamis na halik, puno ng lungkot, poot, at wagas na pagmamahal. Ang init ng kanilang mga katawan ay nagkasalubong, tila mga labi na hindi mabubuwag ng panahon.
Sa bawat halik na kanilang ibinibigay sa isa’t-isa ay binubura ang galit at lungkot na kanilang kinikimkim. Sa isang iglap ang unti-unti tumutubong pagmamahal nila sa isa't-isa ay patuloy na umuusbong sa gitna ng gabi.
“I’m sorry, Victorina.”
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Victorina mula kay Eveline. Pagkatapos ng isang araw na panunuluyan nila Victorina at Ford sa probinsya, ay nakatanggap ng tawag mula kay Eveline si Victorina at pinapapunta ito sa kanilang mansyon.Hindi niya akalain na isang mainit na sampal pala ang bubungad sa kanya.“Ang kapal ng mukha mo, ‘no? Hindi kita ipinagkasundo sa pamilyang Buenavista para mamuhay ng sosyal. Tandaan mo, sa akin nakasalalay ang buhay ng pamilya mo!” sigaw ni Eveline habang dinuduro ang kawawang babae na si Victorina.“Anong sabi ko sa ‘yo? Make me updated kung ano mang nangyayari sa bahay na ‘yon! Pero anong ginawa mo? Tinago mo sa amin na buhay na buhay na si Ford!” dagdag pa ni Eveline.“Pasensya na po. Sobrang dami po kasing tumatakbo sa isipan ko–” naputol ang sinasabi ni Victorina nang sumingit muli si Eveline.“Here we go again with your excuses! I don’t care kung ano man ang iniisip mo! Hindi ‘yan ‘yong inuutos kong gawin mo–”“Hindi raw po ako isang Robles,”
“Are we going to spend the night here?” tanong ni Ford kay Victorina. Napatingin naman ang babae nang may kunot sa noo dahil sa narinig. Ang tahimik ng paligid, at ang tunog ng kuliglig lamang ang kanilang naririnig.“Yes, sir. Ayaw mo ba? Pwede naman na mauna kang umuwi. Susunod na lang ako kinabukasan.” Sinubukan ni Victorina na maging kalmado at mahinahon. Alam niyang hindi sanay si Ford sa ganitong simpleng pamumuhay sa probinsiya.Tila hindi makapaniwala ang lalaki sa narinig. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya pa naranasang mahiga sa sahig at matulog sa kwartong walang aircon. Tila ba isang malaking kahihiyan para sa kanya ang ganoong sitwasyon.“Not to brag, but hindi pa ako nakakatulog sa sahig at hindi king-sized mattress. This? A single-sized bed? Dito ako matutulog? No.” Halatang hindi komportable si Ford. Nakikita ito sa kanyang mukha at naririnig sa kanyang boses.“Wala namang lamok dito kaya ‘wag kang mag-alala. Malamig din ang simoy ng hangin dahil nga nasa probinsiy
“Manong Tsoy, baka pwedeng hindi muna ako magbayad ng utang ko? Hirap na hirap kasi ako ngayon magbenta ng mga gulay dahil sa tagtuyot. Parang awa mo na,” wika ng isang magsasaka.Si Manong Tsoy ay ang ama ni Victorina na nakatira sa probinsya. Isa siyang magsasaka. Kahit na matanda na, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho nang may makain sila ng kanyang asawa. Hindi naman kasi sila binibigyan ng pagkain ni Eveline buwan-buwan.Nagtayo rin sila ng munting tindahan para kahit papaano’y malibang ang kanyang asawa.“Walang problema, dong. Tsaka mo na ako bayaran kapag nakaluwag-luwag na kayo,” aniya habang nakangiti. Masaya na siya na malamang kahit papaano’y nakatutulong siya sa ibang tao.“Siya nga pala, Nong. Kailan pa huling bisita ni Vikvik? Kay tagal ko na siyang ‘di nakita.” Biglang namasa ang mga mata ni Manong Tsoy nang marinig ito dahil napakatagal nga naman talaga nang huling bumisita si Victorina sa kanilang probinsiya.“Ganoon talaga ang buhay. Wala tayong magagawa,” wika niya
Tatlong araw nang nananatili si Victorina sa loob ng kanyang silid. Ni hindi kumakain o umiinom man lang ng tubig ni minsan. Magang-maga na ang kanyang mga mata dahil sa patuloy niyang pag-iyak. Hindi niya mawari kung bakit gano’n na lang kagalit ang kanyang asawa. Kung bakit galit na galit ito kung sakali mang totoong hindi siya isang Robles?Imposible ring hindi niya totoong apelyido ang kanyang dala-dala dahil wala namang nabanggit sa kanya ang kanyang mga magulang na siya ay ampon lamang. Kaya’t marahil, isa lamang palabas ang ginawa ng kanyang asawa kamakailan.Napapikit siya ng mga mata at nagkunwaring natutulog nang marinig niya ang pagkatok sa pinto ng kanyang silid. “Honey. I brought you food. Kainin mo ‘to, ha. Eveline said adobong manok is your favorite, kaya nilutuan kita,” wika ni Mathilda. Palagi niya itong ginagawa magmula nang magkulong si Victorina sa kanyang silid. Sinisigurado niyang siya’y may pagkain tatlong beses sa isang araw, kasama na rin ang mga panghimagas,
“It's 2 am, dude! What are you doing up at this late hour?!” sigaw ni Warren dahil bigla na lamang siyang tinawagan ni Ford sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog at pinapunta sa kanilang masyon.“Get in the car,” utos ni Ford sa kanya. Napabuntong-hininga naman si Warren at nagsalita, “You didn't even answer my question—”“Get in the car, or you'll never see the sunrise,” sigaw nito at padabog na sumakay sa driver's seat at hinampas ang manibela ng sasakyan dahil sa pagkainis.“I'm as confused as you are. So, please, shut your mouth,” wika ni Ford at nagmaneho patungo sa kanyang opisina. Siya'y nagugulumihanan sa nangyari at sa kanyang ginawa. Hindi niya nagawang pigilan ang sarili nang hinalikan siya ng kanyang asawa na si Victorina. Dahil dito, nalaman tuloy niya na hindi totoo ang lahat.Nang siya'y matauhan nang mga sandaling dinadama nila ang pagmamahal na umuusbong sa pagitan nila ay dali-daling humugot si Ford ng isang syringe sa ilalim ng kanyang kama at itinusok ito sa kanyang
Biglaang nagising si Victorina sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman niya ang pagsakit ng kanyang puson. Sa pagtayo niya, agad siyang tumungo sa banyo, subalit huminto siya nang biglang marinig ang mga boses sa labas. Parang bulong lamang ang mga ito, ngunit sapat na upang kumalabog ang kanyang damdamin. Hindi niya inasahan na ang pinaguusapan ay tungkol kay Ford, ang kanyang asawa.“Ugh. How long should we keep up this charade? Pagod na ‘kong magpanggap, tita.” Nang marinig iyon ni Victorina ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakikinig sa kung ano ang pwedeng niyang malaman sa pamilyang ito.“We have no choice, Leila,” wika ng isang pamilyar na boses.Si Mathilda.“If the word gets out that he is awake, it would be the end of us,” dagdag pa nito.Nang marinig ang mga salitang iyon, parang binagsakan si Victorina ng isang malaking bomba. Hindi niya maisip kung paano niya ito haharapin. Hindi ba't si Mathilda, na akala niya'y tulad ng isang ina, ay kasabwat pala sa p