Pagkagaling sa presinto ay agad nagmaneho si Sheriff Luigi patungo sa isang abandonadong gusali upang tagpuin ang pangkat ni Lazaro. Bago nagmaneho ay sinigurado niyang walang sinuman ang nakasunod sa kaniya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya at agad pumasok. Sumalubong sa kaniya si Lazaro at ang mga tauhan nito.
“Para kayong mga daga na tago nang tago pagkatapos gumawa ng krimen!”
Ang Emperyo ng Zaparya naman ay nababalot ng katahimikan hindi dahil isa itong mapayapang kaharian, kundi dahil ang palasyong ito ay nababalot ng kadiliman.Hindi literal na madilim ang kapaligiran nito kundi dahil sa pinaninirahan ito ng masasamang nilalang.Sa ngayon ay may nilulutong masamang plano ang mga taga-Zaparya. Gamit ang isang mahiwagang tubig at ang mahika ng mangkukulam na si Adelina ay nakikita nila ang mga pangyayari sa loob ng kaharian ng Vireo.
Kinabukasan ay magaganap na ang paglilitis. Si Prinsesa Manorah ay nasa kaniyang silid at inihahanda ang kaniyang mga sasabihin. Kampante naman siya na kahit malapit si Prinsesa Alora sa mga konseho ay siya pa rin ang papanigan ng mga ito at ng kaniyang ina.Maya-maya ay may kumatok sa kaniyang silid na agad naman niyang pinagbuksan."Althea, ikaw pala."
Lumabas na ang lahat sa silid-hukuman at tanging ang reyna at ang apat na konseho na lang ang natitira."Malinaw na mismo kay Prinsesa Alora ang ginawa niyang pag-amin. Walang duda na siya ang dapat parusahan."wika ni Carlile na sinalungat naman ni Shanaya."Pero mali ang ginawa ni Prinsesa Aleyah na nag-imbento siya ng kuwento upang ma
Kinabukasan, pumasok sa isip ni Prinsesa Manorah na kailangan niyang pasalamatan ang mandirigmang tinutukoy ni Prinsesa Aleyah.Naisip niya na kung hindi si Althea ay wala nang ibang gagawa noon kundi ang mandirigang si Aztec na noon pa man ay alam na niyang may pagtingin sa kaniya.Lalapitan niya sana ito subalit bigla niyang nakitang parating ang kapatid niyang si Prinsesa Alora kaya minabuti niya munang umiwas.
Ngayong araw ay ang huling sandali ng paghahanda sapagkat bukas ay magaganap na ang isang kaabang-abang na pagdiriwang. Ang kanang-kamay ng reyna na si Luna at ang kapatid ng reyna na si Centina ang naatasan sa pag-oorganisa ng nasabing pagdiriwang.“Tingnan mo nga naman, tayo pang dalawa ang pinagsama ng kapatid kong reyna. Hindi siguro niya batid na hindi tayo magkasundo.” bulalas ni Centina.
Samantala, sa kaharian ng Zaparya ay nasa iisang silid ang magkapatid na si Prinsesa Nevira at Prinsesa Azulla na kapwa nagbabasa ng aklat ng mahika.“Nabalitaan mo ba ang malaking pagdiriwang na gaganapin sa Vireo bukas?” tanong ng nakatatandang si Prinsesa Nevira.
Sa kaharian naman ng Zaparya ay tila bagyong dumating ang tinaguriang prinsipe ng kadiliman na si Prinsipe Roman. Wala siyang kinatatakutan at inaatrasan kahit pa ang sarili niyang ama na si Haring Clavar. Dumating ang prinsipe na duguan ang kasuotan na agad namang napansin ng kaniyang ama.“Anong nangyari sa 'yo?”“Huwag niyong alalahanin ang mantsa ng dugo sa aking baluti sapagkat hindi ito sa akin galing kundi sa
Patuloy pa rin ang kasiayahan sa Vireo. Samantala ay nilapitan naman ng amasonang si Talina ang nakaupo na si Prinsesa Alora. Pagkaalis ng kausap ng prinsesa ay agad siyang lumapit.“Prinsesa, matutuwa ka sa sasabihin ko sa 'yo.”“Siguruhin mo lang na talagang matutuwa ako.”seryosong bulalas ni Prinsesa Alora.