Kinabukasan ay abala si Yuna sa pagtatrabaho sa kanyang studio pansamantala kasi ay wala siyang assistant dahil si Myka ay nasa isang business trip kaya kinakailangan ni Yuna na magsipag at magtrabaho talaga araw araw. Sa kanyang kaabalahan ay bigla siyang ginambala ng kanyang isa pang assistant na si Lyn."Boss, may bisita po kayo sa baba at pinahanap kayo"sabi niyo."Sige paki sabi bababa na ako" sagot ni Yuna.Bigla nitong itinigil ang ginagawang sketch at nagmamadaling bumaba.Nagulat si Yuna nang makitang si Jessie ang naghihintay sa kanya sa ibaba. Nang makita ni Jessie na pababa si Yuna ay ngumiti ito at binati pa siya.Pagkatapos ay direktang tinanong siya."Yuna naibalik mo na ba kay Felix yung bag ?" tanong agad nito sa kanya.Napataas ng kilay si Yuna at hindi akalain na nagpunta lamang ang babae roon para tanungin ang mga ganung bagay."Oo, naibalik ko na" tamad na sagot ni Yuna sagot ni Yuna pero mahinahon ang boses. Pagkatapos ay tinanong ng sarcastic ang babae."Miss Jes
Pagdating sa shop ni Yuna sa kanyang shop. Hindi inaasahan, nang buksan ang pinto, gulo ang buong studio, at wasak ang lahat sa loob.Natigilan si Yuna at tinanong si Lin"Lin, ano ang nangyari? Nakawan ba ang studio kagabi?""Hindi ko alam Boss, ngayon lang ako nakarating dito." Nalilito din si Lin."Nasaan ang Anna? Pumasok na ba siya?" Tanong ni Yuna"Hindi pa po.Wala pa nga don po yun.Nakapagtataka nga dahil late na eh kadalasan maaga yun eh" sagot ni Lyn."Oo nga, pasado alas nueve na ng umaga." Doon lamang parang naalala ni Yuna ang oras. Biglang nagkaroon ng masamang pakiramdam sa kanyang puso at inutusan si Lin."Pumunta ka sa bodega at tingnan kung naroon pa ang batch ng mga bagong disenyo ng damit" utos niya. Nagmadali naman si Lin na nagpunta sa sa bodega.Tumakbo si Yuna paakyat sa ikalawang palapag. Magulo din ang kanyang opisina, at nadurog ang buong laptop niya.Biglang nanlamig si Yuna. Namutla ang kulay ng mukha niya at yumuko siya para hanapin ang mga drawings niy
Lumabas ng istasyon ng pulisya na halos tulala. Nalilito talaga siya at hindi alam kung paano ipapaliwanag ang mga bagay na nagyari. Pagkatapos mag-isip tungkol dito, nagpasya siyang tawagan si Patrick.Natahimik sandali si Patrict matapos sabihin ni Yuna ang mga natuklasan, at pagkatapos ay inaliw siya nito upajg hindi na siya magalala. "Huwag kang mag-panic, magpapadala ako ng isang tao para hanapin ang kinaroroonan ni Anna.Pagbabayarin natin ang tauhan mo na yan sa abala at krimen niyang ito" " "Talaga? Mahanap mo ba siya?" "Susubukan ko." Sabi sa kanya ni Patrick at ibinaba ang telepono. Inabutan siya ni Xia ng isang tasa ng kape at nagtanong."Boss Patrick, tutulungan mo ba talaga si Miss Yuna na mahanap si Anna?" Umupo si Patrick sa sofa na may eleganteng postura, binuklat ang mga dokumento sa kanyang kamay at nagtanong, "Kung lalabagin ni Yuna ang kontrata sa ating ABB Group, magkano ang kabayarang kailangan niyang bayaran?" Sumagot si Xia "Gumastos tayo ng 50 milyong s
Nakita din ito ni Jessie, ngunit sa pagkakataong ito ay nagkunwari siyang hindi ito nakikita. Ayaw niyang pumunta si Felix at magmalasakit na naman kay Yuna, at mas natakot siya na malaman ni Felix ang nangyari kay Yuna ngayon. "Felix, medyo pagod na ako" Biglang hinila ni Jessie ang manggas ni Felix. Sinulyapan ni Felix ang kamay ni Jessie."Tara na, iuuwi na kita." Palihim na nakahinga ng maluwag si Jessie."Doc.....Doc, tulungan niyo po siya."tawag ni Jhong sa doktor na talagang nagaalala.Dinala ni Jhong si Yuna sa hospital dahil nawalan ito ng malay dahil sa taas ng lagnat siya.Nakasandal ito sa mga braso niya na namumula ang mukha.Nagpunta si Jhong sa ABB group ng umagang iyon upang talakayin ang kooperasyon sana niya sa kumpanya. Palabas na sila ng building ng mapansin na maraming tao ang nagtipon sa labas ng building. Lumapit siya at nakita niyang si Yuna ang pinagkakaguluhan.Nasa semento iyo st walang malay. Kaya agad niya itong tinulungan.Kaya heto ngayon at dinala niya
"Anong pinagsasasabi mo?" Napag usapan na nila ito noong araw na iyon, at ngayon, dapat ay wala na silang relasyon sa lahat, maliban sa panahon ng deadline at makuha ang sertipiko ng diborsyo."Gusto mo ba ng dalawang bote ng fluid " Umupo si Felix at tinanong siya."Oo, sige." Hindi alam ni Yuna ang sasabihin, kaya inalis niya ang kamay nito at ipinagpatuloy ang pagkain ng lugaw.Nakita ni Felix ang paglaban nito at medyo masama ang mukha nito, at biglang inalis ang lugaw sa harap nito.Bahagyang natigilan si Yuna, tumingin sa kanya.Ano ba?""Paano ka gagaling? Anong sustansya ang makukuha mo sa pagkain ng lugaw lang " Napalingon si Felix at biglang sumigaw."Marlon.....!" Dumating naman si Marlon na may dalang lunch box na may ilang patong na layer, na naglalaman ng ilang klase ng pagkain, na pawang mga paborito ni Yuna."Madam, ito po yung ulam na pinagawa ng asawa mo sa Renz Restaurant, na pawang paborito mo." Pagmamalaki ni Marlon.Si Yuna ay lubhang nalilito, bakit niya alam
Nakinig si Felix sa mga sinasabi nito, hindi niya alam ang iniisip nito, at lalong dumidilim ang kulay ng kanyang mga mata."Ang lamig....." Bigla niyang niyakap ang sarili, nanginginig si Yuna sa lamig.Malamig talaga, parang nababad ang buong katawan ko sa tubig na yelo, at umabot sa buto niya ang lamig.Gusto niyang bumaloktot at magkumot ng sampong doble.Niyakap siya ni Felix, na para bang nagbibigay ng init, at humiga ito sa loob ng kumot, hinayaang siya nito sumandal sa kanyang mga braso.Hinipo ni Yuna ang dibdib nito ang pinagmumulan ng init at lalong nagsumiksik doon nang malapitan, ang maliit na mukha nito ay lalojg sumiksik sa dibdib nito, nanginginig habang sinasabi."Ang lamig Felix..ang lamig...""Huwag ka ng magalala, nandito na ako." Pinaikot siya ni Felix ng dahan dahang hinahaplos ang mahabang buhok niya at hinagod hagod ang kanyang likod.Niyakap naman siya ni Yuna nang mahigpit, ang mga kamay nito ay nasa leeg niya, na gusto ng mas maraming init.Kinailangan ni Fel
May pumasok na doktor kasunod si Doc Shen na nagkataong isa sa kanila. Nang makita niya ito ay namula si Yuna at nagtago sa ilalim ng kumot.Katatapos lang maligo ni Felix nang makita ito ni Shen, hindi niya maiwasang ng doctor na itaas ang kilay at nakangiti na sinabi."O, mukhang lumalala ang pasyente dahil ikaw ang bantay. Bakit nandito ka pa" "May sakit pa siya, kailangana ko siyang alagaan diba?." Hindi naman nahiya si Felix dahil si Sjen naman sng kausap. Dahan dahan niyang inayos ang kanyang manggas at lumapit kay Shen."Kumusta na siya ngayon?" Pagdating sa profesyun ay ibsng usapan na, bumalik si Shen sa seryosohan at sinabing."Tinamaan lamang si hipag ng Flu at matinding sipon dahil sa panahon. Ngayon ay humupa na ang lagnat. Hindi naman ito malaking problema. Magreseta na lang ako ng gamot at ipainum mo sa kanya sa oras" sabi ni Doc.Shen"Okay, sige" Kalmado si Felix. "Kailangan magpahinga ni Yuna kaya huwag mo siyang pagurin" bilin pa ni Shen habang nangingiting naka
Kuha na niya na kung hindi siya magsisikap, ang kanyang asawa ay mananakaw ng iba. Mukhang impiyerno ang pakiramdam si Felix at walang pakialam na sinabi,"Subukan lang niyang maglakas ng loob...!."Samantala, Pagkaalis ni Jhong ay muling bumalik sa pagtulog sandali si Yuna. Paggising niya ay gabi na, at ang langit ay tila payapang napapalamutian ng mgabituin at mala bulak na mga ulap. Maganda ang kalangitan ngunit hindi ang pakiramdam ni Yuna.Nakabawi na ng lakas si Yuna kahit papaano at habang naiinip ay nagpunta sa hardin para mamasyal. Habang naglalakad, nakita niya ang isang pamilyar na pigura, ito ay si Jessie. Itinulak nito ang isang lalaking nakauniporme ng driver habang pinipigilang si Jessie na papasok. Ang mukhang laging nakangiti ay medyo galit na ngayon."Shiro, hayaan mo na ako, ano Ba?""Miss, Jessie huwag na kayong tumuloy, alam ko na ang sikreto mo, mas mabuting makinig ka sa akin." Ang lalaki ay driver ng ina ni Jessie. Itinaas ni Jessie ang kanyang kilay at nag
Isang araw, bigla siyang nakaramdam ng hindi komportable sa pakiramdam.Marahil nagsimula ito sa sandaling naramdaman niyang narating na ni Yuna ang isang destinasyon sa magkaibang landas.Nang makita ni Lester si Patrick, lumabas ito ng kotse, dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at nagtanong,"Boss Patrick, maaari ba akong magtanong sa iyo?" Walang sinabi si Patrick kaya tinanong ito ni Lester ng deretso. "Ano ang relasyon mo ngayon sa asawa ng amo ko?"Itinaas ni Patrick ang kanyang mga labi at ngumiti, "Inutusan la na ni Felix para magtanong ng ganyan?""Hindi, gusto ko sanang itanong sa sarili ko." Tumayo ng tuwid si Lester at magiliw na nagpayo,"Si Boss Patrick ay isang matalinong tao. Dapat niyang makita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng aking Boss sa asawa niya. Kung si Boss Patrick ay may kaalaman sa sarili, dapat niyang layuan ang aming Madam. Pagkatapos ng lahat, ang sinumang makasakit sa aming Madam ay magdurusa." Sabi nito."Ang dapat na lumayo kay Yuna ngayo
Pero anumang pilit niYuna mapait talaga ang kape amerikani sa kanya epro hindi niya iyong iponahalata kay Felix. Sa harap nito ay hindi siya magpakita ng kahinaan at hinding-hindi siya dapat maakit sa kaguwapuhan nito ngayon.Dati siyang isang simpleng tao, kung saktan siya ng iba, nakakalimutan niya agad, at nagpapatuloy sa pagiging masaya. Dahil ayaw niyang parusahan ang kanyang sarili dahil sa pagkakamali ng iba.Pero simula nang maipasok ang kanyang ama sa ICU, at ayaw ni Felix na parusahan si Rowaena, nagpasiya si Yuna na parusahan ang kanyang sarili.Pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa pagmamahal sa taong hindi niya dapat mahalin. Pinaparusahan din niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, nasaktan ng ganito ang kanyang ama. Mula noon, ayaw na niyang maging masaya.Parang naunawaan din ni Felix ang ibig niyang sabihin, at naging bahagyang malalim ang kanyang boses,"Ano ang gusto mong gawin?" Tumingin siya, at n
Kinabukasan ay maagang nangtungo si Yuna sa Shop.Naabutan niyang abala si Myca sa pagpili ng ibat ibang sample ng tela. Pagbukas ng pinto ay nagtaas ito ng tingin at nakita siya .Nabakas niya ang kaligayan pero pagkagulat sa mga mata nito."Yuna...""Boss, nakabalik ka na!" Sabi naman ni Lin na katuwang ni Myca."Magandang araw sa lahat!" Bati ni Yuna sa ilang tauhan at ngumiti kay Lin, at pagkatapos makipag-usap ng sandali, inalalayan niya si Myca paakyat sa opisina sa ikalawang palapag.Namumula ang mga mata ni Myca habang tinitingnan siya, "Yuna, natutuwa akong makita ka, kakalabas mo lang mula roon, hindi ka ba magpapahinga kahit lang araw man lang ?" Sabi ni Myca. Labis nipang ikinalungkot ng makulong si Yuna."Hindi na, wala naman akong gagawin." Tumingin si Yuna sa matambok na tiyan ni Myca."Sino ba ang nahihirap ha, ilang linggo na lang ba bago lumabas ang baby pero nagtatrabaho ka pa rin?"Tumingin si Myca sa kanyang tiyan, at naglabas ng dila, "Ganyan din ang sinasabi n
Medyo natulala si Yuna, hindi niya maintindihan ang nababasa sa mga mata ni Patrick. Pero para kay Yuna dapat ay wala ng madamay pa, dapat ay siya ang gumawa upang mapanatag ang kalooban niya. Sa kanya may atraso si Rowena kaya dapat sa mga kamay niya rinamgbayad ang babae. Kaya sa huli ay umiling siya,"Hindi na, Kuya Patrick, alam kong hindi ka rin masaya sa pamilya mo at may mga sarili ka ring problema, ikaw at ang iyong kuya ay magkalaban din diba. Mahirap din ang iyong buhay."Sinabi na sa kanya ni Myca dati, na si Petrick ay dumating lang sa pamilya Perez, at parang anak lamang sa labas, ang kuya nito ang tagapagmana, kaya't si Patrick, ang bagong ikalawang anak na lalaki, ay hindi masaya sa pamilya Perez.Yumuko si Patrick na tila napahiya at nainsulto bago muling tumingin kay Yuna."Okay lang, kaya kitang tulungan." Pero ilang ulit pa ring umiling muli si Yuna, at bahagyang lumabas ang kanyang mga dimples, sinabi niya kay Patrick,"Kuya Patrick, ayaw kong maging pabi
"Yuna!" Nag-iba ang tono ni Felix, at hinabol siya."Mr. Felix, itigil mo yan, hindi na tayo ganoon na magkakilala pa baka nakakalimutan. Mo wala na tay9ng konektion pa, huwag mo akong sundan pewde ba?" singhal nibYuna.Nang makarating si Yuna sa gilid ng kalsada, huminto ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana, at muli niyang nakita ang nakakainis na mukha ni Patrick, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Yuna,"Yuna, nandito ako para sunduin ka." Ngumiti si Yuna ngvubod ng tamis, at sasakay na sana sa sasakyan, ngunit hinawakan na naman siya ni Felix sa kamay, ang kanyang guwapong mukha ay parang isang walang buhay na estatwa,"Huwag kang sumama sa kanya Yuna." "Sino ka ba para bawalan ako?" Sarcastic na ngumiti si Yuna, garapal niyang sinabi, "Hindi tayo magkakilala, huwag kang kumilos na parang aso na palaging nakasunod sa akin, nakakainis na." Pagkatapos sabihin iyon, sumakay na si Yuna sa sasakyan.Ngunit bagi isara ang pinto ay tumingin ulit kay Felix, bakas ni Yu
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p