My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father

My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father

last updateLast Updated : 2025-10-21
By:  fyriee.mxnUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
9views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ang tanging hiling ni Lexie Marie Delos Reyes ay matupad ang pangarap ng kaniyang Lola. Ang makasal at tuluyan nang lumagay sa tahimik. Ngunit sa araw mismo ng kaniyang kasal, gumuho ang lahat nang tumakas ang kaniyang fiancé upang sundan ang babaeng tunay nitong mahal sa ibang bansa. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, napilitan siyang gumawa ng desisyon na magbabago ng lahat. To marry Kaizer Zapanta, her brother’s best friend. Isang lalaking kilala sa pagiging malamig, misteryoso, at isang trilyonaryo na kinatatakutan sa mundo ng negosyo. "If it’s marriage you want, I’ll take his place. But don’t expect me to give you my heart." – Kaizer Zapanta Ang kasal na inakala ni Lexie na pakitang-tao lamang ay unti-unting nagiging mapanganib sa puso niya. Unti-unti niyang natuklasang na sa likod ng malamig na anyo ng lalaki, may init pala doong kayang tunawin ang lahat ng takot, at sakit sa puso niya. And just when her heart began to trust again, Zyrus—her runaway fiancé—returned with a confession that threatened to ruin everything. "Come back to me, Lexie. After all, we’re expecting a child. Won’t you introduce me as their father?" – Zyrus Martinez Ngayon, kailangan niyang pumili. Sino sa pagitan ng lalaking minsang iniwan siya, o sa estrangherong hindi na lang basta asawa kundi ama ng kaniyang dinadala, ang kaniyang pipiliin?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

“Lexie, I’m calling off this wedding…”

Ang nakangiting mukha ni Lexie Delos Reyes ay nauwi sa isang hindi maipintang ayos.

Bakit? Today is supposedly her wedding day. Nakaayos na ang lahat, nandito na ang lahat ng bisita, maging sila nga ng mapapangasawa niyang si Zyrus Martinez ay naka bihis na ng kani-kanilang wedding gown at suit. Alam ni Lexie na bawal sa pamahiin ng matatanda na magkita ang ikakasal hangga’t wala pang opisyal na seremonyas, but Lexie was too excited and happy to care about it kaya naman ay pinuntahan na niya si Zyrus sa kwartong nakalaan para sa groom.

But… what is this that she is hearing?

“I’m really sorry, Lexie. I have to go. May biglaang emergency, sobrang importante nito sa akin…”

Pagkatapos sagutin ang tawag, lumapit si Zyrus Martinez sa kanyang fiance at binitiwan ang mga salitang iyon.

Nanlaki ang mata ni Lexie, tila natulala at nabigla sa mga katagang sinabi ni Zyrus. Hindi niya akalain na may mangyayaring ganito, sa araw mismo ng kaniyang kasal.

Hindi na ma-kontrol ni Lexie ang sarili, nag-uunahan na ang kanyang iba’t-ibang emosyon. Ngunit sa mga oras na iyon, isa lang ang nais niyang gawin. Ang tanungin ang lalaking pakakasalan niya sa desisyon nitong iyon.

“Emergency? Importante? Zyrus, may mas importante pa ba sa’yo kaysa sa kasal natin?” Lexie desperately asked him, both confused and bewildered.

“Oo, Lexie! At… may gana ka pa talagang itanong ‘yan when you knew this was just arranged? Don’t be petty, woman. I-postpone muna natin ang kasalang ito.”

Matapos marinig iyon, parang biglang nanlamig ang pakiramdam ni Lexie. Ang maliit na kwartong ito na kinatatayuan nila ay tila biglang lumaki hanggang sa magmistula na siyang langgam. The nervousness is eating up her well being. This can’t be!

Ang kasalang ito sa pagitan ng pamilya Delos Reyes at Martinez ay ginanap bilang isang private event sa isa sa pinaka malaking banquet sa kamaynilaan, ang Diamond Hotel Manila. At sa loob ng sampung minuto, gaganapin na ang pag-iisang dibdib ng mga apo ng pamilya.

Lexie was supposed to be walking down the aisle with a bouquet on her hand, and Zyrus was just waiting for her in front, with a genuine smile on his lips. But… what is happening?

Sa isang iglap, ang araw na pinakahihintay niya…

No! Lexie refused to give up. Bagaman unti-unti nang namumutla ang kaniyang maputi na ngang kutis, pinilit niyang bumuntong hininga. Sa kabila ng sari-saring eksena sa kaniyang utak, pinili niya ang maging kalmado at magsalita ng mahinahon.

“Zyrus, magsisimula na ang kasal natin, ilang miniuto na lang. Kahit gaano pa ka-importante yan, pwede namang ayusin pagkatapos ng kasal,” halos magsumamo na si Lexie sa harap ni Zyrus na ngayon ay tinatanggal na ang pulang neck tie na niregalo niya para sa kanilang kasal na ito. Mukhang desido na talagang umalis.

Muling tumingin si Zyrus sa wedding hall sa likod ni Zyrus. Ang mga mata niya’y seryoso at puno ng pagmamadali.

“Lexie, may kailangan talaga akong asikasuhin ngayon. It’s just the same if we reschedule this thing then get married the next day. What I’m going to do is my priority right now.”

Pagkabitiw na pagkabitiw ng mga katagang iyon, mabilis na nilampasan ni Zyrus si Lexie para dumiretso sa pinto. Not minding at all how will Lexie face this mess, alone at that, if he really decided to go. For sure, the Delos Reyes clan will take this downfall. Tangina.

Lexie’s mind is in a haywire now. Anong sinabi ni Zyrus? Pareho lang naman kung sa ibang araw na lang gaganapin ang kasal nila?

Gustong matawa ng babae. Ang klase ng tawa na mapapaluha na siya sa saya. How can this mess just happen exactly on her wedding day? Iniisip niya na rin kung may sumpa ba siya o ano. Palagi na lang ganito, kailan ba talaga siya sasaya?

Ang nakaawang na labi ni Lexie ay tinikom niya at malalaki ang hakbang na sinundan si Zyrus. Bago pa man marating ng lalaki ang pinto nagawa na ni Lexie na hawakan ang dulo ng suot nitong coat.

“Please, Zyrus. I-I’m trying to be the bigger person now. A-Ano bang mas mahalaga pa sa kasal natin? Sabihin mo… maybe I can help or something? Please. Just don’t leave me like this.” Lexie was straight begging Zyrus not to leave, ngunit iritasyon lang ang nakita niya sa mga mata nito.

Hindi lang iyon, nagawa rin ng lalaki na iwasiwas ang dulo ng manggas na hawak ni Lexie kaya nawala na ang hawak ni Lexie doon. At hindi lang iyon, pinagpagan rin ng lalaki ang parteng hinawakan ni Lexie, na para bang may mikrobyong kumapit doon dahil lang nahawakan ng babae.

Nang makita ang lahat ng iyon, doon na naputol ang pisi ng pagtitimpi ni Lexie. Kaagad niyang hinarap ang lalaki, halos isang dangkal na ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa. But unlike earlier that Lexie’s face was full of affection, galit na ngayon ang namamayani sa babae.

“Kung desidido ka talagang ipagpaliban ng kasal na ito, at least! Bigyan mo ako ng rason kung bakit nangyayari ang kaletchehang ito sa araw dapat ng kasal ko. Kasal natin!” Halos bumuga ng apoy si Lexie sa maanghang na tanong na iyon.

Zyrus, on the other hand cower in his wrath. Isang buntong hininga ang pinakawalan ng lalaki bago mahinang nagsalita. Mga salitang sana ay hindi na lang nito isinatinig.

“Hailey needs me.”

Tatlong salita lang iyon ngunit tila isang libong pana yata ang diretsong tumama sa puso ni Lexie.

Hailey? Si Hailey Smith na naman ba ang kahati niya?

“H-Hailey? Is this the same Hailey that I know?” Ang matigas na tono ng babae ngayon ay nanghina nang itanong iyon.

Ilang segundo ang lumipas ngunit walang sagot na nakuha si Lexie. Mukhang tama siya.

Sa mismong sandaling maintindihan ni Lexie ang katotohanang iyon, tila may malamig na hangin na dumaan sa kanyang puso at tila nagtagal doon para patigasin ito. Ngunit sa kabila noon, naramdaman niya kung paanong gustong bumigay ng katawan niya.

It felt like all her strength was drawn from her.

Hailey Smith. Ang pangalang kahit sa panaginip ni Lexie ay hindi niya malilimutan. Kahit noong nasa probinsya pa siya, ito na ang bukang bibig ng mga taong nakapaligid sa kanila ni Zyrus.

Hailey was Zyrus ex.

Marami nang ginawa si Zyrus para sa relasyon nito sa babae ngunit walang nagtagumpay. Umabot na nga sa puntong nauwi sa ospital si Zyrus dahil nakipagbasag ulo, parte ng pagrerebelde nito nang hindi inaprubahan ng matandang Martinez ang relasyon niya kay Hailey. At sa kung anong dahilan, isang araw ay nabalitaan na lang ni Lexie na umalis ng bansa si Hailey, tuluyang tinapos ang lahat sa kanila ni Zyrus.

Yes, Zyrus already had done lengths for her. Kaya gasino na nga naman ang ipagpaliban sandali ang kasal nila mapuntahan lang ang babaeng iyon?

Lexie wanted to cry foul! Akala niya ay mananatili na lang si Hailey sa mga nakaraan nila, ngunit hindi niya inaasahang mauungkat pa ito sa mismong araw ng kasal nila.

Hindi niya rin akalaing kayang sirain ni Zyrus ang kasunduan sa pagitan ng pamilya Delos Reyes at Martinez para lang sa babae. Para lang kay Hailey.

Nang hindi na siya makapagsalita, dahan-dahan siyang tinalikuran ni Zyrus. Hanggang sa sinumulan na nitong ihakbang ang mga paa, at naglakad patungo sa elevator. Kitang kita pa ni Lexie kung paanong halos magkumahog ang lalaki, at walang lingon likod na naglakad palayo sa kaniya.

Ngayong hindi na siya kita ni Zyrus, doon lang hinayaan ni Lexie na mamula ang kaniyang mata sa pinipigilang luha. Parang may bikig rin sa kaniyang lalamunan at doon ay nagbara kaya maging paglunok ay hirap siya.

Oo at nasasaktan siya pero malalagutan muna ng hininga si Lexie bago ipakita iyon kay Zyrus.

Tama nang naniwala siya sa mala fairytale nilang kwento. Kung saan doon si Zyrus ang kaniyang knight in shining armor, at siya naman ang damsel in distress na kailangan ng prinsipeng magliligtas.

Kaya pala ganoon na lang ang kilos ni Zyrus kapag kasama siya, si Hailey pa rin pala ang laman ng puso nito.

Marahil ay likas na lang sa lalaki ang pagiging mabait, maaalahanin, at malambing. Masunurin lang din siguro itong anak kaya pumayag sa kasal nilang ito. Maybe, he really cares for her.. but that was just like how a brother treats her sister.

Pero may kapatid bang hinahalikan sa noo, pinagbabawalan kang makipag-usap sa ibang lalaki, iginagalang at inirerespeto ang lahat ng gusto mo?

Maaaring oo! But Zyrus was giving her mixed signals and Lexie just failed to read it!

At sa puntong iyon, hindi gusto ni Lexie na matalo siya nang hindi man lang lumalaban. So with the last bits of hope in her, tinawag niya ang lalaking naghihintay sa pagbukas ng elevator doors.

“Zyrus…”

Matagumpay na nakalapit si Lexie kay Zyrus. Nang lingunin siya ng lalaki, siya namang pagyuko ni Lexie para doon kumuha ng lakas ng loob.

Pinipigilan ni Lexie ang luha sa kanyang mga mata. Ang labi niyang maingat niya pang nilagyan ng lipstick kanina, ngayon ay nanginginig na.

“Magsisimula na ang kasal... pwede bang hintayin mo na lang na matapos ito. Pakiusap, ito na ang huling pabor ko sa’yo…”

Ngunit ang sinserong pakiusap na iyon ay sinagot ng iritado na pagbaling sa kaniya ni Zyrus.

“Huh? Lexie, don’t you get it? This wedding is already cancelled! Do you really think there’s more important thing for me other than Hailey?” Biglang singhal sa kanya ni Zyrus, halatang nawawalan na ng pasensya. "May problema ngayon si Hailey, nasa ibang bansa siya at mag-isa. Kailangan ko siyang puntahan. Kapag may nangyari sa kaniya ngayon, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Marami pang oras para sa kasal natin. Don’t be too selfish!”

Diretso ang tingin ni Zyrus kay Lexie. Seryoso at puno ng determinasyon, parang sinasabi ng mga mata niya na, hindi pwedeng matuloy ang kasal ngayon… because it’s Hailey or no one else.

Napakabigat sa dibdib ni Lexie ang mga sinabi ni Zyrus. Parang unti-unting nabasag ang puso niya, at hindi na niya kayang ituloy ang mga salita. Walang ni isang salita ang nais na lumabas sa kanyang bibig.

Nakita niyang halos hindi na makapaghintay si Zyrus na puntahan si Hailey. Unti-unting namatay ang liwanag sa mga mata ni Lexie, at nanginig ang mahahaba niyang pilik-mata.

Ilang segundong katahimikan pa ang lumipas, at sa wakas, tumunog na rin ang elevator, hudyat na magbubukas na ito. Mabilis na pumasok si Zyrus, at walang salitang iniwan si Lexie sa kinatatayuan.

Bago tuluyang magsara ang elevator doors, isang malinaw at matapang na boses ang narinig na umalingawngaw sa tahimik na hallway na iyon.

“You fucking jerk.”

Nanlaki ang mata ni Zyrus sa gulat sa narinig mula kay Lexie. Hindi pa nga namalayan ng lalaki na kusang pumindot ang kaniyang mga daliri sa open button para hindi tuluyang magsara ang pinto, marinig lang na hindi siya niloloko ng tenga niya.

“W-What did you say, Lexie?” Hindi makapaniwalang tanong ni Zyrus.

“You are one fucking jerk, Zyrus. You think you have the shots to call this thing off? No! You listen to me intently, boy…”

A smirk plastered across Lexie’s lips before finally speaking.

“I am calling off our wedding, Zyrus Martinez.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status