NANLALAMIG ang mga kamay ni Anastasia habang nakatanaw sa labas ng bintana. Dumodoble ang kabang nararamdaman niya habang papalapit na sila sa Zahara.Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Masaya, dahil muli niyang masisilayan ang lugar na kinalakihan. Nag-aalala, dahil sa karamdaman ng ama niya at natatakot, dahil muli silang magkikita ni Craig, hindi niya alam kung papaano ito haharapin matapos siyang umalis ng walang paalam.Pagkatapos nilang maikasal ng binata, sa barong-barong nito sila tumira. Noong una nahirapan siya sa bagong buhay na pinili niya pero dahil umibig siya kay Craig sinubukan naman niyang maging asawa rito.She tried everything to get his heart and attention. Pero sa loob ng dalawang buwan nilang pagsasama, walang naging pagbabago sa pakitungo nito sa kanya.Naiintindihan niya ang galit nito dahil sapilitan niyang kinuha at ipinagkait ang kalayaan nito na pumili ng ba
IKA-APAT na araw na mula nang mailibing ang ama ni Anastasia at ngayong gabi gaganapin ang misa para sa huling gabing makakasama niya ito. At ngayon gaganapin ang eulogy ng ama.Sa apat na araw na lumipas, nagpuntahan ang mga taong nagmamahal sa kanyang ama, ang mga taong hindi niya akalain na ganoon pala karami ang mga natulungan nito.Sa apat na araw na ring iyong, lagi lang nasa likod niya si Craig. Hindi man siya nito kinakausap pero palagi lang itong nakaalalay sa kanya. Ito rin ang palaging sumasalubong at umaasikaso sa mga nakikiramay sa kaniyang amaHabang nagmimisa ang isip niya ay wala roon, naiisip niya ang mga maling nagawa niya sa buhay at naiisip niya kung gaano kalaki ang pagkukulang niya bilang anak sa kaniyang ama. Ever since, she never did her part for being his good daughter. Wala siyang ibang binigay dito kundi sakit ng ulo.Sa loob ng limang taon na umalis siya sa poder nito ay h
MABIBIGAT ang mga matang nagising si Anastasia ng umagang iyon. Pakiramdam niya ang hapdi-hapdi ng mata niya, marahil sa kakaiyak niya magdamag. She miss her Daddy so much. Hindi rin siya kumain ng tanghalianbat hapunan. Wala siyang ganang kumain, ang tanging gusto lang niya ay magkulong sa kwarto.Kung nabubuhay pa ang kaniyang ama ay hindi nito gugustuhin na maging ganito siya. Nagbuntong-hininga siya at muling ipinikit ang mga mata, pero nakaramdam siya ng pagkulo ng sikmura kaya napilitan siyang bumangon sa kama at dumiretso sa banyo para maghilamos. Hindi na muna niya pinalitan ang suot na patulog, isinuot na lang niya ang roba bago lumabas ng kwarto.Nabungaran niya si Nonna Maria na nagluluto ng umagahan. May kasama itong dalawang kasambahay na siyang naghahanda ng ibang almusal."Magandang umaga ho, Señorita," sabay na bati ng dalawa sa kaniya. Doon siya nilingon ni Nonna Maria."Ang a
"KUMUSTA?" tanong ng kaibigan niyang si Bernard habang sinusuklayan nito ang itim na kabayo ni Señor Alfonzo."Kumusta ang alin?" kunot ang noong tanong niya. Tulad nito ay sinusuklayan din niya ang puting kabayo."Kumusta ang pagbabalik ng asawa mo?""Alam natin na hindi matatawag na asawa ang meron sa amin ni Anastasia.""Sapilitan man kung titingnan, pero asawa mo pa rin siya sa mata ng mga tao rito.""Pinag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na 'yun."Tumigil ito sa ginagawa. "Desidido ka na talagang hiwalayan si Señorita Anastasia?""Oo, dahil iyon naman ang dapat.""Naku! Kapag nagkataon, maraming kalalakihan dito sa Zahara ang magkakandarapang ligawan si Señorita. Sa ganda ba naman niyang babae eh, hindi malabong mangyari iyon. Hindi ka ba nababahala?"Kunot ang noong
BUONG araw na hinanap ni Anastasia si Craig sa buong hacienda, pero hindi niya ito makita. Kaya minabuti na lang niya na sa mansion ito hintayin para kausapin."Baka naman mabali iyang leeg mo kakasilip sa labas?" puna sa kaniya ni Nonna Maria nang madaanan siya nito sa terasa.Humaba ang ngusong isinandal niya ang puwetan sa barandilya. "Hinihintay ko ho kasi si Craig, Nonna.""Abay, pansin ko nga. Sinabi sa akin ni Bernard na pinaghahanap mo si Craig sa buong paligid ng hacienda. Kung hindi mo mamasamain, bakit nga ba?""May gusto lang ho akong sabihin sa kaniya tungkol ko sa paghihiwalay namin."Natigilan ito sa kaniyang sinabi. "Tungkol sa paghihiwalay ninyo?"Marahan siyang tumango. "Gusto ho ipa-annul ni Craig ang kasal namin, Nonno.""Pumayag ka ba?"Marahas siyang nagbuntong-hininga. "Nonna, naniniwala ho ba k
NANIGAS si Anastasia sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig kay Craig. Wala siyang makita na kahit na anong emosyon sa mga mata nito kaya hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito."Nagbago na ba ang isip mo?" pukaw niya sa akin."H-hindi.""Then come here.""G-gusto ko lang malaman kung ano ang iniisip mo o kung ano ang nararamdaman mo—""It does matter?" putol nito sa iba pa niyang sasabihin."H-ha?"Patuyang tumawa si Craig. "Kailangan ba may damdamin ako para sayo, Ana? Ikaw ang may gustong gawin ito diba?""Pero kasi—""Kung hindi mo magawa ngayon pa lang itigil na natin ito."Akmang tatayo ito ay mabilis niya itong pinigilan. "Gagawin ko!" Gusto niyang patunayan dito na seryoso siya sa sinabing gusto niyang ayusin ang pagiging mag-asawa nila.Kagat ang ibabang labi na humakbang siya palapit palapit kay Craig. Mataimtim ang mga mata nito na tumitig sa kaniya at marahan na umangat ang kamay nito para haplusin siya sa braso.Nahigit niya ang hininga dahil sa paraan ng paghaplos
ILANG ORAS na ang nakalilipas pero wala pa rin naisusulat si Anastasia. Nakatitig lang siya sa screen ng laptop niya. Walang napasok na kahit na anong ideya sa isip niya.Marahas siyang nagbuntong hininga habang ang mga mata ay nasa screen ng laptop niya.Dalawang araw na mula noong pumayag si Craig na bigyan siya ng isang buwan para mapabago ang isip nito, pero sa dalawang araw na lumipas palagi namang abala si Craig. Nasasayang ang araw para sa isang buwan na palugit.Napapiksi siya nang may gustong makipag video call sa online apps niya. Nang makita niya na ang kaibigan niyang si Virginia ang natawag ay agad niya iyong sinagot."Kumusta, bruha?" bungad nito nang sagutin niya iyon.Ipinuwesto niya ang cellphone kung saan malayang makikita ang mukha niya. "Ito buhay pa naman," pabiro niyang sagot."Mukhang nangayayat ka ahh. Halos magdadalawang Lingo ka pa lang nandyan, pero ang laki na ng ipinayat mo. Ini-stress ka ba ng asawa mong hilaw?"Natawa siya sa paraan ng pagtawag nito kay
SAPO ang sentido nang magising si Anastasia. Hindi pa niya magawang maimulat ng husto ang mga mata niya dahil sa paminsan-minsang kirot sa ulo niya.Noong huling inom niya ng alak limang taon na ang nakalilipas, noong magdesisyon siyang umalis sa puder ni Craig. Ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na siya iinom dahil ayaw na niya ulit maranasan ang hangover.Craig...Nanlalaki ang mga matang napadilat siya nang maalala niya si Craig at ang pag-uusap nila sa pool area. Bumalikwas siya ng tayo at inilibot ang tingin sa buong paligid ng kwarto. Naroon siya sa sarili niyang kwarto.Nabatukan niya ang sarili ng wala sa oras. Bakit ba niya kasi hinayaang uminom ng marami? At bakit ba kasi ang hina-hina niya pagdating sa alak?Nangiwi sita nang maalala niya ang mga pinagsasabi niya kagabi kay Craig. Gusto niyang saktan at iling ang sarili dahil sa hiyang nararamdaman."You hate him, Anastasia? Talaga lang ha?" aniya sa sarili. Parang batang nagpapadyak siya sa ibabaw ng kama."Paano m