Share

Chapter 3

Penulis: Wenwen
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-24 00:08:02

Hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong hanapin yung babaeng dinala ni Garrett kung saan. ang alam ko may mga room ang bar nya rito para sa mga guest na nalilipasan na ng oras at kung gusto mag overnight.

Nakakahiya lang kasi inisa isa kong tiningnan ang kwartong naroon. may iba na nagigising dahil sa kinakatok ko ang mga pinto nila. may iba naman na hindi nagla-lock at naiinis ang mga ito dahil binubuksan ko ang kwarto na wala man lang pahintulot.

Nang umalis kanina ng bar si Garrett matapos na mainis sa akin, iniwan kami ng walang pasabi. hindi namin alam kung saan pumunta, basta lumabas nalang sya ng bar.

Napagdisisyunan kong hanapin ang babae dahil sa sinabi ni Gilbert na magkakaroon kami ng tag-lilimang milyong piso.

Hindi sa interesado ako sa pera, besides hindi ko naman kailangan ang 5 million dahil marami ako niyan. interesado lang talaga ako sa babaeng binabakuran ni Garrett.

Wala akong balak agawin o isama sa mga babae ko ang babaeng yun. nacurious lang talaga ako kasi paano magiging seryuso ang isang Jack Gareth Walker na isang mapaglarong kagaya namin?

Hindi naman sa letiral na womanizer si Garrett, sya kasi yung tipo ng lalaki na pakikiligin ka tapos pag  nafall ka na, hindi ka naman sasaluhin.

I know Garrett is popular for women. Garrett is sweet and gentleman to every women he meets.

Wala na dapat akong pake kung may sine-seryuso ng babae si Garett, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit na curious ako sa babaeng yun.

Isa lang ang ibig sabihin ni Gilbert. nagawa ni Garett ang number 2 rule ng hindi namin namamalayan. kaya gusto kong makita ang babae. wala naman akong balak na masama rito. may gusto lang talaga akong malaman.

Sinabi ko sa mga kaibigan ko na hahanapin ko ang babaeng dinala ni Garrett sa kwarto. pinipigilan pa sana ako ni Lance pero sinabi kong wala akong gagawin na ikakasama ni Garrett.

Mahigit 30 minutes na ako naghahanap ng mapadaan ako sa isang pinto na tanging nag-iisa lang na naroon. nasa dulo ito at hindi kapansin pansin. malamang ito ang silid ni Garrett rito. ito lang ang nag iisang pintuan eh.

Dahan dahan akong lumapit at pinihit ang doorknob.

"Hindi nakalock?" nagtaka pa ako dahil hindi man lang ito nilock.

Nang mabuksan ko iyon, tumambad sa akin ang amoy ni Garrett, sa kanya nga itong kwarto. dimlight lang ang liwanag nito kaya hindi ko masyado maaninag ang loob.

Pumasok ako roon. napapitlag pa ako ng kusang magsara ang pintuan.

"Nice door Garrett, automatic!"

Iginala ko ang aking paningin. I saw a big size of couch. nang lapitan ko iyon, wala naman nakahiga. may nakita akong isang pintuan. nag aalangan pa ako dahil baka biglang dumating si Garrett at matuluyan na talaga akong maupakan nito.

Huminga muna ako ng malalim dahil nagdadalawang isip pa ako. nandito na ako, ituloy ko nalang.

Nang buksan ko ang pinto, doon ko nakita ang isang bulto na nakahiga sa kama. mag isa lang ito roon.

Lumapit ako. tiningnan ko kung sino.

Ito nga ang babaeng nakita ko kanina, lumihis ang kumot na nakabalot sa katawan nya. marahan ko iyon kinuha at inayos ang pagkakalagay niyon sa katawan nito.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na mapagmasdan ang kanyang mukha.

Ito pala ang babaeng binabakuran ni Garrett. maganda nga at may pagka inosente. hindi malayong magkagusto si Garrrett sa babaeng ito dahil napakaamo naman talaga ng mukha nito. mala-angel.

Napagparte ko ang aking mga labi. napakaamo ng kanyang mukha, ang mga matang nakapikit at may mahahabang pilik mata, hindi naman katangusan ang ilong, lalong hindi naman pango. sadyang katamtaman lang. ang cute ng labi nya, maliit pero hindi manipis. sakto lang at bumagay sa kanyang mukha.

"So it's you, You are the reason why Garrett got anger of me." i smirked while watching her sleeping.

Hindi ko napigilan na haplusin ang kanyang pisngi gamit ang likod ng aking palad. ang lamig ng kanyang balat dahil siguro sa aircon.

The softness and smoothness of her skin makes me body heat. fck! bakit naman ako nakaramdam ng init gayong ito lang naman na babaeng ito ang nakikita ko?

Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako habang pinagmamasdan ko ang mukha nito habang maingat na hinahaplos ang kanyang pisngi.

Napaungol ito ng mahina. parang gusto nya ang haplos na ginagawa ko sa kanyang mukha.

Nang mapadako ang tingin ko sa kanyang labi, napalunok ako ng sunod sunod. lalo na ng kumembot iyon. d*mn it!

Kusa nalang gumalaw ang daliri ko para damhin ang kanyang labi. nalilinlang akong halikan sya habang tulog, napakalambot naman kasi talaga. ng labi nito.

Fck! napapamura ako sa aking isipan.

Dumukwang ako at dahan dahan na inilalapit ang mukha sa kanya. dahil nakaawang iyon, nagawa kong masakop ang kanyang pang ibabang labi. nalasahan ko kaagad ang kanyang laway. so sweet fck!

Ang tamis, iba ang lasa ng labi at iba rin ang pakiramdam ko. kahit amoy alak ang labi niya, lasa ko parin ang tamis niyon.

Mas masarap sana kung tutugon sya sa halik ko.

Bigla itong gumalaw. nanlaki ang aking mga mata nang maghiwalay ang mga mukha namin. pero nakapikit parin ito.

Bweset! pinagsasamantalahan ko ang babaeng pag mamay ari ni Garrett. wait! pag mamay-ari nya nga ba ang babaeng ito?

Papatayin na talaga ako neto ni Garrett pag nagkataon. sh*t!

Mas nagulat ako sa sumunod na nangyari. hinawakan nito ang aking batok at mabilis na idiniin sa kanya pero nanatili pa rin itong nakapikit.

Kusang gumalaw ang mga labi nya para halikan ako, sya na ang humahalik sa akin ngayon. ako naman ngayon ang gulat na gulat sa nangyayari.

Pero ano itong pakiramdam ko? ano itong nararamdaman ko sa tiyan ko papunta sa aking dibdib-hindi! ang tibok ng puso ko, subrang lakas! ano ito? bakit ganito?

Hindi ito normal sa akin. iba ang halik nya kumpara sa mga nakahalikan kong mga babae. iba ang halik na nararamdaman ko sa kanya!

"Hayop ka!"

Isang pagsigaw at malakas na suntok ang sumalubong sa aking mukha nang lingunin ko kung sino iyon.

Si Garrett.

Doble ang galit na nakikita ko ngayon kumpara kanina.

Hinila ako nito palabas ng silid hanggang sa makalabas ng bar. hinahayaan ko lang sya na hilahin ako.

Hindi ako lalaban at nagpatianod lang sa kaniya.

"Tarantado ka talaga, Justine!" malakas akong hinagis ni Garrett kaya napasubsob ako sa lupa.

Pasalampak akong natihaya sa lupa at doon ay kinubabawan naman ako ng galit na galit na si Garrett.

Sunod sunod akong pinagsusuntok nito sa magkabilaan kong pisngi. hindi ito yung Garrett na kilala ko. galit at puno puno iyon nga inis. kung ipagpapatuloy nga ang galit nya, baka mapatay nya ako ngayon mismo.

"T-teka, Garett! magpapaliwanag ako." pilit akong nagsasalita kapag nakakapagbigay sya ng suntok sa mukha ko. hindi ako umiiwas sa mga suntok nya.

Hindi ako nito pinakinggan. patuloy lang ito sa pagsuntok sa mukha ko. hindi naman ako umalma sa kanya, hinayaan ko lang na mabugbog nya ako.

Kasalanan korin naman. kung nakinig lang sana ako sa mga kaibigan ko kanina, hindi sana kami aabot sa ganito. hindi sana kami hahantong sa ganito ni Garrett.

"Hindi kaba makontento sa mga babae mo? ha!?" napahinto na ito sa pagsuntok at ngayon naman ang kwelyo ng damit ko naman ang napagdiskitahan niya.

Nagkatingin ito sa aking mukha, galit na galit.

Putok na ang labi ko dahil lasang lasa kona ang sarili kong dugo. nagtatagis ang bagang ni Garrett, namumula na ang kanyang mukha sa subrang galit.

May mga nakatingin na empleyado nito sa amin pero hindi nila magawang umawat. palibhasa kilala nila ang ugali ni Garrett. kapag pinigilan nila ito, hindi ito nag aalinlangan. wala itong pakialam. basta galit sya, hindi basta basta naaawat.

"M-Mali ka ng inaakala, Garrett. please.. mag usap tayo ng maayos?" pagmamakaawa ko.

Padabog na binitawan nito ang kwelyo ko. nakaibabaw parin sya sa akin habang pinapakalma ang sarili.

"Wala kang sinasanto, Justine.." sabi nitong sambit habang nakayuko.

Kahit putok ang labi ko, pinipilit ko pa rin magsalita. pero bakit parang walang lumalabas sa bibig ko?

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Garrett.

"B-Bakit mo sya hinalikan!?" sigaw nito sa harap ng aking mukha.

"Hindi mo dapat ginawa iyon, Kent.." medyo humina na ang kaniyang boses pero naroon pa rin sa kaniyang mukha ang galit. "Sya yung tipo ng babae na nirerespeto. hindi sya dapat makaranas gaya ng ibang babae katulad ng mga ginagawa mo sa iba.." sabi pa nito. mukhang maiiyak na siya sa mga sinasabi niya.

"M-Mabait syang tao, huwag mo naman sanang gawin na para syang laruan mo!" sigaw na naman nitong muli.

Nagulat pa ako ng bigla itong nag-angat ng kamat at akma na naman akong susuntukin.

This time, mukhang dito na ako mawawalan ng malay dahil bumibwelo pa sya sa suntok nya.

Napapikit ako ng mata ng makita kong papalapit na sa aking mukha ang kanyang kamao.

Nang matagal akong naghintay sa kamao niyang tatama sa aking mukha ay saglit akong natigilan. walang tumama sa mukha ko kaya napadilat na ako. nang tingnan ko ang braso niya, sa lupa pala iyon tumama at nasa gilid lang ng aking ulo.

Umangat ang kanyang mukha at tumingin sa akin ng diretso.

"Kaya galit na galit ako sayo dahil nagkita kayo! n-natatatakot ako na baka matipuhan mo sya at mapabilang sa mga babaeng binababoy mo!" isang malakas na suntok ang huling ibinigay sa akin Garrett bago ito huminga ng mabigat.

Pagkatapos non, tumayo ito at walang pasabi na bumalik sa loob ng kanyang bar.

Hindi ko inaasahan ang gagawin niyang pangbubugbog sa akin. kulang nalang mabura na ang mukha ko sa suntok nya.

Subra akong nanlumo sa mga sinabi nya. nasaktan ako sa mga sinabi ni Garrett. binababoy ko nga ba ang mga babae? masama na ba akong tingnan? ano bang klase akong lalaki?

Pinunasan ko ang dugo na pumutok sa aking labi gamit ang aking hinalalaki. masakit ang mga nasuntok sa akin ni Garrett, pero mas masakit pa pala ang mga sinabi nya. grabe legit!

Wala na yung ibang tropa namin sa bar, hindi ko na sila nakita pa at malamang umuwi na ang mga ito.

Nanlulumo akong umuwi sa aking condo. hanggang ngayon, nababagabag parin ako sa sinabi ni Garrett tungkol sa babae.

Gaano ba kakilala ni Garrett ang babaeng 'yun? bakit nagawa nya akong bugbugin dahil lang sa isang babae? sino sya sa buhay ni Garrett? wala naman kasi syang nababanggit sa amin na may nakakarelasyon na sya ngayon.

Pagdating sa condo, nagshower kaagad ako ng maligamgam. gusto kong mawala ang sama ng loob ko, masama dahil naapektuhan ako sa mga binitawang salita ni Garrett sa akin. sapul ako doon ah?

Hindi ko maintindihan, bakit ang laki ng epekto nito sa akin? kung tutuusin, babae lang naman yun bakit kailangan pa namin pag awayan?

Sumagi sa isipan ko ang halik ng babae na iyon. hindi ko namalayan na nahawakan ko ang sariling mga labi.

Bakit ganito katindi ang epekto niya sa akin? bakit hanggang ngayon, nararamdaman ko parin ang mga labi nya? parang nandito pa, nararamdaman kong magkadikit pa ang mga labi namin.

Nasabunot ko ang aking buhok. kahit may sugat ang mukha ko, kinuskos ko parin ng sabon para mawala ang pag iisip ko sa halik na iyon. feeling ko nandito pa ang labi nya, nasa bibig ko pa.

"Fck!" sinuntok ko ang pader sa aking gilid.

"Dahil sayo kaya ako nabugbog!"

"Bakit kailangan mo pa akong halikan? hindi ka tuloy mawala sa isip ko! kainis! bweset!"

"Sino kabang babae ka!? bakit mo ginugulo ang isip ko!"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Playboys Series 1: Playful Man   Chapter 59

    Kinabukasan, kampante ako at pakiramdam ko ay fully charge ako ngayong araw. Buo na kasi ang loob ko at nakapagdisisyon na ako tungkol sa ipinanagtapat sa akin ni Justine. Habang tinatahak ang daan papasok sa kompanya, hindi na ako nag-atubiling tumingin sa paligid. deritso ako papuntang elevator kung saan naroon ang opisina ni Justine. Malapad na ngiti ang sumisilay sa aking mga labi at subrang excitment ang aking nararamdaman. Ang saya-saya ng pakiramdam ko dahil gusto kong surpresahin ito sa magiging sagot ko sa kaniya. Sa tingin ko naman ay matutuwa ito dahil ito naman talaga ang gusto niya. Ang sagot kong 'Oo.' Pakiramdam ko ay napaka special ng araw na ito para sa akin. Dahil sa wakas, hindi na maghihitay pa ng matagal si Justine para sa matamis kong 'Oo'. Kagabi ay paulit ulit akong nag-isip at ito na nga, Oo ang ibibigay kong sagot sa kaniya. Gumising pa ako ng maaga para lang ipagluto siya ng hotcake. Para naman kahit papaano ay may maaibigay ako sa kaniya. Baka kasi hind

  • Playboys Series 1: Playful Man   Chapter 58

    "Ehem... iba yata ang ngiti mo na 'yan, Bhie?" Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko si Stephanie na nakatayo sa hamba ng pinto at nakahalukipkip. Kunot noo ko siyang tiningan habang unti unting nawawala ang mga ngiti ko sa labi. "Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa aking kama at naghanap ng ibang mapaglilibangan. Itinabi ko muna ang kanina ko pang hawak na cellphone bago ko hinarap ang aking kaibigan. Nagtataka ko siyang tiningan. "Ang tanong ko muna ang sagutin mo bago ka magtanong ng iba sa akin." anito. "haha, ano bang sinasabi mo?" pilit kong hinahapuhap ang dapat kong isagot sa kaibigan ko. Hindi na naman niya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kaniya kung anong dahilan ng aking pagngiti. Kanina ko pa kasi hawak ang aking cellphone at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag palit ng damit pambahay dahil sa kasalitan ko ng mensahe sa cellphone. "Bakit? masama bang ngumiti?" umupo akong muli sa kama. "

  • Playboys Series 1: Playful Man   Chapter 57

    Do you want to be my girl? To be my girl.. To be my girl.. "Arrgg!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok kasabay ng aking pagsigaw. Bakit hanggang ngayon ay umaalingawngaw parin sa utak ko ang mga katagang iyon na sinabi sa akin ni Justine? paulit ulit na sumusigaw sa utak ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba s'ya o niloloko n'ya lang ba ako? kung seryuso siya sa sinabi niya, anong gagawin ko? ni wala ngang ligaw ligaw siyang ginagawa, eh. Ilang araw na ba ang lumipas at bakit hanggang ngayon ay hindi ko iyon makalimutan? siguro nga sa kabila ng isip ko ay natutuwa pero sa ibang side ko ay nalilito. Siguro mas magandang sabihin na paano ko nga ba sasagutin ang tanong niya. Ang sabi niya handa naman raw siya maghintay basta huwag lang daw patagalin. Ano yun? sasabihin niyang handa siya maghintay pero parang nagmamadali naman siya sa tugon ko. Nong araw na sabihin niya iyon sa akin, na kung pwede bang maging girlfriend niya ako ay hindi kaagad ako nakapagsalita at hindi ko

  • Playboys Series 1: Playful Man   Chapter 56

    Napapitlag ako nang marinig ko ang tanong na iyon ni Justine. Narito na pala siya at akala ko magkausap pa sila ng tindera.Pero.. paano niya nalaman na underware ang kinuha ko gayong nasa labas siya ng dressing roon?"H-Hindi ko sasabihin sa'yo. Tiyak na hihilingin mo sa akin na ipakita ito sa iyo." aniko.Nang wala akong marinig na salita mula sa labas ay pinagpatuloy ko ang pagsipat sa harap ng salamin. Nagpaikot ikot ako sa harap ng salamin habang pinapasadahan ang sarili kung bagay ba sa balat ko ang kulay."H-Ha!?"Nagulat ako dahil biglang may naghawi ng kurtina at iniluwa roon ang mukha ni Justine. Natigilan ito nang makita ang hubo't hubad kong katawan ngunit hindi nagtagal ay nag iba ang expression ng mukha nito."Hoy! a-anong ginagawa mo?" anas ko ngunit hindi humaharap sa kaniya.Nanatili akong nakaharap sa salamin habang doon ko siya tinitingnan. Naitakip ko ang mga kamay ko sa aking dibdib dahil sa kapilyuhang lumalabas sa mukha ni Justine. Alam kong may binabalak na nama

  • Playboys Series 1: Playful Man   Chapter 55

    Habang kumakain ng pagkaing dinala ni Tristan kanina rito ay matiim kong pinagmamasdan si Justine. Narito ulit kami sa opisina niya at sa pagkakataon na namang ito ay muli na naman kaming magkasabay kumain, dito ulit sa opisina niya. Mukha ngang gutom na gutom na ito dahil halos sunod sunurin niya ang pagsubo at hindi alintana kung mabulunan man siya. Akala mo naman may kakumpitensya sa pagkain at nakikipag-unahan sa pag-ubos niyon."Hinay hinay lang at baka mabulunan ka." aniko at inabutan siya ng basong may laman ng tubig. "oh ito tubig, uminom ka rin kung minsan." pigil ngiti ko pang ani. Ngumunguya pa ito habang kinuha naman nito ang baso sa akin at uminom roon."Thanks." aniya nang makahuma.Tumango lamang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain."Kapag ikaw talaga ang kasama kong kumain, ginaganahan ako." natigilan ako sa pagsubo sana ng pagkain. Sa gulat ko ay hindi ako nakapagsalita. Dahan dahan akong umangat ng ulo at tumingin sa kaniya. Tumitig ako sa mga mata niya. Sinisi

  • Playboys Series 1: Playful Man   Chapter 54

    Mapusok at may pananabik ang bawat halik na ipinapadama sa akin ni Justine lalo na at pinapalalim pa nito ang halik niya sa aking mga labi. Halos hindi ko rin siya mahabol at masabayan dahil sa kapusukan niyang ginagawaAt dahil nalulunod nga ako sa halik niya, idagdag pa ang kamay niyang kung saan saan humahaplos sa bawat parte ng katawan ko at hindi na ako nagdalawang isip pa na tumugon sa kaniya.Medyo tumagal nga ang halikan namin ni Justine na animo'y kay tagal ng panahon na hindi kami nagkasama at sabik na sabik sa bawat isa.Noong una ay hindi ako tumugon pero dahil sa kapusukan niya ay siya pa mismo ang nagbuka ng bibig ko para masakop nang tuluyan ang aking mga labi."Let's continue this later." biglang sabi nito.Pareho kaming hingal na hingal sa gitna ng paghahalikan tapos bigla siyang hihinto at sasabihin na ipapatuloy nalang mamaya? ano yun?Halos Nakalantad na nga ang aking dibdib at naitaas na rin nito ang suot kong skirt pagkatapos sasabihin niya na mamaya na?Halos pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status