LOGINIsang aksidente ang nagpabago ng lahat. Nawalan ng dalawang buhay. At hindi ito hahayaang mangyari muli ni Ricardo Ford Buenavista, isang makapangyarihan at intelihenteng bilyonaryo. Kung ang aksidente sa kanilang mga pamilya ay bunga ng paghihiganti, ang tanging hiling ng kanyang mga kamay ay ang paghihiganti rin. Ngunit, paano niya ito magagawa kung siya ay nakatali sa isang babae, si Victorina Khae Robles? Magiging hadlang ba ito sa kanyang misyon? Sa gitna ng pag-aalsa ng damdamin at galit, pipiliin ba niyang sumunod sa landas ng katarungan, o matutunton niya ang landas ng pag-ibig at kapatawaran?
View MoreIsang malakas na sampal ang natanggap ni Victorina mula kay Eveline. Pagkatapos ng isang araw na panunuluyan nila Victorina at Ford sa probinsya, ay nakatanggap ng tawag mula kay Eveline si Victorina at pinapapunta ito sa kanilang mansyon.Hindi niya akalain na isang mainit na sampal pala ang bubungad sa kanya.“Ang kapal ng mukha mo, ‘no? Hindi kita ipinagkasundo sa pamilyang Buenavista para mamuhay ng sosyal. Tandaan mo, sa akin nakasalalay ang buhay ng pamilya mo!” sigaw ni Eveline habang dinuduro ang kawawang babae na si Victorina.“Anong sabi ko sa ‘yo? Make me updated kung ano mang nangyayari sa bahay na ‘yon! Pero anong ginawa mo? Tinago mo sa amin na buhay na buhay na si Ford!” dagdag pa ni Eveline.“Pasensya na po. Sobrang dami po kasing tumatakbo sa isipan ko–” naputol ang sinasabi ni Victorina nang sumingit muli si Eveline.“Here we go again with your excuses! I don’t care kung ano man ang iniisip mo! Hindi ‘yan ‘yong inuutos kong gawin mo–”“Hindi raw po ako isang Robles,”
“Are we going to spend the night here?” tanong ni Ford kay Victorina. Napatingin naman ang babae nang may kunot sa noo dahil sa narinig. Ang tahimik ng paligid, at ang tunog ng kuliglig lamang ang kanilang naririnig.“Yes, sir. Ayaw mo ba? Pwede naman na mauna kang umuwi. Susunod na lang ako kinabukasan.” Sinubukan ni Victorina na maging kalmado at mahinahon. Alam niyang hindi sanay si Ford sa ganitong simpleng pamumuhay sa probinsiya.Tila hindi makapaniwala ang lalaki sa narinig. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya pa naranasang mahiga sa sahig at matulog sa kwartong walang aircon. Tila ba isang malaking kahihiyan para sa kanya ang ganoong sitwasyon.“Not to brag, but hindi pa ako nakakatulog sa sahig at hindi king-sized mattress. This? A single-sized bed? Dito ako matutulog? No.” Halatang hindi komportable si Ford. Nakikita ito sa kanyang mukha at naririnig sa kanyang boses.“Wala namang lamok dito kaya ‘wag kang mag-alala. Malamig din ang simoy ng hangin dahil nga nasa probinsiy
“Manong Tsoy, baka pwedeng hindi muna ako magbayad ng utang ko? Hirap na hirap kasi ako ngayon magbenta ng mga gulay dahil sa tagtuyot. Parang awa mo na,” wika ng isang magsasaka.Si Manong Tsoy ay ang ama ni Victorina na nakatira sa probinsya. Isa siyang magsasaka. Kahit na matanda na, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho nang may makain sila ng kanyang asawa. Hindi naman kasi sila binibigyan ng pagkain ni Eveline buwan-buwan.Nagtayo rin sila ng munting tindahan para kahit papaano’y malibang ang kanyang asawa.“Walang problema, dong. Tsaka mo na ako bayaran kapag nakaluwag-luwag na kayo,” aniya habang nakangiti. Masaya na siya na malamang kahit papaano’y nakatutulong siya sa ibang tao.“Siya nga pala, Nong. Kailan pa huling bisita ni Vikvik? Kay tagal ko na siyang ‘di nakita.” Biglang namasa ang mga mata ni Manong Tsoy nang marinig ito dahil napakatagal nga naman talaga nang huling bumisita si Victorina sa kanilang probinsiya.“Ganoon talaga ang buhay. Wala tayong magagawa,” wika niya
Tatlong araw nang nananatili si Victorina sa loob ng kanyang silid. Ni hindi kumakain o umiinom man lang ng tubig ni minsan. Magang-maga na ang kanyang mga mata dahil sa patuloy niyang pag-iyak. Hindi niya mawari kung bakit gano’n na lang kagalit ang kanyang asawa. Kung bakit galit na galit ito kung sakali mang totoong hindi siya isang Robles?Imposible ring hindi niya totoong apelyido ang kanyang dala-dala dahil wala namang nabanggit sa kanya ang kanyang mga magulang na siya ay ampon lamang. Kaya’t marahil, isa lamang palabas ang ginawa ng kanyang asawa kamakailan.Napapikit siya ng mga mata at nagkunwaring natutulog nang marinig niya ang pagkatok sa pinto ng kanyang silid. “Honey. I brought you food. Kainin mo ‘to, ha. Eveline said adobong manok is your favorite, kaya nilutuan kita,” wika ni Mathilda. Palagi niya itong ginagawa magmula nang magkulong si Victorina sa kanyang silid. Sinisigurado niyang siya’y may pagkain tatlong beses sa isang araw, kasama na rin ang mga panghimagas,
“It's 2 am, dude! What are you doing up at this late hour?!” sigaw ni Warren dahil bigla na lamang siyang tinawagan ni Ford sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog at pinapunta sa kanilang masyon.“Get in the car,” utos ni Ford sa kanya. Napabuntong-hininga naman si Warren at nagsalita, “You didn't even
Biglaang nagising si Victorina sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman niya ang pagsakit ng kanyang puson. Sa pagtayo niya, agad siyang tumungo sa banyo, subalit huminto siya nang biglang marinig ang mga boses sa labas. Parang bulong lamang ang mga ito, ngunit sapat na upang kumalabog ang kanyang da
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Victorina nang tumambad sa kanya ang katawan ni Ford pagkabukas niya ng pinto na walang saplot at tanging kumot lamang ang tumatakip sa pribadong parte ng katawan nito. “This is my everyday routine as his caregiver.” Tuloy lamang ang kanyang pagpunas at paglilinis sa
“Oh my! Is this my daughter-in-law? She's…gorgeously stunning!” wika ni Mrs. Buenavista nang bumaba si Victorina mula sa engrandeng sasakyan na pagmamay-ari ni Mrs. Solano. Lumapit si Victorina sa kanya at nagmano. Napangiti naman ng abot tenga ang ina ni Ford dahil sa pagiging magalang ng batang







![Hiding The Fuckboy‘s Children [TAGLISH]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)










Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews