Ayan nga may pa-distance-distance pa kasi. Salamat sa mga bumasa!
Geraldine's Point of View* Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko at gagalaw sana ako pero naramdaman ko na may yumakap sa akin sa likuran ko. At ramdam ko ang panghinga ni Mike sa leeg ko at dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya. At ngayong kaharap ko na siya ngayon. "Good morning, my emperor," mahinang ani ko sa kanya. "Good morning, my empress." Nakikisakay pa siya sa trip ko. Pagod na pagod ang isang ito dahil boung gabi ay siya ang gumalaw. Gusto niya eh kahit pagod na pagod na ako. Tiningnan ko siya na nakapikit pa din. "Inaantok ka pa ba?" "Hmm... 5 minutes more." Mahina naman akong natawa dahil sa sinabi niya. "Not easy to get me. Marami ka pang pagdadaanan bago mo ako makuha." Napamulat naman siya nang marinig niya ang sinabi ko na inulit ko na sinabi niya kagabi. "W-Wife... I'm awake already. Anong gusto mong breakfast natin, hmm?" Mahina na lang akong natawa dahil sa sinabi niya. "Matulog ka na ulit diyan. Maliligo lang ako." Ku
Geraldine's Point of View* Nakangiti ako habang nakatingin sa Asawa ko. Nandidito kasi kami ngayon sa sasakyan at hindi siya naka-make up ngayon. Ang disguise na sout niya ngayon ay isang cup at mask lang naman dahil ayoko din naman na naiinitan ang Asawa ko. Madali lang naman akong kausap eh. "Wife, are you really sure na hindi ka galit sa akin?" Napakunot ulit ang noo ko. Paulit-ulit na lang niyang tinatanong ang bagay na yun. "Hindi nga. Ikaw talaga ikaw lang ang nagbibigay problema sa sarili mo. Hold my hand para hindi ka na ma-mroblema." Hinawakan naman niya ang kamay ko at para naman siyang bata ngayon. "Wife, kahit anong make up na gagawin mo mas lalo kang gumaganda. Kahit ano pa ang gawin mong disguise ay makikilala't makikilala talaga kita." Mahina naman akong natawa dahil totoo naman ang bagay na yun. "Nakilala mo nga agad ako eh. Sigurado may red string tayo." "Red.... String?" "Uhmm... Invisible siya na pulang string na nag-connect sa ating dalawa. Ganun ba."
Geraldine's Point of View* Naglalambingan kami ni Mike dito sa park nang makita ko na may limang lalaki na may hawak na binatilyo. "Wag na wag kang magnanakaw. Alam mo naman na masama ang bagay na yan diba? Ipapatawag natin ang mga magulang mo." "Bitawan mo ko!" Mabuti nahuli nila ang binatilyong iyon. Marami na talagang mga ganitong tao sa boung mundo. Napatingin ako sa kanila at dinala nila ito sa mga pulis. Mukhang mga tagabantay sila dito sa park para sa kapayapaan. Nabalitaan ko na walang sweldo ang mga ganito. Parang incentives lang atah ang binibigay sa kanila pero mabuti na din iyon dahil wala na masyadong krimen kung walang pulis dito. Napangiti na lang ako at napatingin sa kalangitan. Napabuntong hininga na lang ako. Ang sarap sa pakiramdam lalo na nasa likod mo ang taong mahal mo na mahigpit na yumayakap sayo. Napatingin naman ako kay Mike na nakayakap pa din sa likuran ko habang naka-rest ang ulo niya sa balikat ko. "Hubby, are you sleeping?" Tiningnan ko siya at
Geraldine's Point of View* Ilang players na ang bumagsak sa sahig dahil may bet itong Asawa ko na kung sino ang makakatalo sa akin ay mananalo within 1 hour sa gitna ng ring. Isa-isang kinukuha naman ang mga wala ng malay sa ring may mga pumapasok pa ring mga players. "Bakit hindi ka napapagod?" Mabilis niya akong inatake at napaiwas na lang ako at na-out of balance naman siya kaya hinayaang ko na lang mahulog sa ring at ibig sabihin nun ay wala na siya sa laro. "Hindi ka atah tao!" Mahina naman akong napatawa dahil sa sinabi nung isang lalaki. "Hmm... noon iyon na hindi ako tao pero ngayon ay tao na ako wag kayong mag-aalala." Nanlalaki naman ang mga mata nila dahil sa sinabi ko at sabay-sabay naman silang lahat na umatake at napa-smirk naman ako at isang iglap ay nawala ako sa harapan nila at ayun nga nagbungguan silang lahat na kinapikit ko na lang. "Uhmm... sorry?" Napatingin naman sila sa akin sa unahan na nakatayo sa gilid ng stage. "P-Paano..." "L-Lumaban ka ng patas
Geraldine's Point of View* Naglalakad kami ni Mike sa mall at syempre patuloy pa rin namin ang date namin. Date sa umaga hanggang hapon tapos labanan sa gabi. O diba? Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad at napagdesisyonan namin na hindi na muna kami mag-di-disguise. Kahit weird at hindi ako sanay pero sasanayin ko sarili ko dahil hindi naman ako nag-iisa. Dalawa naman kami. Kaya heto ngayon habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Sinong hindi mapapatingin sa Asawa ko? Ang gwapo-gwapo niya sa sout niya ngayon at mas lalo atah akong nahuhulog sa kanya. At ako naman ay naka white dress naman ako at nakasapatos para sa pagtakbo namin mamaya kung may mangyayari man. "Hala nandidito si Mr. Muller!" Hindi namin pinansin ang mga taong nakatingin sa amin. "Saan tayo pupunta ngayon, wife?" "Hmm... Arcadeeee!" Natigilan naman siya at napatakip siya sa bibig niya at pinigilan niya ang sarili niya na kumilig. Jusko! Alam ko na lahi mo, Muller! May be
Geraldine's Point of View* "Hindi namin alam na ganito pala ang Asawa ni Mr. Muller! Woah! Nagseselos ako sa Asawa niya! Sana all!" "Makikita mo talaga na in love na in love si Mr. Muller sa kanya." Napatingin ako sa mga tao na nakatingin sa amin. Wala ba kaming private moments dito? "Ehem... Pwede naman siguro na akin lang ang Asawa ko diba? Date namin ito kaya wag kayong epal." Kunot noong ani ko sa kanila. Napatingin naman ako kay Mike na parang natutuwa pa sa pinagsasabi ko dito. "Please, kailangan naming ng time ng Asawa ko na mag-date." Napatango naman ang mga tao at agad naman silang lumakad at nakahinga na lang ako ng maluwag. "Okay na, wife. Moment na natin ngayon dito." Napangiti naman ako at napatango. "I want Mr. Penguin now." "Okay, fine, fine. Kailangan muna kumuha ng card." Tumango naman ako at lumakad na kami sa cashier at binayaran na niya bago kami pumunta sa claw machine. "Go, hubby!" Natawa naman siya at nakailang try naman siya nang makita ko na nagi
Geraldine's Point of View* Natigilan ako nang makita ko sa di kalayuan. Nakita ko ang dad ko na nakahiga sa sahig at nagkakagulo ang paligid. "Dad!" Agad akong lumapit sa kanya at tiningnan ko siya. Napaluha ako bigla nang makita ko na nag-aagaw buhay na siya ngayon. Paano nangyari ang bagay na ito? "Daddy, lumaban ka, please! Hindi pa tayo nag-uusap ng maayos." Dahan-dahan naman niyang hinaplos ang pisngi ko at ngumiti kahit namimilipit na siya sa sakit. "N-No, hihingi pa ako ng tawad sayo at mamamasyal pa tayo, dad." "My Princess... gusto ko ring gawin ang lahat ng iyon. Pero mukhang limited na ang oras ko ngayon. Pasensyahan mo na ang dad mo dahil ginawa ko lang yun para protektahan ka." "Ayos na po yun. Okay na tayo and please, don't leave me like mom." Naamoy ko ang dugo at napatingin ako sa tiyan niya at malaki ang hiwa doon na ginawa ng mga kalaban. "Mahal na mahal kita, anak. Mukhang kailangan ko na ring mamahinga dahil matagal na akong hinihintay ng mom mo at isa pa
Geraldine's Point of View* Nakasakay kami ngayon sa yatch ni Mike papunta sa island ng pamilya namin. Hindi ko alam na may island pala kami. Ang yaman naman atah ng pamilya ko at lalo na itong lalaking ito may pa-yatch pa. Maaga kaming sumakay sa yatch dahil mga pitong oras ang travel papunta doon sa island namin. Exclusive pala ang island na iyon at para lamang iyon sa mga assassins. Oh diba? Delikado ang lugar na yun. Nakatingin ako sa dagat habang nakatayo sa gilid at hinahayaan ang hangin na tumama sa mukha ko. Nang naramdaman ko na may yumakap sa likuran ko at nung tingnan ko ay nakita ko si Mike. At pinatong niya ang jacket sa balikat ko at niyakap niya ako sa likuran ko. At naramdaman ko na hinalikan niya ang leeg ko at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. "Baka mahulog ka, wife." "Nahulog na ako sayo." Humarap ako sa kanya at nakita ko na napangiti siya at dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko. "Wife, ipagpapatuloy mo ba ang disguise mo roon?" Napangiti ako
Geraldine's Point of View*"Princess, ano ba ang trabaho mo noon?"Napatingin naman kami sa buong lugar at kami lang naman ang nandidito ngayon. Ako, David, Mike at ako.Wala naman akong nararadaman sa paligid na ibang tao."I'm Astraea, ninong."Nanlalaki naman ang mga mata ni Ninong nang marinig niya ang bagay na 'yun."A-Astraea? You mean the popular undercover agent?"Dahan-dahan naman akong napatango. Di pa rin siya makapaniwala sa sinabi ko at napatingin naman siya kay Brother David."Yes, it's true, dad. Kaya pala pamilyar na pamilyar ka sa akin nung unang kita ko sa'yo noon, princess."Nagtataka naman akong napatingin kay David."Kailan tayo nagkita?""Sa Japan ka nun at mukhang may mission ka nun ay accident na nagtagpo tayong dalawa sa isang hotel nun.""Di kita napansin."Napangiti naman siya."I know that. Dahil busy ka sa pagmamasid sa subject mo nun. Hindi ko na lang pinahalata na ikaw 'yun dahil may mission din ako nung araw na 'yun."Napangiti na lang ako. "Gumagawa n
Geraldine's Point of View*Namumugto ang mga mata ko kakaiyak habang yakap-yakap ako ni Mike dito ngayon sa higaan ng kung saan ako kinunan ng dugo kanina. Pinaiyak pa niya talaga ako at hindi muna niya ako pinasalita at pinakakalma lang niya ako na parang sanggol."Are you done crying?" malambing na ani niya sa akin.Di ako nagsalita at nakayakap lang ako sa kanya habang nakaupo ako sa binti niya at siya naman ay nakaupo sa higaan."Wife?""Hmm..."Tiningnan ko siya at mahina na lang siyang natawa habang nakatingin sa mukha ko."Ang pangit mo ka-bonding."Nag-roll eyes ako habang sinasabi 'yun at mas lalo siyang natawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Tingnan niyo ang pangit ka-bonding!"Shut up. Bakit mo ko niyayakap? Wala ka namang tiwala sa akin. Maghahanap na lang ako ng ibang tao na may tiwala sa akin doon ako makikipaglaro.""Wife.""Oh."Di ko siya tiningnan dahil alam ko kakaiba ang tingin niya sa akin ngayon."Look at my eyes.""Ayoko baka kiligin ako."Naka-pout kong ani sa
Geraldine's Point of View*Natapos akong salinan ng dugo ay pinahiga muna ako dito sa higaan at maririnig pa rin ang ingay sa labas.Wala namang problema sa labanan sa labas dahil nandodoon naman ang mga guro at sila ninong at David. Kaya naman nila ang bagay na 'yun.Remember mga assassins din naman silang lahat kaya walang problema sa bagay na 'yun.Napatingin ako sa gilid ko nang naramdaman ko na may nakatingin sa akin. At nakita ko si Mike na naniningkit pa rin ang noong nakatingin sa akin.Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kanya.Inilahad ko ang kamay ko at napatingin naman siya sa kamay ko na parang ayaw pa niyang hawakan?"Ayaw mo?""Tell me, why did you do that?" Tiningnan ko siya. Seryoso talaga siya ngayon.Napatingin ako sa mga kasamahan namin dito na nag-aalalang nakatingin sa amin.Tumango naman sila agad sa mean ko. Kailangan naming mag-usap ni Mike na kaming dalawa lang.Pumasok sila sa isang kwarto dito pa rin sa laboratory at kami na lang dalawa ni
Geraldine's Point of View*"Sa susunod na natin pag-uusapan ang bagay na 'yan. Ang importante ngayon ay ang kumakalat na droga ngayon."Napatingin naman sila sa akin at dahan-dahan na tumango. "I-Ikaw ba talaga si Nyx? Ang Prinsesa ng mga assassins? Yung top 1?" Napatingin ako kay Nine na nanlalaki pa rin ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at natawa na lang akong mahina habang nakatingin sa kanya.Hindi ko naabutan ang pagsilang sa kanya dahil nung panahong 'yun ay nagliligawan pa ang mga magulang nito at hindi pa siya ginawa. Hindi ko aakalain na makakabuo agad sila at malaki na ito ngayon.Ngumiti ako sa kanya at hindi ko na sinabi ang tungkol sa akin at agad naman niyang na-gets ang bagay na 'yun."Oh my God! Welcome back po! Hindi ko alam na nakita na pala kayo at isa pa idol na idol ko po kayo kaya ako pumasok dito sa phantom syndicate dahil sa inyo."Napakunot ang noo ko at napatingin sa mga magulang niya."Kinukwento kasi namin ang mga kakayahan mo noon kaya matagal
Geraldine's Point of View*Sa paglalakad pabalik ay napapansin ko na parang nag-iingayan na ang paligid at nung tingnan namin ang paligid ay parang may kaguluhan sa gitna ng parang stage na may salamin. Doon pala pinasok ang mga infected sa virus at makikita mo sa katawan nila na malapit ng mag-decomposed ang katawan nila. Lumapit sila Mike doon at ako naman ay nagpahalo sa mga estudyante at sumama sa grupo ko para di mahalata na nawala ako sandali. Umupo ako sa gilid at iniisip ko kung ano ang gagawin. Napatingin ako kay Nine na nag-aalalang nakatingin sa mga infected. "Nine."Napatingin naman siya sa akin at nag-sign ako na umupo sa tabi ko at sumunod naman siya."Ang dugo ba talaga ni Nyx ang makakasagot sa lahat ito?" Nagulat naman siya sa tanong ko. Napayuko naman siya at dahan-dahan na tumango."Ayon sa examination ng mga magulang sa dugo ng master noon ay 'yun din ang nakatalo sa virus noon. Hindi na siya pwede ngayon na kunan ng dugo dahil alam ko na matanda na di Master