Patalsikin si Ms. Dayo!

Patalsikin si Ms. Dayo!

By:  magayonloves  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
40Chapters
1.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

When Meriah Buenavidez - a rich, young woman studying in a prestigious university bumped to a student participant that happens to be in their school for a competition to represent their university - James dela Vega, Meriah thought that it is a very unlucky day for her. Katulad ng frappe na natapon sa kanila, malamig at malagkit ang titig nila sa isa't isa. The thread of patience Meriah was holding back snapped. Her anger exploded in front of everyone. Kumawala sa mga labi niya ang mga salitang mas magpapainit sa sitwasyong kinabibilangan nila. Meriah didn't expect that after a year, her family will face a complication that will leave her no choice. Transferring to a public school is the last thing Meriah would do but she needed to. Seeing James in his all uniform in the university where she transferred makes it worst. If the students would know what happened between them a year ago, it is the end of her - that's what she thinks.

View More
Patalsikin si Ms. Dayo! Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
40 Chapters

Simula

Habang inililibot ang mata sa field at sa kung saan-saan pa, nahagip ng aking mata si Meriah na mukhang kapapasok lang muli dahil sa gate ito nanggaling. Marahil ay doon siya kumain ng tanghalian sa labas. Nakasuot na naman ito ng earphones. Nakakapanibago ang lakad nito dahil may kabagalan ngunit 'di nawawala ang magandang tindig, diretsong tingin, at pagkakataas-noo sa bawat hakbang. Hindi tulad noong mga nakaraan na akala mo ay laging nagmamadali. Siguro ay alas tres y medya pa ang sunod nitong klase.Wala naman akong ibang mapagkakaabalahan kaya naman sinadya ko pa siyang obserbahan. Hindi siya tumitingin sa kahit na sino sa nadadaanan samantalang ang mga nakakasalubong at nakakasabay niya ay napapatitig sa kaniya. Tila wala itong pakialam sa paligid niya.Hindi mayabang ang kaniyang dating ngunit mapapansin mong nagmula siya sa may class na pamilya - sa mayamang pamilya. Sa gamit, tindig, galaw at itsura ay masasabi mong mayaman talaga sila.
Read more

Unang Kabanata

"Excited na akong pumunta sa CMU! Siguro'y gwapo't magaganda talaga ang mga naroon!" ani Andeng."Ano pa ba'ng gwapo't maganda ang gusto mo? Lingon-lingon din kasi sa paligid! Heto lang kami ni James oh!" kunwari'y paghihisterya ni Nat na padarag pang binagsak ang magkabilang palad sa sementong mesa na nasa harap."Wow, ha, Tasha! Nasaan ang maganda sa pagmumukhang 'yan?" ani Andeng sabay hinawakan nang marahas ang panga ni Nat gamit ang isang kamay, patawa-tawa. "Walang Tasha rito! Nat, please!" ani Nat at tinanggal ang kamay ni Andeng. "And yes, here oh, look closely and you'll see the beauty in me!" tapos nito sa sinasabi bago tumayo at nagligpit ng gamit. "Baka naman?" Inirapan na lang siya ni Nat. "Ang tahimik mo ah?" Napausod naman ako sa gilid nang sundutin ni Andeng ang tagiliran ko. "Anong iniisip mo r'yan?""Naku, hindi pa rin kasi sang-ayon 'yang si James sa pagsu-survey natin
Read more

Ikalawang Kabanata

Umupo ako sa upuang nasa hapag-kainan at ipinahinga ang sarili matapos hugasan ang aming pinagkainan. Katatapos lang kanina ng aming huling review para sa kumpetisyon bukas. Nakisuyo kami sa iba naming kaklase nitong mga nakaraang araw upang tulungan kami. Sila ang gumagawa ng tanong na siyang kasama sa tatalakayin sa bawat kategorya at sila rin ang nagtatanong sa amin, una-unahan naman kaming sumasagot. Kung sa solving naman ay gumagamit kami ng papel at unahan pa rin sa pagsagot. Sa paraang iyon ay natutulungan na namin ang sarili na pabilisin ang memorya at pati na rin ang pagsulat. Sa nagdaang buong araw naman ay mga professor ang sumubok sa mga inaral namin at lahat ng kategorya ay sinagot namin.   May apat na kategorya ang Quiz Bee at magbubunutan  bukas ang bawat grupo kung saan-saan malalagay na kategorya ang bawat isa, dahilan kung bakit mas magiging mahirap ang kumpetisyon. Kailangang aralin ang lahat ng subject na kasama sa kategorya. &nb
Read more

Ikatlong Kabanata

"Kuya!" Dinungaw ko ang aking kapatid mula rito sa terrace habang pababa siya ng hagdan. "Tapos na akong mag-ayos, tara na!"   Dalawampung minuto na lang ay mag-uumpisa na ang misa, iyon siguro ang inaalala niya dahil kulang iyon kung gagamitin namin ang bisikleta papunta roon. Nang makarating ito sa kinaroroonan ko ay tinaasan ako nito ng isang kilay. Marahil ay nagtataka dahil sa hindi ko pagmamadali.   Nakasuot siya ng bestida at sandals para sa paa habang ako naman ay nakasuot ng polo shirt, kupas na pantalon at sneakers na sapatos na nabili pa noong nakaraang dalawang taon.   "Sasakay tayo ng tricycle," sabi ko at tumayo sa pagkakaupo sa pasimano.   "Oh? Sasakay pala tayo ng tricycle, hindi mo sinabi agad!"   "Kung sinabi ko, hindi ka magmamadali. Lagi tayong nauubusan ng mauupuan," tugon ko nang may mapaglarong ngisi sa labi habang naglalakad kami palabas sa munti naming ta
Read more

Ika-apat na Kabanata

"Ayaw mo na ba talagang sumali ulit?" tanong ni Jef. "Kinukulit ako ni Dean tungkol sa'yo, e. Magpakita ka roon sa office para manahimik na," dagdag niya.   Narito kami sa aming room, maaga sa nakatakdang oras ng susunod na subject. Punuan kasi sa dalawang canteen at mainit kaya nang matapos kumain ay nilisan na namin agad ang lugar. Sa room ay malamig naman kahit palitin na ang aircon. Nakaupo si Jef sa mesa ng professor. Ako naman ay prenteng nakaupo sa unang upuan sa ikalawang hanay nito, nakasandal at naka-unat ang mga binti habang magka-ekis ito.   "Pokus muna ako sa mga major natin," pagpapahayag ko na tigil muna ako sa pagsali sa Quiz Bee.    Umpisa pa lamang ng unang sem. Third year na kami at dumami pa ang mga major subjects namin kaya naman nagpagpasyahan kong h'wag na munang sumali sa mga kumpetisyon. Wala na akong balak sumali sa ganoon ngunit mapilit ang aming Dean sapagkat walang pumapasa sa kaniyang i
Read more

Ika-limang Kabanata

Pinatayo ng professor ang bagong estudyante. Marahan itong gumalaw at hindi nawala ang pagka-elegante kahit na nakasuot lamang ito ng uniporme na tama ang hapit sa kaniyang katawan. Inalis ko sa isipan ang ganda ng pigura nito at inalala ang kagaspangan ng kaniyang ugali nang magpakilala ito sa harapan.   "For those who didn't know me yet, I am Meriah Buenavidez. 19 years old, turning 20 on November 15," taas-noo nitong pakilala. Hindi maipagkakaila na galing siya sa isang marangyang pamilya dahil sa kutis na tila hindi man lang naranasang mabilad sa araw at masugatan noong kabataan. "What else do you want to know about me?" Tuwid pa rin ang pagkakatayo nito at pinasadahan ng tingin ang tahimik na klase. Halatang sinadya ang hindi nito pagtingin sa akin.   "Yabang," bulong ni Nat. "What elso do you want to know about me?" panggagaya niyang may halong panunuya.   "Akala naman niya, lahat dito ay gustong malaman kung sino
Read more

Ika-anim na Kabanata

Inubos ko ang panghuling stick ng isaw na aking kinakain habang tinatanaw ang mga estudyanteng naglalakad sa kalayuan. Ala una y medya pa lamang ay tapos na ang aming una't huling klase. Mag-a-alas tres na at kanina pa ako nagpapalipas ng oras kasama ang mga barkadang nag-re-review dito sa madalas naming tambayan.  Kapag ganitong Lunes ay isa lang klase namin. Wala namang masyadong gagawin at mamaya pa ang uwi ni Jane kaya may oras pa ako para sumama sa aking mga kaibigan. Ito ang madalas ko noong hindi magawa dahil laging puno ang aking schedule. Ang mga libreng oras ay napupunta sa review para sa mga quiz bee. Ngayong tinalikuran ko ang pagsali sa mga kumpetisyon ay nagkaroon ako ng panahon para sa aking sarili, iyong wala akong iniintindi. Mayroon dapat kaming meeting para sa foundation week bago sila mag-review ngunit may klase pala ang halos kalahati sa miyembro. Kaya naman diretso review na lamang ang nangyari. 
Read more

Ika-pitong Kabanata

Role play ang ginawa namin para sa aming presentation ngayong Miyerkules. Kahit hindi kumportable, ginawa ko ang aking role. Ako ang nagmarket ng produkto ng aming kumpanya-kuno ni Nat. Papalit-palit ang role ng bawat miyembro sa grupo namin sa limang marketing strategy na aming ginawa. Natapos ang ibang grupo at ang grupo naman nina Meriah ang sumunod. Reporting ang ginawa nila pero tuwing pagkatapos ng kanilang paliwanag ay inaakto nila ang bawat marketing strategy sa ihinayag nilang halimbawa. Si Meriah ang nagpapaliwanag at ang ibang miyembro ang umaakto pagkatapos. Simple ang paraan nila ngunit tuwing nagsasalita si Meriah ay para kaming nakikinig sa isang guest speaker. Malinaw siyang magsalita, tama lang ang accent at lakas ng boses, at may koneksyon siya sa bawat kaklaseng nanonood. Nakamamanghang kabisado niya ang kaniyang mga sinasabi. Iniisip ko nga kung nagkabisado ba siya ng script o inintindi niya lamang ang bawat strategy at ipinaliwanag ito sa sa
Read more

Ika-walong Kabanata

Huling tingin ko kanina sa orasan ay mag-a-alas kwatro pa lamang, oras nang magmeryenda kami. Oras din nang tumambay ang kaibigan ni Meriah sa sala. Hindi ko alam na sa kwarto pala siya ni Meriah naglagi kanina. Hindi ko rin alam na ayos lang iyon para sa isang tulad ni Meriah.    "Gano'n sila kalapit sa isa't isa?" Pinilit kong tanggalin ang nasa isipan.   Ang kaalamang iyon ay binagabag ako sa kalagitnaan ng aming ginagawang research. Hindi ko nga alam kung nakatutok pa ba ako ginagawa ko. Nagpapatuloy lang ako kahit nawawala ang aking pokus.   Pasado alas sais na nang gabi nang halos matapos namin ang mga kailangan i-research. Hindi namin namalayan ang oras pero ayos na rin iyon dahil nakarami kami ng nagawa. I-e-edit na lamang namin ang aming nagawa kapag natapos nang i-check iyon ng professor bago ito dagdagan.   "Manang, salamat po," sabi ko kay Manang Tasing at tiningnan ko ang katabi nit
Read more

Ika-siyam na Kabanata

Maghapong nagtatalo ang aking isipan kung may dapat akong kampihan sa nangyari o kung dapat ko ring alalahanin si Meriah. Kaya naman nang gabing iyon ay pinadalhan ko ng online message si Meriah at tinanong kung ano ang plano niya. Hindi dahil sa hindi ako makatiis na malaman kung ano'ng iniisip o lagay niya ngayon, ngunit hindi ko rin sigurado sa sarili kung ano ang tunay na dahilan. Kami ang pangunahing kasangkot sa pangyayari noon sa CMU na nagdala sa kaniya ngayon sa kapahamakan. Tingin ko'y may karapatan akong makialam sa kinakaharap niya ngayon. Pero bakit pa nga ba?    Alam ko ang ugali niya kaya ano ba itong mga naiisip ko? Hindi ngunit may naging maayos na kaming pag-uusap ay dapat ko nang kalimutan ang nagkukubling ugali sa likod ng naapi niyang itsura kanina. Kaya bakit pa nga ba ako makikialam? Para ano?    "Dahil gusto mo siyang iligtas!" Napalingon ako kay Jane na nasa harap ng salamin.   Mula rit
Read more
DMCA.com Protection Status