RETURN

RETURN

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-22
Oleh:  Mộc Tuệ QuaOngoing
Bahasa: English
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
27Bab
4.4KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

A girl who does not like to get married and have children. After many ups and downs in her life. She believes in that decision even more. She thought that, after saving enough money for her parents to retire, she would start the life of a nun, a hermit. Living the days of adventure, freedom, leisure, not bothering mundane life outside. Who knows, life is not a dream. The last step she tripped again. Having sex with a strange man she doensn’t know. Even worse, she becomes pregnant for the first time. All plans were ruined in an instant. A man from small to adult lives according to the arrangement and requirements of his parents. Always stay within the framework. Before the wedding day, the miserable guy wanted to let go of himself, get rid of the cliché, and protest once to let him know how he felt. Where will this unwanted encounter take our two characters?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1: Going far to return

Malamig ang hanging nagmumula sa exhaust fan ng club, ngunit mas malamig ang pakiramdam na lumalason sa dibdib ni Lilac Babe Hermosa. Nakatitig siya sa basong hawak, pinapanood ang pagtunaw ng mga piraso ng yelo sa ibabaw ng amber na likido. Isang shot pa. O dalawa. O tatlo. Hanggat hindi na niya maramdaman ang kakaibang kirot sa kanyang puso.

Noong gabing iyon, nagbihis siya nang maayos. Isang pulang cocktail dress, maayos na makeup, at paboritong pabango. Umalis siya ng bahay na may matamis na ngiti sa mga labi dahil sa pangakong dinner ni Mikael Yunson—ang lalaking kasama niya sa loob ng limang taon. Limang taon na puno ng pangarap, ng sakripisyo, at ng pangakong binuo nila mula noong mga pangarap pa lamang ang hawak nila sa buhay. Kampante si Lilac Babe. Kampante siyang ang gabing ito ang magiging simula ng panibagong kabanata ng kanilang buhay. Inaasahan niyang sa gitna ng hapunan, luluhod si Mikael at ilalabas ang isang maliit na pelus na kahon.

Subalit tadhana na mismo ang sumampal sa kanya.

Bago pa man siya makarating sa nakatagong restaurant kung saan sila dapat magkikita, isang notification mula sa I*******m ang sumira sa lahat. Isang litratong post ni Hillary Mendez—ang tanyag na tagapagmana ng kilalang real estate empire sa bansa.

Sa litrato, nakangiti si Mikael. Masaya, gwapo, at tila walang ni isang bakas ng pag-aalinlangan habang nakalingkis ang braso nito sa baywang ni Hillary. Sa daliri ng babae ay kumikislap ang isang malaking dyamante.

Ang caption? “Forever with my fiancé, Mikael. To new beginnings.”

Engagement ring. Hindi sa kanya. Kay Hillary Mendez.

Matapos ang limang taon, ginawa lang pala siyang pansamantala ni Mikael habang naghihintay ito ng mas malaking oportunidad. Hindi pala siya ang pangarap nito, isa lang siyang hagdan.

“Pangalawang shot pa nga, miss,” utos ni Lilac Babe sa bartender, garalgal ang boses habang sinusubukang punasan ang luhang mabilis na pumatak sa kanyang pisngi.

Nalunod siya sa sarili niyang pait na nararamdaman. Sunod-sunod ang pag-inom niya ng alak hanggang sa magsimula nang umiikot ang kanyang paligid. Ang mga nagniningning na ilaw ng club at ang malakas na music galing sa tunog ng bass  ay naging malabo na lang na ingay. Gusto niyang makalimot. Gusto niyang mawala ang sakit na bumabaon sa kanyang dibdib.

Sa gitna ng kanyang pagkahilo, may isang matangkad na anyo ang tumabi sa kanya sa bar counter. Mabango ito, isang halo ng mamahaling cedarwood, mamahaling tabako, at amoy ng mamahaling alak.

“Hindi magandang uminom nang mag-isa ang isang magandang dilag na umiiyak,” marahang sabi ng isang malalim at baritonong boses.

Lumingon si Lilac Babe. Hindi niya maaninag nang buo ang mukha ng lalaki dahil sa madilim na ilaw at sa kalasingan, ngunit nakita niya ang matalim na panga nito, ang matang may kakaibang lamig at misteryo, at ang maayos na suot nitong tailored suit na halatang nagmumula sa mamahaling brand.

“Sino ka ba?” usal ni Lilac Babe, medyo pabulol na ang pananalita. “Lahat ng lalaki... sinungaling. Lahat kayo, manloloko!”

Isang bahagyang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng lalaki. “Hindi naman lahat. Baka maling lalaki lang ang pinili mo.”

“Maling lalaki?” Tumawa nang pilit si Lilac Babe, ngunit napalitan iyon ng hikbi.

“Limang taon! Limang taon ko siyang minahal... tapos ipagpapalit lang ako sa anak ng mayaman? Bakit? Kasi wala akong pera? Kasi hamak na empleyado lang ako?”

Huminga nang malalim ang lalaki at inagaw ang baso ng alak mula sa kamay ni Lilac Babe bago pa ito makainom ulit. “Tama na ‘yan. Lasing ka na.”

“Akin na ‘yan!” Pilit na inabot ni Lilac Babe ang baso ngunit nawalan siya ng balanse.

Nahulog siya diretso sa dibdib ng lalaki. Napakahigpit at napakatipuno ng katawan nito. Naramdaman ni Lilac Babe ang init ng balat nito kahit may tela ng amerikana.

Sa gitna ng kalasingan, pait, at galit kay Mikael, may isang kalokohang kaisipan ang sumagi sa utak ni Lilac Babe.

Kung ginago siya ni Mikael, bakit kailangan niyang maging mabait? Bakit siya magpapakalunod sa lungkot samantalang ang ex-boyfriend niya ay nagdiriwang kasama ang bagong fiancé nito?

Tumingala si Lilac Babe, sinalubong ang malalim at misteryosong titig ng lalaki, at hinawakan ang kwelyo ng amerikana nito.

“Gusto kong makalimot,” bulong ni Lilac Babe, nakatitig sa mga labi ng stranger. “Tulungan mo akong makalimot kahit ngayong gabi lang.”

Hindi agad gumalaw ang lalaki. Para itong nangingilatis, may kung anong apoy na gumagapang sa mga mata nito. “Sigurado ka ba diyan? Baka paggising mo bukas, pagsihan mo ito.”

“Ayoko nang mag-isip,” depensa ni Lilac Babe bago tuluyang inabot ang labi ng lalaki para sa isang marahas at desperadong halik.

Parang sumabog ang bomba sa pagitan nilang dalawa. Ang simpleng halik ay mabilis na naging isang nag-aalab na pagnanasa. Inakay siya ng lalaki palabas ng club, isinakay sa isang mamahaling sasakyan, at dinala sa isang luxury penthouse suite sa pinakamataas na palapag ng isang kilalang hotel.

Ang gabing iyon ay naging isang malabong panaginip para kay Lilac Babe. Puno ng init, malalalim paghinga saka pagsinghap. At mga haplos na tila nag-iiwan ng marka sa kanyang balat. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya, nakalimutan niya si Mikael. Ang bawat halik ng lalaki ay tila nagbubura sa bawat luhang iniluha niya nitong mga nakaraang oras.

Lunes ng umaga.

Nagising si Lilac Babe dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa malaking glass window ng kwarto. Masakit ang kanyang ulo na tila pinupukpok ng martilyo, at ang bawat kalamnan sa kanyang katawan ay kumikirot.

Nang imulat niya ang kanyang mga mata, napasinghap siya.

Hindi ito ang kwarto niya.

Tumingin siya sa paligid. Ang malawak na silid ay may minimalist na interior, mamahaling kasangkapan, at sa tabi niya sa malaking king-sized bed ay naroon ang isang hubad na lalaki na bahagyang natatakpan ng puting kumot.

Napatakip ng bibig si Lilac Babe. Mabilis na nagbalik sa kanyang alaala ang mga kaganapan kagabi, ang inuman sa bar, ang galit kay Mikael. Ang stranger... at ang boses nitong paulit-ulit na bumubulong sa kanyang tainga sa gitna ng kadiliman.

“Diyos kong mahabagin...” nanginginig na bulong ni Lilac Babe sa sarili.

Anong ginawa ko?!

Nanlamig ang buo niyang katawan sa labis na pagsisi. Nakipag-one night stand siya! Siya na kilala sa pagiging maingat at disiplinado ay nagpadala sa galit at kalasingan.

Dahan-dahan niyang inalis ang kumot nang hindi gumagawa ng anumang ingay. Nakahiga ang lalaki nang nakatalikod sa kanya, kitang-kita ang malapad nitong likod na may ilang maliliit na kalmot—mga kalmot na alam niyang siya ang gumawa kagabi.

Walang pag-aalinlangan, pinulot ni Lilac Babe ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig. Dali-dali niyang isinuot ang kanyang damit kahit baliktad ang ilang pindutan, isinukbit ang kanyang bag, at hawak ang kanyang sapatos sa kamay habang naglakad nang parang magnanakaw patungo sa pintuan ng penthouse suite.

Hindi na siya nag-iwan ng sulat. Hindi na siya nag-abalang tingnan ang mukha ng lalaki pero tanda niya iyon dahil sa nangyari kagabi. Ang tanging nasa utak lang niya ay ang makatakas mula sa pagkakamaling iyon bago magising ang lalaki at magkaroon ng nakakailang na usapan.

Mabilis siyang sumakay ng taxi pauwi sa kanyang apartment, mabilis na naligo para hugasan ang bakas ng kagabi, at nagbihis ng kanyang formal corporate attire. Kailangan niyang maging propesyonal. Ngayong araw ang dating ng bagong Chief Executive Officer (CEO) ng kanilang kumpanya ang Valderama Holdings—at bilang isa sa mga senior marketing associates, hindi siya pwedeng mahuli sa napakahalagang orientation meeting.

Pagdating sa opisina, abot-abot ang kaba ni Lilac Babe. Uminom siya ng dalawang tasa ng kape para lang mawala ang hangover at ang matinding pagkahilo.

“Lilac! Sa wakas dumating ka rin!” bungad ng kaibigan niyang si Sarah habang nag-aayos ng mga folder sa conference room. “Bakit mukha kang nakakita ng multo? At tsaka, bakit parang puyat na puyat ka?”

“A-Ah... wala. Masakit lang ang ulo ko,” pagdadahilan ni Lilac Babe habang inaayos ang kanyang blazer.

“Ayusin mo na ‘yang sarili mo, dali! Nabalitaan kong napakasungit at napakahigpit ang bagong CEO. Kakarating lang niya galing sa US subsidiary branch, at balitang wala siyang pinatatawad kapag pumalpak sa trabaho. Pati nga si Mikael, halatang kinakabahan kanina pa sa kabilang kwarto.”

Nang marinig ang pangalan ni Mikael, napakagat-labi si Lilac Babe. Hindi pa sila nagkakausap mula noong makita niya ang post sa I*******m. Gusto niyang sumabog at sigawan ito, ngunit kailangan niyang tiisin hanggang matapos ang opisina.

Ilang minuto ang lumipas, pumasok na ang lahat ng Department Heads at Board Members sa loob ng grand board room.

Umupo si Lilac Babe sa gitnang bahagi ng mahabang mesa. Sa kabilang dako, nakita niya si Mikael na nakatitig sa kanya, tila may gustong sabihin ngunit pilit nitong iniiwasan ang kanyang mga mata.

Biglang bumukas nang malakas ang double doors ng board room.

Natahimik ang buong silid. Napatayo ang lahat bilang paggalang.

Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng maayos at dark navy blue suit ang pumasok, kasunod ang dalawang personal assistants at ang Vice President ng kumpanya. May taglay itong napakalakas na aura na tila ba sa isang tingin lang ay kaya nitong pasunurin ang sinuman. Ang maikling buhok nito ay maayos na nakatabi, at ang kanyang matalim na panga at porselanang balat ay nakamamangha.

Ngunit nang itaas ng lalaki ang kanyang ulo at suyurin ng kanyang malamig na mga mata ang buong silid, napahinto ang paghinga ni Lilac Babe.

Para siyang binuhusan ng napakalalamig na yelo. Habang halos lumuwa na ang mga mata nito at pakiramdam nito ay masusuka na siya.

Ang matalas na ilong. Ang manipis na mga labi. Ang kakaibang lamig ng mga mata. At ang pamilyar na amoy ng cedarwood at mamahaling pabango na agad humalo sa hangin ng silid.

Diyos ko...

Siya nga! Ang lalaki sa penthouse. Ang lalaking nakasama niya kagabi.

“Good morning, everyone,” panimula ng Vice President. “I would like to officially introduce our new Chief Executive Officer and President of Valderama Holdings... Mr. Gabriel Simon Valderama.”

Naramdaman ni Lilac Babe na tila mawawalan siya ng malay. Ang nakasama niya sa kama kagabi, ang lalaking tinawag niyang manloloko at hinalikan niya nang walang pag-aalinlangan ay ang mismong may-ari at pinakamataas na pinuno ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.

Subalit mas lalong nanlamig ang dugo ni Lilac Babe nang dahan-dahansang gumala ang tingin ni Gabriel Simon Valderama sa paligid... hanggang sa tuluyang huminto ang mga mata nito sa kanya.

Isang munti na halos hindi mapansing ngiti ang gumuhit sa mga labi ng CEO. May kakaibang kislap sa mga mata nito kislap ng pagkilala at ng isang predator na sa wakas ay nahanap na ang kanyang huli.

Mababaw na huminga si Gabriel, inayos ang kanyang kurbata, at direktang tumitig sa nanlalamig na si Lilac Babe.

“Before we start the project presentation,” malamig at baritonong pahayag ni Gabriel na nagpatahimik sa buong silid. “I’d like to speak with Ms. Lilac Babe Hermosa in my office. Alone.”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Tidak ada komentar
27 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status