Share

Chapter 5

Ilang araw ako naghintay ng tawag ni Aira dahil nagbabakasakali akong mapatawag siyang muli. Napag isip isip ko kasi na mali naman talaga ang ginawa ko at kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Maybe I'll just find another way to apologize to him.

Hinihintay ko lang kasi ang tawag niya ngunit parang bigo ako sa paghihintay sa kanya dahil walang anuman na mensahe akong natanggap mula sa kaniya.

Nang gabing iyon na nanggaling ako sa unit nya, naalarma ako about sa karma. Baka kasi makarma ako kapag hindi ako nakahingi ng tawad sa kanya, sa ginawa kong pambabato ng masasakit na salita.

lang araw na rin ako ginugulo ng babaeng ayaw akong tantanan sa isipan ko. Naisip ko, kaya siguro ako hindi makatulog ng maayos gabi gabi kakaisip sa babaeng yun na nasa bar ni Garrett eh dahil sya ang karma ko sa mga ginawa ko. Natakot tuloy ako bigla sa mga susunod na mangyayari.

Idagdag pa na kahit papalit palit na ako ng number, may tumatawag at nagmemesage parin sa akin. Ang nakakatakot pa, yung mga message nila nakakakilabot!

"Your duck is so big! I want to stab it with a fork like a tender juicey hotdog."

"I want to taste you again baby justine."

"Make me satisfied with your huge manhood daddy. i want more and more f****g me until you ruin my fresh p***y."

Ayan yung mga narerecieve kung message na hindi ko alam kung sino ang mga nagpapadala dahil iba-iba't number ang mga iyon. Pinatrace ko na sa secretary ko ang mga numerong iyon pero walang nangyari. Nakailang palit na ako ng cellphone at pati narin number ngunit ganoon parin.

Mukhang karma ko na nga ito. Kinakarma na ako sa pakikipagtalik ko sa iba't ibang mga babae. Sa mga hindi magandang pakikitungo ko sa kanila. Pero ano magagawa ko? That's my habbit and I love to do what I want?

Nakailang hikab na ako dahil antok na antok talaga ako ngayon. Laglag narin ang mga mata ko sa subrang puyat at pagod sa trabaho. Idagdag pa ang mga misteryusong mga mensahe na yan.

Sumandal ako sa headboard dito sa aking sasakyan. Nagpadrive na nga lang ako sa secretary ko dahil delikado na ako pa ang magmaneho at baka maaksidente pa ako. Baka ito pa ang ikamatay ko at hindi ang karma. Pero okay lang-ay hindi! ganon din pala yun. Pag naaksidente ako karma parin tawag don.

"Pwede po na maidlip muna kayo Sir habang naabutan tayo ng traffic." sabi ni Tristan, ang secretary ko. Nasa kabilang side kasi ako pumuwesto at hindi sa likod.

"Sige, gisingin mo nalang ako pag nasa condo na tayo." pumikit ako para umidlip saglit.

"Ay wait lang po Sir, isasabay ko na po ang pagbili ng vitamins para sa anak ko, okay lang po ba?" ani pa nito. Hindi naman ako nag abala pang magmulat ng mata.

"Mhhmm.." ungol lang ang naitugon ko. Naramdaman kong huminto ang sasakyan at sa tingin ko nagpark si Tristan. Kakaidlip ko lang nang may humampas sa sasakyan na ikinagulat ko kaya napamulat ako ng mga mata.

Nakita ko ang isang babae na sa tingin ko may kausap ito sa telepono at nakalapat pa ang kamay nito sa bintana ng aking sasakyan. Nakaside view ito sa akin. Sa inis ko ay naibaba ko ang salamin ng bintana kahit naroon pa ang kamay nito.

Ngunit hindi sa kanya alintana na bumaba ang bintana ng sasakan ko bagkus ay isinandal pa ang siko niya doon. Busy ito sa pakikipag-usap sa telepono at hindi man oang nito ako napansin, o ang pagbaba ng salamin.

"Anong tingin mo sakin, bangko? Na kapag gusto mo ng pera, magwewedraw ka kahit kelan mo gusto?" inis nitong sabi sa kausap.

Umakyat ang pagkainis ko sa babaeng ito dahil wala talaga ito pakiramdam sa paligid niya. Nanatili lang akong nakamasid sa kanya habang abala ito sa pakikipag usap.

"Uncle naman, kelan nyo ba ako tatantanan ha?"

"Sinabi kona nga po diba? na inubos ko ng pinadala sa inyo ni nanay. Wala ng natira sa akin kundi itong 100 pesos na pagkakasyahin kopa sa sunod na linggo hanggang sa magsahuran ulit."

Napahinto ako sa balak kong pagkalabit sana sa kanya ng marinig ko ang sinabi nya. Ano raw? 100 pesos pagkakasyahin nya sa loob ng isang linggo hanggang sa magsahuran ulit? Kung ako yan kalahating araw ko lang yang 100 pesos na yan. Hindi yan aabot ng isang araw sa akin.

Saglit pa ako sa pag iisip at biglang napapitlag nang hampasin nito ang sasakyan ko. Gusto ko sanang magalit at bulyawan ito kaso humarap naman ito bigla sa akin.

Nagkatinginan kaming dalawa. Yung mukha niyang galit at pagkainis ay biglang nag iba at napalitan iyon ng gulat. Saglit lamang ang gulat niya at bumalik sa dating inis ang hitsura nito samantalang ako naman ay parang nakakita ng dinosaur sa pagbabago ng expression niya. Ewan koba kung bakit natakot nalang ako sa hitsura nya. Hindi ako makapagsalita at wala akong masabi.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" iritable nitong tanong.

Napalunok ako ng wala sa oras. Bakit hindi ako makagalaw? hindi ako makapagsalita? Anong nangyayari sa akin? Natameme na ako sa harap nito. Hindi ko lang siguro maatim na ang kagaya niyang may maamong mukha ay may pagkamasungit rin pala.

"Hoy!" pumitik ito sa harapan ng mukha ko kaya naman ay natauhan at bumalik sa pagkakatulala. Kinurap kurap ko ang aking mga mata.

"Nakatunganga ka, chismoso ka?" ani pa nito.

"Ano sinabi mo?" nakakunot noo at matigas kong sabi.

"Ang sabi ko, bakit ka nakatunganga dyan? chismoso kaba?" nakapamaywang pa ito.

"Maghinay hinay ka sa mga sinasabi mo, hindi moba ako kilala?" turo ko sa aking sarili.

"Hindi, bakit nagpakilala kaba?"

Aba! aba! Iba ang tabas ng dila nito ah?

"Mmpp!" umirap pa ito bago tumalikod.

"Aba't, hoy!" duro ko sa kanya kahit nakatalikod na ito sa akin. Inilabas ko rin ang aking ulo sa bintana para dumungaw sa kaniya. Lumingon naman ito nang makatatlong hakbang pa lamang.

"Hoy karin! ano?" lalo itong nainis itong pagkaharap nito sa akin.

Yung kamay kong nakaduro sa kanya ay nanginginig na kinuyon iyon. Nagpipigil din ang aking sariling huwag siyang patulan. Napagparte ko ang aking mga labi ng subrang diin. Nang gigigil ako sa babaeng ito. Sino sya sa akala nya para sumagot sagot sa akin ng pabalang! "You know, hindi ko gusto ang pag uugali mo ha? yung inakto mo?" pinilit kong huminahon sa pagsasalita para hindi na muli itong magsungit pa.

"And for your knowing din sa inyo, Ma-mang la.la.ki." pinagdiinan pa talaga nito ang salitang mamang lalaki habang umakto pa ang dalawang kamay nitong naka peace sign ang mga daliri. "Ayaw ko rin sa ugali mong chis.mo.so."

Mapakla akong tumawa sa inakto niya. Para siyang bata na.. ewan! Hindi ko maintindihan!

"Hindi ko sinasadya na marinig ang mga sinabi mo. Hinampas mo kaya itong sasakyan ko?" mahinahon parin akong nakipag usap sa kaniya pero ang totoo, sa loob loob ko ay nagpipigil talaga ako sa inis ko sa babaeng ito.

"Ah ganon? Eh di, SA-RRY!" maarte nitong sabi at saka umalis na.

Naiwan akong nakanganga at nakatunganga sa kanya. Ibang klaseng babae.. hindi ako makapaniwala na umakto siyang hindi kaaya aya sa paningin ko. Woahh.. really? Is that really na nainsulto ako ng isang babae? Nagmukha akong tanga sa kanya? for god sake! huh!

"Haaa.. huh!" taas baba ang dibdib ko dahil sa inis. Yung babaeng iyon! Ako na nga itong nagpakumbaba tapos? Tapos ako pa ang-arhg! Nagsorry nga sya pero iba yung tono nya?

"Goddamn it!" sa inis ko ay nahampas ko ang pintuan ng  aking sasakyan. Hindi ako makamove on sa babaeng iyon! Napaikot ang dila ko sa loob ng aking bibig habang nagninigas ang aking panga sa galit. Hindi ako makapaniwala na nadali ako ng isang babae. Na animoy naasar ako sa ginawa. Hindi ba sya naakit sa akin? Hindi ba sya nagwapuhan sa akin? Yung kagandahan ng mukha ko wala lang ba sa kanya? My goodness! That's a big imposible!

Nailibot ko ang aking paningin sa paligid. Baka kasi may nakarinig sa amin at pagtawanan pa ako dahil sa pang iinsulto sa akin ng babaeng iyon. May mga ibang babae rin pala na hindi nadadala sa kapogian ko, sa karisma ko. May mga babae rin pala na magbibigay sa akin ng sakit sa ulo! kainiiiisss!

Ngayon lang ako nainis ng ganito at sa babae pa mismo na ikinakaligaya ko. Akala ko pa naman ang mga babae ang magpapasaya at magbibigay ng kaligayahan sa akin pero bakit ngayon? Anong nangyari sa akin ngayon? Nainsulto pa ako! Bweset! Nakakainis!

Gusto kong ipagsigawan ang nararamdaman ko ngayon pero hindi ko magawa kasi insultong insulto ako ngayon! Nakakahiya man aminin pero hiyang hiya ako, gag*!

Nang makabalik si Tristan, pilit kong itinatago ang pagkainis ko. Umayos rin ako sa pagkakaupo at isinandal muli ang aking ulo.

"Sir, akala ko po tulog na kayo? Pasensya na kung natagalan, ang haba po kasi ng pila."

Huminga ako ng malalim. "Okay lang, just drive. I want to leave this place." walang gana kong sabi.

Nang makaalis sa pharmacy, nakita ko pang naglalakad ang babaeng nang insulto sa akin kanina. May dala itong maliit na supot na hindi ko alam kung ano iyon.

"Tristan, did you see that girl walking in the street?" turo ko sa babae. Napatingin naman ito kung saan itinuro ko yung babaeng nang insulto sa akin at sinundan niya ito ng tingin. Sinandya pa ni Tristan na igilid ang kotse nang mapadaan ang sasakyan.

"Bakit po sir?"

"I want to know her. I want you to know who she is and where she lives." mariin kong sabi.

Saglit pang natigilan si Tristan pero kalaunan ay umayon rin. "Yes sir." Malamang hindi na nagulat pa si Tristan dahil alam niya kung ano ako at ang mga nais ko.

Madalas kasi na siya ang pinapahanap kong malilinis na babae para sa kaligayahan ko at ikaliligaya ko. Pinapasiguro ko rin sa kanya na wala itong mga sakit gaya ng HIV. Mahigpit ko rin na ipinagbibilin sa kaniya na ayuko ng paulit ulit na babae lalo na't pag nagamit ko na ay ayuko nang ulitin pa.

Sinabi ko rin sa kaniya na ayaw kong pinupuntahan ako ng mga babaeng ginamit ko na sa condo at kahit saan pa ako naroon dahil ang pinakaayaw ko ay ang makukulit.

Lahat ng mga gusto ko, alam na alam ni Tristan. Kaya rin lalaki ang kinuha kong secretary dahil kapag babae ay wala itong mga ginawa kundi ang akitin ako hanggang sa walang magawa sa trabaho.

Nang manganak ang asawa ni Tristan, bihira na ako magpahanap ng babae dahil ayukong naiistorbo siya sa gabi. Naawa naman ako rito kahit papano dahil kakapanganak lang ng asawa niya.

Nang makarating sa condo, pabagsak kong inihiga ang aking katawan. Pagod ako subra pero bakit gising na gising ang diwa ko? Nawala tuloy ang antok ko dahil sa pagkabalisa. Nagugulo na naman kasi ang isip ko dahilan na naman sa isang babae.

Ano ba itong mga nakakaingkwentro kong mga babae ngayon? Ito ang unang pagkakataon na ginugulo ako ng isang babae. Hindi lang isa, kundi pangalawang babae na ito ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status