Sa kabila ng kanyang buong tiwala at wagas na pagmamahal sa asawa, hindi kailanman inakala ni Isabella na sa bawat ngiti at yakap nito ay nakatago ang isang kasinungalingang wawasak sa buo niyang mundo. Hanggang isang gabi, tuluyang nabunyag ang mapait na katotohanan: ibinenta siya ng sariling asawa. Hindi bilang katuwang, hindi bilang mahal sa buhay—kundi bilang isang kabayaran sa kasunduan na iniligtas ang naluluging negosyo nito. Ang kapalit? Isang multi-milyong dolyar na kontrata. Isang kasunduang isinakripisyo ang kanyang dignidad. Mas lalong bumigat ang lahat nang malaman niyang ibinenta siya kay Sebastian Montgomery—isang kilalang business tycoon na kinatatakutan ng marami. Malamig, walang kompromiso, at may kapangyarihang durugin o buuin ang sinuman sa isang iglap. Ngayon, ang tanong: Paano mo lalabanan ang isang lalaking may legal na pagmamay-ari sa’yo… ngunit unti-unting inaangkin pati puso mo?
Lihat lebih banyakISABELLA POV:
"A-anong ibig sabihin nito?!" Nalilitong tanong ko habang hawak ang mga papel na nakalatag sa aking harapan. Hindi ako makapaniwala sa aking nababasa—mga resibo, kontrata, at listahan ng utang... lahat ay nasa pangalan ng aking asawa, si Ethan.
"Tsk! Di ka ba marunong magbasa?" sarkastikong tugon ng lalaking nakaupo sa madilim na couch, walang balak ipakita ang kanyang mukha. Hawak niya ang isang sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri, habang ang usok nito'y unti-unting sumasayaw sa hangin. Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, para bang nalilibang siya sa kalagayan ko. Ang malamlam na ilaw sa silid ay nagbibigay ng anino sa kanyang matalim na panga at mapanuksong mga mata, na parang nagmamasid sa akin na tila isang biktimang nahulog sa kanyang patibong.
Mariin kong tinapunan siya ng tingin bago bumaling muli sa aking asawa. "Hindi ikaw ang kinakausap ko!" mataray kong tugon. Ngunit tila walang balak si Ethan na sumagot. Nakayuko lamang siya, animo'y isang batang nahuli sa paggawa ng kasalanan. Ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa kanyang tuhod, mahigpit na nakakuyom na para bang pinipigilan ang sarili na magsalita.
"Baka may hindi ka pa nalalaman, Mrs. Ramirez... O dapat bang tawagin kitang MISS Santiago?" Malamig at puno ng panunuya ang tono ng estrangherong lalaki. Muling naningkit ang aking mga mata, unti-unting pumipintig ang galit sa aking dibdib. Sino siya? Bakit parang mas marami pa siyang alam tungkol sa aking asawa kaysa sa akin?
"A-ano bang pinagsasabi mo diyan, ha?!" bulyaw ko sa kanya, ngunit nanatili lang siyang nakangisi. Ang kanyang titig ay puno ng panunuya, tila ba ini-enjoy ang pagguho ng mundo ko.
"Hmm... Ano, Mr. Ramirez? Ako na ba ang magpapaliwanag sa kanya o ikaw na mismo?" patuloy niyang pang-uuyam kay Ethan. Ngunit hindi pa rin ito sumagot. Wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig, ni hindi niya ako magawang tingnan sa mata.
"Mukhang hindi niya kayang sabihin sa'yo, hmm?" Isang nakakalokong tawa ang lumabas mula sa lalaking ito. Muli siyang humithit sa sigarilyo, pagkatapos ay marahang bumuga ng usok na tila sinasadya pang iparamdam sa akin ang bigat ng kanyang presensya.
Mataas na ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Ang tahimik na silid ay parang lumiliit, tinatabunan ako ng bigat ng sitwasyon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Umalis ka na—"
"Kung may aalis man sa kwartong ito, wala nang iba kundi ang asawa mo." Matigas at malamig ang kanyang boses, dahilan upang maputol ang aking sasabihin. Napaatras ako, nilamon ng kaba at pagtataka ang buong sistema ko.
"A-anong ibig mong sabihin...?" Muli akong bumaling kay Ethan, umaasang itatanggi niya ang anumang iniisip ko ngayon. Ngunit nanatili siyang tahimik, parang isang estatwang wala nang kaluluwa.
Napangisi ang estrangherong lalaki, saka lumapit sa akin, ang tingin niya'y para bang isa akong tropeong napanalunan niya. Napansin ko ang matipuno niyang tindig—ang paraan ng paglakad niya, puno ng kumpiyansa at bahagyang yabang, na para bang alam niyang walang makakatakas sa kanya. Sa bawat hakbang niyang palapit, ramdam ko ang bigat ng presensya niya, ang panganib na dala ng kanyang malamig na tingin. Hindi ko alam kung takot o galit ang nararamdaman ko, ngunit alam kong hindi ko dapat ipakita ang panghihina sa harapan niya.
Ramdam ko ang init ng kanyang hininga nang marahan niyang ibinulong ang mga salitang nagpatindig ng balahibo ko.
"Ibig sabihin, binenta ka na sa akin ng asawa mo. Ikaw ay akin na ngayon, my Bella."
Biglang nanlamig ako sa boses niya, at nanayo ang mga balahibo ko nang mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Ang titig niya ay puno ng determinasyon, isang titig na nagsasabing wala akong kawala.
"From now on, just do what I want," bulong niya, habang ang kanyang mainit na hininga ay dumampi sa aking tenga. Napalunok ako, hindi dahil sa takot kundi sa kakaibang tensyong bumalot sa akin. Ang puso ko ay nag-uumalpas sa kaba at galit, ngunit ang katawan ko naman ay tila natutop sa presensiya niya.
"Hindi ako laruan na basta mo na lang kukunin," madiin kong sabi, pilit na pinatatag ang sarili ko.
Ngunit ngumisi lang siya, waring natutuwa sa sagot ko. "We'll see about that," aniya bago tumalikod saglit at humithit muli ng sigarilyo. "Dahil simula ngayon, wala ka nang ibang pagpipilian kundi ako."
Napaatras ako, ngunit kasabay noon ang lalo niyang paglapit. Ang katawan niya ay halos dumikit na sa akin, at ang amoy ng kanyang mamahaling pabango ay humalo sa usok ng sigarilyo. Ang init ng katawan niya ay tila nagpapaso sa akin, dahilan upang lalong lumakas ang pintig ng aking puso.
"Natatakot ka ba?" bulong niya sa akin, bahagyang inianggulo ang kanyang mukha upang mas lalong idikit ang labi niya sa aking tainga. "O baka naman... natutukso ka?"
"Umalis ka sa harapan ko," mariin kong sabi, pilit na pinapalakas ang boses ko kahit ramdam kong nanginginig ang aking tuhod.
Ngunit hindi siya natinag. Bagkus, bahagya pa niyang itinukod ang isang kamay sa dingding sa gilid ko, tuluyang inipit ako sa kanyang presensya. Napatingin ako kay Ethan, umaasang magsasalita na siya, na ipagtatanggol niya ako. Ngunit nanatili siyang tahimik, nakayuko, para bang hindi man lang niya kayang tingnan ang ginawa niyang pagkakanulo sa akin.
"Talagang iniiwasan mo ako, hmm?" Naramdaman kong dumaan ang kanyang daliri sa gilid ng aking panga, bahagyang iniangat ito upang mapatingin ako sa kanyang mga mata. "Pero paano kung sabihin kong wala ka nang ibang pupuntahan? Ako na ang bago mong mundo, Bella. At mas mabuting tanggapin mo na iyon bago pa maging mas mahirap para sa'yo."
Nanigas ang katawan ko. Ang pangungusap niyang iyon ay tila nagtataglay ng isang babala—isang banta na hindi ko pa lubos na nauunawaan. Ngunit isang bagay ang malinaw: hindi ko basta-basta matatakasan ang lalaking ito.
Biglang nanlamig ako sa boses niya, at nanayo ang mga balahibo ko nang mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Ang titig niya ay puno ng determinasyon, isang titig na nagsasabing wala akong kawala.
"From now on, just do what I want," bulong niya, habang ang kanyang mainit na hininga ay dumampi sa aking tenga. Napalunok ako, hindi dahil sa takot kundi sa kakaibang tensyong bumalot sa akin. Ang puso ko ay nag-uumalpas sa kaba at galit, ngunit ang katawan ko naman ay tila natutop sa presensiya niya.
"Hindi ako laruan na basta mo na lang kukunin," madiin kong sabi, pilit na pinatatag ang sarili ko.
Ngunit ngumisi lang siya, waring natutuwa sa sagot ko. "We'll see about that," aniya bago tumalikod saglit at humithit muli ng sigarilyo. "Dahil simula ngayon, wala ka nang ibang pagpipilian kundi ako."
Napatingin naman ako kay Ethan, ngunit tila ba wala na siyang emosyon. Blangko ang kanyang mukha, hindi ko mabasa kung may pagsisisi ba o wala. Nakatingin lamang siya sa aming dalawa, ngunit hindi man lang niya nagawang sumingit o lumaban. Wala siyang kahit anong pagtatangkang ipagtanggol ako—parang isang tau-tauhan na inalisan ng silbi. Nakuyom ko ang aking mga kamao, nagngingitngit sa galit at sakit.
"Ethan... Sabihin mong hindi totoo ‘to..." mahina kong usal, ngunit hindi siya gumalaw. Hindi niya ako magawang tingnan, hindi niya magawang itanggi.
THIRD PERSON:“At ikaw naman…” malamig na sabi ni Rocco, mabagal, tila nilalasap ang bawat salita. “Ang susunod naming lalaruin.”“Hindi!!! Bitiwan niyo ako, hayop ka!!!” sigaw ni Isabella, nagpupumiglas, halos mamamaos na ang boses. “Sebastian!!” desperado niyang tawag, nanginginig sa takot.“Hayop ka!!!” bulyaw ni Sebastian, nanginginig ang buong katawan sa matinding galit. Pilit siyang tumayo, ngunit bago pa man siya makalapit—pumutok ang baril.“Arghhh!!” sigaw niya nang tamaan sa hita, at napahandusay sa malamig na sahig. Ramdam niya ang nagbabagang apoy ng bala sa laman, umaagos ang dugo sa kanyang binti, nanginginig ang mga kamay sa kirot. Ngunit higit pa sa sakit, mas nag-alab ang galit sa kanyang mga mata. Kahit sugatan, desperado siyang naghahanap ng kahit anong tyempo para makalaban.Ngumisi si Rocco at yumuko, halos idikit ang mukha kay Sebastian. “Manood ka na lang, hari. Manood ka kung paano namin lalaruin ang pinakamamahal mo.”Pilit na umaangat si Sebastian mula sa sah
THIRD PERSON:Huminto ang lahat ng ingay sa loob ng lumang bodega nang pwersahang itinulak ni Sebastian si Rodulfo—nakagapos ang mga kamay, duguan, at halos wala nang lakas—diretso sa harapan ni Rocco. Kasunod nito, mabilis ding ibinagsak sa malamig na sahig si Ethan, nakatali, sugatan, at walang kalaban-laban.Madilim ang paligid, ang kisame’y tanging may isang sirang fluorescent na ilaw na kumikislap-kislap, tila ba naghihingalo. Amoy kalawang ang hangin, hinalo pa ng baho ng natuyong dugo at pawis. Mula sa sulok, rinig ang tuloy-tuloy na lagaslas ng tumutulong tubig sa kalawangin at basang sahig. Ang bawat tunog at hinga nila’y umaalingawngaw sa loob, para bang nasa isang hukay na walang labasan.“Boss, malinis po. Walang nakabuntot sa kanila!” sigaw ng isa sa mga tauhan ni Rocco habang nakabantay sa paligid.“Ayan na ang hinihingi mo, Rocco!” malamig at mariing tinig ni Sebastian, nanginginig ang panga at umaapoy ang galit sa kanyang mga mata. “Pakawalan mo na sila Isabella!”Ngun
THIRD PERSON: Tumunog ang cellphone ni Isabella sa bulsa ng isa sa mga dumukot. Sa halip na ibalik, mabilis itong kinuha ni Rocco, ang malamig niyang mga mata ay nagliliwanag sa balak na panibagong sakit. Isang pilyong ngisi ang gumuhit sa labi niya habang pinindot ang tawag. “Sebastian…” malamig at mabigat ang tinig ni Rocco. “Rocco?!” mariing sagot ni Sebastian, agad na nagdilim ang mukha. “Hayop ka—” Ngunit pinutol siya ng lalaki. “’Sabi ko naman sa’yo, Sebastian… makukuha at makukuha ko rin ang kahinaan mo.” Kasunod noon ay umalingawngaw sa kabilang linya ang mga iyakan at sigawan. “Sebastian!!! Tulongan mo kami, please!!!” halos pumutok ang tenga ni Sebastian sa sigaw ni Riley. “Seb!!!” tawag naman ni Isabella, nanginginig ang boses, puno ng takot at pangamba. Halos madurog sa higpit ng hawak ang cellphone ni Sebastian, nanginginig ang panga habang pinipigilan ang sarili. Ang malamig niyang anyo ay napalitan ng matinding pagkabalisa, lalo na nang marinig niya ang tinig
THIRD PERSON:Dahil sa nalaman nilang buntis si Isabella, hindi na mapakali sina Jane at Riley. Buong maghapon nilang napansin ang panghihina ni Isa, ni ayaw pang kumain at halos walang ganang gumalaw. Kaya sa huli, napilitan silang kumbinsihin siya na magpa-check up.“Tumawag kanina si Papa Sebastian, mamayang 10 p.m. pa daw ang uwi niya,” sabi ni Jane, pilit na nagpapakatatag kahit halata sa tono niya ang pag-aalala.Nanlaki ang mga mata ni Isabella at mabilis na napalingon dito. “Sinabi mo ba sa kanya?”Umiling si Jane, bahagyang nag-pout. “Nope… hindi uyyy. Ikaw magsabi don, Isa.”Napabuntong-hininga ang dalawa—si Riley agad ang sumabat. “Ay naku, Isa. Kung ako sa’yo, huwag mo nang ipagpaliban. Buntis ka, kailangan alam ng asawa mo. Baka mamaya, mahilo ka o biglang may mangyari.”Ngumuso lang si Isabella, hindi makatingin ng diretso. “Hindi pa ako handa… hindi ko alam kung paano ko sasabihin.”Habang abala sila sa usapan, hindi nila namalayan na may ilang pares ng mata ang nakatut
THIRD PERSON:Dahil nga sa nanghihina pa ang katawan ni Isabella, hindi na ito pinilit nina Riley at Jane na sumama. Imbes, sila na mismo ang lumabas para bumili ng mga prutas at—siyempre—pregnancy test.“Hoy, Jane, siguraduhin mo ‘yung bibilhin mong test, ‘yung dalawang linya agad makikita ha. Ayoko nung kailangan pang i-ikot sa liwanag ng araw bago magpakita,” reklamo ni Riley habang naglalakad.“Arte mo! Para kang sanay, ha? Ilang beses ka na bang nag-test?!” asar na sagot ni Jane sabay irap.“Excuse me, hindi ako ‘yung may record ng pakikipag-date sa tatlong lalaki sa loob ng isang buwan!” balik-bira agad ni Riley.“Aba’t totoo naman ‘yon—pero at least masaya!” sagot ni Jane, proud pa.Napailing na lang ang Lady Guard na nakasunod sa kanila, seryosong hawak ang eco bag. “Kung hindi ko kayo kilala, iisipin ko mga baliw kayo,” deadpan niyang sabi.“Ay, wag kang killjoy, Miss Guard!” biglang singit ni Jane, “Ninang ka rin, ha. Kahit hindi ka magreklamo, automatic ka nang kasama sa lis
THIRD PERSON:Mabigat ang katahimikan sa loob ng silid. Naka-upo si Sebastian sa dulo ng mahahabang mesa, nakasandal na parang hari sa sariling trono, habang nakapaligid sa kanya ang mga investors at piling taong lihim na pumapanig kay Ethan. Mga taong nag-aakalang matatalo nila siya.Nagsindi siya ng sigarilyo. Ang dulo nito’y nagningas, at kasabay ng unang buga ng usok ay ang malamig na titig niyang gumapang sa bawat isa sa mesa. Parang usok na pumupuno sa hangin, dahan-dahan ding bumabalot ang takot sa mga puso ng kaharap niya.“Alam kong nakikipagsabwatan kayo kay Ethan Ramirez.” Malamig ang tinig ni Sebastian, mabagal, bawat salita’y tumatama na parang bala.Naglakad ang daliri niya sa ibabaw ng mesa, kumakatok-katok na parang orasan ng kamatayan. May nagtangkang magsalita, ngunit agad niyang pinatigil ng isang BAM!—malakas na hampas ng kanyang palad sa mesa.“Wala kayong karapatang magsalita hangga’t hindi ko tinatanong.”Mulî siyang bumuga ng usok, diretso sa mukha ng isa sa mg
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen