UNBREEEYKABLE'S NOTE
Sa wakas! Naabutan mo na rin ang pinakadulo ng kabanatang ito at natapos mo na ring basahin ang buong kwento. Maraming maraming salamat po sa paglaan ng inyong oras, paglilikom ng bunos points para lamang mabuksan ang ibang kabanata ng RED ROSE at ang pag-iwan ng review. Nagaganahan akong i-update hanggang sa matapos dahil sa mga effort na ibinigay ninyo. Sana ay may napulot kayong mga aral mula sa kwento ko na ito at naisasaisip ninyo ang kahalagahan ng pagkakaibigan, pagiging maintindihin sa kapwa, pagiging mapagkumbaba, pagmamahal sa pamilya at iba pa. Sana ay hindi rin kayong magsawang suportahan ako dahil marami pa akong kwentong gagawin na aking ibabahagi sa GoodNovel. Muli, maraming, maraming salamat sa mga nagbabasa at sa hindi pagsasawang subaybayan ang updates ko :) Nawa'y ibahagi niyo rin sa kapwa mambabasa ang nobela kong ito upang mas marami pang makakapansin nito. Isa na rin iyang paraan upang matulungan ako sa aking mga pan
SA ILALIM NG GABING MADILIM, may nakatirik na maliit na bahay na gawa sa tabla at kahoy. Nakapuwesto ito malapit sa kakahoyan sapagkat ang lugar ay probinsiya. Tahimik. Napakalayo ng distansya ng bawat kabahayan kaya malabo ang iyong maririnig na kahit na anong tunog galing sa kapitbahay. Subalit, sa loob ng bahay na iyon, mauulinigan ang mga palahaw ng isang batang babae, kung saan sumasalungat ang ingay na nagawa nito, sa kapayapaan ng gabi. Ang batang babaeng iyon ay may napakapait na buhay."'Nay tama na po. Pakiusap—"Hindi na nito nagawang tapusin ang kaniyang sinasabi dahil pinalo ulit ng sariling ina ang kaniyang likod, gamit ang kahoy.
CHAPTER 1KALILA MADISON RAMIREZLUNES NA NG UMAGA. Unang araw ng klase ngayon kaya naman, todo handa ako sa mga gamit ko pang-eskwela kahapon. Maaga akong nagising ngayong araw kahit dati naman, lagi akong late gumigising at pumapasok sa paaralan. Nakasanayan ko na ang bagay na ito, kaya't nakapagtatakang ngayon ay maaga ako. Masyado lang siguro akong excited.
Chapter 2KALILA MADISON RAMIREZUNANG ARAW pa lang pero pakiramdam ko parang isang linggo na ang lumipas. Kasi naman, ang mga teachers dito, pumapasok lahat. Present sila at bawat isa ay may kani-kaniya nang pinapagawa sa amin.Akala ko, katulad sa eskwelahan namin dati na kapag nagpapakilala kaming lahat, nauubos na ang buong oras para sa subject. Dito kas
Chapter 3KALILA MADISON RAMIREZNASA BAHAY AKO ngayon at nagfi-facebook sa laptop. Nang makauwi ako kanina, agad akong nagbihis at heto't dumiretso sa pagla-laptop. Kahit pumasok lahat ng subject teachers, wala pa naman silang pinapagawa sa amin kaya malaya akong sinusulit ang maluluwag na oras.Wala pa si Mommy sa bahay dahil alas siete pa naman ang uwi ni
Chapter 4KALILA MADISON RAMIREZNagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Parang may kagulahang nagaganap. Inabot ko ang aking cellphone na nasa bedside table upang tingnan ang oras.5:32pa ng madaling araw. Bakit kaya ang ingay na sa labas?Hinawi ko ang kumot at tumayo na sa kama. Lumaba
Chapter 5KALILA MADISON RAMIREZNAGHUHUGAS ako ng kamay dito sa Comfort Room. Iniwan ko muna sandali si Lorelei sa canteen pagkatapos naming kumain para pumunta rito.Nang matapos na akong maghugas, lumabas na ako ng girl's cr. Pagkalabas ko, may nakita akong lalaki sa tapat ng boy's cr na katabi lamang din sa pambabae. Nakatalikod ito sa akin at may kausap sa cellphone. Habang naglalakad, hindi ko sinasadyang marinig ang
Chapter 6ROSA REYESKASALUKUYAN akong nakaupo sa harapan ng salamin at nagsusuklay. Sinusuklayan ko ang aking magagandang buhok habang humuhuni. Tutok na tutok lamang ang aking mga mata sa repleksyon ng aking mukha sa salamin. Kalaunan, bigla na lamang akong napatawa ng pagak hanggang sa ang tawang iyon ay naging isang malakas na halakhak. Kitang-kita ko sa salamin kung paano nag-iba ang aking magandang mukha sa paraan ng aking pagtawa.
Chapter 7KALILA MADISON RAMIREZSABADO NGAYON. Tirik na tirik na ang araw nang bumangon ako. Niligpit ko ang aking higaan at agad na bumaba."Tanghali na Kalila. Kumain ka na rito," bungad sa akin ni Nanay Belinda.Pumasok na siguro si Mommy dahil h