Share

Chapter 10: I Like

Chapter 10: I Like

"Why did you add it?"

Umirap ako sa tanong ni Caius. Naka-upo siya sa gilid ko habang nakapangalumbaba gamit ang isang kamay. His left hand is pointing out the paper I showed to him.

"They have the same x!" Pagalit kong sagot.

"Uh-huh?"

Tinuro ko ang papel kung saan ko sinagutan ang ibinigay niyang problemang pinagtatalunan namin.

"Caius, bobo ka ba? Parehas silang x kaya pinag-add ko."

"That's the reason why you have to repeat the remedial quizzes."

Kumunot ang noo ko. "E parehas nga silang x! Kapag y, e di add din!"

Bahagya siyang natawa. "Are you going to add everything?"

"Should I have divided it?"

Napa-iling si Caius, hindi makapaniwala sa patanong kong sagot.

Kinuha niya ang ballpen sa kamay ko at may isinulat sa papel. Dahan-dahan siyang nagsulat doon.

Pumangalumbaba ako habang pinapanood siyang seryosong magsulat.

"Caius, huwag ka nang magpakahirap d'yan. They have the same value, so you must add them both." Sambit ko.

"You don't always add them, Immanuel."

"Whatever!"

Ibinalik ni Caius ang aking papel.

I saw the simplified answer. Since sinagutan niya na, nagbigay siya ng another item sa ilalim ng item na kanina pa namin pinag-aawayan.

Laging ganito. Sa tuwing hindi ko nasasagutan ng tama at siya na ang nagsagot, Caius would give another headache to me.

"Ano ba 'yan! Paano naging ganiyan?" Tanong ko patungkol sa sinagot niya.

He hissed. Kinuha niya ang philosophy book at hindi na naman ako pinansin.

Damn it! Paano ko maiintindihan kung hindi niya sasagutin ang tanong ko?

"Minsan anghel, madalas demonyo." Bulong ko.

Sa ganitong pagkakataon, Caius is helping me. Pero itong attitude niya sa pagtuturo ang kinapipikunan ko.

Anong klaseng tutor 'to? Hindi nagsasalita! Hindi nagsasabi ng feedback at itinuturo kung paano makuha ang sagot.

I just stared at the paper again. Gusto kong itanong kung paano niya nakuha pero hindi naman niya ako sasagutin.

Kinuha ko ang phone sa aking bulsa. I tried to search for the answer using an AI.

"Immanuel, you won't know how to simplify it if you rely on the internet."

Umirap ako. "Magcha-chat lang ako. Icha-chat ko lang ang boyfriend ko." I lied.

Agad na lumipad ang tingin niya sa akin pero mabilis niyang ring ibinalik sa libro.

"No phone, please."

I hissed at saka ibinalik ulit sa bulsa ang phone.

Sinulat ko ulit ang tingin kong tamang sagot at ipinakita kay Caius.

Binaba niya ang binabasang libro. Kinuha niya mui ang ballpen sa aking kamay at nagsulat. Pagkatapos ay ibinalik ulit.

"What the fuck is this?" Tanong ko nang makita ang papel.

x + x = ___

"Basic."

"E, alam ko na 'yan!"

"What's the answer, then?"

"x^2!"

Ngumisi si Caius. "Are you sure?"

Bahagya akong natigilan. "2x ba?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"x^2?"

He chuckled. "That's the basics, Immanuel. You should know it at least."

Padarag kong ibinagsak ang likod ng aking katawan sa backrest ng monoblock. Humalukipkip ako.

"Alam ko na nga 'yan." Kunoot noo kong saad.

"Yeah, you know it, but you get easily confused."

"Let's skip that one. Gusto ko itong coverage lang ng remedial para makapag-take oa ako ng exam."

Umiling si Caius. "Contemplate, Immanuel. I'll give you five minutes to contemplate the answer for that."

"Tama naman kasing x^2? Anong pinaglalaban mo?"

"You're not even sure about your answer. Basic 'yan, Immanuel."

"I said let's skip it!"

Nagdilim ang mukha ni Caius.

"No, Immanuel. We're not skipping the basics. You will not learn the complex if you skip the basic ones."

Tumayo ako. "I don't care about your basics! Fuck basics!"

I was about to leave but that freaking Jologs held my wrist at pwersahan akong pina-upo sa monoblock.

"Ano ba?!" Sigaw ko nang mapa-upo.

Ibinalik ni Caius ang ballpen sa akin. He taps the papers on the table.

"Answer it or I'll leave you here now?"

"Leave me!"

Iniligpit niya ang librong binabasa at saka tumayo. I watched him put the book on the shelf.

Damn it.

Walang magtuturo sa akin ngayon dahil wala si Emma. I don't want to ask mommy to give me a tutor dahil magagalit siya sa akin.

"Caius!"

Sigaw ko ng nilampasan niya ako para lumabas ng library.

Itong jologs na ito masyadong pinangatawanan ang sagot ko sa tanong niya. I really didn't mean it!

Umiwas ako ng tingin.

"B-bukas na lang tayo mag-study."

"Okay. I'll ask Emma your residence address-"

Napalingon ako. "No way!"

"I don't want to teach someone at my home."

"Sa tingin mo gusto ko rin?"

He shrugged off his shoulder. "Then, I won't be able to teach you."

Umirap ako. "Fine!"

Late akong nagising kinabukasan. Natulog akong masama ang loob dahil kay Caius. Alam niyang sa kasagsagan ng kamalditahan ko, naroon pa rin ang pagiging grade conscious ko.

Natapos akong mag-ayos bago ko naisipang bumaba para sa brunch. I just wore a white sweetheart tube top and a black plaid skirt.

Pagbaba ko ay nadatnan ko ang isang katulong.

"Ma'am! Nariyan na po pala ang boyfriend-"

"Huh?"

Tinuro niya ang garden sa labas. "Naroon na po ang boyfriend mo, kausap nila Ama at Ina."

"Wala akong boyfriend!" I spat.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat hakbang papuntang hardin ng bahay namin.

My eyes widened when I saw Caius, who's wearing a big white t-shirt with jeans, sitting beside my Ama at Ina.

Mukhang McDonald si Caius dahil pilit niyang ipinartner ang bulldog shoes niya sa suot niyang damit.

Nakaupo sila sa four-seater table namin. Sa gitna no'n ay babasaging table kung saan nakalagay ang mga inumin nilang tatlo.

"Gaano katagal na kayo?" Si Ama.

"May ugali minsan ang apo ko, pero mabait iyon."

Ano ba itong pinagtatanong ng grandparents ko? Ano bang akala nila? Boyfriend ko si Caius?

No way!

"Immanuel is-" Bago pa madugtungan ni Caius ang sasabihin ay kaagad ko na siyang pinutol sa pagsasalita.

"Caius!" Tawag ko.

Napalingon sila sa aking direksyon. Kaagad kong kinuha ang kaniyang palapusuan at hinatak palayo sa lolo't lola ko.

"Aba, Imma! Ang ugali mo! Kinikilala namin ang boyfriend mo."

Tiningnan ko si Caius at pinanlakihan ng mata.

"Anong sinabi mo sa mga magulang ko?" May diin kong bulong.

"Wala."

I looked at my grandparents. Pinanliitan ko ang aking mga mata. Pinilit kong ngumiti sa kanilang mga mata.

"He's not my boyfriend. Hindi ako nagjo-jowa ng jologs pumorma."

"Ay, gano'n? Akala ko boyfriend mo..."

"He's Caius. Nerd classmate ko and he fell behind the class."

Naramdaman ko ang marahas na paglingon sa akin ni Caius. Hindi ko siya tiningnan.

"I have to take care of my nerd tutee. We will study in dad's study room."

Ilang beses nangulit ang grandparents ko na gusto nilang makilala ang boyfriend ko. Nakailang ulit akong paliwanag na hindi ko boyfriend si Caius.

Doon pa lang sa pagpapaliwanag, napagod na ako. Paano pa kaya itong session namin ngayong araw.

Dumiretso ako sa couch ng study room ni daddy. Puno ito ng mga libro patungkol sa mga batas na hindi ko interest basahin.

Sa gitna ang receiving area niya. Kulang brown ang sofa at couches. Sa gitna ay isang wooden table. May nakalagay na mga kalendaryo at magazine.

Sa dulo ay ang table niya na maraming nagkalat na papel.

Si Caius ay paikot-ikot sa study room. I saw him stopped in a shelf at hinawakan ang isang libro ni daddy.

"Don't touch any-"

Mabilis na nahatak ni Caius ang librong gustong kunin sa shelf.

"Caius!" Naiinis kong sigaw.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya para kunin ang libro. Ibinalik ko ito sa kung saan niya nakuha.

"Don't touch anything! Kay daddy itong study room. Ayaw kong mapagalitan kapag may nasira or nawala rito."

"Okay." He affirmed. "Why not in your study room?"

Napasimangot ako.

"Shut up. I don't have a study room."

"Really? A running salutatorian doesn't have a study room?"

"Pina-extend ko kasi sa walk in closet ko. So, please, shut up."

Nagsimula na ang pag-tutor niya sa akin. Inuna namin ang Math dahil iyon ang subject na mahirap para sa akin.

Naka-upo si Caius sa couch samantalang ako naman ay nasa sofa. Nakakalat sa centered table ang mga papel at textbook ko.

"Caius, tama ba ito?"

Ipinakita ko ang papel.

Ibinaba niya ang phone at pinasadahan lang ng tingin ang papel na inangat ko sa ere.

"Mali." Aniya at ibinalik ang tingin sa phone.

"Hindi mo pa nga tinitingnan nang maayos!"

"Mali nga." Sambit niya nang hindi ako tinitingnan.

Umirap ako at triny ulit sagutan ang ibinigay niyang sakit sa ulo sa akin.

Kung si Emma siguro ang nagtuturo sa akin ngayon, paniguradong kahapon ko pa na-gets kung paano ito.

Ito kasing si Caius napaka-walang k'wenta mag-tutor.

Pasimple kong inabot ang phone kong isa sa nakakalat sa centered table. I swipe it at bumukas ito.

Pinuntahan ko ang Viber para mag-send ng message kay Emma.

P'wede bang ikaw na lang ang magturo sa akin? Wala akong maintindihan kay Caius.

"Immanuel." Boses ni Caius.

Inis ko siyang binalingan. "What?"

"What are you doing?"

"I'm chatting with my boyfriends."

Tumikhim siya. "No phone, please."

Umirap ako at muling nagtipa ng mensahe sa best friend ko.

Bawal pa mag-phone kapag tutoring session! Nakakainis!

"Si Emma kausap ko."

Pinindot ko ang send saka pinatay ang phone. I toss it on the sofa I'm sitting on.

Sumandal ako sa sofa dahil napapagod na akong umupo.

Caius fixed his eyeglasses at seryosong nakatingin sa akin. "Ano raw sabi?"

Kumunot ang noo ko. "Huh? Nino?"

"Kausap mo si..." Umiwas siya ng tingin.

Napaayos ako mula sa pagkakaupo at tinawanan si Caius sa kaniyang itsura. Ang maputi niyang kutis ay namumula. Buong mukha iyon, lalo na ang kaniyang tainga.

"Bakit ka namumula?" Pang-aasar ko.

He hissed. Binaling niya muli ang tingin sa phone, kunyari busy.

Bahagya akong umusog sa sofa para lumapit kay Caius. I crossed my legs and put my right elbow on it at saka pumangalumbaba.

"Gusto mo talaga ang best friend ko, 'no?"

Hindi siya sumagot but the redness on his face is evident.

"Paano pala kung nakikipag-usap ako sa ibang lalaki and I told you I'm exchanging messages with Emma. No phone pa rin ba ako?" Tawa ko.

"Shut up."

"Nililigawan mo ba si Emma?"

"Sana."

Namilog ang mga mata ko. "Nangangarap ka pa?!"

Hindi ko maiwasang mapangisi. Talagang gustong-gusto niya si Emma, huh.

"Ang jologs mo nga manamit, e. Tingin mo magugustuhan ka niya?" Sambit ko. "Tingnan mo nga ang suot mo..."

Binitawan ni Caius ang hawak sa phone at pinasadahan niya ng tingin ang sarili habang naka-upo sa coach.

"Ang jologs-jologs mo, Caius."

"I want to wear it. What's wrong with my clothes?"

Umirap ako. Walang fashion sense.

"Kung marunong kang mag-ayos at pogi ka, approve ako sa inyo ng best friend ko. Pero sa lagay mong niyan? Tingin mo ba magugustuhan ka ni Emma?"

"I prefer someone who sees me beyond my physical appearance."

"Wow! May tinatago kang romance sa katawan?" Tawa ko. "Walang magkakagusto sa'yo. Walang magtatangka."

"I'm a man, Imma. In nature, I'm a man."

Napangisi ako. Subukan natin kung totoo 'yang sinasabi mo.

Umupo ako sa centered table, katapat ng couch niya. I slowly unzipped the side zipper of my tube while waiting for Caius, who immediately picked up his phone as soon as I sat on the table, to look at me.

Nasa kalagitnaan na ang zipper ko pero hindi pa rin niya ako nililingon.

Sa inis ko ay binaba ko ang phone ni Caius. As soon as his phone fell to the floor, Caius immediately closed his eyes.

"I'm blind, Immanuel. I can't see anything."

Natawa ako sa tinuran niya.

Hinawakan ko ang magkabilaang balikat ni Caius. I lean over and whisper on his ears.

"You're a man..." I whispered seductively. "Aren't you going to fall for someone as sexy and pretty as me?"

Gumalaw ang adam's apple niya.

"I don't fall for someone like you."

"Why not? I'm pretty, Caius."

I bit his earlobe. Pagkatanggal ko ng mga labi ay napansin kong dumiit ang red lipstick ko roon.

"I like..." He paused.

Bahagya akong lumayo para pagmasdan ang itsura niya. His eyes are closed pero kunot ang makapal niyang mga kilay.

Kaya mo pa ba? I chuckled at his image.

"... Emma." He said in between his heavy breaths.

Napatigil ako sa aking ginagawa.

Santo ba ang best friend ko na kahit itapon ako sa harap ni Caius hindi niya magawang maakit dahil makasalanan if he'll engage with me?

I don't get it. Maganda naman ako at sexy, but why does he need to say it repeatedly that he likes Emma?

Alam kong gusto niya ang bestfriend ko. Pero bakit? Bakit kahit isang puri lang wala akong marinig?

Boys are like hyenas. They would always find flesh, and if luck threw it to them right in front of their eyes, they wouldn't hesitate to salivate- it's their nature.

Tumayo ako at tumalikod. "I know you like my best friend. I just wanna test you!"

Inayos ko ang aking pang-itaas.

Pangit ba ako? Mahirap bang maakit kapag may ibang gusto ang lalaki?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status