Share

6.The Bid

Author: Jc
last update Last Updated: 2023-01-07 11:49:54

" What? are you kidding me?" gulat at natatawang si Raj sa kaibigang si Andrew.

Isang men's bikini ang inabot kay Raj ng baklang floor director na nagmamando sa mga talent.

"Ikaw ang pogi, ikaw ang mahuhuli sa pila. Nakuuu ke guwapo!" anito at bahagya pa siyang kinurot.

Wala nang nagawa kundi isuot ang kapirasong saplot na iyon. Tulad ng iba pumila rin siya dahil isa-isa raw silang rarampa sa entablado. Ni hindi pa nga niya nasisilip kung sino nga ba ang mga naroon.

Hindi naman siya nahihiya, sanay naman siyang ipinaparada ang katawan sa publiko. Hindi rin sa pagmamayabang pero tingin niya ay ang katawan 'nya pa rin ang pinaka sexy sa lahat ng naroon.

Malakas na sigawan at tili ng mga babaeng naroon nang lumabas siya mula sa back stage. Sa saliw ng maharot na tugtugin ay mabagal na gumigiling ang kaniyang mga kasama. Nahiya naman siya na parang tuod lamang sa gitna kaya nagsimula na rin siyang sumabay. Lalong nagtilian ang mga naroon.

Mapapatay talaga niya si Andrew!

Akala niya ay tapos na nang unti-unting humina ang music. Ngunit nagsalita ang emcee..

"Let's start the bid everyone!"

"Andrew, I will hang you upside down!" gigil niyang bulong sa sarili.

Namataan niya si Andrew sa baba ng entablado, naka tingin ito sa kaniya at bahagyang naka ngisi. Nag-thumbs up pa ang loko!

Napa pitlag siya nang hilahin siya ng emcee, "One hundred thousand pesos, one night and one day!" bahagyang itinaas nito ang kamay niya, para bang nanalo sa boxing.

Tumayo ang isang matandang babae, tantiya niya ay nasa 60 na ito.

"Mine! double the price!" tila nagmamalaki nitong pahayag.

Ngunit hindi pa man naisara ang deal, mula sa kawalan ay sumulpot ang isang napakagandang babae. Hindi maalis ni Raj ang titig dito, napaka amo ng mukha kahit halatang naka inom na ito.

Kinuha nito ang microphone at nagsalita.

"Two million pesos!" deklara nito.

Napaka lambing din ng boses nito.

Natauhan si Raj nang malakas na ipahayag ng tagapag-salita na "Sold!"

Nagmamadali siyang pumunta sa backstage para magbihis at hinanap si Andrew.

"Congratulations bro!" salubong nito sa kanya.

"You got the best deal tonight!" dagdag pa nito.

"You almost push me to the cliff, man!" aniyang tinutukoy ang muntikang pag-bili sa kaniya ng matanda.

"Thank me later bro," makahulugang sagot nito.

Dumiretso naman sa kanilang mesa si Xianna matapos isara ang deal sa management ng bar.

Magkikita sila ni Raj bukas para tuparin ang kasunduan. Isang araw at isang gabi.

"Oh my God! Xin, saan ka kumuha ng ganoon kalaking pera?" gulat na gulat ang kaibigan niya.

Walang sino man ang nakaka-alam kung gaano siya kayaman, kahit ang kaniyang ina. Tanging ang ama at siya lamang ang nakakaalam nito. Ayon sa kaniyang ama ay nararapat lamang na patas ang pagbibigay nito sa mga anak. Mayroon siyang tatlong kapatid sa ama. Sa picture lamang niya nakita ang mga ito.

"Xianna," marahang tinapik siya ng kaibigan.

"Ano'ng palagay mo sa'kin Jaime? may trabaho naman ako," aniyang ngumisi sa kaibigan.

"Share mo naman si Papa, mukhang yummy Xin!" kinikilig nitong tili.

"Jaime!" saway niya sa kaibigan.

"Umuwi na tayo, medyo hilo na ako," sabi niyang sapo ang ulo, bahagyang gumewang nang sinubukang tumayo.

Mabuti na lamang at may matibay na braso na sumalo sa kaniya.

Tumingala siya, madilim ang mukhang matiim na nakatitig sa kanya si Raj.

"Better go home lady," anito sa baritonong tinig. Napapikit siya. hindi ito ang kaniyang si Mark pero pagbibigyan muna niya ang sariling mahibang sa kaniyang panaginip.

Hawak nito ang kaniyang beywang, muli niya itong tinitigan sa mukha. Mas malaki at matigas ang katawan nito kumpara kay Mark. Amoy niya ang matapang cologne nito, pero parang gusto pa rin niyang isubsob ang mukha sa malapad nitong dibdib. Iyon lamang ay tila lantang gulay na siyang bumagsak sa mga bisig ni Raj.

Gamit ang sasakyan ni Jam hinatid ni Raj ang dalawa sa bahay nito. Nasa iisang subdivision lamang pala ang bahay nito at bahay ni Andrew. Inuwi na lamang ng binata ang sasakyan ni Jam dahil ilang block din ang layo ng bahay ni Andrew.

Kinabukasan, halos alas onse na nang magising si Raj. Nadatnan kasi niya ang isang babae kagabi sa bahay ni Andrew, inutusan daw ito para aliwin siya. Napa-iling na lamang nang maalala ang mga nangyari kagabi.

Medyo nakainom siya at pagod kaya dumiretso na lamang siya sa kanyang silid ngunit makulit ang babae, sumunod ito at inbutan siya bago pa man makapasok sa silid. Hinila siya nito at marahas pumasok ang mga palad nito sa loob ng kanyang damit pababa sa kaniyang pantalon at pinisil pisil ang alagang naroon. Humalik ito sa mukha niya ngunit mabilis siyang umilag. Hindi niya napigilan ang sarili, mabilis na ibinaba ang harapan ng pantalon hanggang tuluyang malantad ang nag-uumigting nang jumbo Filipino-Indian sausage. Talagang literal na ipapatikim 'nya sa babaeng ito kung gaano kasarap ang kanyang jumbo hotdog. Hinawakan niya sa buhok ang babae at dahan dahang ibinaba sa tapat ng kanyang nag-aanyayang jumbo hotdog. Tila gutom na mabilis na isinubo iyon, nilaro laro ng dila habang hawak ng dalawang kamay at-

Malakas na tunog ng cellphone niya ang pumukaw sa naglalakbay na namang isip. Mayroon nga pala siyang responsibilidad mula sa araw na ito hanggang mamayang gabi. Bigla siyang na excite nang maalala ang magandang dalaga, ang malambot nitong katawan sa kanyang bisig. Napangiti siya.

Mabilis na naligo at naghanda para sunduin ang dalaga. Nagsuot lamang siya ng puting cotton t-shirt dahil napaka-init ng panahon, tinernuhan lamang iyon ng denim pants. Kaswal na pang-araw araw lamang. Hinagilap ang susi ng kotse ni Jam saka nagmamadaling umalis.

Ilang minuto lamang ay narating na niya ang bahay ni Jam. Matapos iparada sa harap ng gate ang kotse ay nag-door bell siya.

Si Jam ang nag-bukas ng pinto.

"ayyy! tuloy ka papa yummy!" sabi nito saka pakembot na nilakihan ang awang ng pinto.

"Where is she?" sabi niyang inilibot ang mata sa maluwag na sala.

"Upstairs, can you check her for me?" nanunudyong sabi nito. Talagang palagay na ang loob nitong landiin ang binata.

"Sure!" mabilis itong tumayo at walang lingon-likod na tinungo ang hagdan.

"H-ha, I'm just ki-" hindi na natuloy ang sasabihin dahil naka layo na ito. Nagbibiro 'lang ang bakla! sineryoso ba naman ng mokong.

Tanghali na nang magising si Xianna. Masakit ang kaniyang ulo.

Hindi niya matandaan kung paano sila naka-uwi kagabi.

Mahihinang katok ang pumukaw sa kaniya.

"Come in," sabi niyang tinatamad pa. Dumapa sa kama at isinubsob ang ulo sa malambot na unan.

Pumasok naman si Raj nang marinig ang tinig ng dalaga. Hinatid niya ang mga ito kagabi, at tulad ng kasunduan ay ngayong araw hanggang mamayang gabi ang kanyang serbisyo rito.

Nagulat siya nang mabungaran ang halos walang saplot na dalaga. Naka dapa ito sa kaya malaya siyang pinagmasdan ang kabuuan nito. Naka panty lamang ito kaya kitang kita ang perpektong hubog ng katawan at litaw na litaw ang makinis niyang kutis.

Tumikhim siya.

Gulat na gulat itong bumalikwas at humarap sa binata. Huli na ang lahat nang maalalang wala siyang suot.

Malaya namang pinag-piyestahan ng mga mata ni Raj ang hubad na katawan ni Xianna. Ang malulusog at matatayog na dibdib nito.

"What the fu-!" aniya at mabilis na tinakpan ang hubad na katawan.

"Why are you here!?" taranta at hindi magkanda-ugagang hinanap ang kaniyang damit. Ang nahilang kumot lamang ang tinakip niya sa kanyang kabuuan.

"Can you please just wait outside?" angil niya rito. Sino ba ang nagpa-pasok sa kumag na 'to?

"Okay, as you wish," tila walang ano mang tumalikod si Raj at lumabas ng silid.

Mabilis na naligo bago muling hinanap ang kanyang bag. Medyo magulo ang kuwarto, hindi niya alam kung saan ba tumalsik ang kanyang bag kagabi.

Sa wakas ay nahanap niya ito. Hinugot ang kulay itim na bestida. Mahaba iyon, hanggang binti, pero may hiwa itong hanggang hita kaya't kita pa rin ang kaniyang mahabang biyas.

Bahagya 'lang niyang tinuyo ang buhok. Mabilis na nag-ayos ng mukha, hinagilap ang shoulder bag saka lumabas ng silid.

"Xin, bilisan mo na! sayang ang 2 million girl! Sulitin mo na," naglalandi na naman si Jam.

Namataan niyang nakaupo at tila may tinitingnan sa kaniyang cellphone si Raj.

Lumapit naman ang kaibigan niya bago pa siya tuluyang maka baba ng hagdan. Mataman niya itong pinagmamasdan habang palapit dito, kamukha talaga ito ni Mark.

Muling kumirot ang kanyang puso. Miss na miss na niya ang nobyo.

Nahalata ng kaibigan ang pagbabago ng kanyang mukha.

"Guys, let's eat muna, para may lakas kayo ano man ang maisipan ninyong gawin mamaya," nanunuksong ang himig nito.

"Manang paki handa ang mesa," utos nito sa kanyang kasambahay.

Maya-maya pa ay nagtawag na ito.

"Raj, do you eat Filipino food?" baling nito sa binata.

"Sure," maiksing tugon nito nang naka ngiti. 'nagpa-cute pa ang damuho' bulong ni Xianna sa sarili.

Sabay silang dumulog sa hapag. Dahil oras na ng tanghalian ay pananghalian na ang naka hain, pero naroon pa rin ang mga niluto ni manang kaninang agahan.

Asikasong asikaso ni Jam si Raj. Natatawa na lamang siya habang naka masid sa mga ito dahil halos subuan na nito ang binata.

"Try this," hindi niya napigilang alok sa binata. Sinigang. Paborito ito ni Mark.

Halos masamid naman ito nang malasahan ang maasim-asim na sabaw ng sinigang. Halatang hindi nagustuhan.

Pero muntik nang ubusin ang adobong manok!

Nalaman niyang halos kapit-bahay lamang pala ni Jam si Andrew kung saan naka tuloy ni Raj. Kaya naman pala ke aga-aga naroon na ito. Teka! maaga pa ba? Tanghalian na nga pala.

Balak 'lang naman ni Xianna na manood ng sine kasama si Raj, mag-ikot sa mall, kumain ng ice cream habang nagpapahinga, at magka hawak-kamay na maglakad sa malinis at puting dalampasigan ng Manila Bay.

Teka ulit! magka hawak-kamay?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   29.Feedom

    Ilang araw na siya sa ospital at pakiramdam niya ay magaling na siya. Pero sa mga araw na inilagi niya rito ay hindi man lamang niya nakita ni anino ni Raj. Sabagay, sino nga ba naman siya para pag-aksayahan nito ng panahon? Pasalamat na nga lang siya at dinala pa siya nito sa ospital, kung hindi ay baka ang islang iyon na ang naging huling hantungan niya. Nagkaroon kasi siya ng malaria, kaya pala ganoon na lamang ang panghihina ng katawan niya."Ma'am makakalabas na ho kayo ngayong araw," salubong sa kaniya ng nurse na kukuha ng vital signs n'ya."S-salamat," aniya. Malakas na naman siya, kahit nga noong isang araw pa ay kayang kaya na niya ang sarili. Tumagal lamang dahil sa mga test na isinagawa para masigurong walang impeksyon sa katawan niya.Ayon sa nurse ay nasa labas na raw ang sundo niya kaya dumiretso na rin siya sa main entrance ng ospital. Mabilis namang pumarada sa harap niya ang isang kulay itim na Toyota Alphard."Miss Xianna sakay na po, ako po ang maghahatid sa inyo,"

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   28. 'Love'?

    Kanina pa siya nakatingin sa malawak na karagatan mula sa kaniyang verandah. Hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang mga bagay bagay. Taliwas kasi ang mga nakalap niyang impormasyon sa mga sinabi ng kaniyang ama."Hello," aniya nang angatin ng nasa kabilang linya ang telepono."Mr. Shah," sagot ng boses lalaki sa kabilang linya."Me I speak with Violet?" Aniya nang mapagtantong hindi ito ang kausap niya. "Miss Chavez is out of town, she will be back in a few days," sabi nito."You can contact our agent who handled your case, directly," dagdag pa nito.Matapos nitong ipaliwanag ang ilang detalye ay ibinaba na nito telepono.Maya maya pa ay kausap na niya ang naturang agent."Diego Santiago," aniya."Would you mind if we met sometimes?" Patuloy niya. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito."Friday, nine in the morning," siya muli."N-no problem!" Iyon lamang ang nasabi ng kausap niya dahil hindi na niya ito hinayaang makasagot pa. Tila inaasahan naman yata nito ang kaniyang sasabih

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   27. Revelations

    Nagising siyang hindi halos maigalaw ang buong katawan. Masakit, makirot lalo na sa bahaging iyon. Parang mabibiyak ang buong pagkato niya nang subukang bumangon. Muli siyang napahiga. Masakit din ang ulo niya. Tatrangkasuhin pa yata siya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog baka sakaling mawala ito pag-gising niya. Maya maya pa ay naramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Hindi siya dumilat dahil alam naman niyang si Raj iyon. Tatawanan ba siya nito? Ipapamukha sa kaniya na nakuha nito ang kay tagal niyang iningatan? Hindi naman siguro, ayaw niyang isipin na ganoong klaseng tao ang binata, kahit paano ay mabuti ang ipinakikita nito sa kaniya at isa pa, hindi naman siya nito pinilit sa nangyari.Nakikiramdam lang siya, ramdam niyang nakatitig ito sa kaniya. Kahit na nakapikit siya ay iba ang epekto ng presensya at titig ito sa kaniya. Narinig niya ang yabag nito palapit sa kama. Tiniis niyang hindi gumalaw. Mamaya pa ay hinawi nito ang mga hibla ng buhok niyang tumatakip sa mukha niya p

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   26. He likes her

    Blangko ang ekspresyong nakatingin lamang siya sa puting kisame. Hindi niya alam ang sasabihin. Matutuwa ba siya? Magagalit? Anyway, wala namang nangyaring hindi maganda sa dalaga, hindi tulad ng akala niya. She is virgin! He hate virgin. Pero bakit parang hindi sa pagkakataong ito?Malalim na butong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang tumayo mula sa kama. Nakahiga ng patagilid at nakatalikod sa kaniya si Xianna. Hindi niya alam kung umiiyak ba ito o natutulog na. Pero imposible namang makatulog ito agad sa nangyari. Sigurado siyang dulo lamang ng daliri nito ang hindi masakit. Well, ayon lang naman sa karanasan niya at mga naririnig niyang kuwento."Get some rest," malumanay ang boses niya nang sabihin iyon. Hindi rin niya alam kung saan nanggagaling ang kalmado niyang boses tuwing kausap ang dalaga. 'Sh*t'! Namura niya ang sarili nang tuluyang makalabas ng silid at maisara ang pinto.Dumiretso siya sa mini bar sa kaniyang sala at naglagay ng yelo sa baso saka sinalinan ng mam

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   25.Say 'please'

    Marahas siya nitong kinabig at walang sabi sabing siniil ng mariing halik sa labi. Napapikit na lamang siya."R-raj," aniya nang sandaling makawala ang mga labi niya. Pero hindi niya alam kung protesta ba iyon sa ginawa nito o hiling na ituloy nito?Aaminin niya, matagal na niyang inasahan ang ganitong sitwasyon. Sino nga ba naman ang magbabayad ng napakalaki para lang sa wala? Pero kahit alam niya na ito lamang ang dahilan ng lahat, bakit pakiramdam niya ay handa at bukal sa loob niya ang magpaubaya? Hindi dahil gusto ng katawan niya, pero dahil gusto niya.Nagmulat siya nang maramdamang walang reaksyon mula rito. Namamalikmata lang ba siya? Si Raj ay matamang nakatitig sa kaniya, sa mukha niya. Wala sa mukha ang pagiging istrikto at kinatatakutang amo ng mga tauhan nito."Please say no," halos bulong nito na nanatiling nakatitig sa kaniya. Tila may pinipigilan na kung ano na ayaw ipahalata sa kaniya. Hawak pa rin siya nito sa beywang at ramdam niya ang maumbok nitong hinaharap sa ban

  • RAJ SHAH (Wild Men Series #10)   24.Island life

    Habang tumatagal ay nasasanay na ang dalaga sa buhay sa Isla. Tila normal na sa kaniya ang makakita ng mga kakaibang pangyayari sa paligid. Hindi rin lingid sa kaalaman niya ang mga pinag-gagawa ng grupo ni Raj. Halos makilala na rin niya ang lahat ng kasamahan nito dahil sa mga naririnig niyang usap-usapan sa paligid. Malaya rin naman kasi siyang maglalabas sa lungga ni Raj kaya bukas rin siya sa mga nangyayari sa paligid.Nalaman din niya na hindi sila ang huling babaeng dinala sa casa. Halos kada linggo ay iba't- ibang babae ang dinadala rito. At hindi iyon sapilitan! Karamihan sa kanila ay boluntaryong sumasama sa isla! Pakiramadam niya ay siya lamang ang dinala sa lugar na ito nang hindi bukal sa kaniyang kalooban. At take note, siya pa lamang ang pinaka matagal na nanatili sa isla nang walang nangyayari na labag sa kalooban niya. In other words, siya ang pinaka maswerte.Mabilis na lumipas ang mga araw, halos anim na buwan na mula nang dalhin siya sa islang ito. Datnan-iwanan la

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status