Share

Kabanata 002

Penulis: Roxxy Nakpil
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-26 12:15:37

CLAIRE SANCHEZ:

“Grabe naman tong si Edward hindi man lang nag-lock ng kaniyang pintuan. Nakakainis. Eeee napaka maniac talaga . Bwisit (napapa-padyak sa inis na sabi ko sa aking sarili habang naglalakad ako pababa ng kusina) sa kinadami dami naman kasi ng oras bakit ngayon pa ako inutusan talaga ni Manang. Ang malas ko naman. " pagmamaktol kong sabi. Pagdating ko sa maids quarter ay tinanong ako kaagad ni Manang dahil nakasumbakol ang mukha ko.

"bakit naman basang basa yang damit mo? at bakit ganyan yang pagmumukha mong bata ka?! ano bang ginawa sayo ni Sir Edward?! halika nga dito at magpalit ka muna ng damit mo. " nag-aalalang tanong sa akin ni Manang. Inabutan niya ako kaagad ng tuwalya.

"pano Manang yan pong alaga niyo meron na namang kaulyawan dun sa kwarto niya hindi man lang nag lock ng pintuan edi nagulat po ako ayun tumilapon ang kapit kong tray. Hindi ko naman napansin na natapunan din pala damit ko nung nasa loob ako ng silid si Sir Edward” naiinis kong sabi. Kung pwede ko lang pagsabihan si Sir Edward ay ginawa ko na.

"hahaha Ikaw talaga?! mainit na naman ulo mo, kababata mo naman yan. Pagsabihan mo na lang. Mabait naman yan si Edward pero ewan bakit naging wild yan ng ganyan. Hindi naman siya ganyan dati. Pero mabait yan, siguro sa tagal niyo lang na hindi nagkita na kaya naninibago ka" humahalakhak na tugon sa akin ni Manang Anita habang namamalantsa ng mga damit pang opisina ni Sir Edward.

"naku Manang . Kahit naman kababata ko iyan parang hindi ko na siya kilala. Mabuti pa yung dating Edward na nakilala ko noon, mas simple at mas masayang kasama hindi ganyan , ilang beses na akong nagpupulot ng cond*m niya nakakadiri hindi man lang itapon sa tamang tapunan. Haist sige na po magpapalit muna ako ng damit. " tugon ko kay Manang. Nagtungo na ako sa banyo at nagbihis. Dahil sa malagkit ang juice na tumapon sa aking katawan ay naligo na rin muna ako. Hindi pa man ako nakakatapos sa aking pag quick bath ay kumakatok na si Manang sa pintuan ng aming banyo. "bakit po Manang? patapos na din po ako?" nagtataka kong tanong. Magkahiwalay ang silid namin ni Manang pero iisa lamang ang banyo na aming ginagamit kaya naisip kong baka kailangan niyang gamitin ang banyo kaya ito biglang napakatok.

"Claire, anak pinapatawag ka ni Sir Edward baka hihingi sayo ng dispensa puntahan mo na siya. O baka nagugutom na ipaghanda mo na lang ng kaniyang pagkain ulit. Siguradong nakaalis na ang katalik nun. " sigaw ni Manang sa akin mula sa nakaawang na bukas sa pintuan sa aming banyo. Sa boses ni Manang ay halata na talaga ang katandaan niya. Kaya hindi ko na siya masyadong binibigyan ng kunsumisyon sa aming amo, hindi ko na din siya masyadong pinapakilos sa bahay. Siya na ang nagsilbing nanay sa akin magmula ng lumuwas ako ng probinsya. Pagkagaling ko sa School ay ako na ang halos nag-aasikaso ng mga gawain dito sa bahay. Pinagpapahinga ko na siya , mabilis na kasing hapuin ang aking Manang.

"HAYY nakakainis talaga" mahina kong sabi sa aking sarili "sige po Manang puntahan ko na" nagmadali na akong nagbihis ng aking damit at nagtungo sa kusina para ipaghanda ulit ito ng kaniyang makakain. Panay man ang aking pagmamaktol ay wala din akong magagawa kailangan kong tiisin ang lahat dahil wala naman ibang tutulong sa akin kundi si Sir Edward lang para matapos ako sa aking pag-aaral. Nang makapaghanda na ay nagtungo na ako sa kaniyang silid. Kumatok muna ako at nagsalita bago ako pumasok sa kaniyang silid para masiguradong hindi na ulit mangyayari ang kagaya kanina.

"Sir ito na po yung pagkain niyo. May ipag-uutos pa po kayo?" tanong ko sa kaniya.

"Pakilagay mo na diyan sa coffee table ko. Saka please lang Claire naasiwa ako kapag nag si-Sir ka sa akin. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko , its Edward remember?! Hindi ako sanay na tinatawag mo akong Sir parang hindi naman kita kababata niyan. (tinanguhan ko lang siya ng walang kagana gana) Teka lang wag kang aalis magbibihis lang ako may sasabihin pa ako sayo" pag aawat niyang sabi. Plano ko talagang ilagay lang ang pagkain niya at umalis na pero nagmatigas ito. Wala naman akong magawa kapit niya ang dalawang kamay ko, siya ang nagpapa-aral sa akin. Lahat ay titiisin ko para lang mabalikan ko ang aking Ate Christy, kailangan mapatunayan ko sa aking Mama at Step Father na kaya kong manindigan at mababawi ko din ang aking kapatid pagdating ng tamang oras.

"Parang pakiramdam ko ang layo layo na ng loob mo sa akin. Naiilang ka ba sakin?" Habang nagsasasalita ay nakikita ko sa nakaawang na pintuan ang pagbibihis ni Edward hindi ko alam kung sinasadya ba niya ito o talagang nagkataon lang. Kahit iwasan ko ay parang hinahawi ang aking paningin sa dakong iyon. Nakita ko ang nakaumbok na sandata nito sa suot niyang itim na boxer shorts, halos tumulo ang aking laway ng makita ko ang kaniyang 6 pack abs, ang tigas nito nasasabi ko na lang sa sarili ko, kaya naman pala sila binabalik balikan ng mga babae kakaiba naman pala talaga ang katawan ni Edward. Nang matapos magpahid ng lotion sa kaniyang katawan ay nagsuot ito ng manipis na puting t shirt at saka ito lumabas ng pintuan. Mabuti na lang at alerto ako. Iniiwas ko ang aking tingin sa kaniyang direksyon at nagkunwaring nakatuon ang aking tingin sa kabilang banda ng silid na iyon.

"ang sabi ko Claire bakit ilang na ilang ka sakin. Hindi mo ba ako narinig?! Aba ako pa rin naman ito ang kababata mo?" tanong niya sa akin habang papalapit siya sa aking kinatatayuan.

"e kasi nga Mr.Edward Murphy, with all due respect Sir ang kilala kong Edward na kababata ko hindi maniac at may respeto sa babae hindi kagaya mo. Susme kung saan saan na lang ako nakakapulot ng cond*m na ginagamit mo. Hindi ba pwedeng pagkagamit mo ilagay mo naman sa tamang basurahan, at pakiusap naman kung makikipagtalik ka naman sana naman i-lock mo ang pinto sa susunod." naiinis kong sabi

"hahaha! Claire ano ka ba naman , bakit Claire sa edad mong yan wag mong sabihin saking virg*n ka pa rin?. Grow up this is city life, tumatanda na din tayo dapat enjoy life lang. Ilang taon na nga lang tayo sa mundo tapos pipigilan ko pa ang aking sarili. Saka matatanggihan ko ba palay na ang lumalapit sa manok!" napaismid ako sa kaniyang sinabi. " THE FVCK" sa isip isip ko , wag mong igaya lahat sa mga babaeng nakakasama mo ang lahat ng babae. Napapailing na lang ako sa kaniya. Ayokong sumagot dahil ayokong mauwi na naman kami sa pagtatalo. " ah teka ilang taon ka na nga ba ngayon?" sarkastikong sabi niya sa akin. Nainis na ako sa kaniya dahil ayaw pa rin niyang magtigil kaka-asar sa akin.

"e ano naman ngayon kung virg*n pa ako sa edad kong 24, ito tandaan mo Mr.Murphy ibibigay ko lang ang puri ko sa mapapang-asawa ko at hindi sa kung sino-sino lang. Hinding hindi ako gagaya sa mga babaeng nakakalantari mo na pag nangati ay magpapakamot sayo. Hay naku ewan ko sayo!. May ipag-uutos pa po ba kayo sakin Sir? kasi kung wala na maari na ba akong bumaba dahil kailangan ko na pong matulog SIR , maaga pa pasok ko bukas." naiinis kong sabi.

“Oh shit! Malaki pala ang agwat ng edad namin ni Claire . Bakit kung mag isip ito parang siya pa ang 31 years old” naririnig kong bubulong -bulong niyang sabi sa kaniyang sarili.

“Yes Sir?! May sinasabi po kayo?” Tanong ko sa kaniya.

“Hahaha wala. Don’t mind it wala iyon.” Sabi niya sa akin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Naked Eye
Ang gnda ms a
goodnovel comment avatar
twinkle star
Ang hot ......
goodnovel comment avatar
Ryan Palles Achumbre
d aq mapalagay
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 346

    Tumingala siya sa akin ng may luha sa mga mata pero may ngiti sa labi.“Hinding-hindi mo iyon pagsisisihan, Arthur.”Yumakap siya nang mahigpit. At sa gabing iyon, wala nang multo mula sa nakaraan. Wala nang pangambang dadalhin. AFTER THREE MONTHSMula ng araw na kinausap ko si Andrew. Isinagawa ko na ang planong ito, ang araw na magbabago sa maling umpisa ng pagsasama namin ni Frances. Kasama ko sa pagbuo ng planong ito ang kapatid niyang si Frank. Nag-send ako ng message kay Frances. “Love, hindi kita masusundo ngayon. Busy ako sa work. Susunod na lang ako sa tagaytay.Si Frank na lang ang susundo sayo pero pramis susunod ako sa dinner out natin. Maliwanag pa rin naman kahit na 5pm na.” Agad naman siyang nag reply sa akin. “Ah, ganuon ba? Okay love, pero sana makasunod ka!”“Oo love, susunod ako”Pagtapos noon ay tinawagan ko na si Frank. Sinundo na niya si Frances habang ako ay naghihintay na sa Tagaytay. Sinigurado ko ding nakaayos na ang lahat.Ilang minuto ang nakalipas a

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 345

    ARTHUR POVHindi ako palasalita. Hindi ako katulad ni Andrew na kayang ipagsigawan ang nararamdaman niya, kahit sa maling paraan. Ako ’yong tipo ng lalaking hindi kailangang magsalita ng marami para iparamdam kung gaano ko kamahal ang isang tao.Pero huwag mo akong subukan. Dahil kahit tahimik ako, hindi ako papayag na mawala si Frances sa akin. Nalaman ko mula sa receptionist. Ilang beses na raw nagpapabalik balik si Andrew sa opisina ni Frances. Sabi pa nga, minsan may dalang kape. Minsan bulaklak. Akala siguro niya, kapag pinilit niya nang paulit-ulit, babalik sa kanya si Frances.At kahit hindi ako marunong makipag-agawan, marunong akong tumindig sa para sa taong mahal ko. Kaya simula nang malaman ko ang tungkol doon ay araw-araw ko na siyang sinusundo. Hindi dahil ayokong mapunta siya kay Andrew kundi dahil ayokong pabayaan siyang mag-isa habang pinipilit siyang kaladkarin ng isang taong hindi marunong rumespeto sa desisyon niya.Hindi ko kailangan magsalita ng masasakit. Hindi

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 344

    Akala ko kapag natapos ko nang tanggihan si Andrew, doon na rin matatapos ang lahat ng gulo sa pagitan naming lahat. Mali pala ang akala ko.Pinili ko si Arthur, hindi dahil sa obligasyon ng pagpapakasal, kundi dahil sa pagmamahal. Hindi man siya kasing expressive ni Andrew, tahimik man siya at palaging may laman ang bawat katahimikan niya, ramdam kong mahal niya ako. At higit sa lahat, hindi niya ako ginugulo. Minahal niya ako sa paraang alam niyang magpapagaan sa buhay ko.Pero may mga taong kahit anong paliwanag ko, hindi kayang tanggapin ni Andrew na tapos an ang kabanata sa buhay namin. Nagsimula ito isang linggo pagkatapos ng proposal na tinanggihan ko. Nasa opisina ako noon, abala sa pag-review ng reports para sa quarterly meeting na gaganapin sa susunod na araw, nang mapansin kong may bulaklak na nakapatong sa desk ko. White roses, kaya naman napangiti ako dahil ito ang paborito kong bulaklak. Nang tignan ko ang card kung kanino ito galing ay may nakasulat sa maliit na card

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 343

    Pagkatapos mang-asar ay naging seryoso naman itong si Ella. "Pero bilang isang malapit na kaibigan, i can say na mas okay si Arthur kaysa may Andrew na puro matapobre ang angkan!" Ngumiti lang ako dahil lumulutang pa rin ako sa alapaap sa aking naramdamang tuwa sa mga nagihing aksyon ni Arthur. ARTHUR POV Samantala, pagkatapos umalis ni Frances sa sikat na branded store na iyon ay nagtungo na si Joey sa cashier para bayaran ang bill, at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng mall. "Arthur, yung babaeng gumawa ng eksena, ng pangalan niya ay Daniella. Naalala mo nung nakaraan na may nagpupumilit pumasok sa opisina? Siya yun. Siya din ang babaeng nagpadala ng video ng proposal ni Andrew para kay Frances.” "Ganuon ba?." Tugon ko na may kalmadong boses , "sige, magbayad ka ng imbestigador para bantayan ang bawat kilos niya, siguradong may iba siyang pakay para kay Frances kung ganuon, at siguraduhin niyong hindi nila magagalaw ang kahit na anong butil ng buhok ni Frances

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 342

    Nang tingnan kong muli si Arthur ay hindi niya napigilan ang pagtaas ng gilid ng kanyang bibig. Inisip kong natatawa din si Arthur dahil sa nangyari kay Daniella, kaya't nagtanong ako ng medyo nagulat, "Anong nakakatawa?" "Wala lang , masaya lang ako!." Bahagyang itinaas ni Arthur ang kanyang mga kilay. "Masaya?" "Oo, masaya akong makagastos para sa misis ko." Itinaas ni Arthur ang gilid ng kanyang bibig at tiningnan ako "seryoso ako Frances ng sabihin kong gusto kitang ligawan at bumuo ng memories kasama ka! Alam kong huli na pero gusto kong may mga bagay na tumatak sayo na ginagawa ko para suyuin ka. Bahala na si Frank. Basta masaya ako sa ginagawa ko. Ikaw ang importante sa akin, higit sa sino man at kung ano pa mang mangyari.” Sa harapan ng lahat sinabi lahat ni Arthur iyo, kaya naman hindi ko mapigilang mamula ang aking mga mata. Pakiramdam ko sinadya niya talaga lahat ng iyon para marinig ng mga kaibigan namin. Paanong sasabihin nila na wala pa siyang nakar

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 341

    "Tinawanan ka kasi... Gusto ko lang ipakita sa kanya na hindi mo kailangang maging hubad ng asawa ko, ako lang ang may karapatang makakita ng kagandahan ng katawan mo! kaya mong bilhin ang kahit anong damit na gustuhin mo." Nabigla ako nang marinig ito. Na touch ako bilang babae at napangiti. Hindi ko inisip na si Arthur ay bibili ng maraming damit para lang mailabas ang galit niya sa pangingielam nitong si Daniella. Naramdaman ko ang kakaibang init sa aking puso. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako o magagalit dahil sa naging aksyon niya. Bahagyang akong tumingala sa asawa ko ko at malumanay na nakipag-usap. "Okay naman love, gets ko. Nainis ka sa harot na yun, at infairness sayo napangiti mo ako sa aksyon mo. Pero alam mo namang hindi ako mag-aaksaya ng pera ng dahil lang sa mga ganyang bagay. Mas mainam pang i donate ko yung perang iyan sa charity. Okay na ako sa tianggian parehas lang naman ng design. Kaya love, wag ng matigas ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status