Hello po, thank you so much po. Wakas at special chapter na po ang next update. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
KALLIX POVNaging abala kami ni Cassy sa pag-aayos para sa kasal. Gusto niyang bumawi sa mga nagawa niya kay Desra. Nalaman rin namin na si Max ang nasa likod ng lahat ng mga pangyayari. Pati na ang aksidenti na nangyari sa akin at sa asawa ko."Kuya, bukas daw ang uwi ng asawa mo." Saad sa akin ni Mira."Okay, thank you." Bandang alas siyete ng gabi no'ng may biglang tumawag sa amin at may video kung saan ang asawa ko nakatali habang ang walanghiyang Joseph ay nasa tabi niya at inaamoy ang asawa ko.Gusto kong sumabog sa galit. Nagplano si Rico kung paano namin sila mapupuntahan. Ginamit pa namin ang private jet ng pinsan ko para makarating kami kaagad. Hindi ko hahayaan na tumagal doon ang asawa ko. Pasalamat talaga ako dahil suot ng asawa ko ang binigay ko sa kanya na kwentas.Nasaktan lang ako sa part na parang wala lang ako sa asawa ko. Pero alam ko na may puwang pa ako sa puso niya. Hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang kasal namin. Six years ago hindi ko naibigay sa kanya
Warning matured content!!!DEDAY'S POVNiregaluhan kami ni Mira ng trip to Iceland. Tinanong niya kasi ako dati kong saan ko gusto pumunta kaya ang sabi ko sa iceland. Mabait ang tatlong bata dahil nagpa-iwan sila.Natatawa pa nga ako sa sinabi nila, na gusto raw nila ng maraming kapatid pagbalik namin. Magiging apat na sila kaya sigurado akong magiging magulo na ang buong bahay kapag lumaki na sila. Ngayon na limang taon pa lang sila ay ang ingay na ng bahay paano pa kapag nadagdagan ng nadagdagan? Pero kahit gano'n ay iba ang hatid na saya ng mga anak ko sa buhay namin ng asawa ko."What are you thinking?" Tanong sa akin ng asawa ko habang nakayakap sa likuran ko."Jace, sigurado ka ba talaga na marami ang gusto mong anak?" Tanong ko sa kanya."Gusto ko sana kaya lang iniisip kita. Alam ko na hindi madali ang manganak kaya ikaw pa rin ang masusunod babe." Sagot niya sa akin."Jace ko, nagsisisi ka ba na ako ang naging asawa mo? Hindi ka ba nahihiya dahil dati akong maid?" Wala sa sar
May isang babae na umiiyak habang nakasakay sa bus galing sa probinsya ngayon pa lang kasi mamimiss na niya ang kanyang Inay at kapatid. Sumama siya sa kanilang kapitbahay na kumare ng kanyang inay.Mamasukan siyang kasambahay sa pamilya Rodriguez.Nandito rin kasi namamasukan si Aling Vida. "Wag kanang umiyak Deday masasanay ka rin isipin mo na para ito sa pamilya mo," ani ng matanda sa kanya. "Salamat po Aling Vida, pagbubutihin ko po doon sa aking trabaho," saad nito sa matanda.Nakarating na sila sa Maynila at sumakay sila sa jeep papunta na sa mansion ng mga Rodriguez.Labis siyang namangha sa ganda ng bahay para itong palasyo sa kanyang paningin dahil sobrang laki nito. "Tara na Deday pumasok na tayo para maipakilala kita kay madam" sabi ni Aling Vida sa kanya. Pagpasok nila ay may magandang babae ang sumalubong sa kanila."Vida kamusta ang bakasyon mo?," tanong ng Senyora kay aling Vida. "Maayos naman po Senyora at salamat po. Senyora siya po pala si Deday iyong sinasabi ko
DEDAY'S POV Nakahinga ako ng maluwag ng wala na 'yong masungit na 'yon paglabas ko sa banyo. Sinuot ko na lang ang damit na binigay niya sa akin. Ngayon pa ba ako mag-iinarte eh basang basa na 'yong blouse ko. Lalabhan ko na lang pagbalik para hindi naman nakakahiya.Sumapit buong maghapon pero kahit na anino ng masungit na senyorito at hindi ko nakita. Pabor na rin 'yon sa akin dahil nawala bigla ang crush na naramdaman ko kahapon.Dinner time na kaya tumulong ako. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas sa kusina para dalhin ang juice. Nakatingin sa akin ang masungit na lalaking gwapo na ngayon ay pangit na sa paningin ko.Nakatingin din sa akin iyong isa pang lalaki na ubod ng gwapo. Nakangiti ito sa akin. Ngumiti naman ako dahil ayaw ko rin maging bastos."Manang, what are you waiting for?" Tanong ng masungit na lalaki habang nakatingin sa akin."Yes po senyorito Kallix. May kailangan po ba kayo?" Tanong ni nanay Vida."I'm not referring to you manang. It's her the new maid," sa
DEDAY'S POV Pagkatapos ko kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan ko. Lumabas ako sa kusina at pumasok muna sa silid ko. Humarap ako sa salamin. Ang iksi naman ng palda na ito. Kaya naiilang ako kasi hindi ako sanay madalas kasi ang haba ng mga saya na suot ko.Itinali ko ang buhok ko para hindi mainit sa pakiramdam. Madalas kasi nakalugay lang ang buhok ko. Kaya lalo akong inaasar na manang na sa amin.Hanggang dito ay hindi nakaligtas sa masungit na manong. Sa lahat sa kanila ay siya lang ang bukod tanging tumawag sa akin nang manang.Lumabas ako sa kwarto ko. Nakita ko si nanay."Deday puwede mo bang linisan ang swimming pool?" Tanong niya sa akin."Sige po nay," sagot ko naman sa kanya."Darating kasi ang mga barkada ni Senyorito Jacob mamayang gabi at may pool party sila. Bagay sayo ang uniform mo siguro naman hindi kana tatawaging manang ni senyorito Kallix," nakangiti na sabi ni Nanay Veda."Salamat po pero hindi ako sanay. Mas kumportable pa rin po ang suot kong palda," sabi
DEDAY'S POV Ngayon ang araw na lilipat ako. Sabi ni senyora doon daw ako tutuloy habang nag-aaral ako. Masaya naman ako dahil binigyan nila ako ng chance na bumalik sa pag-aaral. Sabi nila ay ako ang gagawa ng gawaing bahay doon sa lilipatan ko.Malayo kasi sa City ang mansion kaya si Mira ay may sarili din condo. Mas gusto ko sana na kay Mira na lang pero mayroon na siyang kasama. Hinatid din ako ni Mang Tommy para hindi na raw ako mahirapan sa pag commute. Kaunti lang ang dala kong damit. Karamihan ay 'yong mga saya ko na pangmanang ang dala ko.Hindi na raw kailangan magsuot ng uniform doon. Pagdating namin sa building ay namangha talaga ako."Deday, kaya mo na 'yan second floor room 21," sabi sa akin ni Mang Tommy."Opo, Mang Tommy, maraming salamat po," paalam ko sa kanya bago ako pumasok sa loob.Pagpasok ko ay hinanap ko kaagad ang elevator. Sumakay ako at pinindot ko ang second floor. Mabilis lang akong nakarating.Naglakad ako at hinanap ko ang room 21. Nang mahanap ko ay na
DEDAY'S POV Maaga akong nagising para magluto ng almusal. Kahit puyat ako sa nanyari kagabi ay sinikap kong agahan ang gising ko. Sa totoo lang hindi ako magaling magluto. Sa probinsya namin ay si nanay lagi ang nagluluto at sa mansiyon naman ay si Nanay Veda.Binuksan ko ang ref para maghanap ng puwede kong iluto. Marami naman akong nakita kaya kumuha na lang ako ng bacon, hotdog at egg. Nagsaing na rin ako.Nagsimula na akong magprito ng bacon."Ayy..!" Nagulat na sabi ko dahil natalsikan ako ng mantika sa kamay ko.Malakas ang apoy at hindi ako makalapit dahil nagsitalsikan ang mantika. Nasusunog na ngayon ang bacon na piniprito ko."What the hell is going on here?!" Galit na sigaw ni Senyorito sa akin. Mabilis din siyang lumapit sa kalan at pinatay ito.Ako naman ay tulala ay hawak ang kamay ko na napaso. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Pinipigilan ko ang luha ko dahil natakot ako sa lakas ng sigaw niya.Muntikan ko pang masunog ang kusina kung hindi siya lumabas. "Sorry po
Kallix POVHindi ko alam kung ano ang nagyayari sa akin. Simula kasi ng dumating sa mansiyon ang manang namin na katulong ay napansin ko na maraming nagbago sa akin. 'Yong mga bagay na madalas kong hindi ginagawa ay nagawa ko. Kahit na may lakad ako ay pinili ko na bantayan siya sa paglilinis.Ngayon lang ako naging concern sa babaeng basa 'yong damit kaya binigay ko ang T-shirt ko sa kanya.Madalas akong naiirita kapag ibang tao ang kausap ko pero siya parang musika ang boses niya sa pandinig ko.Isang hapon habang nasa terrace ako ay natatanaw ko siya sa baba habang naglilinis ng pool. Nagulat ako nang bigla na lang siyang nahulog at humihingi ng tulong. Hindi naman ako makatalon dahil mataas ang terrace kaya nagmadali akong bumaba para puntahan siya.Nagtaka pa ang kapatid ko dahil nagmamadali akong bumaba."May problema ba kuya? Bakit nagmamadali ka?" Tanong niya sa akin.Hindi na ako sumagot dahil dumiretso ako sa pool area namin.Mabilis akong tumalon sa tubig at binuhat ko siya.