REJECTED BY THE HEIR: Married to the tycoon uncle

REJECTED BY THE HEIR: Married to the tycoon uncle

last update最後更新 : 2026-04-04
作者:  Amarahwrites連載中
語言: Filipino
goodnovel18goodnovel
評分不足
9章節
170閱讀量
閱讀
加入書架

分享:  

檢舉
作品概覽
目錄
掃碼在 APP 閱讀

故事簡介

Drama

Third-Person POV

Girl Power

Hidden Identity

CEO

Billionaire

Revenge

Twisted

Forbidden Love

Matapos ang tatlong taong pakikipagrelasyon sa isang mayaman na tagapagmana sa Cebu na si Simon, handa na sana si Zaniah na ipakilala ang tunay niyang pagkatao at mag-alok ng kasal para sa alyansa ng kanilang mga pamilya. Ngunit sa mismong araw ng proposal, gumawa ng dahilan si Simon para makaalis—yun pala ay nasa isang nightclub ito at napapaligiran ng ibang mga babae. Doon ay mayabang nitong sinabi na hinding-hindi ito magpapakasal sa isang babaeng mababa ang katayuan sa buhay. Nang makita ang tunay na ugali nito, hindi nag-atubili si Zaniah na iwan ito. Sa halip, lumapit siya sa mas makapangyarihang tao—ang tito ng lalaki si Conrad Martin. Para sa kanya, kung alyansa lang din naman ang habol sa kasal, wala namang pagkakaiba kung sino ang mapapangasawa niya. Sa araw ng engagement ni Simon sa anak sa labas ng pamilya ng Javier, nakita niya ang dati niyang girlfriend na si Zaniah, usap-usapang walang kwentang tagapagmana noon. Nakatayo ito habang nakaakbay sa kanyang tito Conrad, at ang ganda ng ngiti nito na tila hindi na niya kayang abutin pa. "Pamangkin," malumanay na pagtawag ni Zaniah, "Bakit hindi mo ako tawaging Tita?"

查看更多

第 1 章

KABANATA 1

Sa ikatlong taon ng relasyon nila, nagdesisyon si Zaniah na mag-propose sa mas batang nobyo niyang si Simon Martin.

Maingat siyang naghanda ng candlelight dinner, nagsuot ng magandang damit, at nag-ayos ng make-up.

Habang nagbuhos siya ng red wine, bigla siyang niyakap ni Simon mula sa likod. Dumikit ang mainit nitong labi sa likod ng tenga niya habang bumulong, “Narealize mo na rin ba, Zan? Ngayong gabi…”

Yumakap ang matibay nitong braso sa payat niyang bewang, at dumulas ang mga daliri nito sa makinis na tela ng suot niya.

Humarap si Zaniah at marahang tinulak ang dibdib niya. “Tama na. Kumain muna tayo.”

Tatlong taon ang tanda ni Zaniah, at malapit ng grumaduate si Simon sa kolehiyo.

Matangkad ang binata. Kahit simpleng puting T-shirt lang ang suot, halata ang malapad niyang balikat, makitid na baywang, at maayos na katawan. Gwapo rin siya—parang sikat ng araw sa umaga, puno ng sigla.

Ngumiti siya nang may kalokohan at lumapit pa. Ikinulong ni Simon si Zaniah sa pagitan ng mga braso nito, hinawakan ang pulso at isinandal sa wine cabinet bago siya yumuko para halikan ito.

Sa ilalim ng ilaw ng kandila, lalong uminit ang hininga niya.

Halos hindi na kayanin ni Zaniah ang init ng damdamin niya. Naalala niya ang mahalagang pag-uusapan nila, kaya tinulak niya ito bago pa lumala ang sitwasyon.

Bahagyang dumilim ang mga mata ng binata. Kinagat niya ang labi nito at paos na bumulong, “Zan… huwag na tayong kumain. Ako na lang.”

Mahina namang natawa si Zaniah, dahil sa sinabi ni Simon. 

Mas lalo siyang gumanda habang nakangiti. Kahit simple ang mukha niya, napakaliwanag nito. Dahil sa dami ng trabaho niya, madalas seryoso at malamig ang ekspresyon niya. Tinatawag pa nga siya ng mga kaibigan ni Simon na “Ice Queen.”

Pero kapag ngumiti siya, parang natutunaw ang yelo. 

Bumilis ang tibok ng puso ni Simon. Iniisip pa lang na baka ngayong gabi ay maging kanya na siya nang tuluyan, hindi niya mapigilan ang excitement.

“Umupo ka,” sabi ni Zaniah. Nagbuhos siya ng wine at tiningnan ang lalaking masunuring umupo.

Iyon ang isa sa pinakamagandang katangian ng nobyo niya—masunurin ito. Umupo naman ito sa tapat niya at inilapag ang baso.

Sa ilalim ng madilim na ilaw, may kakaibang tensyon sa pagitan nila.

Bihirang mahiya si Zaniah, pero ngayon ay medyo nahihiya talaga siya. “S-simon… gusto mo ba ako?”

Hinawakan agad ng lalaki ang likod ng kamay niya. Nawala ang mapaglarong itsura nito at naging seryoso. “Tatlong taon mo na akong sinusubok. Hindi mo pa rin ba alam ang nararamdaman ko? Syempre gusto kita, Zan.”

Ngumiti naman agad si Zaniahh at naglabas ng maliit na velvet box.

“Para sa’yo ito.”

May simpleng singsing sa loob, kumikislap sa ilaw ng kandila.

Ngunit biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Simon.

Hindi saya ang makikita sa kanya—kundi paninigas at lamig.

Naunawaan agad iyon ni Zaniah. Baka hindi pa ito handa.

“Zan… ano ’to?”

Huminga siya ng malalim bago magsalita, “Pinipilit na ako ng pamilya ko. Gusto kitang ipakilala sa kanila at pag-usapan ang kasal natin.” Diretso niyang sinabi habang nakatingin sa mata nito. “Bakit? Ayaw mo ba?” naguguluhan na tanong niya rito. 

Tatlong taon na silang magkasama—halata sa lahat kung gaano siya kamahal ni Simon. Kung hindi, hindi sila magsasama sa isang bahay nang hindi lumampas sa hangganan.

Tatlong taon din bago tuluyang tinanggap ni Zaniah ang binata. Noong sinagot niya ito noon, hindi lang dahil sa sincerity nito—inalam din niya ang background nito.

Anak pala ito ng mayamang pamilya sa Cebu, pero itinago ang pagkakakilanlan at namuhay bilang ordinaryong estudyante sa timog.

Ngunit iba ang sitwasyon ni Zaniah.

Siya ang napabayaang panganay ng pamilyang Javier. Nang mamatay ang ina niya, dinala ng ama niya ang kabit at anak nito sa bahay. Siya naman ay pinadala sa ibang bansa.

Pagbalik niya, gusto niyang patunayan ang sarili.

Iniwan niya ang pangalan ng pamilya at pinatakbo ang halos naluging kumpanya. Kung mapapaangat niya ito sa loob ng tatlong taon, ibibigay sa kanya ang negosyo ng pamilya.

Magkapantay ang pamilyang Javier at Martin. Bagay sila—sa estado at sa pag-ibig.

Ngayon, natupad na niya ang target niya, at may balita pa na gusto ng pamilyang Martin na magkaroon ng kasunduan sa kasal. Para hindi maagaw ng kapatid niya ang pagkakataon, nagdesisyon si Zaniah na sabihin na ang lahat.

Akala niya matutuwa si Simon, pero mukhang kabaligtaran ang nangyari.

Napuno ng kaba ang mukha nito.

Ang singsing na pinili niya—may ukit pa ng initials nila—para rito ay parang problema. Hindi man lang nito hinawakan.

“Zaniah… masyadong biglaan. Hindi pa ako handa.” Bigla na lang itong tumayo. “Ah, oo nga pala, pinatawag ako ni Clark. Kailangan ko nang umalis.” Nagmamadaling lumabas, kahit hindi na nakapag palit ng sapatos.

Malakas na sumara ang pinto. At narinig niya agad ang tunog ng sasakyan sa labas.

Tinitigan ni Zaniah ang singsing.

Ibig sabihin… walang balak siyang pakasalan nito. Kumikislap ang simpleng pulseras sa kamay niya—parang pinagtatawanan siya.

Regalo iyon no Simon noong unang taon nila. Nagtrabaho ito ng isang buwan para lang mabili iyon.

Noon, kahit mayaman siya, simple ang pamumuhay niya. Naalala pa niya nang makita niya itong naka-costume sa kalsada, namimigay ng flyers sa init ng araw, halos himatayin pero hindi sumusuko.

Doon siya tuluyang na-in love.

Para kay Simon, isa lang siyang babaeng may maliit na kumpanya na malapit ng malugi.

Pero pursigido siya.

Araw-araw siyang naghahanap ng investors. Sabi pa nito, kapag yumaman ito, ito na mismo ang susuporta sa kanya.

Magkasama nilang nalampasan ang hirap. Pero ngayon… umatras ito.

Gabi na, hindi pa rin ito umuwi. Naalala niya na sabi nito noon, ang mabuting lalaki umuwi bago mag-alas dose.

Tinawagan niya ito. 

Patay ang phone.

Natakot ba talaga ito nang ganoon? Pumunta agad si Zaniah sa bar na madalas nilang puntahan. Paglapit niya sa bahagyang nakabukas na pinto ng private room.

Bago pa siya nakapasok ay nakita niya ang lalaki—nagyoyosi. Alam naman niyang naninigarilyo ito, pero tumigil sa harap niya.

Ngayon, parang ibang tao na ito. May kasama pa itong magandang babae, nakaupo ng relaks sa sofa.

Pinayagan pa nitong sindihan ng babae ang sigarilyo niya.

Nasalita ang kaibigan nitong si Clark, “Sabi ko na sa’yo makipaghiwalay ka na. Ngayon, gusto ka na niyang pakasalan. Alam ba niya kung sino ka?”

Napatigil si Zaniah sa labas, hindi gumawa ng ingay. 

Yung mga tumatawag sa kanya ng “Ate” dati, iba na ang sinasabi ngayon.

Nagbuga ng usok si Simon at kinain ang apple na pinakain ng babae.

Malamig ang mukha nito—parang hindi niya kilala.

“Nanaginip yata siya. Dahil lang sa kanya, iisipin niyang mapapangasawa niya ako? Imposible. Kung tutuusin, pwede ko lang siyang maging babae sa Cebu.”

Sumagot ang isa, “Tama. May arranged marriage ka na rin naman sa pamilyang Javier. Isang babae sa hilaga, isa sa timog—walang problema.”

Nagsalita ulit ang isa pa, “Simon, malapit na matapos ang taya natin. Kapag natalo ka…”

Sa gitna ng usok, malamig ang boses ni Simon, “Relax. Bago ako bumalik sa Cebu, sisiguraduhin kong makukuha ko siya. Matagal na akong nagpapanggap. Panahon na para tapusin ito.”

展開
下一章
下載

最新章節

更多章節

致讀者

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

暫無評論。
9 章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status