Share

Chapter 6

Kallix POV

Hindi ko alam kung ano ang nagyayari sa akin. Simula kasi ng dumating sa mansiyon ang manang namin na katulong ay napansin ko na maraming nagbago sa akin. 'Yong mga bagay na madalas kong hindi ginagawa ay nagawa ko. Kahit na may lakad ako ay pinili ko na bantayan siya sa paglilinis.

Ngayon lang ako naging concern sa babaeng basa 'yong damit kaya binigay ko ang T-shirt ko sa kanya.

Madalas akong naiirita kapag ibang tao ang kausap ko pero siya parang musika ang boses niya sa pandinig ko.

Isang hapon habang nasa terrace ako ay natatanaw ko siya sa baba habang naglilinis ng pool. Nagulat ako nang bigla na lang siyang nahulog at humihingi ng tulong. Hindi naman ako makatalon dahil mataas ang terrace kaya nagmadali akong bumaba para puntahan siya.

Nagtaka pa ang kapatid ko dahil nagmamadali akong bumaba.

"May problema ba kuya? Bakit nagmamadali ka?" Tanong niya sa akin.

Hindi na ako sumagot dahil dumiretso ako sa pool area namin.

Mabilis akong tumalon sa tubig at binuhat ko siya. Wala na siyang malay.

"Manang, come on wake up," kausap ko sa kanya. Pero hindi pa rin ito nagigising.

"Sh*t!" Bulalas ko.

Wala akong ibang choice kundi i-CPR siya. Unang dampi ko pa lang sa labi.

Shit! Ang lambot, pinipilit kong naging normal at hindi ipahalata sa mga naroon na kakaiba ang nararamdaman ko.

Nang lumabas ang tubig sa bibig niya ay mabilis akong tumayo at umakyat sa kwarto ko. Tumapat ako sa cold shower dahil biglang uminit ang pakiramdam ko.

Lahat din ng init sa katawan ko ay inilabas ko kay Max nang gabing iyon. Sinabihan ko si Nanay Veda na sabihan si Deday na dalhan kami ng wine.

Pero hindi siya nagdala. Bumaba ako at nadatnan ko siya sa kusina na kumakain. Hindi niya kami pinansin. Hindi ko inaasahan na sasagutin niya ako ng ganu'n sa harapan pa ni Max. Siguro nasa Cr kami ni Max kaya hindi namin siya narinig.

"Why are you letting her to act like that? She's just a maid," sabi ni Max sa akin.

"Max, it's my fault and she's right," sabi ko sa kanya para matapos na kami.

"Really Kallix Jace Rodriguez it's that you?," Hindi makapaniwalang tanong ni Max sa akin.

Humiga ako sa kama at hindi siya pinansin. I don't need to explain to her dahil wala naman kaming relasyon.

Maaga pa lang ay bumiyahe na ako papunta sa condo ko. Doon na ako titira muna. Gusto kong mag-enjoy habang summer break pa. Siya ang sisira sa buhay na nakasanayan ko. Madalas kong kasama si Max minsan naman ay sa condo ko siya natutulog.

Ang relasyon namin ay friends with benefits only, malinaw sa amin na pure s*x lang at wala ng iba. Isa rin siyang professor sa school na pinapasukan ko.

Isang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula kay mom.

"Hello mom."

"Hello anak, I want to inform you na Deday will stay there at your condo. Mag-aaral siya at siya na ang makakasama mo diyan," sabi niya ikinagulat ko.

"Mom, I think that's not a good idea," sabi ko sa kanya. Iniiwasan ko nga ito tapos dito pa talaga sa akin.

"Anak, please help her. Kawawa naman 'yong bata. Siya na ang magiging katulong mo diyan. Vacant naman ang dalawang kwarto diyan," sabi niya.

"Okay mom," tanging sabi ko dahil wala naman akong magagawa pa.

"Thank you anak, love you," saad niy sa akin.

"Love you too mom," sagot ko.

Natuto akong maglinis ng condo ko. Gusto ko kasing maging independent kaya humiwalay ako sa parents ko.

Binigyan ako ni Dad ng four years para gawin ang gusto ko. May natitira na lang akong three years sa university.

Hindi ko inaasahan na ngayon ang dating niya. Alam ko nagulat siya dahil nag overreact ako. Ayaw ko lang din na may mangyari sa kanyang masama. Balak sana ni Max na dito matulog sa condo ko pero pinauwi ko siya.

"Kall, i want to stay here."

"Max, maybe next time."

"Okay," saad nito bago lumabas sa condo ko.

Alam ko na ayaw niya kay manang ramdam ko. Hindi ako makatulog kaya lumabas ako ng tanging boxer lang ang suot. Hindi ako nagbukas ng ilaw dahil kabisado ko na ang buong condo ko. Kumuha ako ng tubig at uminom.

Nang pabalik na ako ay hindi ko inaasahan na lalabas si Deday sa room niya panay ito salita.

Ako naman ay tahimik lang hanggang sa nabangga niya ako. Unang hawak pa lang niya sa dibdib ko ay nag-init agad ako. Iba ang hatid ng kamay niya sa katawan ko. Agad na nagrereact ang hindi dapat magreact.

Nang marealize niya na tao ako ay aalis sana ito pero wrong move ako dahil ng hawakan ko siya ay iba ang nahawakan ko.

"Shit ang lambot ng dibdib niya," sabi ko sa isipan ko.

Binitawan ko dahil pinaghahampas niya ako kaya binuksan ko ang ilaw. Bumungad sa akin ang suot niyang duster at bakat na bakat ang nipples niya.

Ako na mismo ang kumuha ng tubig niya. Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto ko. F*ck! sumakit ang puson ko.

Makakatagal kaya ako ng ganito kami palagi. Napaka inosente niya at naakit niya ako kahit na mahaba na saya ang suot niya. Napuyat ako pero maaga pa rin ako nagising kinabukasan. Napabangon ako ng may naamoy ako nasusunog.

Kaya mabilis akong lumabas para silipin. Nakita ko na nasusunog ang niluluto niya kaya napamura ako at napasigaw. Pinatay ko ang niluluto niya. Nakita ko na natakot siya sa akin kaya lumapit ako para tanungin kung okay lang ba siya.

Nag-alala ako kasi napaso siya. Ginamot ko ito at pinaupo ko lang siya sa upuan. Ako na ang nagluto ng breakfast namin.

Gusto ko matawa dahil nakatulog na ito. Nang magising ito ay sinilip niya mga lilinisin pero nalinis ko na kanina. Ayaw niyang sumabay sa akin kumain naintindihan ko naman dahil baka naiilang lang siya.

Isinabay ko siya papunta sa university dahil ayaw ko na magcommute siya. Mahaba ang pila at alam ko na kailangan niya ng tubig kaya inutusan ko ang bata na nakita ko na ihatid sa kanya.

Napangiti ako ng sinabi ng bata sa akin.

"Salamat daw po manong na masungit," sabi sa akin nang bata.

"Sino nagsabi sa 'yo niyan?"

"Si manang po, sabi niya sabihin ko raw po sa inyo."

Natawa na lang ako kaysa mainis.

Niyaya ako ni Max na maglunch kaya pumayag ako alam ko na matagal pa matatapos si manang. Alam ko na bata pa siya pero mas gusto ko na manang ang itawag sa kanya. Nagtake out din ako ng pagkain para sa kanya.

Pauwi na kami pero ayaw niyang sumabay sa amin. Biglang uminit ang ulo ko ng makita ko na hawak ng varsity player ang kamay niya. Kaya bumusina ako ng malakas pagdaan ko sa harapan nila. Hindi ako mapakali dahil hindi pa siya umuuwi.

Nang dumating siya ay nagsungit ako ulit sa kanya. Hindi ko alam pero ayaw ko na may kausap siyang iba maliban sa akin. Pumasok ito sa silid niya kaya umupo ulit ako sa sofa. Paglabas niya ay dumiretso ito sa kusina alam ko na nagugutom na ito.

Sinilip ko siya dahil hindi naman siya nagtanong. Nainis ako dahil cup noodles ang kakainin niya. Hindi ako nagpapabili ng ganu'n dito sa condo ko pero may naligaw na isa.

Alam ko nahiya siy dahil akala niya pinagbawalan ko siya pero hindi naman 'yon ang dahilan kaya ako nagalit.

May binili kasi ako na pagkain para sa kanya. Mabilis itong umalis sa kusina. Ako naman ay inayos ang pagkain at dinala ko sa kwarto niya. Nakadapa ito at naririnig ko ang pag-iyak niya. Ipinaliwanag ko sa kanya ang dahilan. Iniwan ko siya para makakain siya ng maayos.

Paglabas ko sa pintuan niya.

"F*ck! What is happening to me? Ako ang boss dito pero bakit siya ang pinagsisilbihan ko," nagsasalita ako nang pabulong.

Pumasok na lang ako sa room ko at tinawagan ang mga kaibigan ko na magbar kami mamayang gabi.

Nalilito na ako sa sarili ko ngayon. Ano bang nanyayari sa akin?

***

DEDAY'S POV

Lumabas ako ng matapos akong kumain. Dala ko 'yong tray papunta sa kusina. Naghugas ako at naglinis na rin sa kusina.

Nang matapos ako ay sa living room naman ako naglinis. Aminado ako na sa paglilinis ako sanay at hindi sa pagluluto kaya nahihiya ako kay Senyorito. Ako ang katulong pero siya ang nagluluto. Gabi na pero hindi pa lumalabas si manong.

Itinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Maya- maya ay bumukas ang pinto niya. Fresh na fresh ito at bagong ligo mukhang may lakad ito.

Diretso lang itong lumabas. Kung sabagay bakit naman siya magpapaalam sa akin. Pagkatapos ko ay umupo ako sa sahig at nagbukas ng tv dahil gusto ko manuod. Hindi na rin ako kumain dahil hindi naman ako nagugutom.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagulat lang ako ng may pumasok at ang ingay. Nang idilat ko ang mata ko ay bumungad sa akin si manong na may kahalikan na babae at hindi si Max.

Napayuko ako dahil ayaw kong makita. Kainis naman si manong ang landi.

Bakit ba hindi sila pumasok sa kwarto? Tumayo ako para mag exit ng napatigil sila at tumingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanila.

"Sorry po, pasok na po ako sa silid ko. Ipagpatuloy niyo lang po ang ginagawa niyo, bye," sabi ko sabay takbo papunta sa silid ko.

Pero ang malas naman dahil nailock ko. Pinaghahampas ko na 'yong pinto sa inis ko.

"Tigilan mo na 'yan manang at baka mabalian ka pa," sabi ni Manong sa likuran ko.

Napaintag ako ng sumagi ang baso niya sa braso ko. Kinabahan pa ako, 'yon pala bubuksan lang niya ang kwarto ko.

Nararamdaman ko ang hininga niya sa batok ko dahil nakayuko siya. Hanggang sa lumapat ang labi niya sa balat ko. Para akong napaso sa pagdampi niya.

"Senyorito, ano po ang ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ito sumasagot sa akin.

"S-Senyorito," tawag ko pero hindi siya sumasagot.

Hindi rin siya gumagalaw.

"Hala. Senyorito bakit kayo natulog? Paano na 'yong kasama niyo?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na tulog siya.

Ang bigat niya ang tangkad ba naman na lalaki. Lumingon ako pero wala na doon 'yong babaeng kasama niya. Bakit hindi ko namalayan na wala na siya?

"Ang bigat mo naman manong," reklamo ko kasi alam ko na hindi niya ako naririnig.

Kahit hirap na hirap akong dalhin siya sa kwarto niya ay nakaraos naman ako. Pinahiga ko siya sa kama niya.

Pagkatapos ay inalis ko ang sapatos niya.Kinumotan ko siya bago ako lumabas.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko dahil nanakit ata ang balikat at likod ko.

"Si manong talaga nagdala pa ng babae pero natulog lang," wala sa sariling bulalas ko.

Ipinikit ko ang mata ko para matulog na. Kinabukasan ay maaga ako ulit nagising.

Susubukan ko ulit magluto. Gusto ko matuto na magluto ng mga simpleng pagkain. Wala akong cellphone na puwedeng gamitin para makapanood online. Siguro itlog na lang ang iluluto ko at nagsaing ako.

Nagulat pa ako ng napatingin ako sa pintuan dahil nakatayo doon si senyorito.

"Good morning po senyorito," bati ko sa kanya.

"Morning," sagot niya sa akin bago pumunta sa dispenser para kumuha ng tubig.

Nagbukas ito ng ref at kumuha ng mga sangkap. Ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya.

Parang nahiya talaga ako dahil siya dapat ang ipinagluluto ko.

Tumabi ako sa kanya kasi gusto ko manuod kung paano siya magluto. Alam ko na napapansin niya ako kaya lumayo ito ng kaunti.

"You can help me if you want," sabi niya sa akin.

"Talaga po?" Masayang tanong ko sa kanya.

"You can also watch online, there's a lot of cooking videos there," sabi niya.

"Gusto ko po 'yon, kaya lang wala pong internet ang cellphone ko at panahon pa po ito ni kupong-kupong." Sabi ko sa kanya.

"You don't have phone?" Tanong niya sa akin.

"Ahm mayroon po, ka-kaya lang panahon pa po ng lolo ko 'yong phone ko," naka ngusong sabi ko.

"Hahaha!" Bigla itong tumawa ng malakas.

Napangiti naman ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti hindi lang ngiti dahil tumatawa siya.

"Ang gwapo niyo po kapag masaya kayo," wala sa sariling sabi ko.

Nanlaki ang mata ko ng narealize ko ang sinabi ko. Napatigil din ito sa pagtawa at nakita ko na namumula ang mukha niya pababa sa leeg niya. Nakita ko rin na napalunok ito. Sinamapal sampal ko pa ang bibig ko habang pinapagalitan ko ang sarili ko. Hiyang hiya ako sa mga oras na ito.

Tumikhim muna ito bago nagsalita ulit.

"You can use my phone," sabi niya sabay abot ng cellphone niya.

"H'wag na po! Hindi rin ako marunong gumamit niyan baka masira ko lang po 'yan," pagtanggi ko sa kanya.

"Kaya nga gamitin mo para masanay ka. I can teach you also if you want," dagdag pa niya.

Napaisip ako kung hihiramin ko ba.

"Mamaya na lang po ako magpaturo sa 'yo kapag tapos na kayo mag-agahan," sabi ko.

"Okay.." Tanging sagot niya sa akin.

Ang galing niya magluto sabi niya spicy stew daw ang niluto niya. Kapag may hangover siya iyon daw ang kinakain niya.

Kumuha naman ako ng notebook at ballpen kasi isusulat ko kung paano niya niluto. Pasalamat din ako dahil hindi ito masungit sa akin. Mabait din pala siya ng very very light kagaya ng lagi kong sabi light lang.

Nag-ayos ako ng mesa para makakain na siya naglagay ako ng plato at ipinagtimpla ko siya ng kape.

"Manang, bakit isa lang ang plato dito?" Biglang tanong niya sa akin.

"May kasabay po ba kayo, saglit po kukuha ako ng isa pa," sabi ko.

Inilapag ko rin ang plato at baso.

"Why are still standing there?" Tanong niya sa akin.

"Po?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sabayan mo na ako. Starting today sabay na tayo kumain," sabi niya.

"Pero hindi po puwede senyorito," sabi ko sa kanya.

"Who said that?" Galit na tanong niya. Hayy ayan na naman siya galit na naman siya.

"Ako po, hindi po kasi maganda na kasabay niyo kumain ang katulong niyo," sabi ko sa kanya.

"Ayaw mong sumabay sa akin? Okay fine babawasan ko na lang ng five thousand ang sahod mo," sabi niya kaya nataranta ako.

Five thousand ang laki naman.

"Per—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil.

"How about ten thousand? Puwede na ba 'yon na kaltas?" Binawasan pa niya kaya mabilis akong umupo.

"Ang totoo po gustong-gusto ko talaga na may kasabay kumain," sabi ko habang nilalagyan ang plato niya ng kanin.

"Tssk! Kung hindi ka pa takutin hindi ka susunod," pabulong na sabi ni Kallix.

"May sinasabi po kayo senyorito?"

"Don't mind me just eat," pasupladong sabi niya.

Kaya kumain na lang ako. Masarap ang luto niya kahit maanghang. Grabe ang pawis ko habang humihigop ng sabaw kaya itinali ko nang mataas ang buhok ko.

Napalunok naman si Kallix ng makita ang makinis at maputing leeg ni Deday napainom siya ng isang basong tubig.

CALLIEYAH

Hello po, kumusta po kayo. Maraming salamat po :)

| 42
Comments (43)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hangfang kelan ka makakatiis manong kallix......
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
inlove kana kasi manong kaya ganun lang ang concern mo kay manang deday
goodnovel comment avatar
Ann Villaseñor
double pov ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status