LOGINSa umpisa palang ay alam na ni Samantha na Hindi siya mahal ni Bren. Magkaibigan lang sila nito. best of friends. Pumayag siyang magpakasal kay Bren dahil sa mamanahin ng binata. Totoong kasal pero huwad na pagsasama. Ang di sinasadya'y may namagitan sa kanilang dalawa. Hanggang sa mabuntis siya. Nang isilang niya si Lovely, buong akala niya'y matututunan na siyang mahalin ni Bren. Dahil all those years ay naging mabuti naman siyang asawa dito. Pero sinuklian ni Bren ng pagtataksil ang kanyang pagtitiis. Ang kanyang pag ibig. Nagrebelde ang puso ni Samantha. Panahon na para makaganti siya sa manhid na asawa. At maging unfaithful wife.
View More"O, Akala ko ba ay aalis na tayo? Bakit naglalaba ka pa?"
Mula sa pagkukusot ng kanyang damit ay umangat ang mukha ni Samantha. Si Bren ang nalingunan niya. Bihis na bihis na ito. Guwapong guwapo. Hindi agad siya nakapagsalita. Paano para siyang namamalikmata sa tuwing makikita niya si Bren. Hindi lang namamalikmata kundi ang bilis bilis pa ng pintig ng kanyang puso. Para siyang hihimatayin sa tuwing masisilayan niya ang guwapong mukha ng kaibigan niya. Oo, kaibigan lang niya si Bren. Best of friends. "O? bat nakatitig ka pa diyan sa akin? Hindi ka pa ba magbibihis? Hindi bat magpapa enrol ka pa?" sunod sunod na tanong sa kanyan ni Bren. "H-ha? A, e...." Kumunot ang noo ng lalaki. Mataman siya nitong pinagmasda. "What's wrong with you, Sam? Are you okay?" tanong nito. Puno ng pag aalala ang boses. Dinama pa ang kanyang noo at leeg ng kamay nito. Para namang napaso si Samantha sa kaswal na kontak na iyon ng kamay ni Bren sa noo niya't leeg. Nakaramdam siya ng panlalamig. Nang kilabot na gumapang sa kanyang katawan. "Samantha..?" sambit ni Bren. Naupo ito sa kanyang harapan upang higit na makita ang kanyang mukha. Naasiwa siya sa ginawa ng binata. "Ngayon na ba tayo aalis?" tanong niya. Tumango naman si Bren. "But of course! Don't tell me na nalimutan mo na ang usapan natin kagabi?" anito. "Hindi...kaya lang ay hindi ko namalayan ang oras," pagpapalusot ng dalaga. Saka siya nagmamadaling tumayo. "Sandali lang at magbibihis muna ako." akmang tatalikod na siya nang pigilan siya sa kaliwang braso ni Bren. Hindi niya namalayang mabilis na rin itong nakatayo. "Wait.." "B-bakit?" "Hindi ka ba muna maliligo?" pilyong tanong ni Bren sa kanya. Napansin niyang may pilyong ngiting naglalaro sa labi nito. Pinamulahan siya ng mukha. "N-Naligo na ako kanina pagkagising," katwiran niya at bahagyang natawa si Bren. "I'm just kidding, Samantha." Iwinaksi niya ang kamay nito na pumigil sa kanyang braso. "Puro ka biro...!" tumalikod na siya't lumakad palayo. "O, saan ka pupunta?" Humarap siya't pumameywang kay Bren. "Magbibihis! Ba't gusto mong sumama?" "Magpabango ka ha? baka kasi mangamoy ka sa loob ng kotse ko," tudyo sa kanyan ni Bren. Sumimangot siya sa narinig "Mabuti pa, pumasok ka nalang sa opisina mo. Ako na lang mag isa ang magpapa enrol!" pagtataray niya sa binata. Lumapit sa kanya si Bren. Nakangiti ito. "Ikaw naman hindi na mabiro.." "Eh, nakakainis ka na, pano lagi mo nalang akong binubuska. Nakakaoffend na," reklamo ni Samantha sa binata. "Natutuwa lang ako sa iyo. Nakakatuwa ka kasing inisin. Pero mahal naman kita talaga." biglang natigilan si Samantha. Rumehistro nang husto sa kanyang utak ang sinabi nito. Nagdulot ng ibayong kiliti sa kanyang puso. Mahal? Mahal siya ni Bren? "B-Bren..?" "O, bakit? Hindi ka ba naniniwalang mahal kita? Mahal na mahal actually. Bilang kaibigan," ani Bren. Nalaglag ang kanyang balikat. "M-Magbibihis na ako.." Pumasok siya sa loob ng servant's quarter. Nag umpisang magbihis. Pero walang pagmamadali. Naalala niya ang sinabi ni Bren. Inakala niyang may pagtingin din ito sa kanya tulad ng kanyang nararamdaman sa kaibigan niya for so many years. Nagkamali pala siya. Mahal lang pala siya ni Bren bilang kaibigan. Kaibigan lang ang turing sa kanya ng lalaking lihim niyang iniibig. Ipinarada ni Bren ang sasakyan sa parking lot sa tabi ng unibersidad na pinapasukan ni Samantha. Lalabas na sana siya sa kotse nang pigilan siya sa isang braso ni Bren at ilagay sa kanyang kamay ang isang sobre. Taka siyang napatingin sa binata. "What's this?" tanong niya. "Pang enrol mo," sagot ni Bren sa kanya. "M-May pera naman ako rito. Nag ipon ako ng pang enrol. Tinitipid ko ang allowance na ibinibigay ng Mama mo sa akin," wika niya. "Keep it. O, kaya ay ibili mo ng bagong mga damit at sapatos. Dahil kapag tinanggihan mo ang perang iyan ay tiyak na nagtatampo sa iyo ang Mama. At pati rin ako." Napatingin siya kay Bren. "Nakakahiya na kasi sa inyo ni Donya Amanda. Kayo na ang---" "Ssshh..." Saway sa kanya ni Bren. Alam niyang ayaw na nitong marinig pa ang mga linya niya ng utang na loob sa pamilya ni Bren. "Ipasok muna sa iyong bag yang pera at baka ma-snatch pa sa iyo." ginawa niya ang utos ni Bren "Hindi kana ba bababa?" "Hindi na," maagap na sagot ni Bren. "Dito nalang ako sa kotse, dito nalang kita hihintayin." Sa loob ng campus ay namataan niya agad ang kaibigan niya at kaklaseng si Jenny. Kumakaway ito sa kanya. Gumanti ng kaway si Samantha sa kaibigan. Patakbo siyang lumapit dito. "Akala ko ay hindi ka na darating! More than two hours na akong nakatanghod dito ah!" natawa si Samantha sa kaibigan. "Kasama mo ba si Bren?" excited na tanong nito sa kanya. "Oo." "Eh, nasaan siya?" "Andoon sa kotse niya. Doon nalang daw niya ako hihintayin," sagot niya. "Tara nang magpa enrol. Baka maunahan tayo ng ibang enrolees sa pagkuha ng mga subjects na kailangan nating pasukan. Graduating pa naman tayo." Nakapila na sila ni Jenny sa cashier para magbayad ng matrikula nang mag usisa ito sa kanya. "Kumusta na kayo ni Bren?" "Anong ibig mong sabihing kumusta na kami ni Bren?" kunot ang noong tanong niya kay jenny. "Kung nanliligaw na siya sayo," anito na tumitig sa kanya nang matagal. umiling si Samantha. "Kahit kailan ay hindi manliligaw sa akin si Bren. Kaya itigil mo na ang ka iilusyon na magiging kaming dalawa balang araw," aniya. "Akala moy hindi rin siya nag iilusyon!" tukso sa kanya ni Jenny. "Eh, hindi bat noon pa naman ay mahal mo na si Bren?" "Oo nga! pero hindi naman niya ako mahal. Kaibigan lang ang turing niya sa akin," nakaismid niyang wika. "Paano mong nalaman?" "Sinabi niya sa akin." "Eh, di imposible nang maging Mrs. Bren Alarcon ka balang araw? tanong pang muli ni Jenny sa kanya. Nagkibit balikat si Samantha. Nang gabing iyon ay hindi agad makatulog si Samantha. naiisip niya si Bren. Naging magkaibigan sila ni Bren sa mahabang panahon. Pero maliliit pa sila ay dinambana na ito ng kanyang puso. Minahal niya si Bren. Pagmamahal na kay tagal niyang inalagaan sa kanyang puso. Matagal siyang naghinatay ng sukli. Nang katugong damdamin. Ngunit batid niyang hindi na darating ang hinihintay niyang sukli. Kaibigan lang ang turing sa kanya ng binata. Noon at ngayon. Naghintay siya ng fairytales na magaganap sa kanyang buhay. Nangarap maging isang modern Cinderella. Pero ngayon ay nagising siya sa katotohanang sa komiks at pocketbooks lang nagaganap ang mga iyon. Kailangang kalimutan niya ang tungkol sa mga fairytales, ang huwad na kastilyong hinubog niya sa kanyang puso't isipan, ang kuwento ni Cinderella and all those wishes that could never come true.Ang bilis ng mga sumunod na pangyayari. Nagpakasal sila ni Bren sa huwes. Pagkaraan ay umuwi na sila sa mansiyon. Abot- abot ang kaba ni Samantha nang umibis sila ni Bren ng kotse. Paano siyang tatanggapin ni Donya Amanda bilang manugang? tanong niya sa isip. Matatanggap ba nito na ang asawang ipapanhik ni Bren sa kanilang bahay ay dati nilang katulong? Hinawakan siya ni Bren sa isang kamay at masuyong inakay papasok ng bahay. "Nanlalamig ka..."bulong nito sa kanya. "Dahil ninenerbyos ako, Bren. Paano kung hindi ako tanggapin ng Mama mo? Edi nasayang lang ang pagpapakasal natin?" "Relax. Hindi mangyayari ang iniisip mo. Isa pa, hindi naman kumakain ng tao ang Mama," biro pa sa kanya ni Bren. Pagpasok nila ng bahay ay saglit na huminto sa pagtibok ang puso ni Samantha. Lalo na nang lumabas mula sa dining room si Donya Amanda at salubungin sila nito. "O, Bren kasama mo pala si Samantha. Kanina pa ako nag aalala sa batang iyan. Akala ko'y kung saan na nagpunta.." Biglang tumigil
"Hi!" Mula sa pagkakayuko ng ulo ni Bren sa mga pinipirmahang papeles ay nag angat siya ng mukha't agad niyang nakita sa may likod ng pintong bagong sara si Geneva. "Anong ginagawa mo rito?" kunot ang noong tanong niya sa nobya. "Msama bang dalawin ko ang aking boyfriend? Aren't you glad I'm here?" malambing na tanong ni Geneva sa kanya saka ito lumapit kay Bren. Umupo sa kandungan niya ang babae. "Look, Geneva dala dalawa ang upuan sa may harapan ng table na nakalaan sa mga bisita. Why don't you sit down there?" naiiritang turan ni Bren matapos paalisin sa kanyang kandungan si Geneva. Lumabi si Geneva. Umupo ito sa isa sa mga silyang itinuro ni Bren pero nakasimangot. "Ang sungit sungit mo naman! it's not the way how to treat your girlfriend, Bren. Ikaw na nga itong dinadalaw," pagmamaktol ng babae. "Can't you see I'm busy working? Marami akong trabahong nakatambak ngayon," Ani Bren sa nagtatampong nobya. "Okay, I understand now. Pero kailangang lumabas tayo para hind
Unang araw ng klase sa unibersidad na pinapasukan ni Samantha. "O, bakit parang ang lungkot-lungkot mo yata? Daig mo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa, ah!" puna sa kanya ng kaibigang si Jenny. "S-Si Bren, mag aasawa na.." "Mag aasawa na? Kanino? Do'n sa girlfriend niyang mukhang bangus?" malakas na tanong ni Jenny sa kanya. "Ewan. Hindi ko alam," sagot niya. "Ano ba naman yan? Kamo'y mag aasawa na si Bren. Eh, si...ano na nga bang pangalan no'ng girlfriend niya?" "Geneva." "O, di si Geneva na ang mapapangasawa niya. Iyon lang naman ang girlfriend niya, di ba?" "E, hindi pa naman kasi alam ni Bren na mag aasawa na siya." "Ha?!" nagulat na sambit ni Jenny. Kumunot ang noo nito nang kunot na kunot. "Ganito kasi iyo...ang sabi sakin ni Donya Amanda ay panahon na raw para mag asawa si Bren dahil gusto niya nang magkaroon ng apo..." "Pwede ba naman yung si Donya Amanda lang ang may gustong mag asawa si Bren? Paano kung hindi pa gusto ng may katawan dahil hindi p
"Alam mo? Paglaki ko'y gusto kung maging mayaman. Sawa na akong maging mahirap. Palagi na lang akong naghihiram ng mga laruan sa iyo. Pulos naman baril barilan at kotse kotsehan ang mga laruan mo. Puro panlalaking toy's," mahabang sabi ng walong taong gulang na batang babae. Walang iba kundi si Samantha. "Nagrereklamo ka pa! Mabuti nga at ipinahiram ko pa sa iyo ang ang mga toys ko. Sa iba ko ngang friends na mga lalaki ay hindi ko ipinahihiram ang mga laruan ko dahil baka masira," sabi naman ng labing isang taong gulang na si Bren. "Hindi naman ako nagrereklamo ah! Pero kung mayaman siguro kaming tulad nyo ay hindi na ako manghihiram pa ng mga laruan sa iyo. Maraming marami siguro akong dolls. May walking dolls, talking doll yung puro importeys!" palatak ni Samantha. "Baka imported!" pagtatama dito ni Bren. Sumimangot si Samantha. "ganoon na rin iyon." "Paano naman kasi kayong magiging mayaman, eh labandera lang namin ang Nanay mo. at ang Tatay mo naman ay karpentero lang.
![The Ruin Wedding [Tagalog/Filipino]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)











Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.