Share

Chapter 6

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-23 03:22:49

Luna's POV

Nasa labas kami ng ospital at malamig ang simoy ng hangin, pero parang nagbabaga ang paligid dahil sa nag-aapoy na galit sa mga mata ni Alexus.

“Alexus, hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari,” mahinahon kong sabi, kahit na nanginginig na ang boses ko. “Nasaktan ka, alam ko. Pero hindi ibig sabihin—”

“‘Hindi ko ginusto?’” Mabilis niyang putol sa akin, ang boses niya halos sumigaw. “Ang dali namang sabihin, Luna! Pero anong nangyari sa akin? Anong nangyari sa atin? Niloko mo ako! Niloko mo ako habang nasa ibang bansa ako! I tried to reach you out kahit niloko mo ako. Pero anong ginawa mo? You blocked me. Para akong gago na naghintay, nagtanong, nagmakaawa na bumalik ka, pero wala! Wala akong nakuha kung ‘di katahimikan!”

Halos hindi ako makatingin sa kanya. Alam kong totoo ang bawat salita niya. Alam kong may karapatan siyang magalit, pero hindi ko rin kayang sabihin ang totoo. Hindi dito, hindi ngayon.

“Alexus, hindi mo naiintindihan—”

“Hindi naiintindihan ang alin? Ang ginawa mong panloloko sa akin?” Tumawa siya nang mapait, halos baliw. “Sabihin mo sa akin, Luna, anong dapat kong intindihin? Na bigla ka na lang naghanap ng iba? Na niloko mo ako dahil hindi ka marunong makuntento? Na habang sinusubukan kong buuin ang sarili ko, ikaw, nasaan ka? Masaya? Komportable? Tahimik na parang walang nangyari?”

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, at kahit gusto kong kumawala, hindi ko magawa. Ang lakas niya, at masyado siyang puno ng galit para pakawalan ako nang basta-basta.

“Alam mo ba kung gaano ko kinamumuhian ang bawat araw na hindi kita kasama? Kung paano ko sinumpa ang pangalan mo sa tuwing gigising ako nang mag-isa? Luna, wala kang ideya kung anong impyerno ang pinagdaanan ko dahil sa’yo.”

“Alexus, tama na—”

“Hindi pa ito tapos!” sigaw niya, at ramdam ko ang init ng hininga niya sa mukha ko. “Hindi ito matatapos hanggang hindi mo nararanasan ang sakit na pinadama mo sa akin. Pangako ko sa ‘yo, Luna, babalik lahat sa ‘yo nang higit pa sa ginawa mo sa akin.”

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi dahil natatakot ako, pero dahil alam kong totoo ang lahat ng sinasabi niya. Alam kong may karapatan siyang magalit, pero paano ko ipapaliwanag ang mga dahilan ko kung ni ako hindi matanggap ang sarili kong mga desisyon?

Tumalikod si Alexus pagkatapos ng mga huling salita niya, iniwan akong nakatayo, nanginginig, at basang-basa ng ulan na biglang bumuhos. Nakatitig lang ako sa papalayong likod niya, hinihintay kung kailan ko siya muling makakaharap—kung kailan matatapos ang kwento naming puno ng sakit, galit, at mga bagay na hindi masabi.

Paglingon ko kay Bella, nakadungaw na ang ulo niya bintana. Bumuntong-hininga ako. Siguro ay narinig niya ang pinag-uusapan namin. Hanggang ngayon, wala akong balak sabihin sa kaniya kung sino talaga ang totoong niyang ama. Mas mabuti na ang ganito kesa maging masaya sa piling ni Alexus tapos biglang darating ang araw na malalaman niya ang totoong dahilan sa pakikipaghiwalay ko sa kaniya noon. Ayaw kong madamay si Bell sa away naming dalawa ni Alexus.

***

Pagkarating namin sa apartment, ramdam ko ang bigat ng pagod, hindi lamang sa katawan lung ‘di lalo na sa puso. Buong biyahe pauwi ay tahimik lang ako, pilit na binabalewala ang sakit ng mga salitang binitiwan ni Alexus kanina. Ngunit paano ko ba iyon maitataboy? Ang bawat galit niyang pagtitig sa akin ay parang pako na bumabaon sa dibdib ko.

“Mommy, bakit po malungkot ang mukha ninyo?” tanong ni Bella habang bitbit ko siya palabas ng sasakyan.

Ang inosente niyang boses ay parang munting sinag ng liwanag sa kabila ng dilim na bumabalot sa akin. Pinilit kong ngumiti kahit mabigat ang pakiramdam ko.

“Hindi ako malungkot, anak. Napagod lang si Mommy,” sagot ko habang hinaplos ang pisngi niya. “Sige na, halika na, pumasok na tayo.”

Bitbit ko siya paakyat sa kwarto niya habang ang yaya niya ay tahimik na sumunod sa likuran namin, dala ang ilang gamit ni Bella. Nang makarating kami sa kwarto niya, inihiga ko siya sa kama at hinaplos ang buhok niyang kulot na tulad ng sa akin. Kinuha ko ang paborito niyang kwento mula sa shelf at umupo sa gilid ng kama niya.

“Anong gusto mong basahin ni Mommy?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang boses ko.

Alam kong nararamdaman niya ang bigat ng iniinda ko. Kahit bata pa siya, sensitibo si Bella sa nararamdaman ko. Palagi niyang tinatanong kung okay lang ako, at palagi kong sinasabi na okay lang. Pero alam kong hindi ko siya naloloko.

“Ito, Mommy,” sagot niya, sabay turo sa libro ng mga engkantada.

Binuksan ko iyon at sinimulan kong basahin ang kwento, pilit na pinatatamis ang boses ko para aliwin siya. Habang binabasa ko ang kwento ng prinsesang naghahanap ng mahiwagang bulaklak, unti-unting nagiging mabagal ang paghinga ni Bella. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog, mahimbing, tahimik, parang isang anghel.

Inilapag ko ang libro sa bedside table at pinagmasdan siya. Napakaganda ng anak ko. Ang bawat linya ng kanyang mukha ay parang paalala ng lahat ng magaganda at masakit na alaala. Pinunasan ko ang pawis sa noo niya at marahang hinaplos ang pisngi niya. Sa murang edad niya, wala siyang kaalam-alam sa bigat ng mundo, sa mga lihim na hindi ko masabi, sa mga sugat na hindi maghilom-hilom.

Pero paano kung dumating ang araw na malaman niya ang totoo? Paano kung malaman niyang ang ama niya… si Alexus?

Mabilis akong napapikit, pilit na pinipigilan ang pag-agos ng luha ko. “I’m so sorry, Bella,” bulong ko sa sarili ko. “Patawad kung hindi mo makasama ang ama mo. Patawad kung nagkulang ako. Patawad kung kinailangan kong itago ang totoo.”

Ilang taon ko nang tinatakasan ang katotohanan. Ngayon, iniisip ko kung tama ba ang naging desisyon ko. Tama bang itinago ko si Bella? Tama bang kinuha ko ang karapatan niya bilang ama? Pero paano ko haharapin si Alexus at sasabihin sa kanya ang tungkol kay Bella kung hanggang ngayon nakabalot pa rin ng matinding pagkamuhi ang kaniyang katawan? Paano ko sasabihin sa kanya na ang dahilan kung bakit ko siya iniwan noon ay dahil pinangunahan ako ng takot nang malamang si Papa ang dahilan sa paglamang kaniyang ama?

Hinaplos ko ulit ang pisngi ni Bella. Napakainosente niya, walang alam sa gulo ng mundong ito. Ginagawa ko ang lahat para protektahan siya, pero alam kong darating ang araw na hindi ko na maitago ang katotohanan. At ang araw na iyon ang pinakanatatakot akong harapin.

Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang kumot niya, pagkatapos ay hinalikan ko siya sa noo. “Mahal na mahal kita, anak,” bulong ko bago ako lumabas ng kwarto, dala ang bigat ng sikretong unti-unti nang nagbabanta na sumabog.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
iyak ka lang hahaha
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
sorry po hahaha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Author's Note

    Hello! Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. May ilang readers dito na galing pa talaga sa The Billionaire's Substitute Bride. Ang kwento sa Lola at Lolo ni Bella. Maraming salamat po sa pagsama sa akin kahit sobrang gulo na. Ganiyan talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin ay nasusunod. Ang buhay ng tao ay magulo. Hindi lahat ng love story ay nagtatapos sa masaya. Kaya mahalin natin ang ating mga mahal sa buhay habang nandiyan pa sila. Huwag natin sasayangin ang bawat segundong iparamdam kung gaano natin sila kamahal. Dahil hindi natin kayang i-predict ang ating kapalaran. Hindi natin malalaman kung kailan sila kukunin sa atin. My ongoing Stories: 1. The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG) - Special Chapters na lang kulang nito. 2. Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG) - Malapit na matapos. 3. The Cold Billionaire's Forbidden Maid - Malapit na matapos. 4. Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back 5. Dumped and Decei

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - WAKAS

    Nakatitig lamang si Bella sa mga larawan ni Brent na naka-display sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Mga huling kuha nila iyon bago tuluyang mawala sa kanya—mga larawang laging pinagmamasdan niya tuwing gabi at umaga, para bang doon na lang siya kumukuha ng lakas para mabuhay pa. Today was his first death anniversary. At the same time, iyon din ang kanilang second wedding anniversary. Dalawang okasyong magkasalungat—isa para sa paggunita sa buhay na minsang pinuno ng pagmamahalan, at isa para sa pagkawala na sumira sa lahat ng meron siya. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko, habang marahan niyang hinahaplos ang frame ng litrato gamit ang dulo ng mga daliri. “Brent…” mahinang tawag niya, halos hindi lumalabas sa bibig. Para bang umaasa siyang may sumagot mula sa kawalan. “Happy second wedding anniversary… and… your first death anniversary.” Napahinto siya, pilit nilulunok ang namumuong luha. “Miss na miss na kita.” Sumandal siya sa headboard, pinipilit ngumiti kahit ra

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 60

    Bella’s POVNagising ako nang marinig ang iyakan ng pamilya ko sa labas ng kwarto. Mabigat ang dibdib ko habang bumangon. Nagkusot ako ng mata at agad na nagtungo sa silid ni Brent.Pagbukas ko ng pinto, halos mapaluhod ako nang makita ang flatline sa monitor.“Brent?!” halos pasigaw kong tawag. Mabilis akong lumapit, nanginginig ang mga kamay.May doktor at dalawang nurse na nagmamadaling sinusubukan siyang i-revive. “Clear!” sigaw ng doktor bago pinindot muli ang defibrillator.Pero walang pagbabago.“Please, gawin niyo pa! Don’t stop!” sigaw ko habang pinipilit lumapit sa kama niya.“Ma’am, we’re trying our best…” sagot ng doktor na halatang mabigat din ang loob.“No! You’re not trying hard enough! Please, one more! Isa pa!” halos pakiusap at utos na ang tono ko.Nagtinginan ang mga nurse pero sumunod pa rin. Isa pang shock. Wala pa rin.“Brent! Gumising ka, please!” Pilit ko siyang ginigising, hinahawakan ko ang malamig niyang kamay. “This isn’t funny! You promised me… you promise

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 59

    Bella’s POVHuminto ako sa trabaho bilang doktor sa sarili naming ospital. Wala na akong ibang iniisip kundi si Brent. Gusto kong mag-focus sa pag-aalaga sa kaniya lalo na’t habang tumatagal ay mas lalo siyang nanghihina.Araw-araw akong umiiyak at walang sawang nagdarasal na sana magkaroon ng himala—na gumaling si Brent. Pero kahit anong pakiusap ko sa Diyos, parang walang nangyayari. Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang ma-diagnose siya.Nagsimula na rin ang treatment niya, pero halata sa katawan niya ang pagkapagod. Lumalalim ang mga mata niya, at madalas ay wala na siyang ganang kumain.Hindi ko mapigilang mapaiyak habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog sa kama namin. Nakaupo lang ako sa gilid, hawak ang kamay niya. Palagi ko siyang kinukwentuhan kahit tulog siya—kung paano kami unang nagkita sa ospital, kung paano siya palaging makulit sa akin noon hanggang sa napapayag niya akong lumabas kasama siya, at kung paano niya ako tinanong kung gusto ko nang maging asawa

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 58

    Brent’s POVNapahawak ako sa sentido ko nang muling maramdaman ang matinding kirot. Para bang kumikirot mula sa loob at kumakalat pababa sa leeg ko. Napapikit ako at dahan-dahang huminga, pero wala ring bisa. Ilang beses ko nang nararanasan ito sa loob ng limang buwan. Minsan kaya ko pa, pero nitong huli, parang mas lumalala.Kanina lang, halos hindi ako makakain ng maayos. Tuwing umaga, sumasabay sa sakit ng ulo ang pagsusuka. Minsan kahit wala namang dahilan, naiirita ako—lalo na kapag paulit-ulit akong tinatanong ni Bella kung ayos lang ba ako. Hindi niya alam na may tinatago akong iniindang sakit.Mag-iisang taon na ang kasal namin. Sa lahat ng panahong iyon, naging maayos naman kami. Pero sa kabila ng mga tawa, plano, at pangarap, tinatago ko sa kanya ang totoo. Ayokong mag-alala siya. Ayokong makita sa mga mata niya ang takot.Kaya ngayon, mag-isa akong pumunta sa ospital para magpa-check up. Pagkatapos ng ilang tests, nakaupo ako sa labas ng laboratory habang hinihintay ang res

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 57

    Belle's POV Maingay pa ring humahagibis ang ulan sa bintana, pero sa loob ng bahay ay parang lumilipas ang oras sa mabagal, marangyang tik-tak — tila sariling sinasanto ng silid ang pinaghalong init at amoy ng kape, balat, at bagong-lutong pancakes. Ilang minuto na ang nakalipas buhat nang tinangka kong “asarin” si Brent sa kusina: unang hakbang, hawakan; pangalawa, lumuhod; pangatlo, pasukin ang isang teritoryong akala ko ay nakalaan lang sa kanya. Ang resulta — kami ngayon ay magkayakap sa ibabaw ng malamig na granite island, waring walang halaga kung basa pa ng katas ang mga daliri ko at kung magulo ang buhok niya. Humihinga kami nang malalim, sinasaliksik ang katahimikan na ninakaw namin mula sa mapusok na umaga. Ang mga palad niya ay nakasilid sa tagiliran ko, gumuguhit ng banayad na kurba na para bang koreograpya ng isang klasikong ballet. Sa bawat paghinga, bumabangga ang dibdib niya sa dibdib ko, at nakararamdam ako ng kuryenteng hindi ko pa rin matukoy kung saan nanggagaling

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status