Share

KABANATA SIYAM: Vault 7174

YEAR 2020

KARRIE’S POV

“Madam, master ordered us to make sure you have good rest today. Should I call maids to help you? It seems you need more water?"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ng butler at napalingon agad sa kanya... "Ka--kakainom ko lang ng tubig, thank you." Ngumiti na ako at bumalik sa kwarto, hindi ko na nilingon ang butler na hindi umalis sa pwesto nito. 

Pagpasok ko sa kwarto ay ni lock ko na agad ang pinto bago ako nakahinga ng mabuti, "Whew..."

I'm not allowed there...

Hindi ko alam kung bakit pero nung first life ko, dahil sa curiosity ko, may nakita akong hindi dapat sa basement.

Kagaya rin ngayon, although different time, may narinig din ako sa basement... at sinundan iyon...

Hindi ko inaasahan na makakakita ako ng nilalang sa basement ni Aljur... Mahaba buhok pero hindi ko makita ng maayos dahil nahuli rin ako ng butler. 

Biglang nagsitaasan mga balahibo ko nang maalala 'yon. Ikinulong ako ng butler sa kwarto dahil grounded ako ng isang linggo! Ni wifi wala!

“Argh, my precious drafts that time went missing too…” I shivered, nakakulong na ako no’n, wala pang wifi, wala pa akong laptop pang sulat! 

It was supposed to be one month grounded pero naging one week lang. Sobrang galit at hindi mapakali no’n si Aljur at hindi ko alam kung bakit. Hindi na ako sumali sa sakit ng ulo niya. 

“Sigh…” Huminga na lang ako ng malalim at hindi na inintindi ‘yon. Mag-iingat na lang ako at huwag ng makialam sa kung ano man ang meron sa basement na ‘yon. Mayaman si Aljur, kung may kababalaghan man siyang ginagawa sa basement, sa kanya na ‘yon, hindi na ako magtataka. 

Atsaka, isang taon lang naman kaming magsasama, kaya kahit isang dozena pa ang itago niya sa basement, as long na hindi ‘yon makakaapekto sa’kin, hindi ako mangingialam. 

Lumakad na ako sa may lamesa at umupo sa couch, kinuha ko ang bag ko sa gilid at kinuha ang laptop sa loob. In-on ko ang wifi pouch ko at nagsimula ng mag email sa editor. 

"Good morning, I agree on one condition regarding the fan service meet and greet event invitation. I'd want to suggest that I wear a mask during the event in order to keep my personal life private while interacting with my followers. I'd like to begin progressively exposing myself to the public, thus I'm requesting this as a start. Thank you for your patience, and have a blessed Sunday! ”

Pagkatapos ko mag email sa editor ay in-off ko na ang laptop at wifi ko. Hindi na ako umasa pa sa wifi nila Aljur, nakakatakot may hacker. Probably sa security nila pero nope. Ayoko… 

Asawa ko siya pero hindi ko dapat siya pagkakatiwalaan ng buo. At hindi dapat ako aasa sa kanya. Dahil ako lang naman talaga ang makakatulong sa sarili ko pagdating ng panahon. 

Bumalik na ako sa higaan ko at nagpahinga. Sunday ngayon, walang magrerespond sa email ko, sarado ang bangko at higit sa lahat, masama pa pakiramdam ko. Kailangan ko muna magpalakas para bukas, makakapagsimula na ako. 

Sa araw na ‘toh, natulog lang ako ng natulog at gigising lang para kumain. Hindi rin ako makainom ng gamot dahil na-trauma ako sa mga drug medicines, kahit tableta ayaw kong tingnan. 

Nagpapaalala lang ‘toh sa’kin ng sinapit ko sa kulungan. Kaya hinayaan ko na lang ang katawan ko magpagaling ng kusa at itunulog ang lahat. 

Natapos ang araw ng hindi rin umuwi si Aljur. Pinaliwanag ng butler kung bakit pero inaantok ako nung nagsabi ito kaya hindi ko na maalala kung bakit. Well, knowing Tita Maja, anong bago? Atsaka, wala rin naman akong pakialam kung saan uuwi si Aljur, matanda na siya, kaya na niya sarili niya.

Kinabukasan, gumising ako ng maganda pa rin ako. Feeling single kasi walang katabi. Maaliwalas ang panahon at masarap ang breakfast dahil pwede ako magpaluto ng calamares for breakfast, wala naman si Aljur at ako lang naman kakain mag-isa. 

Pagkatapos ko magpaluto ay naligo na ako. Kinuha ko ang mga kontrata na nahablot ko sa bahay nila papa nung isang gabi at inilagay iyon sa bagong bag na kasama sa package as Aljur’s wife~ 

Lahat ng gamit pa na importante sa bag na luma ko kagaya ng I. D. card ko ay itinago ko at ang iba ay inilipat sa ibang bag. Saka ko ipinabigay ang lumang bag sa butler, siya na ang bahala kung itatapon ba niya o hindi.

Nahawakan na nila Tita Sharon ang bag na ‘yon, nahawaan na ng mga hipong germs kaya ayaw ko na doon. 

When everything is set, bumaba na ako kasama ang bagong bag ko at umupo sa hapag-kainan. Habang sini-serve sa’kin ang pagkain ay hindi ko maiwasang mapangiti. Feeling ko prinsesa ako at walang mga demonyo ang nang-iisturbo sa magandang umaga ko. 

Pagkatapos ko kumain ay umalis na agad ako ng bahay. Habang nasa biyahe ay tinawagan ako ni Aljur, “Heyy, Kitten, did you enjoy your breakfast?”

“Oh, yes, I felt like a queen.” Sagot ko.

“I apologized for not coming home last night kahit man lang makatawag---” Bago pa magpaliwanag si Aljur nang husto ay pinigilan ko na siya.

“It’s alright, wolfie, things happened. I had a great rest yesterday too.” I shrugged, “Win-win~”

“Well, I’m glad you did. I’ll try to come back home tonight, will tell you later okay?” 

Tumango na ako at nagpaalam. Umuwi man siya o hindi, ano ngayon?

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bangko. Bumaba na ako ng kotse at pumasok. Plano ko itago lahat ng importanteng gamit ko sa bank box. 

Inassist naman ako ng isang manager para makapunta sa vault nila downstair. Iniwan na niya ako at nag-hintay sa labas ng makarating kami sa vault. Kinuha ko ang susi ko sa necklace kong nakatago sa loob ng damit ko at binuksan ang Vault 7174.

This vault is under my name. At ang laman nito ay mga alahas ko at abubut. Sa pinaka-itaas ay nakatago ang isa pang susi. This vault box is just a trap for anyone who finds the key from me. Kinuha ko ang susi at binuksan ang isa pang vault box, Vault 1206. This vault is under my alias name, Karrie Kare. Fortunately this international bank can have one or more alias name. For secrecy. 

Pagbukas ko ng box, walang laman ito kundi papel na nakasulat—SIKE~! Kinuha ko ang papel na iyon at ang isa pang metal board na kasingkulay ng box sa ilalim. Doon may isa pang susi na nakatago. 

Kinuha ko ang susi na iyon at binuksan ulit ang isa pang box. Vault 1919. Ito talaga ang totoo kong vault box. Naging paranoid ako dahil kina Tita Sharon at Shaina over the years. Kaya ng magkapera ako ay pinag-ipunan ko ng husto ang apat na vault na may iba-ibang pangalan sa takot. Sa vault na ‘toh, nandito lahat ng mga importanteng papeles ko. At dito ko rin ilalagay ang iba pang magiging importante sa’kin kagaya ng mga kontrata ng mga ari-arian ko.

Iniligay ko na ang maliit na pen na galing kay mama sa loob ng box. Itong pen na ito ang gagamitin nilang ebidensya pang-frame up sa’kin in the future. This is so important to me kaya hindi ko hahayaan na mawala ‘toh sa’kin para lang masatisfy ang mga taong gustong manakit sa’kin. 

Iniligay ko na rin sa loob ang mga kontrata na nakuha. The contracts that my mother gave to me, under my name bago siya pumanaw. Kasama na rin ang kontrata sa bahay nila papa na ubder my mother's name.

Pagkatapos ko itago ang mga ito, isa-isa ko nang binalik ang mga susi at isinara ang mga vaults. Hanggang sa susi ng vault 7174 ang naiwan sa’kin at isinuot ulit ito sa kwentas. 

“There, satisfied.” Ngumiti ako ng husto, kampante na ang pakiramdam ko.

Pero nawala ang ngiti ko nang pag alis ko ng vault ay nakita ko ang 20 missed calls ni papa. Napa-kunot noo ako.

“Ano na naman ba gusto nito? Masyadong clingy.” I clicked my tongue.

 ~

KL •Book One• RMT:SMH

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status