Pagnanasa Sa Maling Kapatid

Pagnanasa Sa Maling Kapatid

By:  Elysian SparrowUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
152Chapters
20views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sampung taon ang ginugol niya sa paghahabol sa tamang kapatid, pero nahulog lang siya sa maling kapatid sa loob lamang ng isang weekend. ~~~ Si Sloane Mercer ay matagal ng hopelessly in love sa bestfriend niya, na si Finn Hartley, simula pa noong kolehiyo. Sa loob ng sampung mahabang taon, nandoon siya sa kanyang tabi, inaayos siya at binubuo sa tuwing si Delilah Crestfield–ang toxic niyang on-and-off girlfriend–na dumudurog sa puso niya. Pero noong na-engage si Delilah sa isa pang lalaki, naisip ni Sloane na baka pagkakataon na niya ito sawakas para maangkin na niya si Finn. Hindi niya inaasahan na nagkakamali siya. Dahil heartbroken at desperado, napagdesisyunan ni Finn na guluhin ang kasal ni Delilah at ipaglaban siya muli para sa huling pagkakataon. At gusto niya na nasa tabi niya si Sloane. Nag-aalinlangan na sumunod si Sloane sa kanya sa Asheville, umaasa na makikita siya ni Finn sa parehong paraan kung magiging malapit sila sa isa’t-isa. Nagbago ang lahat ng makilala niya si Knox Hartley, ang nakatatandang kapatid ni Finn–lalaking hinding-hindi maikakaila ang kaibahan kay Finn. Delikado ang lakas ng karisma niya. Basang basa ni Knox si Sloane na parang libro at ginawa na niyang misyon niya ang ipasok siya sa kanyang mundo. Ang bagay na nagsimula bilang laro–isang baluktot na pustahan sa pagitan nila–hindi nagtagal, ay naging bagay pa na mas malalim. Nasa gitna ngayon si Sloane ng dalawang magkapatid: isang tao na laging broken hearted at isang tao na mukhang buo ang desisyon na angkinin ang puso niya… kahit na ano pa ang mangyari. CONTENT WARNING: Ang istoryang ito ay pang 18+ lamang. Inuusisa nito ang tema ng dark romance tulad ng obsession at pagnanasa kasama ang mga karakter na mahirap ipaliwanag ang moralidad. Kahit na love story ito, dapat itong pagpasyahan at pagdesisyunan ng mabuti ng mambabasa.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

***

~~SLOANE~~

***

Matagal na akong in love sa bestfriend ko, si Finn Hartley, simula pa ng magkakilala kami sa kolehiyo sampung taon na ang nakararaan.

Hindi naman sa sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Alam ko na hindi ganoon ang tingin niya sa akin. Siguro hindi magiging ganoon ang tingin niya sa akin.

Sa ngayon, nandoon kami sa living room niya, at hawak ko siya sa dibdib ko, pinapakinggan siyang humikbi.

Sinaktan na naman siya ng p*tang girlfriend niya, pangatlong beses na ito ngayong taon.

“Hindi ako makapaniwalang ginawa niya sa akin ito, Sloane,” sambit ni Finn.

Pinadaan ko ang mga daliri ko sa buhok niya, sinusubukan isawalangbahala na masarap ito sa pakiramdam.

“Ano ba ang eksaktong ginawa niya?” tanong ko. “Hindi mo pa din sinasabi sa akin.”

“Hindi ko alam kung paanong sasabihin.”

“Magsimula ka kahit saan.”

Paubos na ang pasensiya ko. Ilang oras na akong nandito, isinasakripisyo ko ang Sabado ko habang pinapanood siyang durog.

Hindi ko alam kung bakit pa siya nag-aabalang umiyak kung babalik din naman siya sa tabi niya sa susunod na linggo. Lagi na lang nila itong ginagawa.

Dapat mas makisimpatya ako, alam ko. Pero nawawalan na ako ng simpatya para sa kanya dahil sa sampung taon ko na siyang pinapanood na naghahabol sa parehong toxic na babae.

“Hindi na babalik si Delilah, Sloane,” sinabi niya. “Iniwan na niya ako ng tuluyan sa pagkakataong ito.”

“Alam mo na kasinungalingan yan.”

“Totoo. Engaged na siya. Nagpadala siya sa akin ng digital invitation, at iniisip ko ipadurog sa meat grinder ang phone ko.”

Nagulat talaga ako doon. Engaged? Ikakasal na si Delilah?

Bumitaw mula sa akin si Finn, at nakita ko din sawakas ang mukha niya.

Ang balbas niya ay lampas na sa itsura ng sexy at papunta na sa pagmumukhang ermitanyo. Ang t-shirt niya ay puro lukot at may mga mantsa na mukhang hapunan niya kagabi. Hindi ko pa siya nakikitang ganito kalala ang kalagayan, malayo sa mga nakaraang pangyayari.

Hirap niyang kinuha ang phone niya, nanginginig ang mga daliri ng ipakita ang screen.

Pagkatapos, inilapit niya ang phone sa akin. Nandoon na—nakakasukang rose-gold invitation na may flowing script kung saan inaanunsiyo ang pag-iisang dibdib nina Delilah Crestfield at kung sinong lalaki na Hunter ang pangalan. Walong linggo mula ngayon.

Mabilis ang tibok ng puso ko, nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa dibdib ko.

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para mapigilan ko ang aking sarili na ngumiti. Ito na ang pinakamaganda kong balita na natanggap sa loob ng maraming taon. Sawakas, wala na talaga ng tuluyan, ang bruha.

“Kawawa ka naman,” sinabi ko, pinagmukha ko na nakikisimpatya talaga ako. “Alam mo ba na may iba siyang dinedate?”

“Ang ibig ko sabihin, si Delilah yan eh. Kailan ba siya naging tapat?”

“May punto ka naman.”

Ibinalik ko sa kanya ang phone niya.

“Hindi lang talaga ako makapaniwala na iiwan na niya ako, Sloane.” Bumagsak siya ulit sa sofa, nakatitig sak isame na parang may makukuha siyang paliwanag mula sa kalangitan.

“Kahit ako, hindi rin ako makapaniwala,” sagot ko.

Nakatingin ang mga mata ko sa panga niya, sa kanyang mga labi, mga pilikmatang may bakas ng tuyong mga luha. Kabisado ko na ang bawat sulok ng mukha niya sa nakalipas na mga taon, pati kanyang mga ekspresyon. Bago itong nakikita ko—tuluyang pagkatalo.

Dapat malungkot ako dahil nakikita ko siyang broken ng ganito, pero ang naiisip ko lang, “Ito na ang pagkakataon ko.”

Magkasintahan na sila simula pa noong high school, matagal na bago pa ako pumasok sa buhay ni Finn. Minsan, napapaisip ako kung iyon ang susi kung bakit malakas ang kapit niya sa kanya—mas nauna niyang nakilala si Finn kaysa sa akin, noong bata pa lang siya at malambot ang puso.

Pinanood ko si Delilah na pinapasunod siya sa kanyang mga gusto, alam ko na babalik siya ulit para sa isa pang round. Sobrang nakakatuwa at nakakatakot ang ideya na nakipaghiwalay na siya ng tuluyan. Anong mangyayari sa amin ngayon?

“Sino ba ako kung wala siya sa tabi ko, Sloane?” tanong ni Finn.

“Ikaw si Finn Hartley. Magiging okay ka din.” Inabot ko ang tuhod niya at piniga.

“Hindi ako magiging okay ng wala si Lila.”

“Mayroong mahigit sa walong bilyong tao sa mundo, statistically. Pumili ka na lang ng bago.”

“Statistically? Napaka nerd mo talaga.”

Nasaktan ako sa mga salita niya. Ilang milyong beses na niya itong sinabi noon, madalas binibiro ang trabaho ko na pagiging cybersecurity analyst, ang pagmamahal ko para sa random facts, at koleksyon ko ng mga vintage sci-fi novels. Pero iba ang tama ngayon.

Nerd. Iyon lang ako para sa kanya. Hindi babae. Hinding-hindi naging babae.

Tumayo ako bigla, inayos ko ang jeans ko at salamin. Ipapakita ko sa kanya kung gaano ako ka-wild.

“Alam mo?” sinabi ko. “Pumunta tayo sa club at magpakalasing.”

Tinignan ako ni Finn na kala mo sinabi ko magnakaw kami sa bangko. “Gusto mo pumunta sa club?”

“Oo.”

“Nakapunta ka na ba sa club noon?”

Umupo siya ng tuwid, tinignan niya ako ng mabuti—si plain na Sloane suot ang kanyang weekend uniform ng jeans at kupas na t-shirt ng banda, madalas na bob cut ang buhok at may bangs.

“Hindi naman sa ganoon. Pero mayroong inuman at sayawan. Siguradong masaya iyon.” Mas kumpiyansa ang dating ko kaysa sa nararamdaman ko. Sa totoo lang, impyerno para sa akin ang mga club—napakaingay na musika, pawising mga tao, sobrang mamahal na inumin. Pero sa tingin ko mapapangiti ko ulit si Finn kung iindahin ko ang impyerno ko.

Unti-unti siyang napangiti. “Sige,” sinabi niya. “Tama ka. Kailangan ko ng distraction.” Tumayo siya, bigla siyang nagkaroon ng lakas. “Magbibihis ako ng bagay, at dadaan tayo sa bahay mo para makapagbihis ka din at mapalitan ang kung anumang suot mo ngayon.”

Tinignan ko ang damit ko at bigla akong na-self-conscious. “Anong problema sa suot ko?”

“Wala, mukha ka lang pupunta sa library book sale.” Naglaho na siya sa kuwarto niya at sinabi, “Magtiwala ka sa akin, Sloane. Ipakita natin kay Delilah ang sinayang niya!”

Naupo ako ulit sa sofa, nagsisisi na ako agad sa pabigla-bigla kong ideya. Ano ba itong pinasok ko?

~~~

Mas malala pa ang club kaysa sa mga kinakatakutan ko.

Ang dress na ipinilit ni Finn na isuot ko—na mula pa sa kasuluk-sulukan ng aparador ko, sinauna na kung saan huli ko itong isinuot ay sa kasal pa ng pinsan ko—masyadong masikip at maiksi, at naging aware ako sa mga parte ko ng katawan na karaniwan kong isinasawalang bahala.

Apatnapung minuto na kami dito.

Apatnapung minutong pinapanood si Finn na nagbago sa taong hindi ko halos kilala—sunod-sunod ang backshots sa bar.

Dalawampung minuto ang nakararaan, nakakita siya ng babae—matangkad, willowy blonde na nakadress na mukhang nakaspray paint sa katawan niya. Amber. Iyon ang pangalan niya.

Naiilang akong nakatayo sa dance floor, umiinom ng vodka soda na tinubigan ng marami, pinapanood ko si Finn at Amber na nag ga-grind sa isa’t isa sa paraang masasabing illegal sa publiko.

Ang likod ni babae sa dibdib ni lalaki, ang mga braso ni babae ay nakataas sa ulo ni lalaki, mga daliri niya nasa buhok niya. Ang mga kamay naman ni lalaki ay nasa bewang ni babae, ginagabayan ang kilos niya habang nakabaon ang mukha niya sa leeg ni babae.

Nasusuka ako. Para akong tanga. Nasasaktan at malinaw na mag-isa.

“Sloane?” tinawag ako ni Finn. “Hindi puwedeng nakatayo ka lang dyan. Sumayaw ka!”

“Hindi ko alam kung paano,” sigaw ko pabalik.

Sumimangot si Amber sa akin. “Eh bakit ka nandito?”

“Para bantayan ang bestfriend ko.”

“Parang chaperone?”

“Oo,” sagot ko. “Baka lang lagyan mo ng roofie ang inumin niya o kung ano.”

Mukhang napahiya si Finn. “Huwag mo na lang siyang pansinin,” sinabi niya kay Amber, humigpit ang kapit niya sa kanyang bewang. “Control freak siya.”

Suminghal si Amber. “Parang nanay mo ang dating.”

“Mas tamang sabihin na nakatatandang kapatid,” itinama siya ni Finn.

Tinignan ako ng mabuti ni Amber sa paraang kinilabutan ako. “Pero hot siya, may bangs at suot ang screw-me glasses. Hot na nerd.”

Napapikit si Finn. “Hindi ako kumportable sa imaheng iyon.”

“Ikaw talaga. Hindi mo ba nakikita?”

“Nakikita ang ano?”

“Hindi ka ba nasasabik o nabubuhayan ng dugo sa nerd niyang dating?”

Mabuti na lang at umiiwas ng tingin si Finn sa akin. “More dancing, less talking.”

“Seryoso ka? Hindi ka natutuksong makitang hubo’t hubad si Sloane?”
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
152 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status