MasukHabang tumatagal ang katahimikan, lalo namang nagiging alanganin at malabo ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Biglang namula ang mukha ni Zaniah. Bagama’t gusto niyang mapasagot agad ang lalaking ito, hindi niya planong gawin iyon sa ganitong sitwasyon. “Paano naman ako makakain habang hawak mo ako?” tanong niya, pilit na inililihis ang usapan.Kaswal na hinawakan ni Conrad ang kanyang pulsuhan habang kalmado at banayad ang boses. “Feed me.”Natigilan naman si Zaniah, wala pa siyang nakikilalang taong kasinghirap pakisamahan nito. Ngunit nang maalala niyang nasa kamay ni Conrad ang susi sa pagkamit ng kanyang mga layunin, pinilit siyang ngumiti ng maayos. “Alright, but let me go first.”Wala man lang itong balak na pakawalan siya. Sa halip, bahagyang dumampi ang mga daliri nito sa kanyang pulsuhan, wala ng ibang pagpipilian si Zaniah kundi manatili sa ganun kalapit na posisyon habang paisa-isa niya itong pinapakain.Samantala, hindi inalis ni Conrad ang mariing tingin sa babae
Bumili si Zaniah ng iba’t ibang sangkap at ginamit ang access code na ibinigay sa kanya ni Conrad, kaagad siyang pumasok sa villa.Pagpasok niya, agad niyang napansin na malinis na malinis ang sala. Katulad ng dati nitong tirahan, minimalist din ang buong villa—maluwag, malinis at halos walang bakas ng init o buhay.Hinubad niya ang high heels at binuksan ang shoe cabinet. Sa loob ay may ilang pares ng panlalaking tsinelas. Pumili siya ng isang malinis na pares, kinuha ang mga pinamili at kaagad na dumiretso sa kusina.Una niyang inilagay sa kalan ang sopas. Pagkatapos, sinimulan niyang ihanda ang mga pastry na magiging afternoon snack ni Conrad. Ang isang mahusay na asawa ay hindi lamang elegante at kaaya-ayang kasama sa publiko, marunong din siyang mag-asikaso ng tahanan.Mula pagkabata, nakatanggap na si Zaniah ng mahusay na edukasyon. Musika, chess, at pagpipinta ay mga pangunahing kaalaman lamang. Halos lahat ng bagay na pinaglalaanan niya ng oras ay kaya niyang paghusayin. Pagda
Matagal na nakatitig si Simon sa salitang “Wife.” At sa hindi malamang dahilan, bigla siyang nakaramdam ng kakaibang pagkabalisa.Minsan na niyang naisip kung anong klaseng babae ang pakakasalan ng kanyang tiyuhin. Dahil sa malamig at kakaiba nitong personalidad, inakala niyang malamang ay mananatili itong binata habang-buhay.Wala man lang nakakaalam kung nakapag-asawa na ba ito noon. Dalawang taon na ang nakalipas, pina-imbestigahan pa ni Simon kung lihim bang nagpapa-rehistro ng kasal ang kanyang tiyuhin sa ibang bansa. Ngunit wala siyang nakita.Si Conrad ay parang isang marangal na bulaklak na namumuhay nang malayo sa mundo—malamig, mataas ang pamantayan, na at tila hindi kailanman naapektuhan ng pag-ibig.Pero ilang araw pa lamang ang nakalipas nang banggitin nitong nais nitong magkaroon ng marriage alliance, at ngayon ay tila opisyal na nitong ipinapakita sa lahat. Talagang hindi ito pangkaraniwan para sa kanyang tiyuhin.Isa lang naman dapat itong marriage alliance. Bakit para
Pagpasok ni Zaniah sa bahay ng mga Javier, may bahagya pa ring amoy ng alak sa kanyang katawan. Namumula ang kanyang mga pisngi at bahagyang namamaga ang kanyang mga labi. Sinumang may matalas na mata ay madaling mahulaan kung ano ang nangyari sa kanyang labi. “Oh, nakauwi na pala si Ate.” Dahan-dahang bumaba si Denise sa hagdan, may makahulugang ngiti sa mga labi. “Gaano ba karami ang nainom mo?”“May kaibigan akong nagbukas ng bagong lugar. Pumunta ako para suportahan siya at uminom ng kaunti.”“Ate, walang pakialam ang mga tao sa ibang bansa kung paano ka kumilos. Pero nandito ka sa pilipinas. Kinatawan mo ang pangalan ng pamilya natin.”“Salamat sa paalala. Pupunta na ako sa kwarto ko.” Umakyat na si Zaniah, ngunit huminto siya sa may likuan ng hagdan at kaagar niyang narinig ang pag-uusap ng mag-ina.“Ma, nakita ng kaibigan ko na nag-oorder siya ng mga lalaking modelo. Tapos umalis pa siya kasama ang isa sa kanila. Kanina, nakita ko ring may lalaking naghatid sa kanya. Mukhang k
Bahagyang ngumiti si Zaniah nang marinig ang suggestion ni Conrad. Marahang umihip ang hangin at tinatangay ang ilang hibla ng kanyang buhok na dumampi sa kanyang mukha.Sa ilalim ng liwanag ng streetlamp, naging malambot at banayad ang kanyang mga katangian. Ngunit may tinik sa kanyang mga mata—parang isang rosas na maganda ngunit may mga tinik na sapat upang ilayo ang sinumang lalapit.“Nasubukan ko na ang magmahal,” katwiran niyang sabi. “Hindi ito para sa akin. Kung gusto mo ng asawang titingin sa iyo nang puro pagmamahal, malamang hindi ako ang tamang babae para sa iyo.” Hindi niya pinaganda ang kanyang mga salita. “Dahil may pagka-rebelde ako. Hindi ako marunong magbait-baitan, ang pamangkin mo ang lalaking nagtaksil sa akin ay gumagala pa rin sa bukidnon at mapaghiganti ako.”Sa mga mayayamang pamilya, ilan ba talaga ang malayang nakapili kung sino ang kanilang pakakasalan? Maraming kasalan ang nagaganap, ngunit karamihan ay para sa mga alyansang pangnegosyo. Sa paningin ng iba
Marahil ay walang lalaking makatanggi sa ganoong tinig na sobrang lambing, mapang-akit at higit sa lahat, halos kayang tunawin ang buto ng sinumang makarinig.Gumalaw kaagad ang Adam’s apple ni Conrad habang magtatanong pa sana siya, ngunit sa sandaling iyon, may boses na nagmula sa hagdan.“Uncle, nakauwi ka na pala.”Nanigas ang buong katawan ni Zaniah. Sumilip kaagad siya sa pagitan nila at nakita ang isang binatang pababa ng hagdan. Magulo ang buhok nito at walang saplot sa itaas, maliban sa kulay abong shorts at tsinelas. Mukha itong bagong gising at walang pakialam sa itsura.Isang nakakagulat na hinala ang biglang sumagi sa isip ni Zaniah, kaya agad nagbago ang kanyang ekspresyon.Pero isang mainit na kamay ang tumakip sa kanyang mga mata. “Get those dirty thoughts out of your head. It’s not what you think,” Conrad said quickly.Sa wakas ay napansin ng binata na may karga ang kanyang tiyuhin.“Damn, Uncle! May dinala kang babae sa bahay? Sumikat ba ang araw sa kanluran ngayon?
“Ang tiyuhin niya?” Mahinang tinapik ni Zaniah ang manibela habang nag-iisip.“Oo. Matagal siyang nagtrabaho sa ibang bansa at binata pa hanggang ngayon. Nabalitaan kong uuwi na siya rito. Kung siya ang mapapangasawa mo, magkakaroon ka ng posisyon sa pamilyang Martin. Bata pa si Simon at hindi pa h
Biglang napaupo si Zaniah sa gulat at dahil sa biglaan niyang pagalaw, sumakit ang sugat niya at napangiwi pa siya. Sunod-sunod na bumalik sa isip niya ang mga nakakahiya at magulong alaala kagabi at ang lalaking kasama niya sa gabing iyon ay nakatayo ngayon mismo sa harap niya.Mas gwapo pa ito ka
Sa loob ng tatlong taon, hindi kailanman tinanong ni Zaniah kung saan siya pumunta. Kadalasan, kusa nitong sinasabi ang mga ginagawa niya.Ito ang unang beses na direkta siyang tinanong, at medyo kinabahan agad si Simon. “Kagabi, nakipaghiwalay si Clark sa girlfriend niya, kaya uminom kami. Nalasin
Pagkagising ni Zaniah ay masakit ang buong katawan niya. Iyon agad ang una niyang napansin. Putol-putol ang alaala niya, at sandali siyang nalito kung ano ang nangyari kagabi. Dahan-dahan siyang umupo. Dumulas ang kumot at lumitaw ang mga pasa at marka sa katawan niya.Kahit sino maiintindihan kun







