Share

Chapter 11: Over My Dead Body

Chapter 11: Over My Dead Body

Pakiramdam ko may kulang sa akin. Even though I see the best in me, tingin ko mayroong wala sa akin na mayroon si Emma.

Napabuntong hininga ako.

Tinapos lang namin ni Caius ang session. Pagkatapos no'n ay pinauwi ko na rin siya dahil nawala ako sa mood.

My grandparents, on the other hand, kept asking me about Caius. Paulit-ulit ko ring isiniksik sa kokote nila na siya ang tinuruan ko, kahit ako talaga iyong tinuruan niya.

"Tita, maganda naman ako 'di ba?" Tanong ko sa kabilang linya.

Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko habang nasa tainga ang phone. Nakataas ang isa kong kamay sa ere at kunyari may inaabot sa kisame.

"Of course!"

Napasimangot ako. "Sinasabi mo lang yata 'yan kasi paborito mo ako…"

She chuckled. "No, hija. You're really pretty. Bakit mo naitanong?"

"I have this classmate…"

"Uh-huh?"

Ininaba ko ang kamay. Umupo ako nang maayos sa sofa at saka inayos ang pagkakalagay ng phone sa aking tainga.

"Mabait siya minsan. Madalas hindi. But whenever I teased him, lagi niyang pinapamukhang may mas maganda sa akin."

"So, you're trying to say na may lalaking ayaw sa'yo?"

"Yeah…" Halos bulong na ang lumabas sa aking bibig.

"Hold on." Si tita.

Nagkaroon ng katahimikan sa linya namin.

Mayamaya lamang ay nakarinig ako ng tunog ng text message sa kabilang linya.

"Imma, I just sent 50,000 pesos to your bank account."

Namilog ang aking mga mata. "50,000 pesos?"

Anong gagawin ko sa perang iyon? I mean, I have my own money. Tita Erica usually spoils me pero hindi ko alam kung bakit niya ako binigyan ng ganitong kalaking halagang pera.

"Kulang ba?" Tanong ni tita. "For awhile, I'll send another—"

"No, tita. It's enough. Pero anong gagawin ko sa pera?"

"Treat yourself, baby girl. You deserve to pamper yourself." Aniya. "Alam kong stress ka sa school at mga tao sa paligid mo. I hope that money can remove your stress even for just a few moments."

Malungkot akong napangiti. "Thank you, tita Erica."

"No worries, baby. Just send me a message if you're short because I'll wire you more money."

I got it now. Tita Erica wants to spoil me para mag-ayos ako, so Jologs can't say na may mas maganda pa sa akin.

Siguro nga kulang ako sa ayos kaya wala akong talab sa nerd na iyon.

Weekends, I spent my day and night studying. Kailangan ko munang maghirap sa academics before I'll treat myself para sulit lahat ng stress!

I believe in myself. Kahit walang tulong mula sa iba, alam kong kakayanin kong makakuha ng mataas mga score ulit.

But that was a lie.

In between my studies, I found myself busy surfing on the internet. Sabi ko saglit lang akong manonood sa TikTok but I ended up spending almost three hours!

Whatever.

I did my best on my exam.

Right after taking it, hindi na ako nagpaalam kay Emma. Nagmadali na rin akong umalis ng school because I want to pamper myself.

Damn that nerd. Siya lang ang nagpa-pamper sa akin dahil sa mga pinagsasabi niya. Caius made me lose my confidence for a bit.

Nilagyan ng volume ang buhok ko. My eyelashes were also lifted while my brows were trimmed.

Habang nililinis ang paa ko, busy akong makipag-usap sa isang college student from Messenger.

Nagtitipa ako ng mensahe sa mensahe niyang hindi ko na-reply-an noong nililinis ang mga daliri ko sa kamay.

Suddenly, Emmarose called me. Inis kong tinitigil ang pagtitipa para sagutin ang kaniyang tawag.

Inayos ko ang earpods sa aking tainga para marinig ang kaibigan sa kabilang linya.

"Yeah?"

"Nasaan ka?"

"Mall."

"What are you doing there? Nakikipag-meet up ka ba sa na-meet mo online?"

Kumunot ang aking noo. "Of course not! Nagpapaganda ako ngayon. Bakit ba?"

"Stop what you're doing right now. May meeting tayo."

"What?!" I exclaimed. "Ayaw ko nga. Wala naman akong gagawin sa meeting."

"You're one of the officers—"

"Muse lang naman ako."

"You're part of it."

"Kaya n'yo na 'yan. Saka, nariyan ka naman."

Totoo naman. Big brain si Emmarose. Paniguradong utak pa lang niya tapos na problema na dapat pag-usapan ng grupo.

"Immanuel!"

"Fine, Emma!" Naiinis kong tugon. Bahagya pang nagitla ang babaeng naglilinis ng paa ko.

"Saan ba ang meeting?"

"Dito sa school. Sa room lang natin."

"Hindi ba p'wedeng sa labas na lang? I changed my clothes earlier. Hindi na ako papapasukin ng guard."

Kahit labag sa loob ko, Emma and I meet halfway. Sasama ako sa meeting pero outside the school.

Ayon nga lang, I have to finish the service I avail in this spa house. It took almost 20 minutes bago ako nakarating sa malapit na fast food chain.

I was late. Kaonting tao lamang ang nasa loob ng nakuhang p'westo nila Emma pero it's very cozy dahil malamig naman ang kainan.

Pagdating ko ay nag-uusap na sila sa table. Tatlong table ang pinagtabi nila. May mga iilang finger food na rin sa gitna at drinks.

Sinenyasan ako ni Emma na tumabi sa kaniya kaya naupo ako roon. Napalilibutan kami ng ibang officer sa section namin. Sa dami namin ay hindi ko na mabilang.

Nakita ko si Caius na naka-upo sa dulo ng mesa. Hindi ko maiwasang mainis na naman sa kaniya.

"I had to accept this dahil inactive ang SSG. Kung hindi tayo kikilos, walang mangyayari sa program na ito." Si Emma.

Nagsimula silang mag-usap-usap. There's an upcoming program for this month at kami ang pinagkatiwalaan sa opening.

They were planning about the flow of the program. Wala naman akong maiaambag sa usapan dahil muse lang ako. Isa pa, marami na sila. It's enough to brainstorm their creativity.

I smiled and wink. Pinindot ko ang white button ng camera.

Tiningnan ko ang mga nakuha kong pictures. In-edit ko ang lighting ng pictures bago i-post sa I*******m.

"Pretty!" Puri ko sa sarili.

Marami kaagad ang nag-heart nito when I posted it. May mga komento agad na napadpad sa comment section.

Ginawa kong abala ang sarili sa phone habang nagmee-meeting silang lahat.

“Imma, I need you for this program.”

Napabaling ang tingin ko kay Emma na katabi ko.

“Huh? Ako ulit?” Tanong ko. “Nag-emcee na ako noong nakaraan. Ayaw ko na mag-emcee tapos iiwan ako ng dapat naka-partner sa akin?” Pagpaparinig ko.

“No, iba ang gagawin mo ngayon sa program na ito. I mean… not part of the program, but part of the activities.”

“Ano ba iyon?”

“May mga naka-assign na kasing mga kaklase natin sa ibang activity. Ang wala na lang tayo ay mga pambato for this Mr. and Ms. Maple—”

“Hold on.” I said, itinaas ko pa ang aking kamay para pahintuin si Emma.

Lahat ng mga kaklase ko ay tahimik na nakikinig sa aming dalawa.

“Are you telling me to join that and my partner is Caius?”

“Yeah…”

“Oh, my God!” I hysterically said.

“Pageant lang naman. Hindi naman personal-an, Imma. You just have to walk and answer the questions. Tapos!”

“God, no! Emma, over my dead body, ayaw kong maging partner si Caius sa ganiyan!” I look at him.

Wala pa ring nagbago sa suot ni Caius after I told him na mag-ayos.

Ayaw ko! Ayaw ko sa katulad niyang jologs at nerd. May pimples pa siya na natatakpan ng pimple patches. Baka mahawaan niya pa ako.

“I wore decent clothes. Ang ganda-ganda ko…” I said. “... tapos ipa-partner n’yo ako sa pangit at jologs manamit? Gusto ko ng hustisya!”

Napailing ang iba kong mga kaklase.

“Grabe ka naman, Immanuel…”

“Pageant lang naman, e.”

“Oo nga. Pagbigyan mo na kami. Wala kasi talaga tayong pambata sa section natin.”

Umirap ako sa mga naging komento nila. Hindi naman sila ang magiging partner ni Caius kaya madali para sa kanila na manduhan akong sumali.

“No way!” I said.

“Emma, it’s okay." Napatingin kaming lahat kay Caius.

"Anong okay? Wala tayong representative sa section natin." Si Emma.

"Don’t push Immanuel to be my partner. P'wede pa naman siguro tayong maki-usap sa ibang babae nating kaklase.” Si Caius.

Hindi ko inaasahan ang magiging desisyon niya.

As if may gustong maging partner ka.

Hindi ko na lamang isinatinig ang laman ng isip ko.

“Iyon naman pala!” Sambit ko. “Hindi kami magkakasundo kung kami ang ipa-partner ninyo.”

“Yeah, Emma. We are not going to click if we push it. Besides, I really don’t want to team up with a narcissist.”

Pinanlakihan ko ng mata si Caius. "Hey! I'm not a narcissist! I just know my worth!"

"You're full of yourself."

"I'm not! I'm just confident!" Pagmamatigas ko.

Umangat ang isang sulok ng kaniyang labi. Aba! Nang iinis pa ang jologs na ito sa akin!

"Palibhasa ikaw kasi napaglipasan ka na ng panahon. Bakit hindi mo ayusan ang sarili mo, Caius? Baka sakaling gustuhin ko pang ikaw maging partner ko kung pogi at maayos kang manamit.”

“Alright, both of you, shut up now!” Pamamagitna ni Emma sa aming dalawa.

“Okay, since wala tayong aasahan kay Immanuel, I’ll ask someone to be Caius’ partner from our section. Ikaw Imma, I want you to join any contest para may plus grade ka sa ibang teacher natin.”

Umirap ako.

“Whatever.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status