"Thank you, Tris." aniko.
Naging busy ako at hindi na nakita ang envelope na ibinigay ni Tristan sa akin. Tambak kasi ngayon ang trabaho ko at kailangan kong matapos agad agad. Dalawang araw rin ako nakababad sa trabaho kaya once na matapos ko ito, kailangan ko naman magrelax.
Naalala ko pala na hindi pa kami nagkakapausap ni Garrett. Gusto kong magpaliwanag sa kanya at humingi ng tawad.
Nang sumapit ang hapon, napagpasyahan kong puntahan ang bar ni Garrett. Sinigurado kong pag pumunta ako roon ay naroon siya at wala ang iba pa naming mga tropa.
Malamang alam na nila ang tungkol sa amin ni Garrett at kapag nagkita kita kami, ako na naman ang target lock ng usapan nila.
Pagpasok ko sa loob, nakita kong busy ito sa pag aayos sa cabinet kung saan nakadisplay ang mga iba't ibang alak. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya alam na dumating ako. Umupo ako sa may counter at hinihintay siyang humarap.
Nakita kong lumapit sa kanya ang isa niyang empleyado at may ibinulong ito sa kanya. Natigilan ito at tumingin sa akin ng deritso.
Huminga muna ako ng malalim. "K-Kamusta, Garrett?"
"Anong ginagawa mo rito?" seryusong tanong nito. ngumiti lang ako. Kalaunan ay inaya niya rin akong maupo at agad naman akong sumunod.
Nandito kami ngayon nakaupo kung saan walang masyadong tao at tanging kami lang dalawa ni Garrett. Dito lang din sa loob ng kanyang bar.
"I just want to apologize for what happened that night. Hindi ko naman--"
"Pwede bang huwag na natin pag usapan iyon?" seryuso parin nitong sabi habang nagsasalin ng kopeta sa kanyang baso.
"Kahit na. Alam kong mali iyong ginawa ko. Kaya nga humihingi ako ng tawad sayo."
"Hindi na kailangan. Hindi naman niya naaalala ang nangyari kaya kalimutan nalang natin." hindi ito nakatingin sa akin.
Alam kong galit parin s'ya sa nangyari at tanggap ko iyon. Kahit hindi ko naman sinandya ang nangyari, kasalanan ko dahil nagpadala parin ako sa kapusukan ko sa babaeng iyon.
"Alam kong mahalaga ang babaeng iyon sayo kaya humihinggi ako ng sorry sayo." sabi kopa.
Sa pagkakataong ito, tumingin na siya ng direstso. Wala akong nakikitang emosyon sa kanyang mukha.
"Oo, mahalaga s'ya sa akin. Kaya nga ako nagalit sayo nong gabing iyon diba?"
"Im very sorry for what i did, Jack. I know galit kapa sa akin hindi mo lang pinapahalata." pilit akong ngumingiti. "Nadala lang kasi ako--"
"Sa kalibugan?" anito.
Napapikit ako ng mariin kasabay ng pagbuga ng hangin. "Okay, okay. Sabihin na natin na ganon na nga. Pero kasi siya ang humalik sa akin? ah, hindi pala. Hinalikan ko s'ya tapos hinalikan nya naman ako at--"
"At naghalikan na kayo, ganon?" wala parin emosyon ang mukha nito pero sagot lang ng sagot. Yung bawat bigkas ng mga salitang binibitawan niya ay matitigas. Alam kong nagtitimpi lamang ito sa akin.
Napakamot tuloy ako sa aking batok. I smirked while took my head. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa bigla bigla niyang pagsasalita. Hindi niya pa ako pinapatapos nagsasalita na.
"Oh sige, ganito. Sabihin na natin na naghalikan kami. Pero pre, bago pa ako makatugon sa halik niya nasuntok mo na ako." aniko.
Wala itong imik habang pinapaliwanag ko sa kanya ang totoo. Seryuso pang nakatingin sa akin. Ano bang nasa isip nitong kaibigan ko? Mukha ba akong hindi nagsasabi ng totoo?
"Jack, nagsasabi ako ng totoo. Kailan paba ako nagsinungaling sa inyo? Kahit nga napakasensitive ng usapan, sinasabi ko sa in--"
"I know." biglang sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. Sa mga mata niya. Nag-iwas naman ito ng tingin at nagsalin na naman ito sa baso at this time inabot sa akin iyon. Kinuha ko naman agad iyon at inisang lagok.
"Hindi ko lang talaga matiis na hindi ko kinakausap ang mga kaibigan ko. Kaya nga ako na humihingi ng paumanhin sayo." dagdag kopa.
"Okay na iyon sa akin. Wala naman kami eh, at saka hindi ko naman siya pagmamay ari. Magkaibigan lang kami.. s-sa ngayon." Bago nito inumin ang hawak na kopita, matiim itong tumitig sa akin." I like her. And I intend to court her. Even though I've been making him feel that I like him for a long time, she still doesn't notice it." napayuko ito saglit at muling ininom ang laman ng baso.
Bigla itong nalungkot at kita ko sa mukha niya ang panghihina sa sarili.
"T-Talaga bang, seryuso ka sa babaeng iyon?" pagkuwan ay natanong ko.
"Mula ng makilala ko s'ya, hindi na ako tumingin pa sa iba. Parang sa kanya lang tumakbo ang mundo ko. Pilit ko man ibaling sa iba ang nararamdaman ko, s'ya at siya parin ang gusto ko." Narinig ko ang buntong hininga nito. "Pero wala na sa akin ang nangyari nang gabing iyon, anong karapatan ko? Ang sa akin lang," matalim na naman siyang tumingin sa akin. "Ayuko lang na mapunta siya sayo, Kent Justine. Mapanganib kang lalaki."
Natawa ako bigla sa sinabi niya. "Ano kaba, Garrett. Hindi ako ganon at mistaken talaga ako kung minsan. Grabe ka sa akin dude. At saka hindi ko siya type no? Hahaha!" lihim akong napangiwi sa sinabi ko. Ginugulo nga ako ng halik ng babaeng iyon tapos sinabi ko pa na wala lang sa akin ang babaeng iyon?
Wag lang talaga siya magpapakita sa akin dahil baka hindi ako makapagpigil sa kanya. Kasalanan niya kung bakit nitong mga nakaraang araw, nababaliw ako sa kakaisip dahil lagi siyang nasa utak ko.
"Bakit natahimik ka?"
"Ha?" gulat naman akong napaangat ng tingin kay Garrett. "A-Ahh.. haha uhm, may naalala lang kasi ako." palusot ko.
"Kalokohan na naman?"
"Naku, hehe pagod lang siguro ako. Nitong mga sumunod na araw kasi naging abala ako sa trabaho. Sa dami ba naman na nakatambak na documents na pinadala sa akin ni Daddy." rason ko. Pero totoo naman na marami akong tinatapos na trabaho. Yung halik nga lang at yung babaeng nang insulto sa akin ang nagpapagulo sa isip ko. Yung dalawang babaeing iyon.
"Paano pala yung rule natin?" maya ay pag iiba ko ng tanong para maiba ang usapan.
"Ano, mukhang pera?"
"Ulol! kahit i*****k mo nalang yan sa butsi mo." Nagtawanan kaming dalawa.
"Oh, eh bakit mo pa tinatanong?"
"Wala lang.. naisip ko kasi, p-paano.."
"Ano?"
Hay, paano koba sasabihin? nalintikan na, bakit ko pa kasi naisip iyon? Parang tanga lang eh.
"Kent justine!" medyo tumaas ang boses ni Garrett. Siguro naiinip ito sa akin. Sa paputol putol kong salita
"Ahh? ha? Ahh ano kasi, uhm.. naisip ko lang kung.. ano pakiramdam ng m-mainlove?" taas kilay kong tanong at nauutal utal pa.
"Pfftt- haahahhahahaha." bigla itong napahalakhak.
Yawa..
Hindi ito tumitigil sa kakatawa. Hawak pa nito ang kanyang sikmura. Hay naku.. kung bakit ko pa kasi natanong? Tuloy itong ulol na ito nauulol na kakatawa.
Hayst! May pahampas hampas pa siyang nalalaman sa kanyang hita habang hindi na makahinga kakatawa. Napakamot nalang tuloy ako ng ulo.
"HAHA! Hay naku.."
"Ano? Okay kana ba?" masungit kong tanong. Siya lang natatawa. Kasi ako hindi ako natatawa sa sinabi ko. "Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?" naiinis na talaga ako. Pinagtatawanan niya pa ako sa lagay nayan?
"Eh kasi naman. Bakit ka biglang nagkainteres sa love? May nagpatibok naba sa m*****g mong kukute?"
Mapang asar talaga to.
"Tinanong lang eh." napayuko ako.
Pag angat ko ng mukha, nakita kong kumalma na ito at naging seryuso.
"Okay, seryuso. Ganito. Minsan kasi ang love, kusa iyang dumarating. minsan naman, nandyan lang pala sya sa malapit, naghahanap pa tayo sa malayo. Ang love kasi mararamdaman mo yan kapag nakita mo ang isang tao. Yung puso mo nagiging mabilis ang tibok nito na animo'y hindi normal. May iba pa nga na nagkakainlove-an ang isang magkaibigan."
"Hano!?" napayakap ako sa sarili ko. Gulat akong napatingin kay Garrett. Nanlalaki ang mga mata.
Ano raw? pwedeng mahulog sa isa't isa ang magkaibigan? oh no..
"Ano kaba Kent? Anong iniisip mo dyan?" nagtataka naman itong pinasadahan ng tingin ang hitsura ko.
"Ba-Bakla kaba?" tanong ko.
"Ano!?" inis naman ito.
"E-Eh kasi naman, magkaibigan tayo. Hindi tayo talo!" yakap ko ang aking sarili.
"Hay naku.." natuptop nito ang sariling noo. "Example nga lang eh."
"Kahit na! Mamaya, magkatotoo? Ayuko sayo! No, no, please.." umiiling ako sa kanya.
"Umayos ka nga!" binato ako nito ng tansan. umayos naman ako ng upo.
"Bakit mo ba natanong ang bagay na iyan?" pagkuwan ay tanong nito.
"Wala lang, naisip ko lang."
"Weh?"
"Oo nga."
"Totoo?"
"Oo nga ang kulit?"
Nginitian lang ako.
At iyon nga, nagkaayos narin kami ni Garrett. nakakatuwa lang kasi kahit anong problemang dumating sa buhay namin, nandyan parin ang tropa na handang dumamay at umintindi sa anumang problema.
Kinabukasan, kampante ako at pakiramdam ko ay fully charge ako ngayong araw. Buo na kasi ang loob ko at nakapagdisisyon na ako tungkol sa ipinanagtapat sa akin ni Justine. Habang tinatahak ang daan papasok sa kompanya, hindi na ako nag-atubiling tumingin sa paligid. deritso ako papuntang elevator kung saan naroon ang opisina ni Justine. Malapad na ngiti ang sumisilay sa aking mga labi at subrang excitment ang aking nararamdaman. Ang saya-saya ng pakiramdam ko dahil gusto kong surpresahin ito sa magiging sagot ko sa kaniya. Sa tingin ko naman ay matutuwa ito dahil ito naman talaga ang gusto niya. Ang sagot kong 'Oo.' Pakiramdam ko ay napaka special ng araw na ito para sa akin. Dahil sa wakas, hindi na maghihitay pa ng matagal si Justine para sa matamis kong 'Oo'. Kagabi ay paulit ulit akong nag-isip at ito na nga, Oo ang ibibigay kong sagot sa kaniya. Gumising pa ako ng maaga para lang ipagluto siya ng hotcake. Para naman kahit papaano ay may maaibigay ako sa kaniya. Baka kasi hind
"Ehem... iba yata ang ngiti mo na 'yan, Bhie?" Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko si Stephanie na nakatayo sa hamba ng pinto at nakahalukipkip. Kunot noo ko siyang tiningan habang unti unting nawawala ang mga ngiti ko sa labi. "Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa aking kama at naghanap ng ibang mapaglilibangan. Itinabi ko muna ang kanina ko pang hawak na cellphone bago ko hinarap ang aking kaibigan. Nagtataka ko siyang tiningan. "Ang tanong ko muna ang sagutin mo bago ka magtanong ng iba sa akin." anito. "haha, ano bang sinasabi mo?" pilit kong hinahapuhap ang dapat kong isagot sa kaibigan ko. Hindi na naman niya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kaniya kung anong dahilan ng aking pagngiti. Kanina ko pa kasi hawak ang aking cellphone at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag palit ng damit pambahay dahil sa kasalitan ko ng mensahe sa cellphone. "Bakit? masama bang ngumiti?" umupo akong muli sa kama. "
Do you want to be my girl? To be my girl.. To be my girl.. "Arrgg!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok kasabay ng aking pagsigaw. Bakit hanggang ngayon ay umaalingawngaw parin sa utak ko ang mga katagang iyon na sinabi sa akin ni Justine? paulit ulit na sumusigaw sa utak ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba s'ya o niloloko n'ya lang ba ako? kung seryuso siya sa sinabi niya, anong gagawin ko? ni wala ngang ligaw ligaw siyang ginagawa, eh. Ilang araw na ba ang lumipas at bakit hanggang ngayon ay hindi ko iyon makalimutan? siguro nga sa kabila ng isip ko ay natutuwa pero sa ibang side ko ay nalilito. Siguro mas magandang sabihin na paano ko nga ba sasagutin ang tanong niya. Ang sabi niya handa naman raw siya maghintay basta huwag lang daw patagalin. Ano yun? sasabihin niyang handa siya maghintay pero parang nagmamadali naman siya sa tugon ko. Nong araw na sabihin niya iyon sa akin, na kung pwede bang maging girlfriend niya ako ay hindi kaagad ako nakapagsalita at hindi ko
Napapitlag ako nang marinig ko ang tanong na iyon ni Justine. Narito na pala siya at akala ko magkausap pa sila ng tindera.Pero.. paano niya nalaman na underware ang kinuha ko gayong nasa labas siya ng dressing roon?"H-Hindi ko sasabihin sa'yo. Tiyak na hihilingin mo sa akin na ipakita ito sa iyo." aniko.Nang wala akong marinig na salita mula sa labas ay pinagpatuloy ko ang pagsipat sa harap ng salamin. Nagpaikot ikot ako sa harap ng salamin habang pinapasadahan ang sarili kung bagay ba sa balat ko ang kulay."H-Ha!?"Nagulat ako dahil biglang may naghawi ng kurtina at iniluwa roon ang mukha ni Justine. Natigilan ito nang makita ang hubo't hubad kong katawan ngunit hindi nagtagal ay nag iba ang expression ng mukha nito."Hoy! a-anong ginagawa mo?" anas ko ngunit hindi humaharap sa kaniya.Nanatili akong nakaharap sa salamin habang doon ko siya tinitingnan. Naitakip ko ang mga kamay ko sa aking dibdib dahil sa kapilyuhang lumalabas sa mukha ni Justine. Alam kong may binabalak na nama
Habang kumakain ng pagkaing dinala ni Tristan kanina rito ay matiim kong pinagmamasdan si Justine. Narito ulit kami sa opisina niya at sa pagkakataon na namang ito ay muli na naman kaming magkasabay kumain, dito ulit sa opisina niya. Mukha ngang gutom na gutom na ito dahil halos sunod sunurin niya ang pagsubo at hindi alintana kung mabulunan man siya. Akala mo naman may kakumpitensya sa pagkain at nakikipag-unahan sa pag-ubos niyon."Hinay hinay lang at baka mabulunan ka." aniko at inabutan siya ng basong may laman ng tubig. "oh ito tubig, uminom ka rin kung minsan." pigil ngiti ko pang ani. Ngumunguya pa ito habang kinuha naman nito ang baso sa akin at uminom roon."Thanks." aniya nang makahuma.Tumango lamang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain."Kapag ikaw talaga ang kasama kong kumain, ginaganahan ako." natigilan ako sa pagsubo sana ng pagkain. Sa gulat ko ay hindi ako nakapagsalita. Dahan dahan akong umangat ng ulo at tumingin sa kaniya. Tumitig ako sa mga mata niya. Sinisi
Mapusok at may pananabik ang bawat halik na ipinapadama sa akin ni Justine lalo na at pinapalalim pa nito ang halik niya sa aking mga labi. Halos hindi ko rin siya mahabol at masabayan dahil sa kapusukan niyang ginagawaAt dahil nalulunod nga ako sa halik niya, idagdag pa ang kamay niyang kung saan saan humahaplos sa bawat parte ng katawan ko at hindi na ako nagdalawang isip pa na tumugon sa kaniya.Medyo tumagal nga ang halikan namin ni Justine na animo'y kay tagal ng panahon na hindi kami nagkasama at sabik na sabik sa bawat isa.Noong una ay hindi ako tumugon pero dahil sa kapusukan niya ay siya pa mismo ang nagbuka ng bibig ko para masakop nang tuluyan ang aking mga labi."Let's continue this later." biglang sabi nito.Pareho kaming hingal na hingal sa gitna ng paghahalikan tapos bigla siyang hihinto at sasabihin na ipapatuloy nalang mamaya? ano yun?Halos Nakalantad na nga ang aking dibdib at naitaas na rin nito ang suot kong skirt pagkatapos sasabihin niya na mamaya na?Halos pa