Share

Chapter 108

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-10-02 22:00:56

Kumikislap-kislap ang mahahaba at makakapal na pilikmata ni Althea, hindi niya kayang magtagal sa ilalim ng malamig at malalim na titig ng lalaki. Ngunit nang iwasan niya ang tingin nito, agad siyang hinawakan nito sa kanyang baba.

Pinilit siya nitong tumingin ng diretso sa madilim nitong mga mata.

“Althea, ganon mo na ba talaga ka-gusto na umalis sa akin?”

Bawat linya ng mukha ng lalaki ay naninigas, mababa at mapanganib ang kanyang boses. Malayo ang itsura nito sa karaniwan niyang anyo, ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 112

    Nang malapit nang dumikit ang mga labi ni Althea sa baso, napansin ng mga mata niya ang computer mouse niya sa mesa. Bigla siyang nakaramdam ng parang may mali, nakaugalian kasi niya na ayusin ang mouse pagkatapos niyang gamitin ito pero ngayon ay nakatagilid ito. Muli niyang sinulyapan ang tubig sa baso, wala naman siyang napansing kakaiba. Pero may kung anong hindi magandang kutob siyang nararamdaman, lalo na nang bigla niyang mapansin si Scarlett na nakatayo sa isang sulok habang nakatingin sa kanya. Kaya naman nagkunwari siyang uminom ng kaunti, saka mahinahong ibinaba ang baso. Mula sa kinatatayuan ni Scarlett, inakala nitong nakainom na ng tubig si Althea. Sakto naman na may tumawag sa cellphone niya, agad naman siyang lumabas ng opisina para sagutin ito.Bahagyang sumingit ang malinaw na mga mata ni Althea, habang wala si Scarlett kinuha niya ang baso at pumasok sa opisina nito. Kadalasan mas pinipili ni Althea na maging mabuting tao, hangga’t hindi nila nilalampasan ang kany

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 11

    Tahimik na tinititigan ni Celina si Sebastian na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed, namamaga at puno pa rin ng pasa ang mukha nito. Halos kumukulo sa dibdib niya ang matinding galit. Hindi niya kailanman inakala na si Althea lang pala ang nag celebrate sa main VIP room ng hotel. Mas lalong hindi niya inakalang nakahanap si Althea ng lalaking mas pogi at mas mayaman pa kay Sebastian. Sinubukan ni Celina na ipa-investigate sa mga tao niya ang lalaking iyon, pero wala silang mahanap.Napakamisteryoso nito, gwapo ang lalaki at maganda rin ang pangangatawan nito. Baka naman may sugar mommy na bumubuhay dito. Kung tama ang pagkakaalala niya, babae yata ang may-ari ng hotel. Sa pag-iisip na iyon, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Celina. Naiisip niyang imposibleng mas maging maganda ang buhay ni Althea kaysa sa kanya. Ayon sa sinabi ng kanyang ina, nagkaron pa raw ito ng anak sa labas. Talagang wala itong kahihiyan at sinisira ang reputasyon ng kanilang pamilya. “Celina?”Tinitigan n

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 110

    Nakatayo si Althea sa harap ng pinto ng study room, huminga muna siya nang malalim bago itinaas ang kamay at kumatok. Walang sumagot, kumakatok siyang muli. Pero nanatili pa ring tahimik sa loob, bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba kinakabahan siyang harapin si Xavier o dahil sa ibang dahilan. Inilagay niya ang kamay sa doorknob at marahang pinihit iyon, bukas pa ang mga ilaw sa loob ng study room. Kumalat sa hangin ang matapang na amoy ng sigarilyo, inilapag ni Althea ang tray ng pagkain sa ibabaw ng desk. Nang mapansin niya ang ashtray na punong-puno ng upos ng sigarilyo, bahagyang kumunot ang noo niya. Inalis niya ang mga upos at itinapon ito sa basurahan bago ibinalik ang ahstray sa mesa. Biglang nag-vibrate ang cellphone na nakapatong sa desk, hindi sinasadyang nadaplisan ng daliri ng babae ang screen at automatic na nasagot ang tawag. Agad sana niya itong ibababa nang bigla niyang marinig ang isang pamilyar na boses ng babae mula sa kabil

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 109

    Dalawang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin nakikita ni Althea si Xavier. Tuwing nasa bahay siya palagi na lang siya kinakabahan, lalo na tuwing gabi halos hindi siya makatulog ng maayos. Baka kasi kapag tuluyan siyang nakatulog at biglang sumama ang timpla ng lalaking iyon, baka tuluyan na siyang sakalin nito. Mukhang gusto naman ni Jeff ang lalaki, ilang araw na itong hindi nakikita ng bata kaya naman ilang beses na rin itong nagtanong sa kanyang ina. Nang gabing iyon, matapos ihanda ni Althea ang hapunan at matapos ang check-up ni Jeff magkatabi silang nakaupo sa hapag-kainan. Kahapon ay sinabi sa kanya ng doctor ni Jeff na nakauwi na ng bansa ang taong compatible sa bone marrow para sa anak niya. Noong una gusto sana ng babae na makilala ang taong iyon, ngunit ayon sa doctor kakauwi lamang nito at marami pa itong inaasikaso kaya wala pa itong oras para makipag kita sa kanya. Anuman ang mangyari, malaking bagay na nakahanap sila sila na bone marrow na ka-match ng anak niya

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 108

    Kumikislap-kislap ang mahahaba at makakapal na pilikmata ni Althea, hindi niya kayang magtagal sa ilalim ng malamig at malalim na titig ng lalaki. Ngunit nang iwasan niya ang tingin nito, agad siyang hinawakan nito sa kanyang baba. Pinilit siya nitong tumingin ng diretso sa madilim nitong mga mata. “Althea, ganon mo na ba talaga ka-gusto na umalis sa akin?”Bawat linya ng mukha ng lalaki ay naninigas, mababa at mapanganib ang kanyang boses. Malayo ang itsura nito sa karaniwan niyang anyo, ang malamig, mapang-akit at may pagka-walang hiya na lalaki na laging sinasamantala ang pagkakataon para asarin siya. Ngayon, isa lamang siyang malamig at mapanganib na lalaki. Ni wala kahit katiting na init sa kanyang mukha. Napakunot ng noo si Althea, gusto niyang alisin ang malaking kamay nitong nakahawak sa kanyang baba. Ngunit bago pa niya magaya iyon binitawan na siya ng lalaki. Sa halip, lumipat ang kamay nito sa kanyang payat na bewang. Napakalakas ng pagkakahawak nito, para bang mababali

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 107

    Sandaling pumikit si Xavier, nang muli niyang imulat ang kanyang namumulang mga mata malamig niyang tiningnan si Ivan na nakatayo sa tabi ng kama.“May problema ba?”Maingat na tumingin ang butler sa kanyang amo, napaka lamig at nakakatakot ang aura nito. Isang tingin lamang at kaya ka na nitong paslangin. “Sir, maaga po kasing dumating ang Lola mo.”Kinusot ng lalaki ang sentido niyang kumikirot sa tindi ng sakit, saka bumangon mula sa kama. “Sige, bababa ako agad.”“Ah kasi po si Madam po pumunta po sa kabilang bahay.”Biglang dumilim ang mukha ng lalaki, hindi na siya nag abala pang magpalit ng pambahay at diretso siyang nag madaling pumunta sa kabilang bahay.Pagdating niya sa pintuan, sakto niyang narinig ang tanong ng kanyang Lola. “Kung ganoon, handa ka bang iwan si Xavier at huwag mo ng hayaan na makipag-ugnayan siya sayo?”Biglang natigilan si Xavier nang marinig niya ang tanong, hindi na siya nag tangkang humakbang pa. Ang isang kamay niya ay nakasandal sa shoe cabinet ha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status