Luna’s POV
Huminga ako nang malalim bago pihitin ang seradura ng pintuan. Pakiramdam ko, bawat hakbang ko papasok sa silid ng ospital ay may nakapatong na mabigat na timbang. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto, ang malamig na hangin mula sa aircon ang unang bumati sa akin, kasunod ang tunog ng makina na mino-monitor ang tibok ng puso ni Bella. Naroon siya, nakahiga sa puting kama, napapaligiran ng mga tubo at wire na nakakabit sa maliit niyang katawan. Napakaliit niya para sa kama, parang napaka-fragile. Pero kahit ganoon, mahimbing ang tulog niya. Parang wala siyang iniinda, habang ako, parang nagugunaw ang mundo. Dahan-dahan akong lumapit, ang mga paa ko ay parang tumitimbang ng tonelada. Naupo ako sa tabi ng kama niya, pinigilan ang panginginig ng mga kamay ko bago hinawakan ang kaniyang maliliit na daliri. “Bella…” bulong ko, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha, ang payapang ekspresyon niya na para bang sinasabi niyang okay lang ang lahat. Pero hindi okay. Paano magiging okay kung ang puso niya mismo ang may sakit? Napapikit ako, pilit na nilulunod ang mga takot ko sa dasal. “Anak, sorry kung hindi ko agad nalaman. Sorry kung hindi kita naalagaan nang mabuti. Pero ipapangako ko, gagawin ko ang lahat. Pagagalingin kita. Lalaban tayo.” Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko. Marahan kong pinahid ang mga iyon, ayaw kong makita niya akong umiiyak kung sakaling magising siya. Gusto kong makita niya ang nanay niyang malakas, kahit pakiramdam ko, parang bibigay na ako. Tiningnan ko ang makina na nagpapakita ng tibok ng puso ni Bella. Bawat beep ay parang kumpas ng oras na hindi ko kayang kontrolin. Pero habang naririnig ko iyon, pinapaalala rin nito sa akin na buhay siya, na may pag-asa pang mabuhay ng matagal si Bella. “Bella, kailangan mong lumaban, anak,” muli kong bulong. “Kasi narito si Mama. Hindi kita iiwan.” Pinisil ko ang kamay niya, mahigpit pero maingat, umaasang kahit sa pagtulog niya, nararamdaman niya ang pagmamahal ko. Wala na akong ibang iniisip ngayon kung ‘di ang pagalingin siya, kahit ano pa ang kailangan kong gawin. Siya ang mundo ko, at hindi ko hahayaang mawala siya sa akin. *** Nakaupo ako sa maliit na opisina ng doktor, mag-isa, habang hawak ang ballpen na ibinigay niya para sa mga kailangang isulat. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko, pero bawat salita niya ay parang bigat na dinadagdag sa mga balikat ko. “Ma’am Luisa Natasha Reid,” simulang sabi ng doktor, nakatingin sa akin mula sa kanyang papel. “Ang kondisyon ng anak mo ay nangangailangan ng masusing pag-aalaga. Narito ang mga dapat nating gawin at iwasan para matulungan ang puso niya.” Tumango ako, kahit ramdam kong bumibigat ang dibdib ko sa bawat salitang maririnig. “Una, kailangang maging maingat tayo sa kaniyang pagkain. Bawal ang sobrang alat, matatabang pagkain, at processed food. Kailangan natin ng diet na mababa sa sodium at cholesterol.” Nag-note ako sa papel, pilit na inaalala kung paano ko babaguhin ang buong kusina namin para masunod iyon. “Yes, Doc,” mahina kong sagot. “Pangalawa,” patuloy niya, “kailangan niyang magkaroon ng tamang pahinga. Iwasan natin ang sobrang pagod o mga aktibidad na maaaring magdulot ng stress sa kaniyang puso. Ang mga laro niya, dapat controlled at hindi masyadong pisikal.” Bumigat ang pakiramdam ko. Gustong-gusto ni Bella ang tumakbo sa park, maglaro ng tagu-taguan, o kaya ay magbisikleta. Paano ko ipapaliwanag sa kaniya na hindi niya magagawa ang mga bagay na ito? “Pangatlo,” dagdag niya, “dapat nating bantayan ang kaniyang timbang. Mas mainam kung magkakaroon tayo ng regular na check-up upang masubaybayan ang progreso niya. At kung sakaling makaramdam siya ng kahit anong sintomas—kahirapan sa paghinga, matinding pagkapagod, o pananakit ng dibdib—dapat agad tayong kumonsulta.” “Dok… kaya ko po bang gawin lahat ng ito mag-isa?” tanong ko, hindi na naitago ang panginginig sa boses ko. Alam kong kailangang malakas ako, pero parang hindi ko mapigilan ang kaba sa dami ng kailangang gawin. Palagi akong wala sa tabi niya at tanging si Yaya Ana lang ang kasama ni Bella dahil may trabaho ako. Ngumiti ang doktor, isang tipong ngiti na parang sinasabing naiintindihan niya ang nararamdaman ko. “Ma’am, naiintindihan ko na hindi ito magiging madali. Pero hindi ka nag-iisa. Nandito kami para tumulong. Kailangan lang nating maging consistent at masipag sa pagsunod sa mga hakbang na ito.” Tumango ako, kahit hindi ko alam kung sapat ba ang sagot kong iyon. “Panghuli,” dagdag niya, mas seryoso na ngayon, “paghandaan natin ang posibilidad ng operasyon. Hindi pa ito sigurado, pero kung lumala ang kondisyon niya, maaaring iyon ang pinakaangkop na solusyon.” Parang nag-echo ang salitang operasyon sa isip ko. Bigla akong nakaramdam ng takot, pero alam kong hindi ko dapat ipakita iyon. Para kay Bella, gagawin ko ang lahat, kahit ang pinakamasakit na desisyon. Pagkatapos ng usapan, kinuha ko ang papel na puno ng mga tagubilin at pinanghawakan ito nang mahigpit. Habang papalabas ako ng opisina, isang bagay lang ang sigurado sa puso ko—lalaban ako para sa anak ko, kahit gaano kahirap, kahit gaano kasakit. Siya ang buhay ko, at walang puwedeng tumibag doon. Lumiban ako sa trabaho at nanatili sa ospital ng ilang araw upang maalagaan ng mabuti si Bella. Mas importante pa rin siya kaysa sa trabaho ko lalo na ngayong alam kong may sakit siya. Kaya pala palagi siyang kinakapos sa paghinga dahil may problema sa puso niya. Palabas na kami sa ospital nang mapansin ang pamilyar na pigurang nakatayo sa labas ng parking lot. Binuhat ko si Bella nang mapagtantong si Alexus ang lalaking ‘yon, kasama niya ang kaniyang pamangkin na si Sevi. “Yaya Ana, pakibitbit na lang ang mga gamit ni Bella,” utos ko at nag-abang ng taxi. “Your daughter is sick.” Napakagat-labi ako nang marinig ang boses ni Alexus sa aking likuran. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at siniksik ang mukha ni Bella sa leeg ko. “Sinusundan mo ba kami?” pagtataray ko sa kaniya. “Hindi mo na problema kung may sakit ang anak ko.” “Kinarma ka sa pangloloko mo sa akin noon. ‘Yan ang napala mo sa pagiging malandi mo, Luna. Hindi ka kasi marunong makuntento. Gusto mong tikman lahat ng lalaki,” pang-iinsulto ni Alexus sa akin. “Mommy, let’s go home,” paos ang boses ni Bella. “Yes, baby. We’ll go home na.” Ibinigay ko si Bella kay Yaya Ana at hinarap si Alexus nang makapasok na sila sa loob ng kotse. “Wala kang pakialam, Alexus. Siguro nga ay kinarma ako sa ginawa ko noon. Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko kaya huwag mo akong iinsultohin sa harap ng anak ko!” Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. “Gagawin kong miserable ang buhay mo. Hindi ako titigil hangga’t hindi ka luluhod habang nagmamakaawa sa akin, Luna,” matigas niyang sabi at marahas na binitawan ang aking braso.Luna's POVNasa labas kami ng ospital at malamig ang simoy ng hangin, pero parang nagbabaga ang paligid dahil sa nag-aapoy na galit sa mga mata ni Alexus. “Alexus, hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari,” mahinahon kong sabi, kahit na nanginginig na ang boses ko. “Nasaktan ka, alam ko. Pero hindi ibig sabihin—” “‘Hindi ko ginusto?’” Mabilis niyang putol sa akin, ang boses niya halos sumigaw. “Ang dali namang sabihin, Luna! Pero anong nangyari sa akin? Anong nangyari sa atin? Niloko mo ako! Niloko mo ako habang nasa ibang bansa ako! I tried to reach you out kahit niloko mo ako. Pero anong ginawa mo? You blocked me. Para akong gago na naghintay, nagtanong, nagmakaawa na bumalik ka, pero wala! Wala akong nakuha kung ‘di katahimikan!” Halos hindi ako makatingin sa kanya. Alam kong totoo ang bawat salita niya. Alam kong may karapatan siyang magalit, pero hindi ko rin kayang sabihin ang totoo. Hindi dito, hindi ngayon. “Alexus, hindi mo naiintindihan—” “Hindi naiintindihan ang alin
Luna’s POV Muli akong bumalik sa trabaho bilang flight attendant matapos siguraduhin na maayos na ang pakiramdam ni Bella. Ilang linggo rin akong nag-leave para maalagaan siya nang mabuti. Hindi madali, pero sa tuwing tinitingnan ko ang maaliwalas niyang mukha, nararamdaman kong sulit lahat ng sakripisyo. Ngayong bumalik na ako sa trabaho, ramdam ko ang kakaibang saya. Habang naglalakad sa terminal suot ang uniporme ko, naramdaman kong muli ang saya ng pagiging bahagi ng mundong ito—ang saya ng paglipad, ang pakiramdam na para bang saglit mong nakakalimutan ang bigat ng buhay habang nasa taas ng ulap. Pagsakay ko sa eroplano, sinalubong ako ng mga kasamahan kong matagal ko nang hindi nakita. “Luna! Welcome back!” bati ng isa kong kasamahan, si Claire, sabay yakap sa akin. “Na-miss ko kayo,” sagot ko, sabay ngiti. Pakiramdam ko, nasa tamang lugar na ulit ako. Habang naghahanda kami para sa boarding, tiningnan ko ang sarili ko sa maliit na salamin na nakasabit sa galley. Ipinan
Luna’s POV Pagkatapos ng mahabang biyahe, halos hindi ko maayos ang paghinga ko. Pakiramdam ko, natapos ang flight na halos wala ako sa sarili ko. Ang bawat salitang binitiwan ni Alexus sa cockpit kanina ay paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko. “Mag-resign ka.” Ramdam ko pa rin ang malamig na bigat ng mga salita niya, parang direktang pinunit ang bawat piraso ng dignidad ko. Bakit ganoon ang trato niya sa akin? Oo, iniwan ko siya. Oo, nasaktan ko siya. Pero ganoon ba talaga ako kasama sa paningin niya para sabihin na hindi ako karapat-dapat sa trabahong ito? Hindi niya ba naiisip kung gaano kahirap para sa akin na bumangon pagkatapos ng lahat ng nangyari noon? Hindi niya ba naiintindihan na may mga dahilan akong hindi ko kayang ipaliwanag? Nang makarating kami sa Los Angeles, pakiramdam ko ay mas malayo ako sa sarili ko kaysa sa bansang kinaroroonan namin. Paglabas ko sa eroplano, nagmamadali akong naglakad papunta sa terminal, gustong makahanap ng tahimik na sulok para ma
Luna’s POV Pagkatapos ng masalimuot naming pag-uusap sa Los Angeles, nagpatuloy ang trabaho ko nang parang wala akong kinikimkim na emosyon. Isa itong pagtatangka na panatilihin ang propesyonalismo, pero sa loob ko, nagngangalit ang damdamin ko—halo-halo: lungkot, galit, at isang damdaming hindi ko kayang itanggi—ang tuwang nararamdaman ko tuwing nasa paligid si Alexus, kahit pa galit siya sa akin. Ang flight namin patungong Mexico ay puno ng mga pasaherong masigla, karamihan ay pawang mga turista na excited sa kanilang bakasyon. Ginawa ko ang lahat ng makakaya upang mag-focus sa trabaho. Ngumiti ako sa mga pasahero, nag-alok ng pagkain at inumin, at sumagot ng may maayos na tono. Ngunit sa bawat saglit na tahimik ako, ang presensya ni Alexus ay parang anino na bumabalot sa akin. Sa gitna ng flight, tumunog ang intercom. “This is your captain speaking. We are now cruising at 35,000 feet. Sit back, relax, and enjoy the flight to Mexico.” Ramdam ko ang pamilyar na lamig sa boses
Luna's POV Nakatayo si Alexus, ang mga mata niya ay diretso nakatingin sa akin, puno ng emosyon na hindi ko maipaliwanag. Ang malamig na hangin ay nagdala ng kakaibang tensyon sa pagitan namin. Napalunok ako at agad na ibinalik ang tingin sa dagat, pilit na hindi nagpapahalata na ang presensya niya ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko. “Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka sumabay sa mga kasama mo?” biglang tanong niya, basag ang katahimikan. Ang boses niya ay mas malumanay kaysa kanina, pero may halong diin na parang alam niya ang lahat ng iniisip ko. “Ang ganda ng view,” sagot ko, hindi nilingon ang mukha niya. “Kailangan ko lang bigyan ang oras kong magpahinga.” Narinig ko ang mabigat niyang hakbang habang papalapit siya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na lang na naupo siya sa batong katabi ko. Tumahimik siya, na para bang binibigyan niya ako ng pagkakataong magsalita, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Maya-maya, siya na ang nagsalita. “How’s your daughter?”
Luna’s POV “Hindi mo obligasyon si Bella. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa ’yo, Alexus. Masaya na ako sa buhay ko kasama ang aking anak. Sana ganoon ka rin. Kalimutan mo na ako at ang nakaraan natin,” mariin kong sabi habang pilit kong inilalayo ang puso ko mula sa alon ng emosyon na hatid niya. Ngumiti ako, pero ramdam ko ang panginginig ng labi ko. Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko mula sa kanya, ngunit sa pagbitaw ko ay tila may piraso ng puso kong naiwan sa kanya. Tahimik si Alexus, pero ang mga mata niya ay parang isang bagyong naglalaman ng galit, sakit, at pagkalito. Ilang segundo siyang hindi nagsalita, pero sa segundong iyon ay parang napakabagal ng oras. Ang pag-ihip ng hangin ay tila nanahimik, at ang ingay ng alon ay nawala sa likod ng damdaming bumalot sa pagitan namin. “Masaya ka?” aniya sa wakas, may halong panunuya sa kanyang boses. “’Yan ang gusto mong paniwalaan ko? Na masaya ka nang wala ako? Na masaya ka habang—” Tumigil siya, pero halata sa mukha
Luna's POV Magdamag akong nakatulala sa bintana ng hotel room ko sa Mexico. Ang liwanag ng buwan ay tumatama sa tubig sa labas, nagbibigay-liwanag sa madilim kong isipan. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga sinabi ni Alexus kanina. Ang sakit sa boses niya, ang tingin niyang puno ng galit at pagtataksil—lahat ng iyon ay parang pira-pirasong salamin na patuloy na bumabaon sa puso ko. “Sinubukan mo bang itago ito habambuhay?” Ang tanong niyang iyon ang paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko. Oo, sinubukan ko. Ginawa ko ang lahat para mapanatiling nakatago ang lihim na iyon, pero hindi ko aakalaing madadagdang problema dahil lang sa kasinungalingang sinabi ni Cara kay Alexus. Hindi ko maamin sa kaniya ang totoo dahil mas pinangunahan ako ng takot. Pero siguro ay tama rin ang ginawa ni Cara para tuluyan na akong layuan at kamuhian ni Alexus Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang susunod na araw. Alam kong hindi na magiging pareho ang lahat. Ngunit sa kabila ng sakit at ta
Luna’s POV Habang papalapit ang eroplano sa runway ng Manila International Airport, naramdaman ko ang panginginig sa aking dibdib. Hindi dahil sa excitement na makabalik sa bansa ko, kundi dahil sa lamig na bumabalot sa akin sa bawat sandali sa loob ng eroplano. Tanging ang tunog ng makina at ang mahinang sipa ng mga ulap sa ilalim ng mga pakpak ang naririnig ko. Kasama ko si Alexus sa flight na ito, ngunit sa mga mata ko, parang magkaibang mundo kami. Hindi ko kayang tingnan siya ngayon. Masakit pa ang mga alaala, at alam kong pareho kami ng nararamdaman. Ngunit hindi ko siya kayang patawarin nang basta-basta—lalo na dahil sa ginawa niya sa akin noon. Ang sakit na iniwan niya ay tila wala nang katapusan. “Huwag mo na akong lapitan, Luna,” malamig na boses ni Alexus ang bumangon mula sa aking mga alala. Hindi ko kailanman iniiwasan ang mga titig ni Alexus, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko kayang makita ang galit sa mata niya. “Hindi ko kailangan ang mga pangako mo. Hindi ko n
Bella's POV Nakangiti si Brent habang hawak ang cellphone, pero may bahagyang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. Nakaupo siya sa gilid ng kama at bagong paligo. Mukhang nagmamadali."Who's that?" tanong ko, kahit alam kong hindi na ako dapat magtanong.“It’s Claudia,” sagot niya, iwas ang tingin. “She’s in the hospital. She said she needs someone to pick her up. Walang ibang pwedeng sumundo.”Tumango ako, pinipilit ang sarili kong huwag mag-react. Pero may kung anong kumirot sa dibdib ko—‘yung parang kinukurot na hindi mo maipaliwanag kung bakit.“She asked you?”“I guess I’m the only one she can call,” sagot niya, at muling kinuha ang jacket niya.“I see,” mahinang sabi ko.“I won’t take long,” dagdag niya. “Promise.”Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya habang inaayos ang buhok niya sa salamin. Ilang hakbang pa ay palabas na siya ng kwarto, at naiwan akong nakatayo lang roon.Pero sa totoo lang, hindi ko mapigilan. Hindi ko kayang umupo lang dito at maghintay na bumalik
Bella's POV Tahimik ang buong bahay habang naglalagay ako ng mga hinugasan sa dish rack. Naririnig ko pa ang patak ng tubig mula sa gripo, at ang mahinang huni ng radyo sa background. Ilang araw na rin simula nang alagaan ko si Brent matapos siyang mawalan ng malay. Sa bawat araw na lumilipas, tila unti-unti rin niyang binubura ang distansyang matagal ko nang inilagay sa pagitan naming dalawa.Kaya’t nang marinig ko ang tunog ng telepono niya sa living room, hindi ko inakalang babasag iyon sa katahimikan ng araw naming dalawa.“Hello?” tanong niya, medyo groggy pa ang boses dahil kagigising lang.Napalingon ako mula sa kusina. Tahimik akong nanood habang unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Brent. Mula sa pagiging walang pakialam, naging alerto siya. Nanlisik ang mga mata, at nanigas ang mga balikat.“What happened? Where is she now?” sunod-sunod niyang tanong.Napapitlag ako sa tono ng boses niya—halatang may urgency. Parang may masamang nangyari.“I’ll be there in twenty
Bella's POV Tahimik kaming nakaupo sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sa kahabaan ng EDSA. Nasa passenger seat si Brent, nakahilig sa salamin, at tila ba sinasadyang magmukhang kaawa-awa. Wala pang limang minuto ang lumilipas, ay bigla siyang umubo, malakas, parang lalagnatin.Napalingon ako. “Are you okay?”“No,” aniya habang nakakunot ang noo. “I think I’m dying.”Napairap ako. “You’re not dying, Brent. You just fainted from drinking too much and not sleeping.”“But my head hurts, and I’m cold… and my chest feels heavy,” aniya pa, sabay buntong-hiningang para bang siya ay may taning na.Halos mapatawa ako. Kung hindi ko lang siya kilala, baka napa-praning na talaga ako. Pero malinaw ang intensyon niya—gusto lang niyang maalagaan.Pagdating namin sa bahay, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kinuha ko agad ang gamot na inireseta ng doktor at nagtimpla ng lugaw. Pagbalik ko sa kwarto niya, nakahiga na siya sa kama, may unan sa ilalim ng paa, at nakasiksik sa comforter na para bang g
Bella's POV Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa habang nakatitig ako sa lalaking ilang segundo lang ang nakalilipas ay mapusok akong hinalikan. Ramdam ko pa rin sa labi ko ang init ng labi niya, ang magkahalong alak at emosyon sa hininga niya. Hindi ko alam kung anong mas dapat kong maramdaman—galit ba? Pagkagulat? O… takot sa kung ano na ang nagiging lugar ni Brent sa puso ko. “I know I’ve been a mess,” bulong niya habang nananatili ang mukha niyang ilang pulgada lang ang layo sa akin. “But I’m trying, Bella. Even when I don’t know how.” Napakuyom ang mga palad ko. Ang tibok ng puso ko ay hindi na maipinta. Parang bigla akong nahulog sa isang bangin na wala akong ideya kung saan patutungo. “I like you,” dagdag pa niya, at sa mismong sandaling iyon ay nanikip ang dibdib ko. “I mean… I love you.” Parang sumabog ang isang kanyon sa utak ko. Sa gitna ng lamig ng hangin ay tila ako pinapawisan. Gusto kong magsalita. Gusto
Brent's POV Mabilis ang takbo ng sasakyan ko habang binabaybay ang madilim na kalsada ng Maynila. Halos wala akong pakialam kung lampas na ako sa speed limit o kung may mga matang sumusunod sa akin. Ang tanging gusto ko lang sa mga oras na ito—ay ang makalimot.Makalimot sa mga mata ni Bella na kahit wala siyang sinasabi, ay tila paulit-ulit akong sinusumpa sa katahimikan. Makalimot sa paraan ng pagtitig niya sa akin, na parang hindi niya ako kilala tuwing bumibitaw ako ng mga salitang pinangungunahan ng panibugho. At higit sa lahat, makalimot sa takot ko… na baka isang araw, magising na lang ako at wala na siya.Huminto ako sa tapat ng pamilyar na bar—isang lugar na dati kong pinupuntahan kapag kailangan kong takasan ang ingay ng mundo. Ironikal, hindi ba? Dumidiretso ako sa lugar na puno ng ingay para tumakas sa ingay sa loob ng sarili kong ulo.Pagpasok ko, sinalubong ako ng mahinang tugtog ng jazz at masangsang na halimuyak ng alak at sigarilyo. Ilang beses na akong nakaupo sa pa
Brent's POV Nang iwan ko si Bella sa ilalim ng punong iyon, inaasahan kong hahabol siya. Na tatawagin niya ang pangalan ko at yayakapin ako mula sa likod, gaya ng sa mga pelikula. Na papawiin niya ang lahat ng hinala’t pag-aalinlangan na bumabagabag sa puso ko sa isang sulyap, sa isang pag-amin na walang ibang lalaking iniisip ang puso niya kundi ako lang. Pero wala. Walang boses na tumawag sa pangalan ko. Walang mga yabag na humabol sa akin. Ang nakuha ko lang ay katahimikan. Malamig. Malalim. At mas nakakatakot pa kaysa sa anumang sagot na maaaring ibigay niya. Pagbalik ko sa silid ko, sinarado ko ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Pinikit ko ang mga mata. Pero kahit pa pumikit ako, ang mukha pa rin niya ang nasa isipan ko—ang ekspresyon ng pagkabigla, ng pagtataka, at ng kung anong hindi ko mabasa. At sa ilalim ng lahat ng iyon, ang hindi ko matanggap… ay ang katahimikang pilit niyang sinagot ang mga tanong ko. She could've denied it with more fire. She could've screa
Brent's POV Umaga na nang maalimpungatan ako. Napabalikwas ako ng bangon at dumiretso sa terrace ng villa. Natanaw ko mula roon ang tabing-dagat, kung saan unti-unti nang sumisilip ang araw sa likod ng mga ulap. Tahimik. Mapayapa. Pero hindi ako mapalagay. Sinulyapan ko ang phone ko. May isang mensahe mula sa investigator ko. "River Montemayor. Law graduate, UP Diliman. Cum laude. Currently employed at a mid-size law firm in BGC, but often freelances high-profile civil cases. Was in a relationship with a certain Dr. Bella Del Fuego during their third year. No criminal records. More to come." Napabuntong-hininga ako. So they were a thing... once. I shouldn’t be affected. I shouldn’t care. Pero ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ay hindi kayang itanggi ng kahit anong lohika. That man knew her long before I ever did. He had the privilege of knowing her when she was still young and untouched by the weight of expectations, before the burdens of medicine and legacy hardened her so
Brent's POV Mula sa kinauupuan ko, damang-dama ko ang bigat ng katahimikan na sumisingit sa pagitan namin ni Bella habang tahimik naming inuubos ang huling bahagi ng dessert. Ramdam ko ang malamlam na haplos ng hangin mula sa dagat, pero mas malamig ang pakiramdam ko sa mga sulyap ni River mula sa kabilang bahagi ng restaurant. Hindi iyon basta simpleng sulyap lang—iyon ‘yong uri ng tingin na may laman, na may alaala, na parang may tinatangkang balikan kahit matagal na itong lumipas. Hindi ko na kailangang tanungin pa si Bella kung napapansin din niya. Dahil sa bawat pagtikim niya ng pagkain, sa bawat pagkunot ng noo niya kapag nasasagi ng hangin ang buhok niya, alam kong aware siya. Hindi lang siya nagsasalita, pero hindi iyon nangangahulugang hindi niya nararamdaman. "He's still looking," bulong ko habang nagkunwaring abala sa pag-ayos ng table napkin. Napatingin siya sa akin, pero wala siyang sinabi. Matalim ang tingin niya sa kawalan, tila may iniisip na malalim. Ang daliri
Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c