Ayieee, parang may something na Ang male lead natin huh. Salamat sa mga bumasa!
Geraldine's Point of View* Napamulat ako at napatingin ako sa paligid at napakunot agad ang noo ko nang mapansin ko na nasa isang kwarto ako na di pamilyar sa akin at napahawak ako ngayon sa kumot na nakatakip sa katawan ko. "Ang lambot ng kumot..." Napa-upo ako at naramdaman ko ang kaunting hapdi sa binti ko at pagtingin ko ay nakabenda na ito. "Eh? Teka lang? Ano ba talagang nangyayari sa akin? Bakit nasa isang magandang kwarto ako ngayon?" Naramdaman ko na may yapak ng paa sa labas kaya naka-alerto ako at kinuha ko ang unan na nasa gilid ko at hinanda baka kalaban at pagbukas sa pintuan at natigil ang pagtapon ko nang makita ko agad ang mukha ni Mike na nakakunot ang noong nakatingin sa akin at mukhang may dala siyang pagkain. Dahan-dahan naman siyang napatingin sa hawak kong unan kaya binaba ko iyon at tinago ko sa likod ko ang unan. "Hello, Master." "Are you trying to attack me?" "H-Hindi po! Nag-eehersisyo lang ako." Tinaas at baba ko naman ang hawak kong unan at dahan-
Geraldine's Point of View*Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Sa boung buhay ko bilang isang agent ay ito lang ang misyon ko na biglang nagkaganito lalo na't totoong nakasal ako sa subject ko na ngayon ko lang nalaman.Yes, nakasal naman ako noon sa ibang lalaki pero wala naman akong pinermahan na kontrata ng kasal at ito lang talaga. Totoong pangalan at perma ko naman talaga ang nandidito ngayon.Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Bakit ba ako nalasing agad nung gabing iyon? Nakakalasing din naman kasi ang mga inuming iyon.Parang tadhana talaga ang nangyari sa amin noon. Jusko, di ko alam na ganito ang nangyari. Waaa think positive lang talaga, Gerry! "Uhmm... Master. Wala po akong ibang intention. Gusto ko lang po talagang magkapera pero hindi sa mga taong katulad ko na mahirap din at akala ko talaga na ban krupt kayo nun kaya nga di ko na kinuha nag pera mo baka kailanganin mo nun, kaya di ko tinanggap ang perang binigay mo sa akin. Pasensya na po talaga!"Nakita ko na hi
Geraldine's Point of View*Napabitaw naman ako sa kamay ni Rafayel. Wow, pati pangalan niya ay mala-anghel din!Pero except sa isang ito na Michael nga ang name pero hindi naman angel ang ugali. Tsk."Michael," nakangiting ani ni Rafayel at nasilayan ko ang magandang ngiti na naman niya na pwede na siyang maging model ng toothpaste."Anong nangyayari? Bakit mo hawak ang kamay niya?"Nagulat ako nung nasa tabi ko na si Michael na kinakunot ng noo ko dahil nasa harapan ko na talaga siya at nasa likuran na niya ako habang kaharap si Rafayel."Ah, muntik na kasi siyang matumba kanina nung..."Nagsign ako na wag sabihin na nagslide ako kanina sa hagdanan."... Bumaba siya sa hagdanan at mukhang hindi siya maayos kanina. Sure ka bang maayos ka na ba talaga?"Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Waa anghel ka talaga!"Ayos na po ako at wag po kayong mag-aalala sa akin."Napatingin naman sa akin si Mike na nakakunot ang noo niya."Masakit pa ba?"Lalapit sana siya pero umatras
Geraldine's Point Of View* Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Manang. Kailan pa siya nakatayo diyan? "M-Manang, kailan ka pa nandiyan?" Nakatingin lang siya sa akin at napakagat ako sa labi ko at napatingin naman ako kay Mike mahina ko siyang siniko na kinatingin naman niya sa akin. "Kasalanan mo ito eh! Ang landi mo." Nagulat naman siya sa sinabi ko at napaturo siya sa sarili niya na parang di makapaniwala sa sinabi ko. "What? me?" "Oo, malandi ka talaga, tsk. Manang, fake news lang ang narinig ninyo at hindi yun totoo." Napayuko ako. Paano ba ito! "Alam ko na noon pa man na ikaw ang madame ng mansion na ito." Natigilan naman ako sa sinabi nito at dahan-dahan na napatingin ako kay Manang. "Araw-araw kong nakikita ang litrato ninyo nung kasal ninyo ni Master kaya alam-alam na alam ko na ikaw po iyan, Madame." "H-Huh? So unang kita niyo sa akin ay kilala niyo na ako." "Sa simula ay nagdadalawang isip pa po ako nung tinanong ko kay Master ay sinabi
Geraldine's Point of View* Binawi ko ang kamay ko at ngumiti kay Rafayel. Kung di ko pa kasi gagawin ang bagay na yun ay sigurado na kakainin ako ng buhay ng lalaking ito. Baka di ko pa matapos ang mission ko! "Uhmm... Kumain ka na po at sa kusina lang po ako." Aalis sana ako nang magsalita na naman si Mike. "Where do you think you're going? Hmm? You're the Chef today so stay here." Hindi ko alam na kailangan pala na ganun ang gawin! Napatingin ako kay Manang sa unahan at yumuko naman ito at lumabas na siya kasama ang ibang mga maids at kami na lang tatlo ang naiwan. Napapout naman ako at bumalik sa pagtayo sa gilid. "Sit down." Natigilan naman ako sa sinabi ni Mike at nakita ko si Rafayel na nasa upuan na din niya at nagulat dahil sa sinabi ni Mike. "Ha?" "Sit down." Napatingin ako sa sahig. Hmm... Mukhang malinis naman ang sahig kaya agad akong nag indian sit na kinagulat nilang dalawa. Bigla namang napatayo si Rafayel at agad akong inanalayan sa pagtayo. "Hala bakit?"
3rd Person's Point of View*Lumakad si Rafayel at agad niyang naramdaman ang mga taong nakasunod sa kanya at Apat lang ang nasa likuran niya ngayon at isang iglap siniko niya ang mukha ng taong sumugod sa kanya.Agad niyang tinantya na di maririnig ni Girlie ang ingay na nanggagaling sa mga lalaking umatake sa kanya."Keep your mouth in silence."Sinipa niya ang mukha nung taong nasa likod niya hindi niya pwedeng palabasin ang baril niya dahil baka magising si Girlie sa mahimbing na pagkakatulog nito. At isa-isa niya yung pinatulog hanggang sa bumagsak na lahat at napabuntong hininga na lang siya at kinuha niya ang phone niya at tinawagan niya ang mga gwardya."Pumunta kayo ngayon dito sa garden dahil may mga kalat kayong lilinisin at isa pa wag na wag kayong gagawa ng ingay."'Yes, Sir.'Napabuntong hininga na lang ulit siya at napatingin sa kung nasaan nakita niya si Mike na nakaupo pa din sa sofa at napansin niya na wala si Girlie.Nakatalikod kasi ang sofa sa pwesto niya kaya di
Geraldine's Point of View*Napatingin ako kay Rafayel na inosenteng nakangiti sa akin nung tingnan ko siya. Ang weird huh? Impossible na siya ang gumawa nito at wala din namang mga gwardya dito.Napatingin ako kay Mike na wala pa ding emosyong nakatingin sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko at mas lalo niyang kinakunot noo."What are you doing?""Mauna ka na lang kaya? Susunod naman ako eh."Tinaasan naman niya ako ng isang kilay na kinapout ko. Ano ba yan oh.Tumakbo na ako papunta sa kanya at nung nakaharap ko na siya ay pinitik niya ang noo ko."Aray!""Ganyan ba ang asta ng isang katulong?""Ganyan din ba ang asta ng isang Amo?" balik tanong ko sa kanya at pipitikin sana niya ang noo ko kaya pumikit na lang ako pero naramdaman ko na hindi niya ginawa kaya dahan-dahan akong nagmulat at doon niya pinitik niya ang noo ko at tumalikod na siya.Damn him!Pero kalma lang kasi may mission ka pa sa kanya! Sumunod na lang ako habang nakahawak sa noo ko habang nakapout. Nakarating kami
Geraldine's Point of View*Nakakita na ako ng pampatulog na terno at ang cute nun! Kaya kinuha ko iyon isang sando at shorts na terno. Hinintay ko na matapos siyang maligo kasi naman malayo naman kasi ang banyo sa ibang kwarto eh.Inilibot ko ang boung kwarto at napatingin ako sa picture frame na nasa lamesa. Familiarize ko muna ang boung kwarto bago ako mag simulang mag-imbestiga.Baka mahuli pa ako nito pag magsisimula pa akong mag-imbestiga.Napa-yawn na naman ako kasi kanina pa ako inaantok sadyang ginising lang talaga ako ng lalaking iyon.Sumandal ako sa sofa at dahan-dahan din akong napapikit hanggang sa makatulog na ako.3rd Person's Point of View*Lumabas si Mike habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang towel nito at napakunot ang noo niya dahil ang tahimik ng boung kwarto at hinanap niya si Gerry hanggang makita niya iyon sa sofa na mahimbing na natutulog. Napabuntong hininga na lang siya at dahan-dahan na napa-iling iling."Kahit saan ka na lang mahimbing na natutulog ano?
Geraldine's Point of View*"Princess, ano ba ang trabaho mo noon?"Napatingin naman kami sa buong lugar at kami lang naman ang nandidito ngayon. Ako, David, Mike at ako.Wala naman akong nararadaman sa paligid na ibang tao."I'm Astraea, ninong."Nanlalaki naman ang mga mata ni Ninong nang marinig niya ang bagay na 'yun."A-Astraea? You mean the popular undercover agent?"Dahan-dahan naman akong napatango. Di pa rin siya makapaniwala sa sinabi ko at napatingin naman siya kay Brother David."Yes, it's true, dad. Kaya pala pamilyar na pamilyar ka sa akin nung unang kita ko sa'yo noon, princess."Nagtataka naman akong napatingin kay David."Kailan tayo nagkita?""Sa Japan ka nun at mukhang may mission ka nun ay accident na nagtagpo tayong dalawa sa isang hotel nun.""Di kita napansin."Napangiti naman siya."I know that. Dahil busy ka sa pagmamasid sa subject mo nun. Hindi ko na lang pinahalata na ikaw 'yun dahil may mission din ako nung araw na 'yun."Napangiti na lang ako. "Gumagawa n
Geraldine's Point of View*Namumugto ang mga mata ko kakaiyak habang yakap-yakap ako ni Mike dito ngayon sa higaan ng kung saan ako kinunan ng dugo kanina. Pinaiyak pa niya talaga ako at hindi muna niya ako pinasalita at pinakakalma lang niya ako na parang sanggol."Are you done crying?" malambing na ani niya sa akin.Di ako nagsalita at nakayakap lang ako sa kanya habang nakaupo ako sa binti niya at siya naman ay nakaupo sa higaan."Wife?""Hmm..."Tiningnan ko siya at mahina na lang siyang natawa habang nakatingin sa mukha ko."Ang pangit mo ka-bonding."Nag-roll eyes ako habang sinasabi 'yun at mas lalo siyang natawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Tingnan niyo ang pangit ka-bonding!"Shut up. Bakit mo ko niyayakap? Wala ka namang tiwala sa akin. Maghahanap na lang ako ng ibang tao na may tiwala sa akin doon ako makikipaglaro.""Wife.""Oh."Di ko siya tiningnan dahil alam ko kakaiba ang tingin niya sa akin ngayon."Look at my eyes.""Ayoko baka kiligin ako."Naka-pout kong ani sa
Geraldine's Point of View*Natapos akong salinan ng dugo ay pinahiga muna ako dito sa higaan at maririnig pa rin ang ingay sa labas.Wala namang problema sa labanan sa labas dahil nandodoon naman ang mga guro at sila ninong at David. Kaya naman nila ang bagay na 'yun.Remember mga assassins din naman silang lahat kaya walang problema sa bagay na 'yun.Napatingin ako sa gilid ko nang naramdaman ko na may nakatingin sa akin. At nakita ko si Mike na naniningkit pa rin ang noong nakatingin sa akin.Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kanya.Inilahad ko ang kamay ko at napatingin naman siya sa kamay ko na parang ayaw pa niyang hawakan?"Ayaw mo?""Tell me, why did you do that?" Tiningnan ko siya. Seryoso talaga siya ngayon.Napatingin ako sa mga kasamahan namin dito na nag-aalalang nakatingin sa amin.Tumango naman sila agad sa mean ko. Kailangan naming mag-usap ni Mike na kaming dalawa lang.Pumasok sila sa isang kwarto dito pa rin sa laboratory at kami na lang dalawa ni
Geraldine's Point of View*"Sa susunod na natin pag-uusapan ang bagay na 'yan. Ang importante ngayon ay ang kumakalat na droga ngayon."Napatingin naman sila sa akin at dahan-dahan na tumango. "I-Ikaw ba talaga si Nyx? Ang Prinsesa ng mga assassins? Yung top 1?" Napatingin ako kay Nine na nanlalaki pa rin ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at natawa na lang akong mahina habang nakatingin sa kanya.Hindi ko naabutan ang pagsilang sa kanya dahil nung panahong 'yun ay nagliligawan pa ang mga magulang nito at hindi pa siya ginawa. Hindi ko aakalain na makakabuo agad sila at malaki na ito ngayon.Ngumiti ako sa kanya at hindi ko na sinabi ang tungkol sa akin at agad naman niyang na-gets ang bagay na 'yun."Oh my God! Welcome back po! Hindi ko alam na nakita na pala kayo at isa pa idol na idol ko po kayo kaya ako pumasok dito sa phantom syndicate dahil sa inyo."Napakunot ang noo ko at napatingin sa mga magulang niya."Kinukwento kasi namin ang mga kakayahan mo noon kaya matagal
Geraldine's Point of View*Sa paglalakad pabalik ay napapansin ko na parang nag-iingayan na ang paligid at nung tingnan namin ang paligid ay parang may kaguluhan sa gitna ng parang stage na may salamin. Doon pala pinasok ang mga infected sa virus at makikita mo sa katawan nila na malapit ng mag-decomposed ang katawan nila. Lumapit sila Mike doon at ako naman ay nagpahalo sa mga estudyante at sumama sa grupo ko para di mahalata na nawala ako sandali. Umupo ako sa gilid at iniisip ko kung ano ang gagawin. Napatingin ako kay Nine na nag-aalalang nakatingin sa mga infected. "Nine."Napatingin naman siya sa akin at nag-sign ako na umupo sa tabi ko at sumunod naman siya."Ang dugo ba talaga ni Nyx ang makakasagot sa lahat ito?" Nagulat naman siya sa tanong ko. Napayuko naman siya at dahan-dahan na tumango."Ayon sa examination ng mga magulang sa dugo ng master noon ay 'yun din ang nakatalo sa virus noon. Hindi na siya pwede ngayon na kunan ng dugo dahil alam ko na matanda na di Master