Napabuntong hininga si Alexa at ayaw niyang maging unfair at magmukhang paawa lang siya kaya siya nanalo. "Kahit naman hindi ka nadulas sa pag amin ay kaya kong patunayan na masama ang ugali niyo at inalipusta ang pagkatao ko kanina." Ngumiti siya at inilabas ang cellphone. Nanghina bigla ang mga tuhod ni Jen nang biglang e play ni Alexa ang audio record nito. Malinaw sa record ang boses niyang panlalait sa babae.Napahiyang nagyuko ng ulo si Rita nang umalingawngaw din ang boses niya sa audio. Inutusan pa niya ang guard na huwag nang papasukin muli ang babaeng iyon. Ramdam niya ang matalim na tingin sa kaniya ni Zion at alam niyang galit na galit na ito sa kaniya ngayon."Sino ang tumawag na kabit ng asawa ko ang manugang ko?" Nanlilisik ang mga mata ni Stella habang nakatingin sa lahat nang naroon. Never siyang naging eskandalusa lalo na sa kompanya niya, pero after marinig ang nasa audio ay talagang lumabas ang sungay niya. Gusto niyang paduguin ang bibig nang kung sino mang nagsa
"Zion..." sandaling tumigil si Rita sa paglapit sa binata nang masalubong ang matalim na tingin ng binta. "I'm really sorry!""Dahil sa ginawa mo ay kamuntik nang mawalan ng trabaho ang iba pa." Malamig at may diin ang bawat katagang binitawan ni Zion.Napayuko ng ulo si Rita. Hindi siya nakapagsalita ng husto kanina sa harap ng lahat at sobrang nahihiya siya. "Sobrang mahal lang kita kaya ko nagawa iyon."Sa halip na maawa at lalo lamang nagalit si Zion sa dalaga. Bitbit na nito ang gamit nito at handa nang umalis. "Hindi ko kasalanan kung bakit patuloy kang umaasa na mahalin din kita. Marami diyan na may gusto rin sa iyo kung buksan mo lang ang puso't isipan mo at bigyan sila ng chance na makapasok sa puso mo."Napabuntong hininga si Rita. Alam niyang hindi siya maintindihan ng binata dahil hindi naman nito naranasan ang magmahal sa isang tao ngunit hindi magawang suklian ang pagmamahal niya. Tama ito, wala itong kasalanan kung bakit umasa siya. Ang sarili pang dapat ang sisihin ku
Napabuntong hininga si Zion nang wala na ang mga magulang. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagod. Umupo siya sa uluhan ng sofa na kinahigaan ng asawa at dahan-dahang inangat ang ulo nito upang iunan iyon sa mga hita niya. Mahimbing pa rin ang tulog nito at hindi manlang natinag sa paggalaw niya rito. Napangiti siya nang gumalaw ang labi nito at bahagyang nanulis. Pinigilan niya ang sarili na huwag dampian ng halik ang labi nitong tila nanunukso. Ipinikit na lamang niya ang mga mata at pinahinga muna ang sarili.Nagising si Alexa na parang ang alinsangan. Babangon na sana siya nang mapansin na nakaunan siya sa hita ng isang tao. Agad na nag angat siya ng tingin at tumambad sa paningin niya ang guwapong mukha ng asawa. Mukhang katutulog lang nito. Dahan-dahan siyang bumangon at iginala ang tingin sa paligid. Hinanap niya ang mga beyanan ngunit wala siyang makitang ibang tao. Mukhang iniwan na siya. Napahawak siya sa pisngi niya nang may tumulo doon. "Bakit ako umiiyak?"Napalabi si A
Hindi na nasagot ni Zion ang ina na nasa kabilang linya dahil parang gutom na kinuyumos ng halik ng asawa ang kaniyang labi. Mukhang pinanggigilan nito ang labi niya at gustong laurin. Tangkang gaganti na siya ng halik dito ngunit marahas na pinakawalan nito ang labi niya."Zion, maaga kayong umuwi at baka gutumin na naman ang asawa mo." Muling bilin ni Stella sa anak habang abala sa pagtingin ng laman ng refrigerator at tinitingnan kung ano ang maaring lutuin."Y-yes, mom." Mukhang napilitang sagot ng binata sa ina. "I have to go, mom, ma-may kailangan pa po akong tatapusin." Dugtong pa ni Zion bago kinabig sa batok ang asawa at hinalikan ito sa labi.Nangunot ang noo ni Stella at inalis ang cellphone mula sa pagkadikit sa tainga at tinitigan iyon na para bang nakikita ang anak doon. Naka off na ang tawag kaya hindi na niya matanong ang anak kung bakit mukhang nahirapan itong magsalita. Pagkababa ni Zion sa cellphone ay bahagyang umawang ang labi niya nang tanging bra at panty na la
Napangiti si Stella nang makita ang pagdating ng anak at buhat nito ang natutulog na asawa. Ganito rin naman ang asawa niya noong ipinagbubuntis niya si Jenny. Natutuwa siya dahil naman ni Zion ang pagiging mapagmahal ng ama nito kahit arogante."Si Daddy, mom?" mahinang tanong ni Zion pagkahalik sa pisngi ng ina."Natutulog at mukhang nahawaan ng asawa mo.""Sorry, mom, iakyat ko muna sa silid ang asawa ko."Nakangiting tumango si Stella sa anak. Tulog na tulog pa rin ang manugang niya. Pagkababa sa asawa sa kama ay agad itong gumulong sa higaan. Hinabol pa niya sa takot na mahulog ito. Padapa itong tumigil sa paglilikot. Agad niyang kinuha ang malaking unan at inilagay sa hilid upang hindi na gumulong pa. Nagmamadali siyang humanap ng underwear at binihisan ang asawa upang hindi maalala mamaya paggising na nasira niya ang paborito nitong undies. Oras ng hapunan ay pilit niyang ginising ang asawa upang kumain. Ngunit galit na naman ito sa kaniya at tinawag siyang pangit."Papa, tik
Naipamaypay ni Jenny ang palad sa mukha nang matapos na ang kasal ng kapatid. Masaya siya para sa kuya niya pero nainip siya nang husto dahil sa haba ng oras sa pagseremonya. Kung siya siguro ang nasa harap ng altar ay baka nakatulog na siya."Anak, tayo na sa reception." Tawag ni Stella sa anak na dalaga.Pahintamad na tumayo si Jenny at sumunod sa ina. Alam na niya ang mga gagawin doon at tiyak pilitin na naman siyang tumayo kahelera ng kadalagahan upang sumalo sa bouquet. Pagdating sa reception, lalong dumami ang tao at halos malula si Jenny. Balak na niya sanang magtago nang makitang ipasalo na ang bulaklak na hawak ng hipag ngunit huli na."Jenny, here's for you."Nanlaki ang mga mata ni Jenny nang makitang inaabot sa kaniya ng pasaway na hipag ang bouquet nito. "Hindi ba dapat ipasalo mo iyan sa lahat?" Halatang pilit ang ngiting pumaskil sa kaniyang labi."Ayaw ko, gusto ko ikaw ang sunod na ikakasal." Gulat na hinawakan ni Jenny ang bulaklak at inilagay na iyon sa kamay niya
"Ate, ayaw ko talagang maikasal sa lalaking iyon. Bukod sa I hate him, matatalo pa ako sa bet namin ni Mark." Halos paiyak na si Jenny sa hipag niya. Ito ang nakikita niyang pag asa upang makatulong sa kaniya."Bakit pala ayaw mo sa kaniya? Guwapo naman siya at—""Ate, siya ang dahilan kung bakit ayaw ko nang magmahal sa isang lalaki!" Nanliit ang mga mata ni Alexa at mariing naglapat ang mga labi. "Pa-fall siya noon at biktima ako dahil sa pustahan nila. Nang umamin ako na gusto ko rin siya saka niya sinabing may girlfriend na siya. At alam mo ang masakit? Ang pagtawanan ka ng lahat dahil ipinagkalat niya ang record nang umamin akong gusto ko siya. At ang girlfriend niya? Close friend ko lang naman.""What? Ganoon kademonyo ang guwapong iyon?""Shhhh, hinaan mo lang ang boses mo at baka marinig ka ni Kuya." Mabilis niyang saway sa hipag."Huh, huwag kang matakot na malaman ng kuya mo ang kagaguhan ng lalaking iyon!" Mabilis na hinawakan ni Jenny ang kamay ng hipag nang tumayo ito.
Napahiya si Jenny sa iniisip kaninang hindi maganda. Pagliko nga niya ay may hospital. Ngayon niya lang napansin na maraming gusali sa bandang ito. Malapit lang din pala sa pinangyarihan kanina."Kuya, sorry ha, salta lang kasi ako sa lugar na ito at naliligaw. Huwag kang mag alala at babayaran ko lahat ng maging gastos at—ahh shit may kambing!" Naapakan niya ang prino ng sasakyan."Argh!" Nanlaki ang mga mata ni Jenny nang marinig ang nasasaktang daing ng binata. Nakalimutan niyang hindi ito nakasuot ng seatbelt. Pahamak na kambing, biglang tumawid ng daan. "Kuya, ayos ka lang ba?" Nakagat ni Jenny ang hintuturo nang hindi sumagot ang lalaki. Nanatili itong nakayupyop sa dashboard. Muli siyang kinabahan, mukhang lumala ang tama sa lalaki dahil sa kaniya. Hinawakan niya ito sa balikat upang pabalikin sa pagkasandal sa upuan. "P*ta, Jenny, anong kamalasan itong ginawa mo?" Natakot na naman siya at dumugo na ang bandang noo ng lalaki dahil napalakas ang umpog sa matigas na bagay. Mu