CHAINED

CHAINED

last updateLast Updated : 2022-09-18
By:  Egavas_EtromOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
13Chapters
999views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Everything comes handy, especially when we're angry. The thought of revenge, that makes us shiver in agitation. That makes us think of the past- but not the current situation. The blood in our veins, that pushes the angry adrenaline. Inside and out. The anger is getting loud. There is no space left for peace. Long was it thrown in the abyss. And we will never be luminated. Because of the anger that we were blinded. Even if seeking vengeance means, digging two graves. One for your enemy and the other for yourself. You'll never stop, until you put your enemies bones in your own shelf. And that's what our protagonist does, Blinded with anger and undaunted by fear. The scream for murder is all that you'll ever hear. The past was long gone,but it was all left undone. For the protagonist, it was just the beginning of a war that has no ending. The war for love,that turned out to be hatred. Murder and anger is the perfect emotion. And vengeance is the perfect solution. "In the count if three...be in chapter one.You'll never regret as the story begun."

View More

Chapter 1

PROLOGUE

Sa isang madilim na silid nakaupo ang isang nilalang na may mapupulang mga mata.

Hindi mo man makita ang loob ng silid, maaamoy mo naman ang napakasangsang na amoy nang nagkalat na dugo.

Mula rito ay biglang gumalaw ang nilalang at may kinuha mula sa isa sa mga lalagyan na lumikha nang kaunting ingay mula sa nakakabinging katahimikan ng silid.

Pagkatapos niyang makuha ang kanyang pakay ay muli niyang isinara ang lalagyan na muling lumikha ng ingay.

Ngunit pagkatapos no'n ay bumalik ang nakakapangilabot na katahimikan.

Napakatahimik, nakakapangilabot at nakakabinging katahimikan.

N

gunit hindi nagtagal ang katahimikang iyon.

Biglang may sumabog... At nagmula iyon sa likuran nang nakaupong nilalang na nakapaloob rito. Agad na sumilip ang liwanag na nagmumula sa dilaw at napakalaking buwan.

Ngunit para bang walang anumang nangyaring pagsabog, dahil ang nilalang na nakatalikod mula sa sirang dingding ay nakatalikod parin mula rito at hindi natinag mula sa pagkakaupo. Kuminang ang matulis na dulo ng kutsilyo na nasa kaliwang kamay niya, ang kaninang masangsang na amoy ng dugo ay nahaluan na ng preskong alikabok —— alikabok na nagmumula sa nasirang dingding na tila ba ay lumikha ng usok. Sa hindi kalayuan may gumagalaw na pigura, at wala pang isang segundo ay nakarating na ang nilalang sa wasak na silid.

Sa pagkakataong ito ay kumilos na ang nakaupong nilalang mula sa kinauupuan nito at walang takot na hinarap ang bagong dating na nilalang, muling kuminang ang patalim na nasa kaliwang kamay niya at bago pa man makakilos ang nilalang na nasa kanyang harapan ay walang pag -aalinlangang sinugatan nang napakalalim ang kanang pulsuhan niya gamit ang kumikinang na patalim na ngayon ay nababahiran na ng malapot at napakapulang dugo, dumausdos ang masaganang dugo mula rito.

Dahil dito ay naging pula ang mga pares ng matang nakatitig sa kanya, nanlilisik ang mga ito at halatang hayok na hayok na ito sa naaamoy na dugo mula sa kaharap. Sa isang kisap ng mata ay nakarating na ito sa nakaupo't nagdurugong nilalang. Agad niyang dinakma ang nagdurugong pulsuhan nito at hayok na hayok niya itong s******p. Walang ibang ginawa ang nilalang kundi ang panoorin itong pinag-pipiyestahan ang kanyang dugo, walang mababakas na takot sa mukha niya ang makikita mo lamang ay ang malademonyong ngiti sa kanyang mukha. Titig na titig siya rito hanggang sa unti-unting namungay ang kaninang mababagsik na mga pares ng mga mata nito,pero bago pa man mawalan nang malay ang nilalang ay binulungan niya ito,

" Felizze riturno. "

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan nang nawalan ng malay ang nilalang.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
13 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status