Pasensya na at napasarap ang pagkakasulat ko dito. Thank sa gems, comments at paghihintay po sa update nito.
Pagdating ni Lorelay sa bahay ni Mr. Shein, naabutan niya agad ang mga nagkalat na bote na nasa sahig. Kumunot ang noo niya at hinanap ang asawa sa loob, ngunit napatalon siya sa ingay na nagmumula sa kusina kaya kinakabahan siyang nagtungo papuntang kusina. Napasinghap siya sa kaniyang naabutan. Nakita niya si Mr. Shein na may kahalikang iba.Nagtama ang paningin nila, imbes na mahiya ay mas lalong siniil ni Mr. Shein ang labi ni Maira, anak ng business partner niya.Agad na nanikip ang dibdib ni Lorelay at ramdam na niya ang luha sa kaniyang mga mata.Nagulat nalang siya nang may palad na tumakip sa mata niya."If you want to fvck that slut, get a room, Shein." Matigas na pagkakasabi ni Lee. Isinandal niya si Lorelay sa kaniyang dibdib habang ang palad ay nakatakip pa rin sa mga mata nito. Naramdaman ni Lee na nabasa ang mga palad niya, tanda na umiiyak si Lorelay. "What are you doing, Lee?" Galit na pagkakasabi ni Mr. Shein kay Lee lalo na nang makita na halos yakap na ng kaibi
Napuno ng tao ang buong venue. Maraming babae, mapabata man o matanda ang nanonood ng ganap sa court. Napa-face-palm si Sico habang nakatingin sa dalawang matanda na nagpapatagisan ng galing sa sayaw na Dayang-Dayang. "Rico, are you sure na dito muna tayo?" bulong ni Sico sa kakambal niya habang nakangiwing nakatingin kay Zee at Lee na nag showdown sa harapan. "Parang ayaw ko na sila maging daddy at uncle," sagot ni Rico na kanina pa nahihiya sa pinaggagawa ng dalawa. Samantala, namuo ang tension sa pagitan ng dalawa no'ng dumating si Lee kanina. Naiinis si Zee nang makitang parang inaagaw ni Lee ang attention ng dalawang bata. "Remind me again Sico bakit sila nag showdown." Sumimangot si Sico at binalingan ang kapatid saka walang pagdadalawang isip na tinuro ito. "It's your fault." Tumingin si Rico sa kaniya at napabuntong hininga. "I guess it is." Pag-amin niya. Kanina, habang nasa court ang apat, nagkasundo sila na mag basketball. Magka-team si Rico at Zee at ka team ni Si
"Sumama ka sa akin!" Matigas na pagkakasabi ni Mr. Shein kaya nagmamadali akong hugasan ang mga plato."Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko."To Vicente. We'll visit him now. It's his birthday." Sagot niya sa akin habang nakatingin sa laptop niya.Tumaas ang gilid ng labi ko. Mula no'ng hinalikan niya ako sa noo, masasabi kong maayos-ayos na rin ang relasyon namin.Hindi nga lang gaya ng dati ngunit hindi na kasing pait ngayon. Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis ng damit.Nakasimpleng pantalon lang ako at naghanap ng magandang pang itaas. I'm sure, puro mayayaman ang nandoon, ayaw kong magmukhang kawawa.Ngunit wala pala akong magandang damit na nadala maliban sa spaghetti strap na kulay pula. Wala akong choice kun'di suotin iyon.Dahil wala naman akong make-up, naglagay lang ako ng polbo sa mukha.Paglabas ko ng kwarto, naroon na si Mr. Shein, naghihintay sa akin. Ngumiti ako sa harapan niya.Sinuyod niya nang tingin ang buong kabuoan ko. Agad siyang napalunok at napatuwid ng
Tahimik si Lorelay buong gabi hangga't sa makauwi sila. Hindi na rin bumalik si Richmoon sa table nila. Tuluyan na itong nawalan ng gana. Nang makababa siya ng sasakyan, diri-deritso siyang naglakad na walang lingon-lingon.Nakamasid lang si Mr. Shein sa galaw ni Lorelay. Kanina pa niya napapansin ang pananahimik nito mula ng makabalik siya sa table nila.Hinilot niya ang sentido niya at hindi muna pumasok. Pinili niyang sumandal sa sasakyan at nagsindi ng yosi habang tinatanaw ang pigura ng asawa na papasok sa loob ng bahay nila."Is she mad?" dahil wala namang sumagot sa pahapyaw niyang tanong, humithit nalang siya sa sigarilyo hangga't sa naubos niya ito saka siya nagpasya na pumasok.Dumiretso siya sa kwarto nila mag-asawa at idiniposito ang sarili sa kama nila.Nakahiga siya sa dalawang kamay niyang inilagay niya sa likuran ng ulo saka nakatingin sa itaas at iniisip kung may nagawa ba siyang mali para tumahimik ang asawa niya buong magdamag.'Why things won't work between us smo
Buong magdamag na umiyak si Lorelay at hindi lumabas sa kwarto niya. Hindi niya matanggap na pagkatapos nilang magtalik mag-asawa ay basta nalang siya in iwan nito sa sofa, na walang damit at parang isang lantang gulay.Para bang ang naging dating no'n sa kaniya ay para siyang isang parausahan lamang na pagkatapos makaraos ay basta nalang iniwan.Kumatok si Mr. Shein sa kwarto ni Lorelay. Mugto ang mata nitong bumangon at pinagbuksan ang asawa.Tumambad sa kaniya ang perang nakalahad sa harapan. Kumunot ang noo niya at napatitig sa perang hawak ni Mr. Shein na inaabot sa kaniya."Take this," kung kanina ay nainsulto na siya sa biglang pang-iwan nito sa kaniya, ngayon na inaabutan siya ng pera ng asawa ay mas lalo siyang nainsulto.'Para saan ito? Bayad sa pagpapagamit ko sa katawan ko?' tanong ni Lorelay habang walang buhay na nakatingin sa perang inaabot ng asawa niya sa kaniya."Aanhin ko iyan?" walang buhay na tanong niya kay Mr. Shein."Pamibili mo ng kailangan mo," walang emotion
"Oh God! Ang cute ng mga bata!" Hindi pa rin makapaniwala si Richmoon na nakilala niya ang dalawang supling ni Lorelay at Mr. Shein. "Kaya nga ganito ako maka react kay Lorelay. She needs the protection the most." Natahimik si Richmoon at nagtuloy-tuloy sa pagmamaneho papunta sa bahay ni Mr. Shein. Malayo-layo na sila ni Lee sa bahay ni Zee, nang biglang sabay silang napatalon sa gulat nang may biglang nagsalita sa likuran nila. "Malapit na po ba tayo, uncle Rich?" Parang tinakasan ng dugo si Richmoon at Lee nang makita si Rico na nasa likuran at inosenteng nakangiti sa kanila. "Putang- I mean, Holy mother!" Hindi makamurang ani ni Lee dahil hindi niya inaasahan ang presensya ni Rico sa likuran nila. "Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa dito? Paano ka napunta dito?" sunod-sunod na tanong ni Richmoon sa bata. Umupo si Rico sa upuan at sumandal. "Kanina lang po. I heard uncle Lee na susunduin niyo si mama and I wanted to come so nandito ako." Napanganga ang dalawa. Hindi alam a
Hinintay ko pang matulog ang dalawang bata. Walang sinabi si Rico kay Sico at mabuti naman dahil mamo-mroblema na ako oras na malaman pa ng isang anak ko ang tungkol sa nakita ni Rico.Si Sico pa naman ang mahirap kontrolin. Kung anong gustong makuha, dapat ay makuha niya.Alas nuebe na. Kinakabahan na rin ako habang binabaybay namin ang daan pabalik sa bahay ni Mr. Shein.Kasama ko si Lee at Richmoon. Nang makarating kami sa loob, sa gate palang nakita ko na ang asawa ko, nakatayo at hiinihintay ako.Dali-dali akong lumabas pero bago pa man ako makatapak sa lupa, hinabilin ni Lee ang annulment.Tumango ako sa kaniya at nagpaalam. Nilabas lang ni Richmoon ang ulo niya para makita si Mr. Shein. "Inuwi na namin, Ho. Sensya, na traffic.""I went to her house but wala kayo doon. Saan kayo? At anong traffic?"Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. We live in the same town, hindi uso ang traffic sa bayan namin.At hindi rin malayo ang bahay niya sa amin. "Sorry, hindi ka na namin na inform, p
Kinabukasan, maaga akong nagising. Plano ko sanang magluto para makakain si Mr. Shein ng maaga ngunit nagulat ako nang makita na mas nauna siya sa 'kin magising. Gising na siya at kasalukuyang nagluluto sa kusina. May suot na apron sa ibaba at topless sa itaas. Napanganga ako sa gulat at agad na kinusot ng mata to check kung hindi ba ako namamalikmata lamang. Nang makabawi sa gulat ay lumapit ako sa kaniya. Sumulyap siya sa akin, "good morning." Simpleng pagbati niya. Ngumiti pa siya and it's the genuine one I've ever seen mula ng makabalik ako. I blink thrice dahil hindi ako makapaniwala na nandito siya at nagluluto. "Umupo ka na," aniya kaya napaupo rin ako. "S-Sorry. Ikaw pa nagluto," mahinang sabi ko. Ngumiti lang siya sa 'kin at tumango. "It's fine," sagot niya. Maya-maya pa ay dumating si Vicente, dala ang envelope na agad niyang ibinigay kay Mr. Shein. Napatitig ako kay Vicente nang makita ang bagong ayos nito sa kaniyang katawan. "Ang gwapo mo," mahinang sabi ko. N