共有

Kabanata 29

作者: Deigratiamimi
last update 最終更新日: 2026-01-08 03:38:35
Roxanne’s POV

Malakas ang ulan sa labas. Ramdam ko ang lamig kahit nasa loob kami ng bahay ni Mateo. Kaya nagpasya sina Mommy Tess at Daddy Roberto na rito muna kami magpalipas ng gabi. Wala ring tutol si Mateo. Tahimik lang siyang nakinig habang nagpapasya ang mga magulang ni Julian.

Nakahinga ako nang maluwag nang magpaalam si Julian na kailangan niyang dumaan sa shop ng kotse niya. Hindi raw niya ako mahahatid pauwi. Hindi rin siya makakatulog dito.

“Okay lang,” sabi ko sa kaniya kahit alam kong mas okay sa akin na hindi ko siya makakasama. Lalung-lalo na sa iisang kama.

Hindi alam ng mga magulang niya na matagal na kaming hindi nagsasama sa iisang bubong. Para sa kanila, maayos pa rin ang pagsasama namin. Para sa kanila, mag-asawa pa rin kami na may problema lang sa pagkakaroon ng anak.

Pagkatapos ng hapunan, napansin ni Mommy Tess na wala akong dalang damit.

“Wala ka bang pamalit, hija?” tanong niya.

“Wala po,” sagot ko. “Hindi ko po kasi inaasahang matutulog dito.”

Tuming
Deigratiamimi

Mateo Ramirez is portrayed as a rare green-flag male lead in a forbidden love story—emotionally present, respectful, and deeply accountable. Rather than controlling or pressuring the woman he loves, he consistently gives her agency, accepting whatever choice she makes while offering unwavering support. He does not romanticize the taboo of their situation, yet he refuses to run from responsibility, choosing to face judgment and consequences head-on. His view of fatherhood is rooted in commitment rather than obligation, seeing the child as someone he willingly chooses and vows to protect alongside the mother. Mateo’s love is defined by action, steadiness, and emotional maturity, making him a compelling figure whose strength lies not in dominance, but in his decision to stay, protect, and keep choosing his family despite the chaos surrounding them. Hopefully, hindi lilihis ang character niya. 2026 na kaya sa Gren Flag Male Lead muna tayo. 💚🥵

| 2
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Kabanata 29 po ito.
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 33

    Mateo’s POV Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko agad siya hinarap. Parang kailangan ko munang siguraduhin kung tama ang narinig ko. Hindi ko alam kung galit ba ang una kong naramdaman o takot. Siguro pareho. “Ano’ng sinabi mo?” tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko. Umupo pa rin siya sa sofa, diretso ang likod, pero ramdam ko ang tensyon sa balikat niya. Hindi siya umiwas ng tingin. “Nakita ko ang mga dating larawan ni Daddy Roberto,” ulit niya. “Mga lumang larawan. Bago pa kayo yumaman. Bago pa kayo magkaroon ng kompanya.” Nilunok ko ang laway ko. “Saan mo nakita?” tanong ko. “Sa lumang storage room sa bahay ni Mommy Tess,” sagot niya. “Naghahanap ako ng mga dokumento para sa annulment. May isang kahon doon. May mga album.” Natahimik ako. Hindi ko pa rin siya nililingon. “Mateo,” tawag niya. “Sagutin mo muna ako bago ka mag-isip ng kahit ano.” Huminga ako nang malalim saka ako tuluyang humarap sa kaniya. “Anong tattoo?” tanong ko. Tumayo siya at lumapit sa akin.

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 32

    Mateo’s POV Nakaupo ako sa loob ng pribadong opisina ng imbestigador na kilala sa ilalim ng mesa at sa labas ng batas. Kaibigan siya ni Atty. Tuazon—iyon ang sabi niya sa akin nang ipakilala ko ang sarili ko. Tatlo silang nandoon. May isang babae na tahimik lang, may hawak na tablet, at dalawang lalaking halatang sanay sa ganitong klase ng trabaho. “In short,” sabi ng imbestigador habang nakasandal sa upuan niya, “gusto mong hanapin ang pumatay sa mga magulang ng asawa ng pamangkin mo. Ten years ago. Walang malinaw na lead maliban sa tattoo.” “Hindi lang tattoo,” sagot ko, diretso ang tingin sa kaniya. “May CCTV. May timeline. May huling kasong hinawakan ang tatay niya bago siya pinatay.” Tumango siya. “Alam ko. N-ireview na namin bago ka dumating. Pero kailangan kong linawin sa iyo, Mateo. Mahirap ‘to. Sampung taon na ang lumipas. Pwedeng patay na ang gunman. Pwedeng binura na ang tattoo. Pwedeng may mas malaking taong sangkot na hindi basta-basta gagalawin.” Pinatong ko ang pala

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 31

    Roxanne’s POV Si Mateo ang naghatid sa akin patungo sa law firm dahil may kliyente akong naghihintay. Tahimik ang biyahe namin, pero ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko—hindi nakakailang, pero hindi rin basta. Hinatid niya muna ako sa apartment ko para makapagbihis, saka diretso sa law firm kung saan ako nagtatrabaho bilang Criminal Defense Lawyer. “Sure ka bang okay ka na?” tanong niya bago ako bumaba ng sasakyan sa harap ng building. “Okay lang ako,” sagot ko. “May naghihintay na client. Ayokong mahuli.” “Text mo lang ako kung kailangan mo ng sundo,” sabi niya. “Kahit anong oras.” Tumango ako, saka pumasok sa loob. Sabi ni Atty. Jane Riego, ang kaibigan ko, ako raw ang gustong kausapin ng client. Maaga raw dumating kaya diretso na ako sa reception area. Doon ko nakita ang isang babaeng nakaupo sa gilid, umiiyak, hawak-hawak ang kamay ng isang batang lalaki na hindi lalagpas sa anim na taong gulang. Lumapit ako agad. “Ma’am, ako po si Atty. Roxanne Gomez–Ramirez,” mahinaho

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 30

    Roxanne’s POV Pagmulat ko ng mata, naroon pa rin siya. Akala ko umalis na siya, pero nanatili siya. Nakahiga sa tabi ko, mahigpit pa ring nakayakap, para bang sinisiguradong hindi ako mawawala paggising niya. Payapa akong nakatulog sa tabi ni Mateo. Matagal na rin mula nang huli akong nakatulog nang walang kaba sa dibdib, walang iniisip na galit ni Julian, walang takot na baka magkamali ako ng kilos. Kagabi, unang beses kong naramdaman na hindi ko kailangang magpanggap. Hindi ko kailangang mag-ingat sa bawat hinga ko. Pagmulat ko ng mga mata, una kong nakita ang mukha ni Mateo. Nasa tabi ko pa rin siya. Nakahiga nang bahagyang nakatagilid, ang isang braso ay nakapulupot sa baywang ko, ang kamay niya ay nasa tiyan ko. Hindi siya umalis. Akala ko gigising ako na mag-isa, na baka bumalik siya sa kwarto niya bago pa magising ang buong bahay. Pero nanatili siya. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing ang tulog. Payapa ang mukha niya—walang bakas ng pagiging CEO, walang bakas ng pagiging

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 29

    Roxanne’s POV Malakas ang ulan sa labas. Ramdam ko ang lamig kahit nasa loob kami ng bahay ni Mateo. Kaya nagpasya sina Mommy Tess at Daddy Roberto na rito muna kami magpalipas ng gabi. Wala ring tutol si Mateo. Tahimik lang siyang nakinig habang nagpapasya ang mga magulang ni Julian. Nakahinga ako nang maluwag nang magpaalam si Julian na kailangan niyang dumaan sa shop ng kotse niya. Hindi raw niya ako mahahatid pauwi. Hindi rin siya makakatulog dito. “Okay lang,” sabi ko sa kaniya kahit alam kong mas okay sa akin na hindi ko siya makakasama. Lalung-lalo na sa iisang kama. Hindi alam ng mga magulang niya na matagal na kaming hindi nagsasama sa iisang bubong. Para sa kanila, maayos pa rin ang pagsasama namin. Para sa kanila, mag-asawa pa rin kami na may problema lang sa pagkakaroon ng anak. Pagkatapos ng hapunan, napansin ni Mommy Tess na wala akong dalang damit. “Wala ka bang pamalit, hija?” tanong niya. “Wala po,” sagot ko. “Hindi ko po kasi inaasahang matutulog dito.” Tuming

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 28

    Roxanne’s POV Natigil kami ni Mateo sa paghahalikan nang may malakas na kumatok sa pintuan ng guest room. Pareho kaming napalingon sa pinto at agad na nagkibit-balikat sa gulat. Bigla kaming nagkahiwalay, kapwa hingalin, kapwa tahimik. “Shit,” mahinang mura ni Mateo. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Mabilis siyang tumingin sa paligid, binuksan ang cabinet, at pumasok doon. “Stay calm,” bulong niya bago tuluyang magsara ang pinto ng cabinet. Tumango ako kahit hindi niya na ako nakikita. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Ayokong mahalata ang kaba sa boses ko. Muling may kumatok. “Roxanne?” boses ni Mommy Tess. “Po?” sagot ko agad. Binuksan niya ang pinto at pumasok. “Hija, ikaw pala. Naghahanap ako kay Mateo. Nakita mo ba siya?” Saglit akong natigilan. Tumama ang tingin ko sa cabinet. Ramdam kong naroon siya, tahimik, nakikinig. “Hindi ko po nakita,” sagot ko at umiling. “Baka nasa kabilang sili

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status