***
~~~SLOANE~~~
***
Hindi ako makapaniwala dito.
Tatlong oras sa eroplano. Stuck ako ng isang oras sa miserableng Asheville airport. Tapos makikita ko si Finn dito na nakikipaghalikan kay Delilah Crestfield?
Ang kapal pa ng mukha ni Finn na magmukhang guilty.
“Sloane, pasensiya na at nakita mo ito—”
“Pasensiya?” hindi ko siya pinatapos magsalita, nanginginig sa galit ang boses ko. “Ang inaasahan ko pa naman ay kay kahit kaunti kang respeto sa sarili mo, Finn. Ikakasal na ang babaeng yan sa loob ng dalawang araw, at nakikipaghalikan ka sa kanya?”
“Mas gusto mo ba na ikaw ang kahalikan niya?” tanong ni Delilah.
“Huwag mo yan gawin,” nagalit si Finn sa kanya.
“Bakit hindi? Miserable siya dahil walang may gusto sa kanya. Iyon ang dahilan kaya ginugugol niya ang oras niya para kontrolin ka. Matanda ka na para gawin ang kahit anong gusto mo.”
“Matanda? Pareho kayong umaastang parang mga bata,” nagsalita ako. “Anong plano mo dito, Finn? Palihim kayong magkikita? Ikakama mo siya sa honeymoon nila ni Finn habang wala siyang malay?”
Natawa si Delilah na akala mo parang baluktot itong biro. Kumikislap sa liwanag ang engagement ring niya, malinaw na mamahalin, bagay lang na lalong gumalit sa akin.
“Iiwan na ni Delilah si Hunter,” sinabi ni Finn, mukhang kumpiyansa siya.
Pero sumimangot si Delilah. “Hindi, hindi ko siya iiwan. Saan mo nakuha ang ideyang yan?”
“Naghalikan tayo.”
“Ano naman? Hinid ibig sabihin ikakansela ko na ang kasal ko.”
“Iyon mismo ang ibig sabihin nito, Lila.”
“Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Mangyayari pa din ang kasal, Finn.”
Pinanood ko maglaho in real time ang pag-asa sa mukha ni Finn, napalitan ng sakit.
Pinapatay siya nito. At ikinagagalit ko ito. Kailan ba siya matututo?
“Umalis ka na ditong lalakero at mapagmanipulang babae ka,” sinabi ko sa kanya.
Ngumiti si Delilah. “Ano naman kung ayaw ko?”
“Ineenjoy mo ito, ano? Ineenjoy mo ang pagtotorture sa kanya. Ineenjoy mo na ibinibitin mo ang sarili mo sa harap niya, dahil alam mong masyado siyang inlove para makita kung gaano ka kasama at mapagmanipula sa paglalaro mo sa kanya.”
Umirap si Delilah. “Anong gagawin mo? Papagalitan mo ako hanggang mamatay ako? Pambihira. Pagod na si Finn sa mga sermon mo, Sloane.”
“Itikom mo yang p*tang inang bibig na yan,” galit kong sinabi, lumapit ako sa kanya. “Lumayas ka dito.”
“Sweetheart, siya ang nag-imbita sa akin dito. Baka kung kasing hot mo ako at kasing galing sa kama, ikaw naman ang pansinin niya.”
Sinunggaban ko siya.
Pero pinigilan ako ni Knox.
Nakalimutan ko na kung nasaan ako. Nakayakap ang mga braso niya sa akin na parang bakal, hinatak ako palapit sa dibdib niya at palayo sa pinupuntirya ko.
“Bitiwan mo ako, Knox,” sabi ko.
“Hindi ko yan puwedeng gawin, Sloane.”
Nahirapan ako sa kapit niya, binibigyan ako ng lakas ng galit ko. “Magiging bayolente ako sa iyo ngayon mismo.”
“Tama na, Kitten. Hayaan mo sila.”
Kitten? “At bakit ko naman iyon gagawin?” tanong ko.
“Dahil kailangan nila itong ayusin ng sila lang. Lumalala lang ang lahat dahil sa presensiya mo. Bigyan natin sila ng privacy.”
Gusto ko makipagtalo. Gusto ko sumigaw. Pero tama siya. At naiinis ako dahil tama siya.
Kaya, hinayaan ko siyang hatakin ako palayo.
Naririnig ko ang boses ni Finn sa likod ko, mahina at broken habang nagmamakaawa kay Delilah na huwag siyang iwan. Gusto ko masuka.
Sa oras na makarating kami sa living room, pakiramdam ko sinilaban ako sa loob ko. Napaupo ako sa sofa, galit na galit.
Naupo si Knox sa tabi ko, nag-inat siya.
“Ganyan ka ba kadrama madalas?” sinabi niya. “Oo nga pala, pinagmumukha mong obvious ng husto ang sarili mo.”
“Pinagmumukhang obvious ang ano?”
“Na in love ka kay Finn.”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Paano niya iyong nalaman? “Hindi ako in love sa kanya,” sagot ko.
“Oh, in love ka,” tinatamad na sinabi ni Knox. “Kahit si Finn alam.”
“Anong sinasabi mo? May nabanggit ba siya?”
Nagkibit-balikat si Knox, tinignan niya ako gamit ang itim niyang mga mata. “Kailangan pa ba niya sabihin? Ngayon lang tayo nagkakilala at naramdaman ko na agad. Ilang taon ka na niyang kilala. Ikaw na bahala mag-isip.”
Tumayo ako at nagsimula maglakad-lakad, nanginginig ang mga kamay ko habang pinoproseso ito. Biglaang parang ang liit ng kuwarto, nahihirapan ako huminga. “Mali ka sa kung ano man ang tingin mong alam mo. Hindi ako in love kay Finn.”
“Okay.”
“Hindi nga, Knox.”
“Kung anuman ang makakatulong sa iyo makatulog sa gabi, Kitten.”
“Tumigil ka na kakatawan sa akin niyan.”
“Ng ano? Kitten?”
Bago pa ako may maihagis sa kanya—insulto, o kaya vase—nagmamadaling bumaba ng hagdan si Delilah, patakbo siyang lumabas ng pinto. Hinahabol siya ni Finn na tulad ng isang g*gong simp. Pareho silang tumakbo palabas, sumarado ng malakas ang pinto sa likod nila, dumagungdong ang lakas sa buong bahay.
Hindi man lang ako tumigil para mag-isip. Kumilos ako para sundan sila, pero si Knox na mahilig gumawa ng gulo, ay hinawakan na naman ako sa braso.
“Anong problema mo?” nainis ako, galit akong humarap sa kanya.
“Hindi ko gusto na may gawin kang katangahan sa bahay ng mga magulang ko.”
“May pakielam ako sa kaibigan ko. Malinaw na wala kang pakielam sa kanya, kung hindi, tinatawagan mo na dapat si Hunter ngayon para sabihin sa kanya na nangangaliwa ang fiance niya.”
Suminghal si Knox. “Sa tingin mo ba hindi alam ni Knox? Ilang buwan na siyang nangangaliwa.”
Napanganga ako. “Seryoso ka ba?”
Paano itong nagagawa ni Delilah? Paanong may ganito siyang kapangyarihan sa mga lalaking ito?
Inudyok ako ni Knox patungo sa bintana, mahigpit ang kapit niya sa bewang ko. Nararamdaman ko ang bawat parte ng katawan niyang nakadikit sa akin. Ang init. Ang muscle niya. Ang amoy niya. Balot nan balot ako, kung saan naging imposible na mag-isip ako ng malinaw. Kakaibang pakiramdam, sobrang kakaiba na hindi ko alam kung anong tawag dito. Ang masasabi ko na lang ay ramdam na ramdam ko ang presensiya ni Knox. Parang nasa bawat sulok siya. O baka ganito ang reaksyon ko dahil sobrang tagal na ng mahawakan ako ng lalaki.
Sinubukan ko magfocus sa eksena sa labas ng bintana. Si Finn at Delilah ay nasa tabi ng pool, nagtatalo. Nasa magkabilang gilid ni Finn ang mga kamay niya at nakasarado ng mahigpit, mahigpit ang panga niya sa inis. Samantala, si Delilah naman ay mukhang kalamado. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, pero sa tingin ko hindi ko na kailangan. Ilang beses ko ng nakita ang eksenang ito—nagmamakaawa si Finn, habang pinapasunod lang siya ni Delilah sa gusto niya. Nakaramdam ako ng pait sa sikmura ko.
“Kung gusto mo silang panoorin, Kitten,” sinabi ni Knox, malapit ang mga labi niya sa tenga ko, “may magandang view mula dito. Sa ganitong paraan, hindi mo sila maiistorbo. At puwee natin silang pagchismisan kung gusto mo. Ngayon sabihin mo sa akin, Sloane, anong sa tingin mo ang pinagtatalunan nila?”
Sinubukan ko na hindi mapansin kung gaano nakakakiliti ang boses niya, kung paanong kinikilabutan ang leeg ko.
“Baka tungkol sa pag-iwan sa kanya ng tuluyan,” sagot ko.
“Mali ka. Hinding-hindi siya iiwan ni Delilah. At hinding-hindi rin bibitiw si Finn. Soulmate nila ang isa’t-isa. Parehong mga toxic. Pero ganyan talaga ang buhay. Hindi matatapos ang cycle.”
May senyales sa tono niya na parang sumuko na siya, na parang ilang beses na niyang nakita ang dramang ito. Hindi tulad niya, hindi pa ako handang sukuan ang bestfriend ko.
“Newsflash, Cupid,” sinabi ko, “ikakasal na siya sa iba. Mukhang hindi totoo ang soulmate theory mo.”
“Sa tingin mo matutuloy ang kasal?”
“Siyempre oo.”
“Hindi yan.”
Suminghal ako at humarap sa kanya. “Anong ibig mo sabihin? Guguluhin mo ba?”
“Hindi ko na kailangan. Ganoon lang talaga sila. Maghihiwalay sila, magbabati. Toxic nilang cycle yan.”
“Ang sama mo, Knox. Umaasa ka ba talaga na dudurugin ni Delilah ang puso ng kaibigan mo?”
“Walang makapagpapasaya sa akin ng husto maliban sa magkabalikan si Delilah at Finn.” Kaswal ang tono niya, na parang walang pakielam. Gusto ko sampalin ang mayabang niyang itsura.” Mabuting lalaki si Hunter. Hindi nararapat na pagdaanan niya ito.”
“At dapat lang sa kapatid mo? Nararapat ba ito sa kanya? Nararapat ba na patuloy siyang torturin ng babaeng iyon?”
“Anong sa tingin mo ang sagot ko sa tanong mong yan, Sloane?”
“Inaasahan ko na may pakielam ka.”
“Sa tingin mo ba wala?” tanong niya.
“Mayroon ba? Kung mayroon, pinapalayas mo na dapat si Delilah mula sa bahay na ito.”
“Bakit ko iyon gagawin?”
“Dahil kapatid mo siya.”
“Kapatid na malinaw na in love.”
Hindi ako makapaniwala dito. “Pag-ibig ang tawag mo doon? Ginagamit lang siya. Paano iyon naging pag-ibig? Baka hindi ka pa naiin love noon kaya hindi mo alam kung anong itsura nito. Kaya ko sabihin sa iyo gamit ang buong puso ko na hindi ganoon ang itsura ng pag-ibig.”
“Anong itsura nito, Sloane?” Pareho ba ito ng nararamdaman mo para kay Finn? Dahil mukhang napakamiserable nito.”