Share

Chapter 25: Primo's Birthday .2

Prinsesa Atyrrah's POV

Para akong nakalutang. Masaya ang aking pakiramdam. Hinalikan ako ng Ginoo sa noo sa harap ng maraming tao. Kahit pa sinabihan niya ko ng masama, nawala ang inis ko dahil sa ginawa niya. Masarap sa pakiramdam ang ginawa niya. 

"Para kang tanga" napatingin ako kay Biyola. Nakaupo kami sa isang magandang upuan na may puting tela at may lasong kulay pula bilang disenyo. Moderno rin ang kulay ng mesa. Sa pinakaharap kami ng entablado inilagay ng Ginoo bago umalis. Naalala ko pa ang sinabi niya.

Pagbabalik-Tanaw***

Matapos niya kong halikan sa noo ay nakita ko ang pag-alis ni Binibining Yaret. Lihim naman akong napangiti dahil sa aking konklusyon.

'Mas maganda ako kaya hindi ka na napansin ng Ginoo'

"Tara" aya niya't tumingin pa sa mga kasama namin. Hinawakan niya ang aking kamay dahilan para mapangiti ako nang todo. Si Primo naman ay na kay Ibes na. Pinaupo niya kami sa pinakaunang mesa kaharap ng entablado. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status