"Hindi ko tatanggapin ang kahit na anong kapalit o paghingi ng tawad ng kung sino ang gumawa nito" sabi ni Felix na hindi itinago ang galit sa mukha kaya biglangnamumutla ang mukha ni Yuna."Ang bagay na ito ay kasalanan ko Felix.Wala itong kinalaman kay Myca" sabi pa ni Yuna."Malapit nang magpakasal si Myca, huwag mo sanang sorain ang pinakahalagang araw ng buhay niya.Ako ang angay kasalaman ng lahat.Ako ang haharap sa responsiblidad. okay?" Pakiusap pa ni Yuna.Kung alam lamang ni Yuna na magiging ganito ang mga bagay, hindi na sana sinabi ni Yuna kay Myca ang tungkol kay Rowena at maging ang mga napapansin niya dito kaninang umaga.Ngunit ngayon ay puno ng panghihinayang ang puso ni Yuna, dahil ngayon na nagkaroon sila nangaway siya kay Felix at nagsisisi na siya sa sinabi kay Myca ang tungkol kay Rowena. At alam niya na ginalit talaga niya si Felix.Ngunit alam din ni Yuna na hindi madaling makipag-usap kay Felix ngayon.Lalo na at tumingin itosa kanya ngayon gamit ang napakalam
Sa tuwing nag-uusap sila tungkol kay Rowena, ay nagdudulot ito ng masama, pero kapag tumalikod siya, siya na naman ang may kasalanan.At yun ang lalong nagpapasikip ng dibdib ni Yuna.Sa mas maraming beses na ginagawa niya ito, at palago lanh siya ang lumalabas na mali pagkatapos ay hindi na siya bibigyan ng pansin ni Felix."Anong bang mood ang sinasabi mo?"pero hindi naman matuloy ni Yuna kung ano iyon.Sumulyap si Yuna kay Felix at ang kanyang ekspresyon ay tila lumambot na nang husto. Sa pakiramdam ni Yuna na medyo bumaba na ang ang ang galit niya ay bumulong si Yuna."Kung ayaw mo akong umalis, pwede bang kalimutan na lang nating ang mga bagay na nangyari ngayo" hiling ni Yuna"Sa tingin ko ay pumunta ka lang sa akin dahil ka Myyca, kung dahil sa kanya ay tiyak na hindi mo man lang ako gustong kakausapin diba? "Hindi nakakibo si Yuna dahil Totoo iyon. Kung hindi dahil kay Myca, hindi siya magiging ganoon katapang para akitin si Felix, pero ganun pa man ay hindi pacrin at
Biglang nahiya si Yuna kay Felix dahil tinanghali siya ng gising pero hindi naman siya nito masisisi dahil pinagod siya ng asawa.Ngumiti ng makahulugan si Felix ng masulyapan si Yuna na palapit sa lamesa.Umupo si Yuna sa tabi ni Felix."Buti nakatulog ka nang mahimbing napagod ka ba? Tanong ni Felix ngunit kakaiba ang ngiti."Parang hindi naman" simpleng pangaasar ni Yuna sabay dampot ng isda at kumagat ng dalawang malaking hiwa."Mukha ring nagutom ka"muling panunukso ni Felix.Tumingin lamang si Yuna sa asawa at pinandilatan ito ng mga mata bago nagaalalang nagtanong."Gusto mo bang papanagutin ko siya o gusto mo bang hindi ko na siya papanagutin.?""Syempre, Ayoko noh!" sabi ni Yuna ng walang pagaalinlangan at hindi na nagisipNanulis ang nguso ni Felix kaya lalong nanging kaakit akit ang mga labi nito."Sinabi ko nang hindi, at tapos na ang bagay na ito ha" sabi ni Felix ng nakangiti.Nakita ni Felix ang ilang hickey sa kanyang leeg at nagtanong,"Masakit ba yan? " Sinabi ni Fel
"Huwag kang magsusuot ng ganyan kataas na sapatos ngayon. Ikaw ang abay na babae at kailangan mong sundan ang nobya kung saan-saan. Nakakapagod magsuot ng ganyan kataas na sapatos"sabi nito.Tumanggi si Yuna dahil gusto niyang magsuot ng kristal na mataas na takong.Mukhang malungkot si Felix kaya, lumapit kay Yuna at direktang binuhat ang asawa at pinipigilan siyang magsuot ng matataas na takong na iyon. "Napakatangkad mo na, hindi mo na kailangan ng high heels para makakuha ng momentum, ayokong mapagod ka sa Kasal ni Myca" seryosong sabi ni Felix.Sumimangot si Yuna."Bakit lagi mo akong inaalala at pinababantayan.?" Natuklasan kase ni Yuna kamakailan na ang kanyang asawa ay masyadong mahigpit sa kanya at binigyan pa siya ng curfew na hanggang alas-nuwebe ay kailangang na niyang umuwi."Makinig ka na lang." nakasimangot na sabi ni Felix, naghanap ng isang pares ng puting flat shoes at isinuot ito para sa kanya. "Ito na ang isusuot ko ngayon, huwag ka nang massusuot ng matatangkad
Natataranta na ang lahat maging ang ina ni Myca. Puno ng takot at paalala ang mukha ni Nanay nito,"Myca, nasan ka, ano ang ginagawa mo, saan ka nagpunta? Anong problema?" Bulong ni Yuna."Tita, huwag kang masyadong mag-alala? hanapin po muna naton siya baka naman naroyan lang o nakaidlip kaya." Sani ni Chino.Sumulyap si Yuna kay Chino at naramdaman niyang tila masyado kalmado si Chino hindi malamang dahilan.Eto ang groom at ang bride niya ang nawawala pero parang mas nagaalala pa ang bisita lesa sa kanya.Si Yuna ay may masamang premonisyon sa kanyang puso Tinawagan niya si Myca sa kanyang mobile phone, ngunit hindi niya ito matawagan parang nakapatay ang cellphone nito.Dahil hindi pa makita si Myca,Pansamantalang sinuspinde ang seremonya ng kasal. Pagsapit ng alas otso, nagsimulang hanapin ng pamilya ni Myca ang dalaga buong hotel. Muli namang tinawagan ni Yuna si Myca habang wala rin itong tigil sa paghahanap.Pero kahit ilang beses siyang tumawag, laging naka-off ang cell ph
Napakahina ng boses ni Myca na humugot muna ng malalim na hininga bago sumagot."Ngayon lang sa kasal, may nalaman akong napaka seryosong bagay. Hindi ko dapat mapapangasawa si Chino.Kung mangyari iyon, baka makipaghiwalay din ako sa kanya" "Ano? bakit?" Alam ni Myca na magagalit at mabibigla si Yunakapag narinig niya ito lahat."Sabihin mo sa akin ang dahilan. May babae ba siya ha?" muling tanong ni Yuna. Natahimik si Myca saglit, pagkatapos ay mahinang sinabi."Oo" sabay narinig ni Yuna na medyo humikbi ang kaibigan sa kabilang linya.Napabuntong-hininga si Yuna."Walng hiyang lalaki iyon paano nangyari. Sino ang walang hiyang babae.Naku huwag magpapakita sa akin ang Chino na yan kakalbuhin ko siya"gigil na sabi ni Yuna. Parang pati gigil niya kay Rowena ay inilabas na niya."Hindi na magaganap ang kasal. Maaaring kailanganin nating i-refund ang mga regalong ibinigay ng lahat mamaya o bukas. Maaari kang bumalik at magpahinga na. Mananatili akong mag-isa ng ilang araw Yuna" sabi ni
Kinabukasan, bumaba si Yuna at narinig niyang sinabi ni Manang Azun na hindi na bumalik si Felix kagabi.Tumayo si Yuna sa hagdan at nginisian lamang ang balitang iyon.May bago pa dapat ba ba siyang magtaka.Ngayon ang taunang bakasyon Napakaraming bakanteng oras pero parang biglang hindi alam ni Yuna kung ano nang mga pwedeng gagawin.Kahit hindi maganda ang pakiramdam sa natanggap na balita kahit mabigat ang dibdib at kahit halos kulang na lang ay ipagluksa niya ang damdamin pinilit pa rin ni Yuna na libangin ang sarili. Lumabas siya para mamasyal kahit saglit man lang at gusto niyang kalimutan ang nararamdamang sakit sa kanyang puso.Bigla nakatanggap si Yuna ng tawag mula sa wedding photography company.Sinabi doon na ang kanyang damit pangkasal ay naayos na at ipinadala na sa kanyang shop ng araw din na iyon.Naalala bigla ni Yuna na ngayong araw na pala nakatakda ang dapat ay pagpapakuha nila ni Felix ng larawan para sa pre wedding photo. Sinabihan pa nga sya nito na huwag mala
Halos manlaki ang mata ni Yuna sa nakita. Namamaga ang mga labi ni Myca at may malalalim na kulay ube ng bakas ng hickey sa buong collarbone ng leeg nito. Natigilan si Yuna..."Myca, ano ka ba?Anong ibig sabihin nito. Anong ginagawa mo?" Bumuntong-hininga si Myca at pinanghinaan ng loob na nagsabi. "Masyado akong uminom kagabi at natulog akong kasama ang isang di ko kilalang lalaki?" Sagot nito."Nakipag one night stand ka? Bakit?Anong nanyari?" Tanong ni Yuna sa kanya habang nakahawak sa kamay ni Myca."Yuna, uminom ako ng sobra kagabi. Isang oras bago ang kasal, nakasuot pa nga ako na aking damit-pangkasal.Pero pagkatapos ay nakatanggap ako ng ilang masasamang mensahe sa messages box ko" kuwento ni Myca."Sa mensaheng iyon ay nakita ko na may mga larawan sa kama ni Chito kasama ang mismong kapatid ko na si Marian" kuwento ni Myca.Ang istraktura ng pamilya ni Myca ay kumplikado. Ang ama ni Myca ay iba habang ang iba rin ang ama ng iba pa niyang kapatid tulad ni Marian ay iba p
Isang araw, bigla siyang nakaramdam ng hindi komportable sa pakiramdam.Marahil nagsimula ito sa sandaling naramdaman niyang narating na ni Yuna ang isang destinasyon sa magkaibang landas.Nang makita ni Lester si Patrick, lumabas ito ng kotse, dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at nagtanong,"Boss Patrick, maaari ba akong magtanong sa iyo?" Walang sinabi si Patrick kaya tinanong ito ni Lester ng deretso. "Ano ang relasyon mo ngayon sa asawa ng amo ko?"Itinaas ni Patrick ang kanyang mga labi at ngumiti, "Inutusan la na ni Felix para magtanong ng ganyan?""Hindi, gusto ko sanang itanong sa sarili ko." Tumayo ng tuwid si Lester at magiliw na nagpayo,"Si Boss Patrick ay isang matalinong tao. Dapat niyang makita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng aking Boss sa asawa niya. Kung si Boss Patrick ay may kaalaman sa sarili, dapat niyang layuan ang aming Madam. Pagkatapos ng lahat, ang sinumang makasakit sa aming Madam ay magdurusa." Sabi nito."Ang dapat na lumayo kay Yuna ngayo
Pero anumang pilit niYuna mapait talaga ang kape amerikani sa kanya epro hindi niya iyong iponahalata kay Felix. Sa harap nito ay hindi siya magpakita ng kahinaan at hinding-hindi siya dapat maakit sa kaguwapuhan nito ngayon.Dati siyang isang simpleng tao, kung saktan siya ng iba, nakakalimutan niya agad, at nagpapatuloy sa pagiging masaya. Dahil ayaw niyang parusahan ang kanyang sarili dahil sa pagkakamali ng iba.Pero simula nang maipasok ang kanyang ama sa ICU, at ayaw ni Felix na parusahan si Rowaena, nagpasiya si Yuna na parusahan ang kanyang sarili.Pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa pagmamahal sa taong hindi niya dapat mahalin. Pinaparusahan din niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, nasaktan ng ganito ang kanyang ama. Mula noon, ayaw na niyang maging masaya.Parang naunawaan din ni Felix ang ibig niyang sabihin, at naging bahagyang malalim ang kanyang boses,"Ano ang gusto mong gawin?" Tumingin siya, at n
Kinabukasan ay maagang nangtungo si Yuna sa Shop.Naabutan niyang abala si Myca sa pagpili ng ibat ibang sample ng tela. Pagbukas ng pinto ay nagtaas ito ng tingin at nakita siya .Nabakas niya ang kaligayan pero pagkagulat sa mga mata nito."Yuna...""Boss, nakabalik ka na!" Sabi naman ni Lin na katuwang ni Myca."Magandang araw sa lahat!" Bati ni Yuna sa ilang tauhan at ngumiti kay Lin, at pagkatapos makipag-usap ng sandali, inalalayan niya si Myca paakyat sa opisina sa ikalawang palapag.Namumula ang mga mata ni Myca habang tinitingnan siya, "Yuna, natutuwa akong makita ka, kakalabas mo lang mula roon, hindi ka ba magpapahinga kahit lang araw man lang ?" Sabi ni Myca. Labis nipang ikinalungkot ng makulong si Yuna."Hindi na, wala naman akong gagawin." Tumingin si Yuna sa matambok na tiyan ni Myca."Sino ba ang nahihirap ha, ilang linggo na lang ba bago lumabas ang baby pero nagtatrabaho ka pa rin?"Tumingin si Myca sa kanyang tiyan, at naglabas ng dila, "Ganyan din ang sinasabi n
Medyo natulala si Yuna, hindi niya maintindihan ang nababasa sa mga mata ni Patrick. Pero para kay Yuna dapat ay wala ng madamay pa, dapat ay siya ang gumawa upang mapanatag ang kalooban niya. Sa kanya may atraso si Rowena kaya dapat sa mga kamay niya rinamgbayad ang babae. Kaya sa huli ay umiling siya,"Hindi na, Kuya Patrick, alam kong hindi ka rin masaya sa pamilya mo at may mga sarili ka ring problema, ikaw at ang iyong kuya ay magkalaban din diba. Mahirap din ang iyong buhay."Sinabi na sa kanya ni Myca dati, na si Petrick ay dumating lang sa pamilya Perez, at parang anak lamang sa labas, ang kuya nito ang tagapagmana, kaya't si Patrick, ang bagong ikalawang anak na lalaki, ay hindi masaya sa pamilya Perez.Yumuko si Patrick na tila napahiya at nainsulto bago muling tumingin kay Yuna."Okay lang, kaya kitang tulungan." Pero ilang ulit pa ring umiling muli si Yuna, at bahagyang lumabas ang kanyang mga dimples, sinabi niya kay Patrick,"Kuya Patrick, ayaw kong maging pabi
"Yuna!" Nag-iba ang tono ni Felix, at hinabol siya."Mr. Felix, itigil mo yan, hindi na tayo ganoon na magkakilala pa baka nakakalimutan. Mo wala na tay9ng konektion pa, huwag mo akong sundan pewde ba?" singhal nibYuna.Nang makarating si Yuna sa gilid ng kalsada, huminto ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana, at muli niyang nakita ang nakakainis na mukha ni Patrick, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Yuna,"Yuna, nandito ako para sunduin ka." Ngumiti si Yuna ngvubod ng tamis, at sasakay na sana sa sasakyan, ngunit hinawakan na naman siya ni Felix sa kamay, ang kanyang guwapong mukha ay parang isang walang buhay na estatwa,"Huwag kang sumama sa kanya Yuna." "Sino ka ba para bawalan ako?" Sarcastic na ngumiti si Yuna, garapal niyang sinabi, "Hindi tayo magkakilala, huwag kang kumilos na parang aso na palaging nakasunod sa akin, nakakainis na." Pagkatapos sabihin iyon, sumakay na si Yuna sa sasakyan.Ngunit bagi isara ang pinto ay tumingin ulit kay Felix, bakas ni Yu
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p