Clavem's POV"Salamat."Gumuhit ang matalas kong mata sa pagmamatyag kay Heres na ngayon ay biglaan ang paglitaw nito sa buhay ni Sortitus. "Walang anuman, Heres." Pagtataka kong tugon sa kanya. Ngumiti pa siya katapos ko itong sabihin. Tumalikod ako at sinara ang pinto ng kwarto nito kung saan siya pansamantala manunuluyan. Iniwan kong nakaawang ang pintuan at nang maobserbahan pa siya sa susunod niyang gagawin. Pero ako ang nasorpresa dahil ibang-iba na siya sa Heres na kilala ko no'n. Marunong ng magpasalamat at napakahinhin ng kanyang mga galaw. Hindi nagalit o nagwawala ng makita niya kaming dalawa ni Sortitus.Pero isang pagtataka ko lang, paano siya nabuhay? namatay ba talaga siya? At ng makasiguro, dito na muna siya pinatira ni Sortitus. Dahil kahit papaano ay may pinagsamahan ang dalawa, at si Heres ay isa sa pinakamalapit sa puso nito. Siyempre siya ang pinakaunahang babaeng minahal niya kaya hindi n'ya maaalis na mag-alala at hindi magawang pabayaan na lang ni Sortitus si
Sortitus POV"Alpha, Ito napo ang pinag-uutos ninyo. Lahat po ng inyong mga sinabi ay akin ng naisagawa."Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng aking masasaklaw sa walang hanggang ektarya ng lupain na puno ng mga sandatahan o mandirigma ng aming angkan. "Mahusay aking Beta. Maaari ka ng bumalik sa 'yong pageensayo." digta ko sa kanya saka siya umalis.Suminghap ako ng malalim at pwestong inilagay ang magkabilaang kamay sa 'king likuran. Bumaba ako na taas noo kahit mabigat ang aking pakiramdam. Kahit anong oras ay maaari kaming salakayin ng mga kaaway kaya napagdesisyujan at napagkasunduan ko at nang buong kunseho na mas lalo pang palakasin at pagtibayin ang bawat mandirigma ng aming lahi. "Hindi ganyan ang paghawak ng armas!" bulyaw ko sa isang baguhang scout na dalaga. Hindi siya umimik at napatagilid na lang ang ulo ng kaunti saka siya humakbag paatras.Pinalibuta ko siya. "Susuko kana? Gan'yan ba ang isang hinirang na sundalo?!" Nasaksihan ko kung paano niya higpitan ang ka
Sortitus POINT OF VIEW"I, Sortitus Breackorn, Alpha king from the Black Pack, accepted you Heres as my --- " hindi na natuloy pa ang aking panunumpa nang biglang nagbagsakan ang mga katabing gusali at nagsisiliparan ang mga upuan, lamesa, dekorasyon ay pakalat-kalat na, nabasag ang mga malalaki at matitibay na babasaging bintana ng tumilapon ang isang kahel na lobo sa labas nang inihagis ng isang itim na lobo.Ngayon sana ang araw na pinakahihintay ko, ang maiharap sa altar ang nag-iisang babaeng mahal ko, si Heres, ang kababata at matalik kong kaibigan na nauwi sa malalim na pag-iibigan, sa kabila ng katotohanang hindi siya ang nakatadhana para sa akin.Ang aming kasal ay ginanap sa mismong kaharian ng Radisworn pack, ang pulang lahi ng mga lobo kung saan nagmula si Heres. Maraming werewolves ang dumalo sa aming magarbong kasal, lahat ng red and black wolf pack ay nandito kasama ng aking pamilya pati na rin ang lahat ng aking kanang kamay; maging ang hari at reyna, ang royal clans,
Sortitus POINT OF VIEW"Kumusta na ang pakiramdam mo?"Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ng babae. Kakapasok n'ya lang sa kubo na ito. Kanina pa ako gising ngunit nanatiling hindi malinaw sa utak ko ang mga nangyari sa digmaan.Umupo sa aking tabi ang babae at inalalayan niya akong umangat sa pagkakahiga dahil ramdam ko pa ang medyo kirot sa aking kalamnan kahit wala naman akong kahit anong sugat sa katawan."Kumain ka na," may halong pag-alala nitong sambit sa akin. Akmang susubuan na sana ako ng bigla kong tanggihan at tinabig ang kamay nito.Napalunok ako at napabalikwas ng bangon sa papag. "Sino ka? Teka.. ano ba ang nangyari?" Nagtataka kong tanong dahil hindi ko maalala kung paano ako napunta sa kubo na ito."Clavem, 'yan ang pangalan ko. Dinala kita rito dahil nawalan ka ng malay kanina sa digmaan."Napakuno't noo ako at napahawak sa aking sentido at gulong-gulo sa kaniyang mga itinuran. "N-Nawalan ng malay?" nalilitong tanong ko."Dahil lumabas na sa iyo ang iyong lobo
Clavem POINT OF VIEW"How many times I told you, Clavem. Hindi ka puwedeng makisalo sa amin sa hapagkainan. Tapos umaarte ka pang hindi mo alam o bobo ka talaga kaya hindi mo maintindihan?! How pity of you."Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa upuang kahoy dahil sa pagpipigil na sumabog ang emosyon ko at pilit na ngumiti. "P-Pa.. Pasensya na," nangangatal kong bigkas. "Sasabay na lamang ako sa mga katulong na kumain mamaya... pasensya na talaga, Luna.""Good to know," mayabang at kalmadong saad nito sa akin pabalik pagkatapos tumikhim ng pineapple juice.Yumuko ako at tahimik na ibinalik ang upuan at hinayaan ang alpha Sortitus at alpha-luna Heres na magsalo ng hapunan nang payapa at tahimik sa malaking mansyon na tinitirhan namin pansamantala na pagmamay-ari din ni Sortitus. Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may pumigil sa akin na pumunta sa dirty kitchen."No. You may sit there, Clavem," malalim na tugon ng boses ni Alpha Sortitus. Hindi man ak
Clavem POINT OF VIEWNaibaba ko kaagad ang dala kong palanggana ng marinig ko ang sigaw galing sa banyo. Binuksan ko kaagad ang pinto sa banyo nang nakita ko si Heres sa bathtub at umiiyak dahil sa nakabukas na hot shower na aksidente nitong napihit.Pumasok ako kaagad at pinihit pasara ang shower. Kumuha ako agad ng towel at ipinalupot sa kanyang katawan. Basang-basa na ang buong pulang bestida niya at patuloy pa rin sa pagtangis."Clavem..." tawag niya.Tumingin ako sa kanya ng walang pagaalinlangan at gumuhit sa kaniyang mga mata ang pagsusumamo sa akin."Please... let him go. I'm begging you, Clavem... let him go."Namamaga na ang mga mata niya maging ang sipon nito ay tumutulo na sa kaniyang ilong pero wala itong pakialam."Clavem.. ." mahinang tawag niya sa akin. Kinuha niya ang dalawang kamay ko. "I can pay you how much just name your prize just stay away from him."I bit my lower lip and sighed. Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya. "I don't need your money.""If you don't want
Sortitus POV"Alpha, are you sure you know what you are doing defending a criminal women?"Isinama ko si James, ang pinakapinagkakatiwalaan kong beta, sa pagtakas sa kaharian upang maunahanang mahanap si Clavem na ngayon ay pinagtutugis ng mga gwardiya sibil kasama ng mga Punong Zeta dahil sa binitawang mahalagang utos ni Heres lalo na't ang kanyang ama ay nasa pagpupulong sa kabilang panig ng bansa. Kaya't bilang si Heres ang inatasan ng kanyang Amang Hari na mamuno sa kanilang kaharian at ang pagbitaw ng isang hindi makakalimutan at napakabigat na kaparusahan...... ang Kamatayan na igagawad kay Clavem bilang bayad sa mahalagang buhay na kinitil nito."Fvck off!" malutong na mura ko. "Mabuti pa ay tulungan mo na lang ako hanapin siya!" Ngayon ay walang tigil ang mabilis na pagpintig ng puso ko't panginginig ng buong katawan bunga ng labis na takot at pangamba sa nagbabadyang pagpatay kay Clavem.Damn it! Hindi ko na maunawaan ang sarili ko pero ayaw ko rin mapahamak si Clavem at tila'
Sortitus POV "Ito rin naman ang ginusto mo, hindi ba?" mabalasik na sikmat ni Clavem. 'Kahit kailanman hindi ko hiniling na sapitin mo ito.' Napakunot ang noo kong umiling. Ikinukubli ang luhang nais ng lumuha. Ni-walang kahit anong boses ang lumabas sa aking bibig, dama ko ang pagsikip ng dibdib, maging ang paghinga'y hinaharangan na rin. Tanging boses lamang sa aking isip ang aking naririnig. Ang kanyang mga idinikta't iginiit ay sagad hanggang buto. Ilang ulit din akong napalunok nang pilit niyang kinakalas ang pagkakahawak ko sa kanya at mas piniling lumuhod muli at idinuko naman ang ulo sa pagkakataong ito. Ipinikit ang mga talukap at isinara ang bibig, walang ingay ang maririnig mula sa kaniya. Siya'y naghihintay na lamang sa kan'yang napipintong pagpanaw sa mundo. "Woughhh! Sarap! Iyon lang ba ang kaya mo 'insan?" Maangas na ani ni Fortis ng makatayo habang dinidilaan ang kanyang sariling dugo sa labi. Iritable kong minulat ang aking talukap. Malalim na suminghap at taas n