Share

Chapter 14

Dranreb POV

"Iniinom niyo po ba ang prescribe na gamot ko?"

"Opo doc. Medyo kamahalan lang kaya kalahati pa lang ang nabibili ko."

Dahan dahang napaangat ang mga mata ko sa lalakeng kaharap ko lang. Makikita mo sa kaniyang mukha ang pagod at pagka dismaya.

Walang pag alinlangan kong binuksan ang drawer ko sa gilid. Buti na lang ay may extra akong gamot para sa kaniya.

"Manong Lito, may extra pa po akong gamot dito para sa maintenance ninyo. Saktong pang tatlong buwan iyan."

Biglang sumigla ang kaniyang mga mata.

"Naku! Maraming maraming salamat po Dr. Lopez! Tricycle drayber lang po kasi ako at sakto lang ang kinikita ko sa pang araw-araw namin kaya malaking tulong na po ito sa akin."

Masaya akong nakakatulong ako kahit papaano sa aking mga pasyente , lalo na kay Manong Lito, matagal na rin siya pabalik balik sa clinic ko at paulit ulit lang naman ang kaniyang nirereklamong pananakip ng dibdib.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status