Marahas siya nitong kinabig at walang sabi sabing siniil ng mariing halik sa labi. Napapikit na lamang siya."R-raj," aniya nang sandaling makawala ang mga labi niya. Pero hindi niya alam kung protesta ba iyon sa ginawa nito o hiling na ituloy nito?Aaminin niya, matagal na niyang inasahan ang ganitong sitwasyon. Sino nga ba naman ang magbabayad ng napakalaki para lang sa wala? Pero kahit alam niya na ito lamang ang dahilan ng lahat, bakit pakiramdam niya ay handa at bukal sa loob niya ang magpaubaya? Hindi dahil gusto ng katawan niya, pero dahil gusto niya.Nagmulat siya nang maramdamang walang reaksyon mula rito. Namamalikmata lang ba siya? Si Raj ay matamang nakatitig sa kaniya, sa mukha niya. Wala sa mukha ang pagiging istrikto at kinatatakutang amo ng mga tauhan nito."Please say no," halos bulong nito na nanatiling nakatitig sa kaniya. Tila may pinipigilan na kung ano na ayaw ipahalata sa kaniya. Hawak pa rin siya nito sa beywang at ramdam niya ang maumbok nitong hinaharap sa ban
Blangko ang ekspresyong nakatingin lamang siya sa puting kisame. Hindi niya alam ang sasabihin. Matutuwa ba siya? Magagalit? Anyway, wala namang nangyaring hindi maganda sa dalaga, hindi tulad ng akala niya. She is virgin! He hate virgin. Pero bakit parang hindi sa pagkakataong ito?Malalim na butong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang tumayo mula sa kama. Nakahiga ng patagilid at nakatalikod sa kaniya si Xianna. Hindi niya alam kung umiiyak ba ito o natutulog na. Pero imposible namang makatulog ito agad sa nangyari. Sigurado siyang dulo lamang ng daliri nito ang hindi masakit. Well, ayon lang naman sa karanasan niya at mga naririnig niyang kuwento."Get some rest," malumanay ang boses niya nang sabihin iyon. Hindi rin niya alam kung saan nanggagaling ang kalmado niyang boses tuwing kausap ang dalaga. 'Sh*t'! Namura niya ang sarili nang tuluyang makalabas ng silid at maisara ang pinto.Dumiretso siya sa mini bar sa kaniyang sala at naglagay ng yelo sa baso saka sinalinan ng mam
Nagising siyang hindi halos maigalaw ang buong katawan. Masakit, makirot lalo na sa bahaging iyon. Parang mabibiyak ang buong pagkato niya nang subukang bumangon. Muli siyang napahiga. Masakit din ang ulo niya. Tatrangkasuhin pa yata siya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog baka sakaling mawala ito pag-gising niya. Maya maya pa ay naramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Hindi siya dumilat dahil alam naman niyang si Raj iyon. Tatawanan ba siya nito? Ipapamukha sa kaniya na nakuha nito ang kay tagal niyang iningatan? Hindi naman siguro, ayaw niyang isipin na ganoong klaseng tao ang binata, kahit paano ay mabuti ang ipinakikita nito sa kaniya at isa pa, hindi naman siya nito pinilit sa nangyari.Nakikiramdam lang siya, ramdam niyang nakatitig ito sa kaniya. Kahit na nakapikit siya ay iba ang epekto ng presensya at titig ito sa kaniya. Narinig niya ang yabag nito palapit sa kama. Tiniis niyang hindi gumalaw. Mamaya pa ay hinawi nito ang mga hibla ng buhok niyang tumatakip sa mukha niya p
Kanina pa siya nakatingin sa malawak na karagatan mula sa kaniyang verandah. Hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang mga bagay bagay. Taliwas kasi ang mga nakalap niyang impormasyon sa mga sinabi ng kaniyang ama."Hello," aniya nang angatin ng nasa kabilang linya ang telepono."Mr. Shah," sagot ng boses lalaki sa kabilang linya."Me I speak with Violet?" Aniya nang mapagtantong hindi ito ang kausap niya. "Miss Chavez is out of town, she will be back in a few days," sabi nito."You can contact our agent who handled your case, directly," dagdag pa nito.Matapos nitong ipaliwanag ang ilang detalye ay ibinaba na nito telepono.Maya maya pa ay kausap na niya ang naturang agent."Diego Santiago," aniya."Would you mind if we met sometimes?" Patuloy niya. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito."Friday, nine in the morning," siya muli."N-no problem!" Iyon lamang ang nasabi ng kausap niya dahil hindi na niya ito hinayaang makasagot pa. Tila inaasahan naman yata nito ang kaniyang sasabih
Ilang araw na siya sa ospital at pakiramdam niya ay magaling na siya. Pero sa mga araw na inilagi niya rito ay hindi man lamang niya nakita ni anino ni Raj. Sabagay, sino nga ba naman siya para pag-aksayahan nito ng panahon? Pasalamat na nga lang siya at dinala pa siya nito sa ospital, kung hindi ay baka ang islang iyon na ang naging huling hantungan niya. Nagkaroon kasi siya ng malaria, kaya pala ganoon na lamang ang panghihina ng katawan niya."Ma'am makakalabas na ho kayo ngayong araw," salubong sa kaniya ng nurse na kukuha ng vital signs n'ya."S-salamat," aniya. Malakas na naman siya, kahit nga noong isang araw pa ay kayang kaya na niya ang sarili. Tumagal lamang dahil sa mga test na isinagawa para masigurong walang impeksyon sa katawan niya.Ayon sa nurse ay nasa labas na raw ang sundo niya kaya dumiretso na rin siya sa main entrance ng ospital. Mabilis namang pumarada sa harap niya ang isang kulay itim na Toyota Alphard."Miss Xianna sakay na po, ako po ang maghahatid sa inyo,"
"Raj, im not your real mom," ito ang mga katagang sumagot sa matagal nang tanong sa isip ng 21 anyos na si Raj.Halos hilo na siya sa alak ngunit tila paulit-ulit pa rin itong umaalingawngaw sa kaniyang tainga. Kasama niya ang kaibigang si Sandeep sa isang bar, nagpapakalunod sa alak umaasang kahit kaunti ay maibsan ang kaniyang sama ng loob. Si Sandeep ay kababata niya at alam nito ang lahat ng tungkol sa kanya. Very supportive naman ito, sinasamahan siya sa lahat ng drama niya sa buhay, maging sa kalokohan."Cheers for my best friend's freedom!" tila nang-aasar na itinaas nito ang bote ng beer."Cheers!" sang-ayon naman niya kahit masama pa ang loob sa mga pangyayari sa kanyang buhay."Hey guys," malanding bati ng dalawang seksing babae sa kanila habang diretsong pumulupot ang mga kamay ng mga ito sa kanila ng kaibigan. Nasa mamahaling bar sila noon at nasa exclusive room. Ang balak nila ay maglasing lang talaga pero hindi na yata maiiwasan ang mga babae sa lugar na tulad nito.N
Kinabukasan, masakit ang ulo ni Raj nang magising. Pikit pa lamang ang mga mata ay inunat ang mga kamay at napabalikwas nang may mahawakang malambot sa kanyang tabi. Napabalikwas din ang noon ay kagigising laman na si Sandeep. "Oh!" sapo ang ulo na bumalik ito sa pagkakahiga.Pareho silang hubad at tanging mga pang-ibaba lamang ang suot."What happened last night?" umiiling nitong tanong.Humagalpak ng tawa si Raj nang maalalang binitbit niya ito kagabi pauwi dahil sa kalasingan nito. Nasobrahan din yata sa babae."You better forget about last night bro," aniyang tumatawa pa rin."Seriously, I don't remember anything," anitong nagkakamot ng ulo saka tumayo. "Yea, better that way," naka ngisi pa ring asar niya rito."Wait, did you drag me from that bar all the way here?" anito nang masulyapan ang maduming t-shirt at pantalong naka kalat lamang sa sahig. "Don't worry, no one see us," sagot niyang itinaas ang kamay."Thats embarrassing," umiling na lamang ito at dumiretso sa banyo.M
Kanina pa niya gustong masolo ang ama, mabuti na lamang at umalis na ang mga asungot. Pagkatapos mananghali ay iginiya siya nito sa napakalaking opisina nito na nasa ikalawang palapag ng kanilang mansion. Nagpahatid ito ng tsaa at kape, hindi niya alam kung bakit mas gusto niya ang lasa ng kape kaysa tsaa na nakagisnang iniinom ng mga tao sa bahay na iyon. "Dad, I would like to know more about my mother," walang gatol na sabi niya sa ama. Tila nabigla ito, hindi inaasahang itatanong niya ang ganoon. Maya-maya ay nakabawi ito, at tila nabago ang mood."Your mom," anitong ngumiti. Tila biglang bumalik sa nakaraan. Kita ang kakaibang kislap sa mga mata nito."Beatiful Marieta Guazon, she is a Filipino," patuloy nito at nagbalik-tanaw sa nakaraan."We met in one of my business affairs in her country. We suddenly fell in love and in few months of living together while doing my business there, she got pregnant," mahabang kuwento nito."I didn't know my father has set my marriage to his fr