CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL

CONTRACT WIFE OF MY COMPANY'S GREATEST RIVAL

last updateLast Updated : 2026-05-09
By:  authorj_Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
11Chapters
12views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Upang makuha ang kontrata na magsisilbing sandata ng kanyang kumpanya, handa siyang isakripisyo ang lahat at pakasalan ang lalaking matagal na niyang gustong pabagsakin. Nagkasundo sila sa mahigpit na kasunduan, at iyon ay ang kasal sa papel lamang, magkahiwalay na buhay, at walang damdaming masasangkot. Ngunit habang tumatagal, nagiging mas malalim ang kanilang samahan, at unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng negosyo at pag-ibig. Ang naging estratehiya lamang ay nauwi sa isang laban na hindi nila inaasahan ang laban para sa kanilang mga puso. Sa mundong kahinaan ang pagtitiwala at delikado ang umibig, kaya bang maging magkasama habambuhay ang dating magkaribal?

View More

Chapter 1

Kabanata 1: Ang Huling Hirit

“This meeting is adjourned. We are sorry, Ms. Mercado, but we cannot take the risk.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong pagkatao ni Zabeth Mercado nang banggitin iyon ng Chairman ng Board of Investors. Ang mga salitang iyon ay ang hatol na ikababagsak ng kumpanyang na ipinundar ng kanyang ama ng mahabang panahon at alam niya na dugo't pawis ang inilaan ng kaniyang ama upang maitaguyod at makilala ang kanilang kumpanya.

Habang siya ay nakatayo sa harap ng mahabang mesa, at hawak ang folder na naglalaman ng pinakahuling proposal nila. Sa loob ng dalawang oras, ibinigay niya lahat ang kanyang galing, talino, at ang huling baraha na natitira sa kanya. Ngunit kahit binuhos niya lahat ng kaniyang galing at anong gawin niya, ay tila manhid ang mga taong nakaharap sa kanya.

“With all due respect, Sir,” pagsagot niya, habang pinipigilan niya ang panginginig ng kaniyang boses. Nanatiling tuwid ang kanyang tindig, matigas ang ekspresyon ng mukha. “Ipinakita ko sa inyo ang projections. Stable ang numbers. Kailangan lang namin ng capital para masimulan ang project. Kapag nakuha namin ito, hindi lang kami ang aangat, pati ang inyong investment ay dodoble sa loob ng isang taon paliwanag niya sa mga ito.”

Ngumisi nang mapang-uyam ang isa sa mga investors. “Numbers can be manipulated, Zabeth. Ang hinahanap namin ay stability. At ngayon, ang tingin namin sa Mercado Inc. ay isang liability, hindi asset.”

Napakuyom ang kanyang mga kamao sa ilalim ng mesa. Gusto niyang sigawan sila, ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Gusto niyang sabihin na hindi lang ito basta negosyo, ito ang pamana ng kanyang ama. Pero alam niyang walang mangyayari sa emosyon. Sa mundo ng negosyo, kahinaan ang pagpapakita ng damdamin.

“Kung hindi kami bibigyan ng chance, malulugi ang kumpanya,” at marami sa aming mga empleyado ang nawawalan ng trabaho paano nalang ang kani-kanilang pamilya,diretsahan niyang sabi. “Alam ninyong maraming empleyado ang umaasa ng trabaho sa kumpanya kapag nangyari iyon paano nalang sila.”

“Business is business, Zabeth,” malamig na sagot ng Chairman. “Kung hindi kayo makakabangon, may iba na handang pumalit at gawin ang trabaho nang mas maayos, handang tugunan ang lahat ng pagkukulang ng kumpanya niyo.”

At doon na tuluyang gumuho ang pag-asa niya, Na parang nawala lahat ng pinaghirapan ng kaniyang ama upang maitaguyod ang kanilang kumpanya.

“Sino?” tanong niya, bagama’t alam na niya ang sagot, Sa kaniyang tanong.

Ang Chairman ay tumingin sa kanya nang seryoso. “Ang kontrata ay iginawad na sa Sanchez Group.” Isa sa kalabang kompanya nila.

Parang tinamaan ng kidlat si Zabeth. Sanchez Group. Ang kumpanyang pinamumunuan ng lalaking kinamumuhian niya sa buong mundo. Si Claudio Sanchez. Ang taong hindi niya mapatawad dahil sa paniniwalang siya ang dahilan kung bakit dahan-dahang bumabagsak ang negosyo nila at Isa sa kompanyang nagpalubog ng pinundar ng kaniyang ama.

“Kayo… ibibigay niyo ito sa kanila?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Kahit alam niyong mas maganda ang quality ng serbisyo namin?”

“Dahil mas malakas sila. Mas may tiwala ang merkado sa kanila,” simpleng sagot nito. “At higit sa lahat… may image sila. Solid. Walang kina-kalawang. Samantalang kayo…” Hindi na tinapos ang sasabihin nito, pero sapat na ang tingin nito para maintindihan ni Zabeth ang gusto ipahiwatig sakaniya.

Dahan-dahang isinara ni Zabeth ang kanyang folder. Walang saysay pang makipagtalo. Kapag tapos na ang desisyon, tapos na.

Tumango siya, puno ng dignidad kahit durog na durog na ang loob niya. “Salamat sa oras ninyo, mga ginoo.”

Humarap siya at lumabas ng conference room nang hindi lumilingon. Naririnig pa niya ang bulungan sa likuran niya, pero hindi niya iyon pinansin at umalis ng may dignidad sa sarili. Diretso ang lakad niya papunta sa elevator, hanggang sa makarating siya sa kanyang opisina.

Pagpasok niya, isinara niya ang pinto at padabog na ibinagsak ang folder sa mesa. Sa wakas, nang wala nang nakatingin, hinayaan niyang bumagsak ang kanyang balikat. Napahiga siya sa kanyang swivel chair at tumitig sa kisame na tila ay nag isip ng malalim.

Natalo na naman ako, Pa. bulong niya sa isip. Ginawa ko na ang lahat. Pero parang ang hirap-hirap talagang makipagsabayan.

Alam niyang hindi lang ito simpleng pagkatalo. Kapag lumabas ang balitang nawala ang major contract na ito, babagsak ang stocks ng kumpanya. Maghihinala ang mga partners, at sa loob ng ilang buwan, posibleng tuluyan nang magsara ang Mercado Inc. Paano nalang ang lahat ng sakripisyo at hirap para maitaguyod ang kumpanya.

Tumayo siya at lumapit sa malaking salamin sa dingding. Tinitigan niya ang repleksyon niya. Babae siya, bata pa, at marami ang nakatingin sa kanya na parang hindi siya karapat-dapat na humawak ng malaking negosyo. Pinatunayan lang ngayon na tama ang hinala nila.

Pero hindi pwedeng ganito na lang, Dapat may gawin ako.

Hindi siya pinalaking susuko lang. Ang ama niya ay naghirap para maitayo iyon, at hindi niya hahayaang mawala lang ito dahil lang sa mas malakas ang kalaban.

Kailangan niya ng plano. Kailangan niya ng paraan para makuha ulit ang tiwala ng mga investors. Kailangan niya ng stability gaya ng sinabi nila. Isang imahe na hindi matitinag.

Biglang pumasok sa isip niya ang pangalan ni Claudio Sanchez. Ang taong may hawak ngayon ng lahat ng gusto niya. Ang taong matagal na niyang sinusubukang talunin, pero sa tuwing lumalaban siya, parang lalo lang siyang nauunahan nito.

Isang nakakabaliw na ideya ang pumasok sa isip niya. Isang ideya na sobrang delikado, sobrang kabaliwan, at labag sa lahat ng prinsipyo niya. Pero sa oras na ito, wala na siyang choice.

Kung hindi siya makikipagsabayan, lalamunin siya ng sistema.

Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang sekretarya.

“Ms. Mercado?”

“Ikansel mo lahat ng schedule ko para sa natitirang bahagi ng araw, meron tayo mahalagang lalakarin” utos niya, na may matigas na boses.

“Po? Eh may meeting pa po tayo sa ibang investors”

“Wala akong pakialam. Ikansel mo lahat,” putol niya. Tumingin siya sa labas ng bintana, kung saan makikita ang pinakamataas na gusali sa siyudad ang Sanchez Tower. Ang teritoryo ng kaniyang kaaway.

“At isa pa,” dagdag niya, habang unti-unting namumuo ang determinasyon sa kanyang mga mata.

“Maghanda ka. Pupunta tayo sa lugar ng mga kalaban sa negosyo.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status