Sortitus POV
"Alpha, are you sure you know what you are doing defending a criminal women?"
Isinama ko si James, ang pinakapinagkakatiwalaan kong beta, sa pagtakas sa kaharian upang maunahanang mahanap si Clavem na ngayon ay pinagtutugis ng mga gwardiya sibil kasama ng mga Punong Zeta dahil sa binitawang mahalagang utos ni Heres lalo na't ang kanyang ama ay nasa pagpupulong sa kabilang panig ng bansa. Kaya't bilang si Heres ang inatasan ng kanyang Amang Hari na mamuno sa kanilang kaharian at ang pagbitaw ng isang hindi makakalimutan at napakabigat na kaparusahan...... ang Kamatayan na igagawad kay Clavem bilang bayad sa mahalagang buhay na kinitil nito.
"Fvck off!" malutong na mura ko. "Mabuti pa ay tulungan mo na lang ako hanapin siya!" Ngayon ay walang tigil ang mabilis na pagpintig ng puso ko't panginginig ng buong katawan bunga ng labis na takot at pangamba sa nagbabadyang pagpatay kay Clavem.
Damn it! Hindi ko na maunawaan ang sarili ko pero ayaw ko rin mapahamak si Clavem at tila'y masisiraan ako ng ulo kung may mangyaring masama dito.
Kita ko kay James ang pagguhit ng labis na kagulumÃhan sa kaniyang tono. "Ngunit si Clavem ang pumatay sa reyna." Napahinto ito at napalunok. Nagkibit-balikat sabay sa pagkagat at pagbasa ng labi kasunod. "Ang mahal na reyna, na siyang ina ng inyong pinakamamahal na asawa. At pinatay sa mismong kaarawan pa ng kanyang nag-iisang anak. Sa tingin mo alpha, hindi ba ito nakapanlulumo?"
Napatigil ako sa paghakbang ng aking paa nang marinig ko ang mga binigkas niya. Labis-labis ang panama ng mga simpleng salitang iyon dahil sa hindi intensyon kong pangangaliwa at pagtratraydor sa sariling asawa.
"Shit of you! Hindi mo kasi naiiintindihan! Kaya please... tumahimik ka na lang, pakiusap!"
Hindi ako hahantong sa ganito kung kaya kong kontrolin at baguhin ang sarili kong nararamdaman at hindi ko iisipin araw-araw na halos mabaliw na ako sa kanya at sana dumating ang panahon na kaya ko siyang bitawan at pakawalan ng ganoon kadali.
Nilunok ko ang napunong laway sa aking bibig at kasabay nito ang pag-igting ng aking panga. Lumitaw na rin ang mga ugat ko nang manginig kong kinuyom ang aking kamao.
"Alpha, my brother. I am sorry that I have taken the liberty of speaking and questioning you too much..... that I don't even realize that I'm stepping on your line. But Heres, your wife, is in mourning, she needs her husband to lean on and you should be by her side right now," pagsusumamo nito. "Alam kong fated mate mo si Clavem at kahit papaano ay concern ka dito.... pero ipapaalala ko muli sa iyo na isa ka ring Alpha, tinalagang pinuno na may mahalagang tungkulin sa nasasakupan mo. Marami ang umaasa sa iyong patas na panunungkulan. Si Clavem ay nakapatay at kinakailangan mo s'yang hulihin upang wakasan ang buhay at hindi buhayin at palayain."
Iginalaw ko ng ilang ulit ang aking ulo kasabay non ang makapigil hininga na pagkalitong yinapos ang aking mukha. At mas piniling magmatigas kaysa sa makinig sa kanila. Sapagkat ang paniniwala 'ko ay kasalungat sa kanilang ipinaglalaban. Para sa akin, hindi sagot ang ano mang dahas o pagdanak ng dugo ng dahil lang sa nakapatay ito o nakasakit ng iba. Bagamat alam ko sa sarili na may mas makatarungang pamamaraan para makuha ang hustisya na hinahangad at maturuan siya/sila ng tamang leksyon na hindi nakakasakit o mababahidan ng kanino mang dugo ang sarili nitong kamay. At higit sa lahat ay hindi agad-agad dapat manghusga sapagkat hindi mo alam, hindi natin namamalayan na ang tao o lobong pinaparatangan ng parusang kamatayan ay wala namang ginawang masama o kamalian, at kung sakaling sinundan mo nga ang tamang hinala mo lang ng walang sapat na pamantayan at sukat sa krimen na naganap na kasangkot ang nasasakdal kung siya nga ba o hindi ay nagkasala dahil baka sa huli, ikaw pa ang madumihan ng sanhi ng maling akala.
Muli pa itong nagsalita at ipinipilit ang kaniyang sarili na maniwala ako dito.
"Damn you! Kung kinasusuklaman mo s'ya. Puwes umalis ka na lang!"
"Alpha Sortitus. P-Please, kaibigan.... Bumalik na tayo. Hinahanap na nila tayo... hinahanap ka na rin niya," nanghihina nitong bigkas sabay ng kaniyang marahang pag-iling at pag-abot ng kamay sa akin.
Tinitigan ko lang ang pagkaabot n'ya ng kamay sa akin. "Leave!" sindak kong dikta. Nahuli ko ang pagkaalintana sa kanyang mukha. "Umalis ka na bago ko makalimutan na ikaw 'yan, James." Bago ako tuluyang mamaalam sa kanya ay napayuko akong nilingon siya at umawang ang bibig saka bumuntong hininga at suminghap. "Kung nais mo akong ipagkanulo sa lahat. Ikaw na ang bahala."
Umiling na lang ako at walang pag-aalinlangang tinalikuran na siya kahit hindi ko pa naririnig ang kanyang tugon sa huli kong sinabi sa kanya at tumakbo ng mabilis palayo.
Ngayon na ako na lang mag-isa, hindi ako tumigil sa paghahanap at pagtawag sa pangalan ni Clavem kahit na mamaos ako sa kakasigaw ay hindi ko ito inintindi. Nilibot ko ang kabuuan ng kagubatan maging kuweba ay aking pinasukan, nilandas ko na rin ang mga magkabilaang gubat at bundok, kasama na ang kapatagan at mundo ng mga tao para lang mahanap siya subalit ni-isa sa mga lugar na aking pinuntahan ay wala ang babae.
Fvck! Naniniwala ang loob-looban ko na inosente si Clavem. Kahit na madalas silang mag away at nahahantong sa pisikalan ni Heres ay alam kong hindi aabot si Clavem sa sukdulang pagpatay. At kung sakaling siya nga ang tunay na pumatay ay ano ang kanyang sapat na dahilan?
Damn it! Shit! Napakagago ko. Tulad ni Fenrir, ang lobo ko, nais kong muling makita siya't siguraduhin ang kaniyang kaligtasan kahit alam kong makasarili ako sa puntong 'to. Hindi ko dinamayan si Heres sa kanyang pagluluksa at mas dinagdagan ko pa ang sakit niya ng palihim.
Sa labis na kapaguran ay muli akong bumalik sa aming kagubatan at nakahanap ng talon. Tumapat ako sa isang talon upang maghilamos at makainom. Akmang magpapalit na ako ng damit nang nakarinig ako ng boses.
Damn! Boses niya iyon. Boses ni Clavem!
Gumuhit ang isang linya sa aking labi. Pagkatapos ng ilang oras na paghahanap ay sa wakas narinig ko na rin ang kaniyang boses! Dali-dali na rin akong nagbihis at kinuha ang aking kagamitan at sinundan kung saan nanggagaling ang boses.
Napalunok ako ng makita ko ang Kubo. Kubo sa ilalim ng kabilugan ng buwan kung saan ang unang pagkakataon na kami'y nagkasama at pinagsaluhan ang maint na gabi ni Clavem.
"Clavem!?" panaghoy ko.
Pumasok ako sa loob subalit wala akong nakitang kahit anino. Lumabas akong muli, nagbabakasakaling makita ko siya pero nabigo ako.
BLAG!
Pagkabalibag ko ng aking bag sa papag ay sunod na bagsak na pag-upo ko. Walang sawa kong ginulo ang buhok ko bunga ng labis na pagkadismaya sa tadhana. Inakala kong makakaharap ko ng muli si Clavem at mahahagkan subalit isa na naman itong pagpapaasa.
"Bwesit!" singhal ko. Dinampot ko ang bag sa aking tabi at hinagis sa harap at paulit-ulit na minura ang sarili. "Fvck!.... Nasaan ka.... Nasaan ka na Clavem? 'Wag mo naman akong pahirapan ng ganito! Magpakita ka na!"
Isang malambot na tela na may bahid na pulang mantiya ang aking nakapa at nang mapagmasdan ko ito ay hindi ako puwedeng magkamali dahil kay Clavem ito. Labis akong natakot sa nakitang dugo sa kabuuan ng damit at bakit ito nandito sa kubo? Ito ang isinuot niya sa party at ito ang huli kong nakita bago s'ya mawala sa paningin ko.
Natulala ako ng ilang segundo habang hawak-hawak ko ang bistidang puno ng dugo nang biglang may nagring at nagvibrate mula sa gawing bulsa ko ng pantalon ko.
"Sortitus, alam ko kung anong pinagkakaabalahan mo, mahal kong Alpha," paghagikhik ni Heres sa kabilang linya.
Napalunok ako at napadiin ang pagsara sa aking talukap. Suminghap at bumuntong hininga. Binasa ko ng ilang ulit ang labi. Hinawi't sinabunutan ang anit ko sa buhok sa sobrang kaba't pagkabalisa na baka mahuli ako sa 'king sikreto. "I'm just doing my left works here at my office. Nakalimutan din papirmahin ni Lia ang mga importante papeles."
I know her, she won't accept the truth. Heres can do something big that will surely destroy and bury herself to the deepest point that can also ruined the lives of others.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Heres at paghikab nito.
"W-Working?" utal nitong tanong. Narinig ko pa pagtikhim at pagsinok nito na tila'y lasing na at ang pagubo ng bahagya.
Napailing ako. "Are you drunk?" nag-aalalang tanong ko.
"No! I'm not," pagsisinungaling niya. Tumawa ito ng malakas. Tumikhim ulit ito. "Oh! Btw, Sortitus bumalik ka na rito sa kaharian kasi may surprise ang mahal mong luna!" isip bata niyang tugon at wala sa sariling humahalakhak. Dalawang beses na suminok at nabulunan ng mababaw. "Oopss! S-Sorry. Hahah."
Tumindig ang balahibo ko sa kan'yang huling mga sinambit.
_ _
Pagkapasok ko sa loob ng kaharian. Sa malaking silid kung saan ginaganap ang koronasyon at paghirang ay sukdulan na ang pagkadurog ng puso ko ng masaksihan ng dalawang mata ko ang isang kaganapan na labis na nagdulot sa akin ng kapighatian.
Hindi ko naman dapat ito maramdaman pero nung makita ko si Clavem na nakaluhod, nakatipa ang mga braso sa kahoy sa kanyang harapan at naliligo na ng sarili niyang dugo ay dinaig ko pa ang tinaga ang buong katawan. Tinapangan ang sarili nito at hindi nagpatinag sa sakit at mga sugat bunga ng walang tigil na paglatigo ng pinsan kong gamma, na si Fortis, kahit na lumabas pa ang sarili nitong laman sa bulwak niyang mga hiwa sa katawan.
Sa mga puntong ito ay wala na akong maramdaman kun'di bahid ng pagkapoot.
Isang ngisi at nakakalokong tawa ni Fortis ng mabaling ang atensyon niya sa akin. Pansamantala niyang inihinto ang pagpapahirap sa babae. Maligaya niya akong sinalubong na parang walang ginagawang masama. In-open niya ng malaki ang mga braso na handa akong yakapin ng mahigpit at salubungin. "O, Insan nandito ka na pala! Take a seat and enjoy the show!"
Umigting ang panga ko't pinatunog ko ang mga daliri nang umuusok ang magkabilaan kong tenga sa pagkamuhi sa kanyang presensya. Imbis na yakap pabalik ay sinalubong ko ito ng malakas na suntok.
BOOG!
Napalakas ang suntok ko kaya't bumagsak siya sa sahig at nasubsob ang pagmumukha.
Agad kong hinubad ang t-shirt ko at ipinatong ito sa sugatang si Clavem na ngayo'y diretsong nakatitig sa kawalan at walang imik. Ni-hindi gumagalaw maging pagkurap ng mata nito'y kaniyang nililimitahan.
Walang emosyong tinanggal niya ang ipinatong ko sa kanya at tinabig nito ang aking kamay na s'yang umaalalay sa pagtayo nito para itakas siya.
"Pabayaan mo na lang ako."
'Hindi kita pababayaan.''
"Umalis ka na."
'Aalis lang ako kapag wala na ang lahat ng mga nananakit sa iyo.'
Subalit mas lubos akong nagulat sa mga sumunod nitong sinabi....
"Ito rin naman ang ginusto mo, hindi ba?" mabalasik na sikmat ni Clavem.
Isang mapagpalang gabi po sa lahat! Maraming salamat po sa pagbabasa ng aking kuwento at sa mga magbabasa pa. Nawa ay nagustuhan niyo ang aking munting istorya. Kung hindi niyo mamarapatin ay maaari po ba akong makahingi ng kakaunting pabor kung maaari po ba nio akong bigyan ng gems, magiwan ng kumento at ratings. Nawa inyo rin pong masubaybayan ang bawat kabanata na aking ipupublish sa istoryang ito. Ang lahat ng mga ito'y laking tulong na para sa aking pagsisimula sa Platapormang ito. Salamat po!
Sortitus POV "Ito rin naman ang ginusto mo, hindi ba?" mabalasik na sikmat ni Clavem. 'Kahit kailanman hindi ko hiniling na sapitin mo ito.' Napakunot ang noo kong umiling. Ikinukubli ang luhang nais ng lumuha. Ni-walang kahit anong boses ang lumabas sa aking bibig, dama ko ang pagsikip ng dibdib, maging ang paghinga'y hinaharangan na rin. Tanging boses lamang sa aking isip ang aking naririnig. Ang kanyang mga idinikta't iginiit ay sagad hanggang buto. Ilang ulit din akong napalunok nang pilit niyang kinakalas ang pagkakahawak ko sa kanya at mas piniling lumuhod muli at idinuko naman ang ulo sa pagkakataong ito. Ipinikit ang mga talukap at isinara ang bibig, walang ingay ang maririnig mula sa kaniya. Siya'y naghihintay na lamang sa kan'yang napipintong pagpanaw sa mundo. "Woughhh! Sarap! Iyon lang ba ang kaya mo 'insan?" Maangas na ani ni Fortis ng makatayo habang dinidilaan ang kanyang sariling dugo sa labi. Iritable kong minulat ang aking talukap. Malalim na suminghap at taas n
Sortitus POVPagtitimpi kong kinuyom ang kamao at pigil hiningang pag-iyak sa harapan nilang lahat. Datapwat hindi ko na ninais pang dagdagan ang pagiging mahina ko, pagkadismaya at pagkamuhi sa akin ng mga lobo nang dahil sa pinapakita kong pagka-amor kay Clavem na isang salot kung kanilang kutyain."Tama naman, o! Huwag n'yo namang batuhin ang babae!" suway ni Lucio, ang nakababatang kapatid ko, nang pinagbabato ng mga bulok na itlog, at kamatis si Clavem. Nagtama ang mga mata namin ni Lucio at bakas ang kanyang takot at pag-aalala sa aming dalawa ni Clavem. Sa sandaling panahon kahit na hindi niya pa lubusang kakilala ang babae ay magaan na ang loob nito dito."My Pack!" Suminghap ako at tinanggal ang pagkakakuyom ng aking palad at tumayo ng diretso kapantay ni Heres at tinitigan mata sa mata ang aking mga kasapi. "Walang kasalanan si Clavem. Alam ko sa loob-looban ko na inosente ang pinaparatangan ninyo! Hindi mamatay lobo ang fated mate ko!""Unbelievable!" walang prenong satsat
Sortitus POV"Bababaan ko ang parusa niya kung itatanggi mo s'ya pero kapag nagmatigas ka alam mo na kung saan ang kahahantungan ng fated mate mo.""D-Dont..." pagtutol ko."Yes. Gusto mo ba? O ako na ang magdedesisyon para sa iyo, mahal kong alpha!"Lumiyab ang mata ko, lumunok at sumara ng maigting ang panga't lumitaw ang mga ugat dito maging sa pareho kong kamay. Hindi ko namamalayang dumiin na pala ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa braso ni Heres. Humakbang paabante si Arnela upang ako'y dukutin nang sumenyas si Heres dahilanan nitong umaatras itong muli."W-Why are you doing this?! I married you and I love you so much," basag kong bulong na sapat na ito upang marinig niya."Yes! And I love you too deeply."Mahigpit niyang hinawakan pabalik ang kamay ko sa kaniyang braso at ramdam ko ang init na nagmumula sa palad nito. Matalim na tinitigan nito ako bago niya hinagod paalis sa kanyang balat ang kamay ko.Hindi na niya hinintay pa ang aking sagot nang biglaan na itong humarap sa
Clavem's POV"Servant, you look familiar?"Nagmadali ako nang lakad para maiwasan ang babaeng tila'y nakakakilala sa 'kin.BOOM!Sa labis na pagmamadali ay hindi ko na namalayan ang pagkabunggo sa isang matangkad at nakasuot ng mahabang telang mamahalin. Mabilis kong itinago ang aking mukha. Isang kasapi ng konseho ang nakabungguan ko."Watch out!" lisik nito.Hindi ako nagsalita baka ako'y kaniyang mabosesan.Agaw pansin din kasi niya ang aking gintong orasan nang mailagay sa 'king bulsa matapos kong pulutin sa pagkakahulog.Nanatiling tahimik at itinikom ang bibig. Dumiretso ako ng aking paglalakad."Hinto!"Nanatiling walang kibo ang aking tugon. Ilang sandali pa ay walang pag-aalinlangan akong nilapitan muli ng lalaki.Pailalim kong iginilid ang aking mukha nang papalapit ng dumampi ang kanyang kamay sa pirasong itim na tela na nakasuot upang matakpan ang kalahati ng aking kabuuang mukha."Why do you hide your face, servant?! Are you ugly or .... " nalilitong natigilan ito, "Isan
Clavem's POVTinanggal ko ang aking takip sa bibig upang makahinga ng maluwag tutal wala namang ibang taong-lobo sa paligid kaya't hindi ako mahuhuli.Napaawang ang labi ko sa natuklasan ko sa larawan. Isang mistisang babae sa ilalim ng paglubog ng araw. Hinalikan siya sa pisngi ng dating hari, ang ama ni Heres. Subalit punit ang bahaging mukha ng babae sa larawan na siya ko namang pinagtakhan. Isa pang nagpadagdag sa aking pagdududa at pagtatakha ay nang makita kong dilaw ang kasuotan ng babae dahil nakakatiyak akong nasusuyam ang reyna sa ganitong kulay, at isa pa hindi mistisa ang reyna, siya'y morenang buo.Pagkatalikod ko sa litrato ay nakita ko ang dugong nakaukit sa mga letrang iyon."Sheila."Hindi sa tao ang dugo kun'di sa kapwa lobo.Nang mabasa ko ito ay nag-iba bigla ang timpla ko at hindi maganda ang kutob ko. Ano ba ang ugnayan nitong larawan na ito sa kaso ko? Isa ba itong ebidensya na maaari kong magamit upang mabigyan ng hustisya ang reyna at malinis ang pangalan ko?
Sortitus POV "Good Morning, Sir." Ito ang bungad ng lahat sa akin pagkapasok ko ng Hanton (soap) Procter & Gamble Manufacturing Company. Ang kumpanya na itinayo pa noong 1778 ng aking mga ninunong lobo. "Sir, mero'n po kayong meeting kay Mr. Fernandez mamayang 12:50 PM." "Lunch naman po sa Chicago restaurant mamayang 11:00 AM with Mr. Lorenzo." "Golf with Mr. Villaflor later at exact 4 PM." "And lastly quarterly result in stock market sa board meeting po today." Sunod-sunod na pagfollow-up ng iskedyul ni Lia, ang aking sekretarya, habang patuloy lang ang paglalakad ko sa Commercial Building Hallway. Sumenyas ang bago kong Beta na si Brent, ang kapalit ng taksil kong kaibigang Beta, na personal bodyguard ko naman sa mundo ng mga tao sa mga taong nakasakay at sardinas kung magsisiksikan sa Elevator para sila'y paalisin at maluwag kaming makapasok ng aking mga kasama. 'I don't like crowded places.' "P-Pasensya na po, Mr. CEO." Paumanhin ng lahat saka nagsilabasan sa Elevator.
Sortitus POV "Also, better to change the packaging and the title of the product. Hindi siya kaakit-akit sa mata!" Nag-isip ako ng malalim. "Change the package into white and mixture of gold. And change the name into lavemder soap." Everyone froze because of my in-demand command and all the members in this room were furrowed. _ _ "Hindi ko nagustuhan ang ikinilos mo kanina, Heres." Hindi siya sumagot at patuloy lang sa paghiwa ng kaniyang manok sa plato. "Your phone is ringing, won't you answer it?" malamig kong sabi dito. Hindi niya pinansin ang pagtunog ng kaniyang phone at tila'y wala ito sa sariling naka-focus lang sa kaniyang pagkain. Pinunasan ko ang aking bibig kahit wala namang mantiya dahil sa pagpipigil kong magsalita na baka kung ano pang salita ang lumabas sa aking bibig na tiyak kong maaari pa niyang imasama. "Mommy!" Pagsalubong ng halik sa pisngi ni Menandro kay Heres. Mula pa kaninang kinakausap ko ito'y hindi siya sumasagot at nang dumating lang ang batang ito
Sortitus POV"What happened to your arm?"Pag-aalalang tanong ni Lucio sa akin nang padabog kong isara ang pintuan ko sa aking silid. Si Lucio ang nakababatang kapatid ko na ngayo'y permanenteng nakikitira sa aking mansyon sa labas ng kagubatan at malayang nakikihalubilo sa mga tao simula pa no'ng pumanaw ang aming ama ay hindi na ito nahiwalay pa sa akin."Bakit 'andito ka sa aking silid?!" sikmat ko sa kanya habang iika-ika akong maglakad.Naalarma itong tumugon. "-May hinahanap lamang po akong cord. Pero ayo---" hindi na natapos ang kanyang pagsasalita nang dumaing ako sa sakit.Nagmarka ang labis na pagkapilipit at namamaga kong katawan. Tuloy-tuloy na pagdalos ng dugo sa pisikal kong pangangatawan mula ulo hanggang paanan.Mabilis naman akong inalalayan ni Lucio at dahan-dahang inakay pasandal sa 'king kama."Aurghhh!" daing ko nang aksidenteng natamaan ni Lucio ang pinakamasakit na parte sa 'king kaliwang tagiliran, nang kanyang tinanggal ang unan na nakasuporta sa aking likod.