Share

Kabanata 7

Penulis: Elysian Sparrow
Pakiramdam ko may nadurog sa loob ko. Paano ako naging miserable sa pagmamahal ko para kay Finn?

“Bitawan mo ako, Kox,” sinabi ko, nanginginig ang boses ko. “Maaaring hindi ka mabuting kapatid, pero mabuti akong kaibigan. Hindi ako mauupo lang at panonoorin ang kaibigan ko na lokohin ulit. Lalabas ako doon.”

Hindi kumilos si Knox. Nanatili ang mahigpit niyang kapit sa bewang ko, hindi kumikilos ang katawan niya.

Kalmado ang boses niya ng nagsalita siya, sa paraang lalong gumalit sa akin, “Hindi kita puwede hayaan lumabas doon, Kitten. Pisikal kitang pipigilan kung kinakailangan.”

“Sino ka ba sa tingin mo?” sagot ko bigla. “Wala kang karapatan kontrolin ako, Knox. Bitawan. Mo. Ako.”

“Hindi kita kinokontrol. Pinipigilan kita na pagmukhaing tanga ang sarili mo—ulit.”

Kung nakakawala lang ang mga kamay ko, baka nasampal ko na siya ngayon. “Nagsisimula ko ng makita kung bakit hindi ka nababanggit ni Finn sa sampung taon kaming magkakilala. Napakaarogante mo, nakakainis na g*gong walang pakielam sa ibang bagay kung hindi sarili lang niya. Mas pipiliin mo na masaktan ang kapatid mo kaysa gumawa ng paraan.”

Nagdilim ang mga mata ni Knox, at panandalian, tingin ko talaga may nakita akong masama sa mga mata niya. “Iyon na nga mismo, Sloane. Gusto ni Finn na nasasaktan siya ni Delilah. Gusto niya ang pagiging toxic niya. Adik na siya doon. Ang tao lang na may nakikitang problema sa pagiging sila ay ikaw. Itigil mo na ang pagpoproject mo ng nararamdaman mo kay Finn.”

“Hindi mo puwede sabihin sa akin kung anong dapat ko maramdaman o gawin, ikaw na may galit sa kapatid.”

Ngumisi si Knox. “Isipin mo kung anong gusto mo isipin. Pero gusto ko na maging masaya si Finn. Sa kasamaang palad, si Delilah iyon. Matagal ng siya. Mananatiling siya.”

“Nakakadiri ka.”

“Ano ba ang eksakto mong magagawa doon, Sloane? Gusto mo ba siyang ikulong sa maximum-security prison sa kung saang isla? Ikadena siya sa basement mo? Laging babalikan ni Finn si Delilah. Sa tingin mo ba ikaw ang unang tao na gustong tapusin ang munti nilang love story? Tumigil. Ka. Na.”

“Hindi ko kaya.”

Lumabas ang mga salitang iyon bago ko pa mapigilan. Malalim ang paghinga ko, namumula ako, at nakatayo ako doon na parang tanga habang nasasaktan para sa taong ibang babae ang hinahabol.

Tumagilid ang ulo ni Knox, sinuri niya ako habang nakatitig sa akin na parang predator na nakakita ng kahinaan ng prey niya. “Ano kaya kung magpustahan tayo?” sinabi niya.

Sumingkit ang mga mata ko. “Pusatahan?”

“Kung matutuloy ang kasal nina Delilah at Hunter, hahayaan kita para habulin mo si Finn hanggang sa dulo ng mundo kung gusto mo. Sundan mo siya na parang devoted na tuta. Hindi ako kikilos para pigilan ka.”

“At paano naman kung hindi?”

Delikadong ngumisi ng unti-unti si Knox.

“Kung hindi magkakanda letse-letse ang kasal—bagay na mangyayari talaga—hindi kita titigilan sa panliligaw, Sloane Mercer. Walang lugar sa mundong ito kung saan makakapagtago ka at hindi kita mahahanap. Papasok ako sa loob ng isip mo, ng katawan mo, ng kaluluwa mo. Sisirain kita ng husto para sa iba. Hinding-hindi mo magagawang mag-isip, huminga, o kaya matulog ng hindi ako nararamdaman kung saan-saan. Sisiguruhin ko na makakalimutan mo si Finn. May mga bagay na puwede ko gawin sa iyo. Mga bagay na gusto kong gawin sa iyo…”

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi na ako makahinga. Tumalikod ako mula kay Knox, humarap ako ulit sa bintana, napapaisip kung bakit parang kinukuryente ang katawan ko. Pagkamuhi ito, sambit ko sa sarili ko. Purong, walang halong pagkamuhi ang dahilan kaya nagkakaganito ang katawan ko—hindi pagnanasa, hinding-hindi pagnanasa. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hyperaware ako sa bawat espasyo sa pagitan namin, na parang walang damit sa humahati sa pagitan ng aming mga balat.

Sinubukan ko lumayo, pero mahigpit ang kapit niya sa akin, dumampi na ang mga labi niya sa tenga ko. Kinilabutan ang buong katawan ko.

“Ang kailangan mo lang ay makahanap ng ibang bagay na magiging obsession mo,” sinabi niya. “Bagay na pagbabalingan mo ng obsessive energy mo. Ako na ang magbibigay nito sa iyo. Bibigyan kita ng hobby, Kitten, isang masarap na hobby.”

Gusto ko na gawin niya iyon.

Diyos ko po.

Ano ba ang problema sa akin?

Kapatid ito ni Finn. Hindi ako puwedeng mainlove kay Finn at magkaganito sa kapatid niya. Pero, pinagtataksilan ako ng katawan ko, nagrereact ako sa kanya sa paraang hindi ako nagrereact sa iba.

“Hindi mo ito puwedeng gawin,” sinabi ko, hindi ko na kilala ang boses ko. “Kapatid ka ng bestfriend ko. May code of conduct para sa ganitong mga bagay.”

“Code? T*ng inang code yan,” sinabi niya. “Kapag may nakita akong gusto ko, kinukuha ko. Hindi tulad mo, na naghihintay lang ng tahimik, hinahayaan mo na lumipas ang buhay mo. Bagay itong ituturo ko sa iyo, Sloane Mercer, kung paano mo babaluktutin ang kagustuhan ng universe at kunin ang gusto mo.”

Nahirapan akong huminga. “Hindi ko kailangan ang mga turo mo. Salamat na lang.”

Hinawakan niya ang bewang ko, mas inilapit niya ako sa kanya, at sa tingin ko may buto pa ako sa katawan para kontrahin siya.

“Lagi kong nakukuha ang gusto ko,” sinabi niya, masama ang tono niya. “At dahil ang gusto ko sa mga sandaling ito ay ikaw, umasa ka na sana hindi matuloy ang kasal. Wala akong ibang gusto gawin kung hindi itali ka at ibaon ang sarili ko ng sobrang lalim sa iyo kung saan mawawalan ka ng malay.”

Pangako, pakiramdam ko bibigay ang mga binti ko. Nag-iinit ang balat ko, mabilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang bara sa lalamunan ko. Hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong klaseng pagka-akit—itong matinding pagkaakit na tinatalo ang rason ko, moralidad, at katapatan. Hinding-hindi ito katulad ng sweet na sakit na nararamdaman ko para kay Finn. Isa itong bagay na mas madilim pa, mas delikado, at siguradong mas nakakatakot.

“Layuan mo ako,” bulong ko.

“Tanggapin mo ang deal, Sloane.”

Nanginginig ako. Sumisigaw ang isip ko na tumakbo ako, pero nakasandal ang katawan ko sa kanya na parang traydor na p*ta.

Sa mga sandaling ito, kinamumuhian ko ang sarili ko kaysa pagkamuhi ko sa kanya kahit na ganito—kahit na may nararamdaman ako para kay Finn—may parte sa akin na gustong makita kung anong mangyayari kung papayag ako.

Napalunok ako ng matindi, desperada akong dumistansiya, para magkaroon ng kontrol sa sarili. “Sige,” sinabi ko, tumingin ako sa mga mata niya. “Deal. Kapag natuloy ang kasal, hindi na ako makakarinig ng balita sa iyo. Kapag hindi natuloy… galingan mo na lang.”

Napakasama ng ngisi ni Knox. “Oh, Kitten. Hinding-hindi mo alam kung anong ginawa mo.”

Sigurado akong ipinirma ko ang kaluluwa ko sa demonyo, ng walang kapalit.

“Alam mo ang ibig sabihin nito, tama,” sinabi niya, “May wedding pa ako na kailangan guluhin.”

“Ano? Hindi. Hindi. Hindi. Sinabi mo na hindi mo guguluhin ang kasal.”

“Sinabi ko iyon bago mo tanggapin ang deal. Sa tingin mo ba mananalo ka kung magiging patas ka?”

“Hindi mo guguluhin ang kasal nila, Knox.”

“Pustahan tayo?”

“Tapos na ako sa mga pustahan mo. Kung gagawa ka ng kahit kaunting paraan para sirain ang kasal nila, papabagsakin kita.”

Natawa siya. “Sige ba, Kitten. Tignan natin kung sinong mananalo.”

Bago pa ako makasagot, bumukas bigla ang pinto, at pumasok doon si Finn, mukhang impyerno ang pinagdaanan niya. Magulo ang buhok niya, mapula ang mga mata, lugmok ang mga balikat. Ang makita siyang durog, mahina at malinaw na nasasaktan—nahimasmasan ako bigla, at naalala ko kung bakit ako nandito, kung anong mahalaga.

Pareho kaming humarap sa kanya, at tinignan kami ni Finn—napansin na magkalapit kami—nanlumo ako bigla.

Diyos ko po.

“Anong ginagawa ninyo?” tanong ni Finn, ramdam ang pagdududa sa bawat salita niya.

Lumayo ako kay Knox na parang napaso ako. “Wala.”

Sumingkit ang mga mata ni Finn. “Kayo ba ay… Diyos ko po. Naghahalikan kayo?”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 152

    “Bakit nga pala ito sikreto?” tanong ni Serena. “Bakit ayaw mo sabihin sa amin, Nay?”Bumuntong hininga si Nanay. “Gusto ko masiguro muna na kaya ko ito.”“Siyempre kaya mo yan. Malakas ka. Lalaki ba o babae?”“Sa ngayon, triplets.”“Triplets?!” sabay namin na sinabi ni Serena.“IVF statistics,” sab

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 151

    Sa labas, naramdaman ko ang lamig ng hangin sa balat ko. Nagmaneho ako sa pamilyar na kalsada ng may kaunting tensyon sa dibdib ko. Nagsisimula na lumubog ang araw, kita ang kulay gintong liwanag nito at mga anino sa paligid. Paulit-ulit akong tumitingin sa susi na ibinigay niya sa akin, nandoon sa

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 150

    Nagmadali akong lumapit sa kanya at yumakap sa balikat niya. Mas payat pa siya kaysa sa naaalalako pero kapansin-pansin ang presensiya. Naamoy ko ang pamilyar na halimuyak ng pabango niya, gardenia at parang kahoy na amoy ang lumuod sa akin.“Ah, ingat ka, iha,” sabi niya, natatawa. “Hindi na kasing

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 149

    Ginugol ko ang buong sabado ko para pag-usapan namin ni Knox si Lydia. Kala ko ang hiniling ko sa kanya ay buksan ang kamao ni Thanos gamit ang nail file.Nakakapagod. Pakiramdam ko nagsasayaw ako sa paligid ng landmines sa bawat kaswal na mababanggit ang kabataan niya. Kinakain ako ng curiosity ko,

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 148

    “Tapos na ang pagyayabang, Delilah,” sabi niya. “Kailangan ko ng pabor.”Sinabi niya ito na parang business lang. Na parang hinihiling sa babaeng pinalayas niya sa ibang lugar para balikan ang broken niyang kapatid ay isa lang negosasyon. Hindi ko alam kung dapat ba ako humanga o matakot.“Nababaliw

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 147

    Nakatitig ng masama si Soraya kay Knox, ang karamihan sa dahilan ay mula sa hindi siya makapaniwala kaysa sa nasaktan siya. Pagkatapos, tumalikod siya at kinuha ang pitaka niya at naghanap sa loob, naglabas siya ng key ring, at inigahis ito sa lamesa.Tumunog ang bakal sa kahoy.“Alam mo kung saan m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status