Share

KABANATA SAMPU: Allowance

KABANATA SAMPU: Allowance

SANDOVAL'S POV

"Bring it to the office, I'll be there soon." Ibinaba ko na ang tawag ko sa secretary pagkatapos kong sabihan ito. 

Naghahalungkat ako ng gamit sa aking drawer para hanapin ang mga papeles na naiwanan ko at kailangan ko sa bahay. 

Nakakainis, nakarating na ako sa office nang maalala ko na may naiwan ako, napabalik tuloy ulit ako. 

Ipapakuha ko na lang sana sa iba kaso importante ang papeles dahil ito ang next plan project para sa kompanya. Kaya wala akong magawa kundi umuwi.

"Got it!" Isinara ko na ang drawer ng makuha ang kailangan ko. Paalis na ako ng kwarto ng bumukas ang pinto at bumungad ang asawa ko, "Sharon! You scared me!"

Nakabusangot ito at biglang yumakap sa'kin, napahawak ako sa papeles na hawak ko ng mahigpit. "What's wrong?"

"Karrie!" Sumbong nito.

Napakuno ang noo ko nang marinig ang pangalan na iyon. Naaalala ko pa rin na no'ng nakaraang gabi hanggang ngayon, ay hindi pa rin binubura ni Karri ang mensahe nito sa family group chat.

Hindi ko alam kung busy ba ito o ayaw niya kaya tinabunan na lang namin ito ng mga usapan. "What did she do this time?"

Sharon pouted, "Shaina saw her going in the bank." 

"And?"

She rolled her eyes, "It's not just a simple bank, it's an international bank!"

Napakunot-noo ako. Bago pa ako makapagtanong ay pinangunahan na niya ako.

"Karrie has money now and she doesn't even share?" Isinubsob ni Sharon ang mukha nito sa malapad kong dibdib, "We ask her to marry that man and now that she's wealthy enough, wala na siyang plano bumalik? Ni hindi man lang tayo tutulungan sa company natin?! Napaka-walang modo naman ng anak mo!"

"Buti pa si Shaina, kahit konting bagay binabahagi niya sa'tin." Dagdag nito.

Napa-isip isip ako sa sinabi nito. Kakakasal lang ni Karrie pero hindi man lang bumisita ang bagong mag asawa. 

Hindi rin sumipot ito kahapon nang yayain namin sila sa maliit na salo-salo para i-celebrate ang bagong kasal...

Pero ni anino wala kaming nakita. Kahit paliwanag lang. 

Nabigyan na ba ng pera si Karrie kaya nakalimutan niya na may pamilya siya dito? Masyado bang nasilawan ito sa pera? 

Sabagay, ang humahawak sa allowance ni Karriena binibigay ko ay palagi ang asawa ko. Kaya ba ngayong may malaking pera ito hindi na alam ni Karrie anong gagawin? Dapat binibigyan din kami!

"Hindi mo ata naturuan si Karrie paano humawak ng pera." Sambit ko. "Wait, let me call her." Inalis ko sa pagkayakap si Sharon at kinuha ang cellphone ko sa pocket ko para tawagan si Karrie.

Pero umabot na ng tatlong tawag hindi pa rin ito sumasagot. Medyo naiinis ako pero kinalma ko ang sarili ko. Tinawagan ko ulit pero wala pa rin. 

Napatitig ako sa asawa kong nag-aalala kaya kahit papano ay nawala ang bahid ng inis. 

Pero tumawag na ako ng pang-sampung beses pero... ni isang tawag wala pa rin. Tumawag ako ng tumawag hanggang sa sobrang inis ko muntik ko ng itapon ang cellphone ko, "Sh*t! Ba't ba ayaw niyang sagutin!"

Umiiwas na si Karrie?

Hindi pwede! Kaya nga namin siya pinakasal sa mayamang tao na 'yon para tulungan kaming palawakin ang kompanya!

Mula nung ang mga Machito ang lumapit sa'kin na ipakasal si Karrie sa nag-iisang tagapagmana ng mga Machito, siyempre I took the chance!

At malakas ang loob ko dahil alam kong mahal na mahal ako ng anak ko at gusto nito ang atensiyon ko! Kahit na nakakasakal ang pagsunod nito sa'kin palagi pero alam kong maaasahan si Karrie na suportahan kami ng pamilya niya kahit na may asawa na ito!

Pero bakit mula nang ikasal ito, parang wala na 'tong pamilya! "Tsk," 

Walang utang na loob! Patapos-tapos ko siyang paaralin, buhayin, at kahit si Sharon, kahit hindi niya anak si Karrie, pinalaki niya ng maayos!

Sa huli, pinakita rin niya ang totoong kulay niya! Napaka-walang modo ni Karrie!

Sa galit ay nandidilim na ang paningin ko ng sa wakas ay sagutin na ang tawag ko, "Karrie! Uwi!"

Hindi pa nakakapagsalita ito ay pinauwi ko na agad si Karrie! Kailangan niyang rumespeto sa mga magulang niya! 

"Gusto ko umuwi ka ngayon din!"

.......

KARRIE’S POV

Pagkaakyat ko from the basement vault ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang orasan ng makita ko ang twenty missed calls ni Papa.

Napakunot ako ng noo sa pagtataka. Minsan lang maging ganito ka-desperado si papa either because of money or either hindi nasunod ang gusto nito.

But what did I do?

Napaisip ako...

Was it because of yesterday?

Hindi ko pala sila nasabihan na hindi kami tuloy sa pagbisita na sila lang naman may gusto, sila rin nag set ng time at araw kahit na hindi man lang kinompirma sa'min.

Hindi ko rin naman kasalanan 'yon. Hindi rin ako obligado kaya napakibit-balikat na lang ako. 

Tumawag ako kay papa at baka napano na sila, kung maghihirap sila, gusto ko ako una makakaalam o kahit ako na lang makaalam.

"H--" bago pa ako makapag hello sa tawag, sinigawan na agad ako! 

"Karrie! Uwi!" Sigaw agad na bunga ni papa, "Gusto ko umuwi ka ngayon din!"

Nanlilisik ang mga mata ko nang inuutusan na nga ako, sinisigawan pa ako! 

Binaba ko kaagad ang tawag. Kung ganyan lang din naamn trato nila sa'kin na para bang empleyado nila na hindi na nga nila sinasahuran, tini-take advantage pa nila.

I texted papa instead, "No."

Kung wala silang planong makinig sa'kin, bakit ko sila papakinggan? Kung hindi lang dahil sa deal namin ni aljur ay baka na-block ko na lahat ng pamilya ko at ang mag Machito maliban kay Lolo Don. 

Isang taon na lang naman... Kong tiis pa.

Lumabas na ako ng bangko at pasakay na ng kotse ng mapansin ko na may namumukhaan akong babae sa kabilang daan. Bigla itong tumalikod pero namukhaan ko agad ito, sa hugis pa lang ng katawan.

"Ahh..." Kaya pala...

Aga aga naninira na ng araw.

Umirap ako at sumakay na sa kotse. Alam kong sobra na ang galit ni papa pero, paki ko?

"Ma'am, saan po tayo?" Tanong ng driver.

Sumagot ako at ngumiti, "Trix Coffee Shop please, thank you."

Umandar na papalayo ang sasakyan at nadaanan namin si Shaina. Ngumiti ako habang nakikitang lumalabas na sa mukha nito ang mga ugat-ugat sa galit.

Nakita man niya ako o hindi, ano ngayon?

Alam ko pera na naman unang pumasok sa mga isip nila. Huh!

Maliban sa pamasahe, lahat ng allowance ko tinago ni Tita Sharon. Lahat ng binibigay sa'kin ni papa at mga ninong't ninang ko ay napunta sa bulsa ni Tita Sharon.

Pagdating si pera, wala akong nahawakang ganoon maliban sa pamasahe. 

Kahit pang lunch lang.

Kaya kapag hindi nakapagluto ng lunch bago pumasok sa iskwela ay nagbabaon na lang ako ng tinapay, minsan wala. 

Tapos pinagyayabang pa ni papa mga allowance namin ni Shaina eh hindi ko man lang 'yon nararamdaman.

Sa pagsusulat, ng nalaman iyon ni Tita Sharon tinanong agad sa'kin iyon, buti na lang may dummy account na agad ako. Kaya alam nitong hindi ako naging 'successful' sa pagsusulat at tinawanan niya lang ako.

Nang maging empleyado ako sa isang kompanya, kahit na mas malaki pa ang sahod ko sa pagsusulat, three-fourth agad ang kinuha ni Tita Sharon. Pagod ko 'yon pero gusto nila sila makinabang.

Kaya nagresigned ako, sinabi ko na lang na na-fires ako kahit hindi. 

Mula noon, naging jobless na ako sa paningin nila at palamunin lang daw. Araw-araw akong binabantaan ni Tita Sharon na maghanap ng trabaho. Pero 'di niya alam marami na akong kinikita online at through investing. 

Kaya nang makita ko si Shaina sa labas ng bangko pagkatapos akong sigaw sigawan ni papa sa tawag, alam ko na kung bakit.

Akala siguro nila naka-jackpot ako kay Aljur at marami na akong pera...

Well, they are not wrong. Binigyan ako ni Aljur ng visa debit card at alam kong milyon milyon ang laman nito. Pati credit card binigyan niya rin ako. 

Kaya mula nung mag-asawa kami, lahat ng binibili ko ay pera ni Aljur ang gamit ko.

I mean, why decline such blessings?

Pero pagdating sa business ko at work, ni minsan hindi ko ginamit ang mga card niya. Ayaw kong may makaalam sa mga trabaho ko, kahit siya pa.

Nakatating na kami sa coffee shop at umupo ako sa usual spot ko. Maaga pa kaya kaonti pa lang ako tao. At ang mga estudyante ay nagsisipasukan pa lang sa mga paaralan.

As for my phone, it kept ringing and popping messages won't stop not just from Papa but also from Tita Sharon.

I rolled my eyes and ignored it. I turned off my phone at nilabas ang isa pang phone. I have two phones. One for not so important like my family while the other is important like work and businesses.

Sa kasal namin, kaya hindi nakuha ni Tita Sharon ang phones ko ay ipinatago ko ang important phone ko sa paanan ko, sa loob ng wedding dress. While the other, well, nakita 'yon ni Tita Sharon sa bag pero iyon lang ang binalik sa'kin. 

Whatever~

Inayos ko na ang upo ko at ang laptop ko bago ako nagsimula magsulat for today's target chapters. 

Inaabangan ko rin ang mga replies ng mga na-email ko nung Sabado regarding sa invitation ko para makapag invest ako sa kompanya nila.

Habang ang editor ko naman, hindi pa gising kaya hindi pa nasasagot ang email ko.

Habang nagsusulat ako, may lumapit sa'kin na lalaking naka-uniporme na may hawak na pancit canton. "H-hey, Donna..." Napakamot ng ulo ang binata.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti, "Hey, Neru, what's up?"

Nakita kong  naka-school uniform ito kaya hula ko papasok pa lang 'toh, bakit dumaan dito? Gutom? Breakfast?

Binigay ni Neru sa'kin ang hawak nitong pancit canton, "For you!" 

Sa gulat ko, napatameme ako. "W-what?"

Huminga ito ng malalim at umupo sa harap ko nang ilapag niya sa lamesa ang plato na hawak nito. "I need your help, please!" Pagmamakaawa nito na para bang nagdadasal.

My jaw dropped seeing him begged.

He tried to explain, "Nalaman ko kasi from boss dito sa coffee shop that from nag aaral ka paleng, eh naglalagi ka na ditow. And they told me you are top of your class too!"

Napataas ako ng kilay, siyempre mapapa blush konti sa compliments. "And?"

Nilabas agad ni Neru ang mga malalaking libro, "I need help for this subjects, please. Wala akong kilala masyado dito kaya hindi ko na alam anong gegewin." 

Napapikit mata ako sa sinabi niya. Nang matauhan, kinuha ko isa isa ang mga librong nasa lamesa. 

Statistics, Accounting, teka, lugi ako sa math! "Cough," I fake my coughed, "I, ahm, hindi ko forte ang math but I know someone will."

Nanliwanag ang mga mata nito sa sinabi ko kahit na hindi ako ang magtuturo dito. Binigay ko ang number ng isa sa dating tauhan sa shop, "That's Amelia, she helped me with math before too kahit na mas bata sa'kin 'yan. Just tell her about me and the shop, I hope she'll accept"

"She might be also graduating this year," I added.

Tumango-tango ito, "Yes, I'll do my best to persuade her!"

Kinuha ko naman ang isa pa, Governance and Law Obligation... Napapa facepalm na lang ako dahil mahina ako sa history! "I'm sorry to disappoint you but I only memorize this for three days for the exams and they all vanished from my brain after."

Nalumbaba si Neru na para bang kuting naliligaw ang ina. Kaya napabuntong-huminga na lang ako, "I--" bago ko pa makapag-sorry ay biglang may sumingit na babae.

"I-I'm sorry to interrupt but..." Naka uniporme ng Trix Coffee Shop ang babaeng sumingit sa usapan, "I-I major in history... I can probably help you with it..." 

Neru brightened up but I saw the blush from the girl's face instead. I smiled. Well, at least he will be fine. 

I know this girl.

Even in my first life...

 ~

KL •Book One• RMT:SMH

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status