Share

Chapter Four: Hariette meet Atyrrah

Yvo Artemis Pov

Morning comes and I didn't want to work 'coz all I wanted to do is to have some grocery since my refrigerator is empty. I am now here at the guestroom and waiting for the moron. I want her to bring at the mall so she can be familiar here at Manila but before that, I need a maid. I need someone to assist that moron if ever I am not around.

[Oh?] Crielle--one of my buddy--answered the phone.

"I need maid" sagot ko saka pinatay ang tawag. Tumingin ako sa labas. Naalala ko na naman yung kagabi hahahaha.

'Ahas huh?'

I am at the middle of my thought when my phone rang. It's Crielle.

[G*go ka ba?] Napangiwi ako sa bungad nito.

"Ano ba iyon?"

[Excuse me. Hindi kita friend and then you called just to tell that you need a maid?]

"Come on Crielle. Kailangan ko pa bang makipagkaibigan sa'yo para lang hanapan mo ko ng maid?"

[F*ck you Yvo]

"Ang highblood mo hahahaha" a moment of silence filled our conversation. I look at my screen to know if she's there and I found that she's still there. "Crielle?"

[What's with your laugh Yvo? Iba 'yan sa mga kinakama mo ah]

"Pati pagtawa ko papakilaman mo? I thought we're not friends?"

[Yvo...]

"Hmm?"

[F*ck you] napailing nalang ako nang pinatay n'ya ang tawag. Crielle is one of my buddy. Actually, we're five but she's the only girl. We always tell to each other that we're not friends since all of us have a friend's issue. Bibihira kami magkita-kita at magkasama-sama dahil sa mga business namin but we're always complete in case one of us had a problem.

I am about to go upstaire when my phone rang again for the second time. I answered it without checking who's the caller.

"Why you call again? Hahahaha" I imagine Crielle's face na nakasimangot dahil sa kapikunan. S'ya ang pinaka-pikon sa aming lahat.

[Oh, I guess you're waiting for my call honey] nawala ang ngiti sa aking labi nang mabosesan ang sumagot. I checked my phone. I sighed before I turned back the phone in my ear.

"Hariette"

[Hahaha, may iba pa bang tumatawag sa'yo aside from me?]

"Why you call?"

[Let's have a date, my treat]

"I'm busy"

[Busy with what? Nandito kaya ako sa company mo and waiting for you to arrive but your ugly secretary said that your absent. Saan ka busy Yvo?]

"Wala ka nang pakialam" sagot ko saka pinatay ang tawag. I also off it so she can't reach my line. Tumuloy na ko sa taas at kinatok ang kwarto ng babae.

"Huwag kang papasok!" Napapitlag ako dahil sa pagsigaw n'ya. Hindi ko alam kung bakit.

"Hindi ka pa ba tapos magbihis?"

"Ginoo, hindi ito isang kamiseta! Halos makita na ang aking hiyas!" Nangunot ang aking noo. What did she mean? I open the door and peek at her. She's now wearing a croptop and a short. Ang ganda! Putsa, ang puti at ang sexy.

"Bagay naman sa'yo ah"

"Ahhhh!" Tumili ito at saka sumampa sa kama. Itinalukbong n'ya ang kumot sa katawan. "Bastos ka! Hindi ito isinusuot ng isang babae. Halos paghubarin mo na ko! Bastos ka!" Sigaw n'ya.

"Ano? Moron, that's normal to wear"

"Wag mo ko pagsalitaan ng masama!"

"Hindi kita pinagsasalitaan ng masama. I mean, bagay naman sa'yo. Normal na sinusuot 'yan"

"Ayoko nito. Hindi ko mawari ang aking sarili na nagsusuot ng ganitong kamiseta. Nakakatakot" napamaang ako sa sinabi n'ya. Anong nakakatakot sa croptop? Abnormal talaga 'to. Napabuntong-hininga ako.

"Ayaw mo ba sumama?" I ask her.

"Ng ganito ang suot? Ayoko"

"Bahala ka. Hintayin mo nalang ako dito. Wag kang aalis ah"

"Oo ginoo basta ipapangako mo sa aking hindi mo na ako pagsusuotin ng maiikling kamiseta"

"Oo. Hintayin mo nalang ako dito" I said and close her door. For unknown reason, I want to stay here. Nawalan ako ng gana mamili. Akala ko maililibot ko s'ya sa mall. Tsk. I walk towards my parking area and took my car. The gate opened as my car was automatically registered at my gate. Once it reach my gate, it'll open automatically. I drove my car through the mall.

'Bibilisan ko nalang since hindi rin ako nagluto ng agahan'

Prinsesa Atyrrah POV

"Ganito ang isinusuot ng mga kababaihan dito? Nakakatakot" bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa aking suot. Kitang-kita ang aking tiyan at hita. Nakakatakot palang magsuot ang mga kababaihan dito sa mundo ng mga tao.

"Bagay naman sa iyo Prinsesa ngunit paniguradong magagalit ang iyong Ama at lalo na ang Prinsesa Atirrah oras na makita nilang gan'yan ang suot mo hihihi" masamang tingin ang ipinukol ko sa maliit na acrinim kaya natigil ito sa pagtawa.

"Ayoko nito. Ako'y magpapalit" sabi ko dito at saka tumayo. Binuksan ko ang aparador. May mga kamiseta ngunit panlalaki. Malalaki ito masyado at mas maigi ang ganitong suotin. Kinuha ko ang pulang damit pati ang isang salawal pang-ibaba. Dumiretso ako sa banyo na napakaganda. Marmol ang sahig. Maganda dito. Hinubad ko ang aking suot at isinuot ang aking kinuha. Dahil malaki ang salawal pang-ibaba ay itinali ko ito sa gilid para hindi ako mahubdan. Lumabas ako ng banyo na kahit papaano ay komportable na ko. Hinanap ko si Aireen na nasa balkonahe pala. Nakamasid ito roon kaya akin s'yang sinundan.

"Aireen" tawag ko dito. Nakangiti siyang humarap.

"Prinsesa," sabi nito saka tumingin muli sa baba kaya napatingin din ako doon. May isang babae na nakasuot ng maikling salawal pang-ibaba at kamiseta pang-itaas na kitang kita ang kaniyang balikat at pusod. Halos katulad ng isinuot ko kanina, ang kaibahan lang ay komportable ito sa suot n'ya. "Kay ganda niya. Sino kaya siya at bakit siya nasa labas ng palasyong ito?" Napatingin ako kay Aireen na nakangiti sa babae kaya sumimangot ako. Napatingin ito sa akin dahilan para mawala ang kaniyang magandang ngiti. Inangatan ko siya ng kilay habang nakataas ang aking baba. Ako'y naiinis sa sinasabi ng acrinim na ito.

"Mas maganda ba siya kaysa sa akin Aireen?" Tanong ko.

"P-Prinsesa..."

"Tinatanong kita maliit na nilalang. Kung hindi ko magugustuhan ang iyong sagot ay itatali kita sa isang puno at aasinatahin gamit ang aking pana't palaso"

"S-Siyempre kayo Prinsesa"

"Paano mo nasabi? Hindi ka ba napipilitan?"

"S-Siyempre Prinsesa, h-hindi po. Kay ganda ninyong dilag kahit pa mukha kang hindi maipaliwanag sa iyong suot" kamot-ulo niyang turan. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kaniyang harapan.

"Mabuti na ang maliwanag Aireen" sabi ko sabay alis sa kaniyang harap. Lumabas ako ng kwarto at nilabas ang babaeng kita ang kaselanan dahil sa kaniyang suot. Tumingin ito sa akin nang nakataas ang kilay. Hinarap ko siya nang nakahalukipkip at nakataas rin ang kilay. Gano'n din ang ginawa niya habang hawak ang isang teknolohiya sa kanang kamay. Nakaharang sa amin ang itim na gate ngunit hindi hadlang para makita ko ang kaniyang mukha. Maganda ngunit mas maganda ako. Mas disente rin ako tingnan at napaka-kapal ng kolorete niya sa mukha. Para siyang reyna dahil sa kaniyang ayos sa mukha. Ganiyan ang reyna sa aming mundo.

"Who you are?" Tanong nito nang nakataas ang kilay.

"Wag mo kong pagsalitaan ng masama binibini. Hindi mo magugustuhan kapag naubos ang aking pasens'ya"

"Ha? Are you insane? Are you a new maid? By the way, where's Yvo?" Napapikit ako sa inis. Wala akong maintindihan sa babaeng kaharap! Ang gulo n'ya kausap. Bakit ganito ang kanilang lenggwahe? Ano ba talaga ang salita dito sa mundong ito?

"Wala akong pagkain" 'yan ang nasagot ko dahil sa tanong n'yang hindi ko maintindihan. Dahil nakasimangot s'ya, alam kong pinagsasalitaan n'ya ko ng masama. Ang kaniyang mata ay umikot saka galit na tumingin sa'kin.

"Bobo ka ba? Nasaan ba si Yvo at pwede ba? Open this damn gate?"

"Nakakainis" bulong ko na hindi ko naman inaasahang maririnig niya.

"What? Minumura mo ba ko? Open this gate b*tch. Magtuos tayo"

"Kung kaya ko lamang ay akin nang ginawa nang makatikim ka ng mahika" inis kong singhal sa babae. Napamaang ito kaya ako'y nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi kita kilala binibini at hindi ko maintindihan ang mga salitang sinasabi mo"

"Eh ano bang pakialam ko sa'yo? Nasa'n ba si Yvo. Ang panget mo kausap"

"Sana natanong mo ko kung maganda ka bang kausap"

"What? You're freak"

"Umalis ka nalang binibini bago pa ko mapikon at mapana kita. Aasintahin ko yang pusod mo at gagawin kong tudlaan.

"Tigilan mo ko sa ka-wirduhan mo! Ilabas mo si Yvo"

"Hindi ka aalis?" Tanong ko. Unti-unti akong naiinis sa taong ito. Ayoko sa lahat ay hindi nasusunod ang gusto ko.

"Hindi. Who do you think you are to command me?" Nanliliit ang aking mga mata dahil sa sinabi n'yang hindi ko maunawaan. Seryoso akong tumingin sa kaniya at halata sa kaniyang mukha ang inis. Iniangat ko ang aking kamay dahilan para lumipad ang aking pana't mapunta sa aking palad. Gulat siyang tumingin sa akin.

"Bibilang ako ng tatlo at kapag narito pa rin ang iyong pagmumukha ay titirahin ko ang pusod mo" seryoso kong saad. Kumuha ako ng isang palaso, inipit sa pagitan ng hintuturo at gitnang daliri ko. Inilagay sa pana at itinutok sa kan'ya.

"Papatayin mo ba ko?"

"Isa"

"This is not funny anymore. Put that thing down" halata sa kaniyang mukha ang galit at alinlangan.

"Dalawa. Ako'y seryoso binibini. Masama ako magalit at pagbilang kong tatlo, nandiyan ka pa rin sa kinatatayuan mo ay tatama sa'yo ang palasong ito" banta ko. Hinila ko ang pisi at itinutok sa pusod n'ya. Kay ganda kasi ng kaniyang pusod kung kaya't kanina ko pa gustong tirahin. Magandang tudlaan. Maputi at malinis.

"Bring it down---"

"Hariette?" Natinag ako't agad itinapon paitaas ang pana't palaso ko. Inutusan ko ang hangin para itago ang gamit ko. Nakangiti akong humarap sa ginoo at pekeng ngiti naman ang ginawad ko sa binibini. "Moron? Why are you here? Dapat nasa loob ka lang 'di ba?" Naguguluhang tanong ng ginoo. Ang ginoong nagligtas sa akin at ang ginoong may mabuting loob.

"Yvo, muntik n'ya na akong patayin" sabi ng binibini na nagngangalang Yaret. Kay dusing na pangalan.

"Ano? Anong papatayin?" Tumingin sa'kin ang ginoo na may pangalang Ibo.

"Hindi ko alam ang kaniyang sinasabi. Ako'y lumabas at nais siyang papasukin ngunit hindi ko alam buksan ang bagay na ito" turo ko sa itim na entrada.

"Sinungaling! Yvo, she have bow and arrow. Tinaas n'ya yung kamay n'ya then lumabas yung bow and arrow tapos, tapos---huhuhuhu"

"Kung ako sa'yo binibini, wag kang umiyak" nakangiti kong sabi sa babae.

"At bakit hindi? Eh tinakot mo ko huhuhuhu" patuloy itong umiyak.

"Kay pangit mong umiyak" bukal sa loob kong sabi dahil totoo. Kung gaano s'ya kaganda 'pag nagsusungit ay gano'n naman s'ya kapangit kapag umiiyak. Napamaang ang bibig ng babae habang ang Ginoong Ibo ay napabungisngis.

"W-What did you say? Ang bastos ng bibig mo!" Galit nitong wika.

"Ako'y nagsasabi lamang ng totoo. Huwag mo sanang masamain" nakangiti kong sabi at saka humarap kay Ginoong Ibo na nakangiti na sa akin. "Mauna na ako Ginoo" sabi ko rito at saka tumalikod. Hindi na ko muling lumingon sa babae at pagkapasok ko sa sala ng palasyo ay inabutan ko si Aireen na nakapatong sa babasaging mesa. Sa mga libro na magkapatong. Seryoso itong nakatingin sa akin at nakahalukipkip.

"Ano ang iyong kailangan Aireen?" Tanong ko't umupo sa harap niya.

"Ano ang nangyaring iyon Prinsesa? Ang isang tao'y pinapatulan mo?"

"Hindi ko kasi kilala ang binibining iyon Aireen. Kay sama ng kaniyang sinasabi.

"Naintindihan mo ba ang sinasabi niya? Ang kanilang lenggwahe ay iba sa atin"

"Galit ka ba?"

"Hindi lamang kita maintindihan Prinsesa," dahil sa bigat ng kaniyang buntong-hininga ay hindi ako sumagot. "Narito ako bilang iyong gabay. Hindi mo maaaring dalhin ang ugali mo sa ating mundo dito sa mundo ng mga tao Prinsesa dahil parehas tayong mapaparusahan ng iyong Ama at alam mo kung gaano ka pinoprotektahan ni Prinsesa Atirrah" napabuntong-hininga ako dahil sa kaniyang mga sinasabi.

"Naintindihan ko" tanging sabi ko. Lumipad ang maliit na acrinim at dumapo sa aking balikat.

"Mahal na Prinsesa, kailangan nating makisama sa mundo ng mga tao at hangga't maaari ay itago na'tin ang ating tunay na'ting katauhan sa kanila. Naintindihan mo naman iyon hindi ba?"

"Naitindihan ko naman"

"Mabuti kung ganoon. Ako ang iyong gabay Prinsesa at sana ay makinig ka sa aking mga sinasabi" nakangiti kong sabi.

"Oo naintindihan ko Aireen pero pakiusap, ilayo mo ang iyong maliit na bibig sa aking ilong. Kay baho ng iyong hininga" natigil si Aireen at napanganga kaya ako'y napahagalpak ng tawa.

"Kay sama mo! Naglinis ako ng bibig bago lumabas sa pandeha. Ikaw itong hindi maipaliwanag ang amoy ng bibig" sabi nito sa naiinis na tono.

"Biro lang hahahaha. Sarap mo tuloy pitikin" masamang tingin ang ibinigay niya sa akin kaya lalo akong napatawa. "Biro lang. Ang init ng iyong ulo Aireen" sabi ko ngunit umikot ang mata nito at saka lumipad at bago tumuloy sa aking pandeha na siya n'ya ring tirahan ay tumingin ito sa'kin.

"Ang Prinsesa Atyrrah na mabaho ang hininga at hindi pa maganda" sigaw nito ngunit sa maliit na boses bago tuluyang pumasok. Napanganga ako sa kaniyang tinuran. Ang mabaho ang hininga ay aking matatanggap ngunit ang hindi maganda? Nagsalubong ang aking kilay at yumuko ng todo para harapin ang aking pandeha. Hinawakan ko iyon at saka inalog ng tatlong beses saka ako ngumiti ng todo.

'Mahihirapan maglinis at mag-ayos ang acrinim na ito sa kaniyang tirahan'

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
mahirap pala makiusap sa taga ibang mundo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status