ログインIsang daang milyon?Nabigla ang lahat, walang makapaniwala sa kanilang narinig. Maging sina Celina at Bernadette ay natulala. Isang host na may masamang reputasyon dahil may anak sa pagkadalaga si Althea. Sino naman ang magiging tanga para gumastos ang ganun kalaki at mag i-sponsor sa programa niya?Si Meredith ang unang nakabawi sa pagkabigla, napabuka ang bibig niya sa sobrang tuwa at akmang magsasalita na sana nang biglang muling umalingawngaw ang isang malamig at mayabang na boses. “Dalawang daang milyon!”Biglang nag-ingay ang buong silid, nakakagulat na ang isang daang milyon pa lamang. Pero ngayon ay may nag-bid pa ng mas mataas sa unang bid. Nang marinig ni Bernadette ang pamilyar na boses ng lalaki, bahagyang nanghina ang mga tuhod niya. Biglang nablangko ang kanyang isip. Samantala, namutla naman ang mukha ni Celina. Parang rumagasa ang matinding selos sa kanyang dibdib hanggang sa pumangit ang ekspresyon ng mukha niya at naging mabagsik ang kanyang tingin. Halos mahulog
Halos isang minuto ring nanatiling tahimik ang buong event hall, biglang natawa si Bernadette.“Bakit naman na tahimik ang lahat, mga sponsors? Gising pa ba kayo? Kahit naman hindi naging maganda ang performance ng kabilang panig last season, magandang babae naman ang bago nilang host. Gusto niyo ba siyang makitang umiiyak?”Agad na kumunot ang noo ni Althea, talagang may tinatagong kasamaan ng ugali si Bernadette! Walang ni isa ang nag-bid, kaya naging sobrang awkward ng buong sitwasyon. Maging si Trisha na nakaupo sa ibaba ay muling napaiyak sa sobrang kaba. May isang sponsor na tila sadyang gustong magpasaya ng sitwasyon, kaya nagbiro ito sa harap ng lahat. “Kung iiyak ang magandang si Miss Althea, handa ang kumpanya namin na magbigay ng sampung milyon para maging exclusive sponsor!”Ibig sabihin, para sa kanila sampung milyon lang ang halaga ng programa. Tiningnan ni Althea ang ilang lalaking nasa ibaba na halatang may masamang intensyon. Bahagyang kumibot ang mahahaba niyang pi
Nang marinig ni Xavier ang sinabi ni Gerald, mayabang niyang tinaas ng bahagya ang kanyang isang kilay. Halata sa mukha ng lalaki ang pagiging proud nito. “Hindi mo man lang ba tinitingnan kung sino ang napili kong babae?”Napailing si Gerald. “Alam mo ang yabang mo talaga, pero Xavier wala naman talaga gusto sayo ang babaeng yon hindi ba? Ang tawag diyan, one-sided love.”Kung walang ibang executives sa kanilang paligid, siguradong sinuntok na ni Xavier ang kanyang kaibigan sa mukha. Nanatili ang malalim niyang mga mata sa babaeng nasa stage, matagal siyang hindi makatingin sa ibang direction. Damn na babaeng ’yan!Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit.“Maiba ako, magkano pala ang ibibigay mong sponsorship sa programa ni Bernadette mamaya?” tanong ni Gerald. Marahang tinapik ni Xavier ng daliri niya ang kanyang tuhod, bahagyang nakapikit ang kanyang mga mata at mahirap basahin ang ekspresyon niya.“Sino naman ang nagsabi sayo na magbibigay ako ng sponsorship?”“Kung hindi ka nam
Biglang napaiyak si Trisha sa sobrang kaba, hindi niya alam kung paano na ang gagawin nila. “Miss Althea, kasalanan ko po ito. Dapat ako na mismo ang nag abot ng USB kay Director Meredith, pero sinabi kasi ni Scarlett na kailangan pa niyang tingnan ang laman nito. Kaya naman binigay ko sa kanya, oo medyo mapang-abuso siya sa posisyon niya minsan pero siya kasi ang host ng programa natin. Kapag umunlad ang programa, lahat naman tayo ay makikinabang. Kapag bumagsak, lahat naman tayo madadamay. Kaya hindi ko inakala na gagawa siya ng ganitong bagay!”Naiiyak na paliwanag ng dalaga. “Huwag kang matakot. Buhay ang tao, patay ang mga records. Kung umaasa sila sa computer, pwede naman akong umasa sa memorya ko.”Nanlaki ang mga mata ng dalaga na puno ng luha.“M-miss Althea... naalala mo lahat?”Nakangiting tumango ang babae. “Halos lahat.”Sa panig naman ng grupo ni Celina, nagtatawanan sa tuwa sina Sheila at Nisha. Sigurado silang walang makukuhang sponsor ang Food Wins the World, kaya
Pumasok si Celina sa loob ng event hall ng sponsorship conference kasama sina Sheila at Nisha. Nang makita nilang naroon na si Althea, maingat niya itong tiningnan at nagulat nang mapansing wala itong kahit anong bakas ng allergy sa mukha. Ang bingay niya kay Scarlett ay gamot na nagdudulot ng allergy sa balat. Dapat sana, sa oras na ito ay puno na ng pantal ang mukha ni Althea. Muli siyang naglibot ng tingin sa buong event hall, pero hindi niya nakita roon si Scarlett. Bigla siyang napa-isip na baka si Scarlett ang napaglaruan ni Atlhea. Kumunot ng husto ang noo ng babae, napansin niyang mas mahirap nang pakitunguhan si Althea ngayon kumpara noong apat na taon na ang nakalipas.“Celina, tingnan mo! Ang grupo ng Food Winds the Wolrd, sina Althea at Trisha lang ang dumating. Ni ang director nila ay hindi pumunta!” sabi ni Sheila. Napairap si Sheila at puno ng panghahamak na kumurba ang mga labi. “Hhmm…marunong rin palang makiramdam si Direk. Alam niyang walang magspo-sponsor sa isa
Sa isang marangyang private room na nakaharap mismo sa hall at may pinakamagandang view, at siyang may pinakamataas na standard ng buong venue. Hinubad ni Xavier ang kanyang coat at tamad na sumandal sa sofa. May hawak na sigarilyo sa kanyang daliri,sa likod ng manipis na usok na unti-unting umaakyat bahagyang sumngkit ang kanyang mga mata habang hindi maipaliwanag ang titig niya sa isang pigura sa hall.“Lintik na babaeng iyon. Ano ba talaga ang tinitingnan niya rito? Ako ba? Gusto ba niyang ako ang maging sponsor ng programa niya?” bulong ng lalaki sa kanyang isip. Isang pabor lang ang ibinigay niya sa kanya at gusto na nitong gawin siyang sponsor? Ang galing naman niyang magplano!“Pre, hindi ko talaga inakala na personal kang pupunta sa sponsorship conference ng TV station. Huwag mong sabihin dahil lang din ito kay Althea?” mapang-asar na tanong ni Gerald. Malamig siyang tiningnan ni Xavier. “Hoy! Sino ang nagsabi sayo na pumunta ako rito dahil sa kanya? Isa lang siyang katulo







